CHAPTER-8

2181 Words
TASHA Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang nangyari kahapon. Sobra-sobrang takot ang nararamdaman ko. Galit na galit siya. At hindi ko pa rin alam kung anong ikinagagalit niya. Mukhang ginawa na niyang hobby talaga ang sindakin ako. Wala sa loob na napahawak ako sa aking dibdib. Naiiyak pa rin ako sa tuwing maalala ko ang galit niyang mukha. Ang tila nag-aapoy niyang mga mata. Ang pagsalya niya sa akin sa pader. At ang-- Bakit niya ginawa 'yon? Inalala ko lahat ng mga nangyari kahapon. Ang mga posibiling nagawa ko na maari niyang kinagalit. "Anong ginawa n'yo pa ni Zyron?" 'yon ang galit na galit niyang tanong sa akin. Paulit-ulit na nagre-replay sa isip ko. Iniisip niya ba na nilalandi ko ang kapatid niya? Napasimangot ako. But then, the emotions I was suddenly saw in his eyes flashing back at my head. Ayaw kong manghinala at mag-assume. But the idea keeps tickling my brain. Is he jealous? Pero bakit? I shookt my head! Bakit naman siya magseselos? "Bakit kanina ka pa d'yan pasilip-silip sa kuwarto ni kuya?" muntik na akong mapatalon sa gulat nang marinig ko ang boses ni Senyorito Zyron mula sa aking likuran. Napahilot ako sa umalon kong dibdib. Napairap ako nang mabungaran ko ang nakangisi niyang mukha! Muli akong tumanaw sa pintuan ng kuwarto ni Beast! Magtatanghali na ay hindi pa rin ito nababa. Kuwarto na lamang nito ang hindi ko natatapos linisin. “Nami-miss mo na ba si kuya Zat?” ang may tonong panunukso nitong tanong na siyang kinabuka ng bibig ko. Natawa siya sa reaksyon ko. “Wala siya d’yan. Kagabi pa!” ang sabi nito sa pagitan ng pagtawa. “He went away for a moment to heal his wounded heart,” dagdag pa nito at mas lalong natawa na akala mo’y ‘yon ang pinakamatinding joke na natagpuan ng bibig niya. Maang akong napatingin sa kan’ya. Nangunot ang noo ko’t napangiwi sa sinabi niya. Nang mga sandaling iyon nahiling kong maging seryoso na sana lamang lagi ito tulad ng dati! “Kahit hindi mo aminin, alam kong takot ka kay kuya Zat,” anitong tumigil na sa pagtawa, at bahagyang naging seryoso. Marahan akong napayuko. Iniisip ko kung sasabihin ko ba ang mga nangyari kahapon. Hindi ako makapagdesisyon. Nag-aalangan ako. “I know what happened yesterday,” ang imporma nito. Nabasa niya ba ang iniisip ko? I looked at him. Uminit ang magkabilang sulok ng mga mata ko. I want to cry while telling him what his brother really did to me. And I did cry. I just can’t help it... Lalo na kapag naalala ko ang takot na lomukob sa dibdib ko ng mga oras na iyon! Akala ko sasaktan talaga niya ako. “Hindi ko alam kung bakit siya nagalit,” ang naiiyak kong sabi. “Alam naman niya na magdadala lang naman ako ng pagkain at gamot para sa’yo.” I sniffed. “Pero galit na galit niya akong tinanong kung anong ginawa natin sa loob,” naging masagana ang luhang namalisbis sa pisngi ko. Ngayon ko nailabas nang lubos ang takot na naipon sa dibdib ko. Para iyong tubig sa dump na umaapaw at kailangan nang pakawalan upang hindi tuluyang sumabog ! At si Senyorito Zyron ang nasumpungan ko para mabuksan iyon. “Hey, hey… Sinaktan ka ba ni kuya kahapon?’’ nakakunot noo at masuyo niyang tanong. Ang tono niya’y kahihimigan rin ng pag-aalala. Hinawi ng mga palad ko ang luha sa mga pisngi ko. “Hindi naman… Pero galit na galit siya sa akin. Akala siguro niya nilalandi kita.’’ Napasimangot ako, at napasinghot-singhot. Natawa siya ng mahina. Lalo akong napasimangot at humaba ang nguso ko. “Hindi mo kailangang matakot sa kan’ya Tasha. Hindi ka niya magagawang saktan.” Napanguso akong lalo at napakunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon. Kahapon ay sinuntok niya ang dingding sa gilid ng ulo ko. Akala ko nga tatamaan niya ako e. Natawa itong muli ng mahina. Tinitigan niya ako, at naging seryoso ang mukha. “Believe me, He ca'nt hurt you. Hindi ka niya magagawang saktan dahil gustong-gusto ka niya.” Kung nagbibiro ito puwes, hindi nakakatawa. Hinihintay ko itong tumawang muli. Pero ang mukha niya ay nanatiling seryoso. Hindi kababakasahan ng kahit konting biro. Napalunok ako. “Kung nagbibiro ka hindi ako natatawa.” Ang nakairap kong sabi. Ang dibdib ko’y unti-unting binabaha ng kaba. Lalo akong binalot ng pangamba. Isusunod na ba niya ako sa mga naging biktima niya? “Natatakot ako Senyorito Zyron, paano kung gawan niya rin ako ng masama tulad—” “And did you really believe that? That my brother could do such thing, Tasha? To rape? ” bigla akong natameme. Napaiwas ako ng tingin. Hindi ako makaapuhap ng salita. Nakaramdam ako ng hiya, sa inasal ko. Kahit anong mangyari kapatid pa rin niya si Beast. Humugot ito ng hangin. “Not everything you heard from people are true. My brother never raped anyone. Actually, mga babae ang madalas na nag-hahabol sa kan’ya at nagpapakita ng motibo. Sa katunayan, mas gusto siya ng mga babae kaysa sa akin.” Natawa ito ng mahina. Hindi naman ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Parang gusto kong magprotesta sa sinabi niyang iyon ! ‘’Ikaw lang ang babaeng hindi nagpakita ng interest sa kan’ya. Unluckily , He likes you. ” Napabuka na ang bibig ko ng tuluyan. *** Tatlong araw siyang nawala sa mansyon. Hindi ko alam kung saan ito nagpunta. Naiinis ako sa sarili ko, dahil may pagkakataon na hinahanap siya ng mga mata ko. O, baka sanay lang talaga akong nabwebwesit sa araw-araw na paninindak nito sa akin? Mula nang magkausap kami ni Senyorito Zyron ay hindi na natahimik ang isip ko. Binabalik-balikan ng isip ko ang pag-uusap namin. Kung paano nito sinabi na gusto nga raw ako ni Beast! “Ako lahat ang may kasalanan. Alam kong nasa likod siya ng pintuan at nakikinig at nakasilip sa atin. I made him jealous.” Sa parting iyon ako hindi tinatantanan ng pag-iisip. Aaminin kong laging ‘yon ang laman ng isip ko at hindi talaga ako nakakatulog ng maayos sa nagdaang mga gabi. Ang akala ko namamalikmata lamang ako noong makita ko ang emosyon na iyon sa kanyang mga mata nang araw na iyon ! Ayaw ko rin naman na maging assuming kaya iniwasan kong sumaging muli iyon sa utak ko. Pero tama nga ako sa una kong sapantaha. He’s jealous. Inakala kong napaka-imposible na magka-gusto ito sa akin. Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi. Hindi ko inaasahan na sa napakamurang edad kong ito ay may magkaka-gustong gurang na Beast sa akin… Guwapong gurang na Beast ! Sansala ng isang bahagi ng utak ko. “Aalis-alis parang tanga! Sana huwag na siyang bumalik!” I annoyedly murmured. ‘Ni hindi ko nga alam kung bakit ako naiinis e! Halos patapos ko nang diligan ang lahat ng halaman sa harapang bahagi ng mansyon. Nang makarinig ako ng paparating na ingay ng sasakyan. Awtomatikong bumukas ang mataas na gate ng mansyon. Pumasok ang sasakyan na kilang-kilala ko kung sino ang may-ari. Parang may biglang kumalabog sa dibdib ko. “The Beast is back again.” Huminto ang sasakyan malapit sa aking kinaroroonan. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kanyang magarang sasakyan. I pretended like I did not bothered by his arrival. Kahit pa ramdam na ramdam ko ang mainit na titig ng mga mata nito sa akin. Napakagat labi ako nang maramdaman ko ang paglapit nito mula sa aking likuran. Nilakasan ko ang tubig. Gusto kong lunurin ang presensya nito mula sa ingay na nagmumula sa lagaslas ng tubig mula sa hose. Napapikit ako ng madiin, nang hawakan niya ang kamay ko at kunin sa akin ang water hose. Narinig ko ang paghugot niya ng buntong hininga kasabay ng pagpatay nito sa tubig. “Hindi mo na kailangan magpanggap na hindi mo napansin ang pagdating ko. Hindi mo man lang ba ako babatiin o, titignan man lang?” ang seryoso niyang sabi. Hindi ko masalubong ang tingin niya. “Anong gusto mong sabihin ko? Welcome back?” ang matapang kong tanong. Napatingin ako sa kan’ya at kitang-kita ko ang nakaguhit na gulat sa kan’yang mukha mula sa aking inasal! “G-galit ka pa rin ba dahil sa nangyari kahapon ?’’ tama ba ang narinig ko ? Nahimigan ko siya ng pagkataranta. His voice sounds a bit worried. Napalunok ako. He’s so tall. His frame is covering me from the sun! He could strangle my neck in one second! Pero mas nanaig sa akin ang paniniwalang hindi nga ako nito kayang saktan. “Bakit kase basta ka na lamang nagagalit nang walang dahilan? Lagi mo na lang akong sinisindak, nakakainis ka na!” ang inis ko nang sabi. Hindi kaya masyadong napanatag ang loob ko sa sinabi ni Zyron sa akin, kaya ganito na lang kalakas ang loob ko? E, paano kung mali pala kami ng akala at mainis ko siya’t bigla na lang niya akong sakalin? “Nagagalit ako, dahil ayaw kong nakikita kitang nakikipag-usap sa ibang lalake!” ang mataas ang boses nitong sabi. Parang biglang napikon sa katarayang pinakita ko sa kan’ya. Napatingin ako sa kan’ya bigla. Gusto kong malaman mismo sa bibig niya. But, for what for? Mahalaga pa ba ‘yon sa akin na manggaling mismo sa bibig niya na gusto niya ako? Pero bakit? “Bakit ayaw mong nakikipag-usap ako sa ibang lalake? Mapagbabawalan mo ba ako kung gusto ko?” ang nakairap kong tanong. Pero ang mga kalabog sa dibdib ko ay palakas nang palakas. “Ayaw ko, dahil nagseselos ako!” ang tila nawalan na ng pasensyang naibulaslas niya. Literal na napanganga ako. He’s towerring me. I just looked up to him, with a mouth wide open. Para akong tangang na-estatwa. Napasuklay siya sa kanyang buhok. “Zyron was right.” I murmured. I saw his face expression changed. His gaze became darker when he heard his brother’s name. “Huwag na huwag kang magbabanggit ng kahit na sinong lalake sa harapan ko. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Hindi mo alam ang kaya kong gawin, Tasha!” ang nag-iigting ang pangang anito. Sa ugali nito ay alam kong hindi lamang iyon isang pagbabanta. ‘’He can’t hurt you, believe me…” ang boses ni Zyron na iyon ang humahalina sa utak kong magmatigas! “You can’t hurt me…” ang wala sa sariling naibulong ko. Kumunot ang noo niya. Unti-unti itong humakbang palapit sa akin ng husto. As in malapit na malapit na halos ga-dangkal na lang ang pagitan namin! Napalunok ako nang yumoko ito’t idikit ang labi sa tainga ko. ‘’Kung ako sa’yo iwasan mong galitin ako, dahil ibang tao ang sasalo sa lahat ng galit ko, Tasha.” Paanas nitong sabi. Ngunit ramdam na ramdam ko ang bigat nang bawat salitang binitawan nito. Nanindig ang palahibo ko. Lalo na nang sumayad ang labi niya sa dulo ng aking tainga. Tatalikuran na sana ako nito. Ngunit biglang bumangon ang inis ko sa paninindak na naman niya ! “Diyan ka naman magaling e! Ang sindak-sindakin ako! Sa tingin mo ba mapipigilan mo akong makipag-usap at makipaglapit sa mga lalaking gusto kong kausapin? Masaya ka!” hindi ko napigilang nanulas sa bibig ko. Parang gusto kong bawiin lahat iyon nang makita ko ang lalong pagdilim ng kan'yang mukha. Ang pangngangalit ng kan'yang mga panga. Napalunok ako. Kinakabahan! Ngunit pinanatili ko ang peking tapang na nakalarawan sa aking mukha para sa kan’ya! Tumalikod na ito sa akin. Malalaki ang mga hakbang. Napasigaw ako sa gulat at takot nang bigla nitong inundayan ng suntok sa mukha ang tauhan nitong tahimik lamang na nakatayo sa 'di kalayuan. Dalawang beses niya iyong inudayan ng suntok! Nakita ko ang pagputok ng labi nito at ang pagdugo ng kan'yang ilong! Nanlalaki ang aking mga mata sa kahindik- hindik na nasaksihan! Napahandusay ang lalake sa lupa, dahil sa lakas ng mga suntok na sinalo nito. Tinadyakan rin niya iyon sa tagiliran kahit nakalugmok na sa lupa. Napahagulhol na ako ng iyak. Tatadyakan niya ulit sana pero umiiyak na pinigilan ko siya. Niyakap ko siya at inikot ko ang kamay ko sa baywang niya at pinigilan siya. Huminto naman siya pero malalalim pa rin ang hingal niya sa galit. Nakatingala siya. ‘’G-gagalitin mo pa ba ako ? Makikipag-lapit ka pa ba sa ibang lalake ?’’ ang matigas niyang tanong sa pagitan ng kanyang hingal. Hindi ako sumagot. Nababalot pa rin ako ng pagkagulat at takot. “Sumagot ka, Tasha!” Mula sa pagkakasubsob sa likod niya ay napatango-tango ako ng mabilis habang umiiyak. Nakapalibot pa rin ang payat kong mga braso sa kanyang baywang. ‘’O-oo na n-nga… B-basta huwag ka ng m-mananakit..” Ang pagmamakaawa ko. Naramdaman kong unti-unting naging pantay ang paghinga niya. Tumatangis pa rin ako nang tawagin nito ang isa pang tauhan. “Dalhin niyo siya sa ospital, ‘’ ang parang wala lang na sabi nito. Hindi nga niya ako sasaktan pero ibang tao naman ang sasalo ng galit niya sa akin?! Muli akong napaiyak sa isiping iyon! I hate you Beast!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD