MABILIS lumipas ang buwan sa kanila ni Daniel, iba si Daniel sa ibang foreigner na nakakachat niya. noong una friends lang muna sila, simple chat, kwentuhan, tawanan pero kalaunan naging magjowa din sila.
Nang tanungin siya nito kung gusto niyang maging boyfriend si Daniel, ano pa ba tatanggi pa ba siya. 'Oo' agad ang sagot niya, at ito ang pinakanaging seryoso sa lahat. Anim na buwan na niyang boyfriend si Daniel.
At simula ng maging boyfriend niya si Daniel madaming nagbago sa buhay niya. hindi na siya nagtitinda ng gulay sa palengke.
Hindi na nga siya nagta-trabaho sa computer shop ng kaibigan niya dahil ayaw ni Daniel na nahihirapan siya. O di ba kabog, pinapadalan siya nito ng pera para sa panggastos nilang mag-ina. Ang bongga ano, siya na ang sustentado ng jowa.
Sa computer shop nalang sila nagkakausap na magjowa. Kadalasan pa maaga sila mag-usap, na kahit pagud na sa maghapon na trabaho ang jowa niya nagagawa pa din siya nitong pagtiyagaan na makausap.
Maaga pa lang gumagayak na siya para sa pakikipagchat niya sa nobyo niya.
Lahat na yata ng pag-aayos sa mukha ginawa na niya habang may oras pa siya. Kailangan kasing maganda siya sa oras na magharap sila ng boyfriend niyang si Daniel.
Kinikilig na naman siya ng mabanggit lang niya ang pangalan ng boyfriend niya.
Isang Half- American Half-British lang naman ang boyfriend niya.
Siguro isa siyang angel noong past life niya kaya biniyayaan siya ni Lord ng sobrang suwerteng boylet. Kasi naman pogi na, Macho na mayaman pa. As in lahat na yata ng hihilingin niya nasa boyfriend niya.
Walang tulak kabigin kumbaga.
"Hoy Rhiane!"tawag sa kanya ng nanay niya.
Hindi naman mawala-wala ang ngiti niya sa labi na humarap siya sa nanay niyang nakasimangot na habang nakatitig sa kanya.
"Aalis ka na naman, siguro sa computershop ka na naman pupunta. Naku kang bata ka tigilan mo na iyang kano na iyan at lolokohin ka lang ng lalaking iyan"bitter na sermon sa kanya ng ina.
Pero kahit na ganoon hindi pa din siya nagpapigil kaya naman nagtungo na siya sa computer shop na malapit lang sa bahay nila.
Sa totoo lang sa anim na buwan nilang magkarelasyon ni Daniel hindi pa naman talaga sila ni Daniel nagkikita ng personal. Palagi lang sa video call at video chat sila nagkakausap na dalawa.
"Hi bebe love ko"exagerrated niyang bati sa nobyo niya ng mag-pop ang mukha nito sa screen.
Nakangiti namang nakatitig sa kanya ang boyfriend niya, hindi pa man kinikilig na siya bigla kahit na tingin pa lang ang ginagawa nito sa kanya. Paano nalang pala kung magkasama na sila nito ngayon. Naku ka baka marape niya bigla ang lalaking ito sa sobrang kasabikan niya.
"Hello my baby"sagot nito pagkalipas ng ilang minuto.
kunwari namang inirapan niya ito, pero deep inside kinikilig siya ng sobra.
"Bakit ngayon ka lang tumawag?"tanong niya dito.
pero wala naman siyang nakuhang sagot, bigla siyang napakamot sa ulo niya naalala kasi niyang hindi siya naiintindihan nito.
Ang shunga kasi niyang bigla. Magtagalog ba naman siya sa boyfriend niya. Lokaret kasi siya.
"I mean, why you call now only?"pilit niyang pag-eenglish.
Kahit naman kasi High school lang naman ang natapos niya marunong naman siyang mag-English. English carabao nga lang.
"Sorry baby, just got busy at work. But today i have plenty of time for you"magiliw naman na sagot ng boyfriend niya.
kinikilig naman siyang hindi mapakali sa inuupuan niya, buti nalang at nakacubicle siya sa computer shop kung nasaan siya kundi nakakahiya siya.
"How are you now bebe?"kinikilig niyang tanong dito.
Ngumiti na naman ito sa kanya ng pamatay nitong ngiti. Halos himatayin na siya sa kilig niya sa binata ngiti pa lang mga bhes...
"I'm not okay...I missed you so bad baby"sagot sa kanya nito.
Inabot naman niya ang web cam na gamit niya at inilapit niya sa labi niya na parang hinahalikan niya ang nobyo niya. narinig niya ang pagtawa ng binata sa kabilang linya. Nakangiti naman silang nagkwentuhan na dalawa kahit na sa tingin niya pinagtatawanan lang siya nito kasi mali-mali ang mga sinasabi niya.
"Funny?"nakakunot noo niyang tanong sa binata.
"I love you, will you marry me baby?"out of nowhere na sagot nito sa kanya.
Noong una hindi siya naniwala kasi nakangisi ito habang nagsasalita ito kaya naman napatitig lang siya sa mukha nito sa monitor.
"Hey baby, I ask you to marry me. Why you didn't answer me?"bigla itong nagseryoso.
"Seryoso ka?"bigla din niyang sagot.
"What?"nakakunot noo na tanong nito sa kanya.
Nangingilid ang luha na inilapit niya ang mukha sa monitor ng computer.
"You, serious asking?"naiiyak niyang tanong dito.
Ngumiti naman ito na may pagkaseryoso pa din. Ang labo ano, nakangiti pero seryoso.
"Yes baby. I want to marry and spent the rest of my life with you and have plenty of kids with you"anito.
Para siyang pinagkapusan ng hininga sa sinabi nito, pero nang makabawi siya biglang nagtatalon siya at nagtititili siya sa loob ng computer shop kung nasaan siya.
"Yes!!!...Yes!!!...yes!!!"tili niya.
TAGAKTAK na ang pawis niya, hulas na ang make-up niya pero heto at nakapila siya sa NSO para kumuha ng birth certificate niya at CENOMAR niya. nataon pa naman kasing mag-eenrolment ang araw na nag-aya ng kasal si Daniel. Kaya nasabay tuloy siya sa mahabang pila ng mga nanay na kumukuha ng NSO ng mga anak.
"Next"sigaw ng babaeng nakaupo sa counter.
Mabilis siyang lumapit sa babae, sobrang tuwa niya na siya na ang susunod. Ibinigay niya ang lahat ng kailangan, pati na din ang bayad para sa mga kukunin.
"Sa susunod na pinto ka nalang Miss. Hintayin mo nalang doon ung papel mo"ani ng babae ng makapagbayad na siya.
"Ho?"ang buong akala niya tapos na makukuha na niya ang mga kailangan niya.
Bagsak ang balikat niya ng makitang madami na namang tao sa susunod na opisinang pinasok niya. Mukhang maghapon siyang maghihintay nito, at kung mamalasin pa baka sa bukas pa niya makuha ang kailangan niya dahil sobrang dami ng tao ngayon.
"Kainis"bulong niya.
Wala pa siyang makitang upuan na bakante, kaya heto siya sa isang sulok at nakatayo lang. kung hindi niya kailangan ito hindi niya ito aayusin. Hindi siya pipila ng ganito katinding pilahan. Susunod pa niya diti ang kanyang passport, lahat na kasi ng mga kailangan niyang papel pinapaayos na si Daniel sa kanya.
Dahil pag dating nito sa Pilipinas, isasama na siya nito papuntang New York. Doon sila magpapakasal na dalawa, kaya ngayon pa lang kinukuha na niya ang mga kakailanganin niyang papel.
Inabutan na siya ng tanghalian pero wala pa din siyang napapala, pakiramdam pa nga niya hindi na babawasan ang mga tao sa paligid niya. mas dumadami pa nga sa tingin niya.
Hindi naman siya umaalis sa puwesto niya, feeling kasi niya masisingitan siya kung aalis siya dito basta.
Kaya kahit sobrang maduling duling na siya sa gutom hindi siya umalis. Hanggang tawagin ang pangalan niya. Halos mapasigaw siya ng 'Halleluya' sa sobrang galak niya.
After so many years natawag din ang pangalan niya.
Excited siyang tumakbo at kinuha ang mga papel niya. nakipagsiksikan pa nga siya sa sobrang dami ng tao. Kaya ng maabot niya ang mga papel niya hindi na niya ito pinansin pa. basta nalang din siyang umalis doon.
Dahil sa sobrang gutom na din niya mabilis ang mga hakbang niyang tumakbo siya sa pinakamalapit na fast food para magtanghalian kahit na ilang oras nalang hapunan na.
Nasa kalagitnaan na siya siya ngpagkain niya ng maalala niyang tignan ang mga dokumentong kinuha niya.
"WHAT!"halos lumuwa ang mata niya sa sobrang gulat sa nabasa niya.
Date of Marriage : February 14, 2016
Name of Bride/Groom: Rhiane Garcia Guinto/ Claude Lopez Altamerano
Madami pang nakasulat sa Cenomar na kinuha niya pero hindi niya iyon binigyan ng pansin. Basta ang nakakuha ng atensiyon niya ay ang mga detalyeng nabasa niya.
Kahit anong pikit niya, baliktad at paikot ikot sa papel na hawak niya walang nagbago sa nakasulat doon.
"Tangina!"malakas niyang sigaw.
Wala siyang pakialam sa lahat ng taong nasa paligid niyang nakatingin sa kanya.
"Sino naman ponsiyo pilato itong hayop na ito?"galit niyang kausap sa sarili niya.
Pero bago pa siya sumabog sa galit niya, bigla niyang naisip nab aka mali lang ang pagkakaprint ng documents niya.
Dali-dali siyang bumalik sa loob ng NSO office para magreklamo.
"Miss iyan talaga ang nakafile na information sa pangalan mo"pagpipilit ng kausap niya.
"Pero Sir, malabong may asawa na ako. Kaya nga ako kumukuha ng cenomar ko kasi ikakasal pa lang ako"pagpupumilit niya dito.
"Hindi ko nga kilala ang pangalan ng lalaking nakasulat dito"dagdag pa niya sa reklamo niya.
"Miss, ang mainam pa tuntunin niyo nalang kung saan nakarehistro ang kasal mo. Doon ka magsimula. After that doon ka magreklamo kung talagang nagamit ang pangalan mo ng ibang tao. Sa ngayon iyan talaga ang record mo samin. I'm sorry"sagot nito na may pinal na tono.
Wala naman siyang nagawa kundi ang sundin ang payo nito sa kanya. kasi kahit magtatambling siya sa loob ng opisina ng mga ito walang gustong pumansin sa kanyang mga reklamo. Dahil wala naman daw silang magagawa sa reklamo niya dahil iyon ang lumalabas na record niya.
Naiiyak na nilisan niya ang lugar na iyon na hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.
Nasa biyahe na siya pauwi sa bahay nila ng tumunog ang cellphone niya. nanginig pa ang buo niyang katawan ng makita kung sino ang tumatawag sa kanya.
Daniel is calling...
Natapos na ang tawag pero wala pa din siyang lakas ng loob na sagutin ang tawag nito hindi niya kasi alam kung ano ang sasabihin niya sa boyfriend niya kung nagkataon.
Muling tumunog ang cellphone niya. wala na siyang choice kundi ang sagutin ang tawag nito. pikit mata niyang sinagot ang tawag nito.
"Hello bebe love ko"pilit niyang pinasaya ang boses niya.
"How's your day, my baby?"masayang tanong sa kanya nito.
Napalunok naman siya sa tanong nito.
"Very fine, bebe love ko"sagot niya.
"Did you already have your papers with you?"
Muli na naman siyang napalunok anong isasagot niya.
"Ahh...very good my bebe love...I eat, and full"sagot niya dito.
Narinig niyang tumawa ito ng malakas, minsan iniisip niya may nakakatawa ba sa mga sinasabi niya. pansin kasi niya madalas itong tumawa kapag kausap niya ito. pero naisip din niya baka ganito lang ito dahil masaya talaga siyang kausap.
"Oh, you always make my day my baby"tumatawa pa din ito habang nagsasalita.
"Okay, eat well"aniya naman dito.
"I love you so much Rhiane. And I'm dying to see you already"sagot nito sa kanya.
Wala naman siyang ibang naintindihan kundi ang I love you. iyong huling sinabi nito din na see you ang isa pa niyang naintindihan.
"I love you too my bebe love"
Hindi naman niya masabing see you too kasi may problema pa siya sa papel niya. kasi alam niyang kapag nagkita na sila ni Daniel, kukunin na siya nito at papakasalan.
Papaano nga siya ikakasal na dalawa kung kasal na pala siya dito sa Pilipinas.
...................