One

1811 Words
"RHIANE!"malakas na tili ng nanay niya. Napatakip naman siya ng tenga niya sa sobrang tinis ng boses ng nanay niya. ang aga-aga ang lakas ng makasigaw ng nanay niya para namang ang layo ng pinanggagalingan ng tawag niya samantalang barong-barong lang ang bahay nilang. "Aba tanghali na Rhiane hindi ka pa tumatayo dyan. Nasikatan ka na ng araw, napagpagan ka na ng kapitbahay. Ikaw eh nakahilata pa din"sermon sa kanya ng ina niya. Kakamot-kamot ng sarili niya ulo na napabangon siya sa pagkakahiga niya. Nang imulat niya ang mata niya nakita niyang nag-aagaw ang liwanag at dilim palang sa labas. Nang lingunin niya ang orasan nila, sinasabing alas singco pa lang ng madaling araw. "Nay naman, OA 5am pa lang"sagot niya sa ina tapos nahiga. Wala namang magagawa ang nanay niya kahit na sermunan siya ng sermunan dahil alam nitong hindi naman siya makikinig basta-basta dito. Pinalaki kasi siya ng tatay niyang nakukuha niya ang anumang gustuhan niya kahit na mahirap lang sila. Kaso maagang sumakabilang BAHAY ang tatay niya. "Naku ikaw na bat aka, tumayo ka na dyan ng makapaglako ka na sa bagsakan ng mga inani nating gulay kahapon"muling sermon ng nanay niya sa kanya. Pero gaya ng sabi nga niya para sa kanya maaga pa. Lakas ng confident niya sa sarili na mauubos niya ang paninda niya kahit pa tanghali siya magpunta doon. Konting kindat at kembot lang kasi niya mamaya sa mga dadaan na lalaking namimili sa kanya na ito bibili ng paninda niyang mga gulay. Kahit naman na may edad na siya maganda pa din naman siya. Twenty seven na kasi siya ngayon at magtwenty-eight na sa isang buwan. Sabi nga ng mga matatanda dapat sumasali siya sa mga beauty contest sa sobrang ganda at sexy niya panalo na siya. Kaso lang sabi din ng mga kababata at kaibigan niya hindi daw siya pwede sa mga ganong klaseng contest dahil beauty lang daw meron siya, wala daw siyang brain. Ang sasama nila ano. Madami pang sinabi ang nanay niya sa kanya na hindi na niya pinansin. Hindi sa masama siyang anak dito pero hindi lang talaga sila close na mag-nanay eversince the world begun ang drama nilang mag-ina. Ito kasi ang sinisisi niya sa pag-alis ng tatay niya. ang rason kasi ng tatay niya kaya sila iniwanan nito ay dahil sa nanay niyang sugarol na bungangera pa. Kala ng madami maayos ang silang pamilya, palihim kasi kung magsugal ang nanay niya kaya walang nakakaalam ng totoong ugali ng nanay niya kundi siya at ang tatay niya. hanggang isang araw bigla nalang nag-alsabalutan ang tatay niya. sinabi na iiwanan na silang mag-ina kasi may nabuntis itong ibang babae. Kaya ayun parang batang nagrebelde lalo ang nanay niya, lantaran na ang pagsusugal nito simula ng iwanan sila ng tatay niya. "Rhiane ilang beses ba kitang gigisingin na bata ka"sermon na naman ng ina niya sa kanya. Naiinis na bumangon na siya ng tuluyan kahit pa gustong-gusto pa niyang matulog dahil anong oras na din siyang nakatulog kagabi kakachat niya sa boyfriend niyang kano. "Nay naman kasi, ang aga pa kahit naman tanghali na ako magpunta ng bayan mauubos ko ang paninda ko"reklamo niya. "Masyado kang kampante" Nagmake face naman siya na ginagaya ang pagsasalita ng nanay niya. "Aray naman nay"daing niya ng kurutin siya nito sa singit nahuli kasi siya sa ginagawa niya. "Magbihis ka na at ng umalis ka na kanina pa nandiyan si Ryan"utos nito. Nakasimangot na sinunod niya ang utos ng nanay niya sa kanya. paglabas niya nakita niya ang pinakamasugid niyang manliligaw sa lahat na kahit na anong taboy niya heto at nanliligaw pa din. "Hi Rhiane, good morning"bati nito sa kanya na nakangiti. Napangiwi naman siya ng masilayan niya ang tatlong ngipin nito na naghihingalo ng nakakapit sa bagang nito. Ewan ba naman niya sa taong ito ang lakas ng loob na ligawan siya samantalang kasing tanda na yata ito ng nanay niya. o baka nga kung mamalasin pa siya kasing tanda na ito ng lolo niya. "Pwede ba Ryan wag kang ngingiti kasi naalibadbaran ako sayo ang aga-aga mong magsaboy ng bad vides"reklamo niya. "Bad vibes iyon babes"pagtatama pa nito sa kanya. Inirapan lang niya ito bilang sagot tapos sumakay na sa tricycle nitong naghihintay na sa tapat ng bahay nila. Hindi na niya ito pinansin pa sa buong biyahe nila. Lalo kasi siyang nainis ng itama siya nito kanina manong pinabayaan nalang siya nito sa kung anong sinabi niya. magkatunog naman ang sinabi niya sa sinabi nito hindi nalang inintindi. "Anong oras kitang susunduin babes?"nakangiti na namang tanong sa kanya ni Ryan ng nasa palengke na sila. Pinagtaasan niya ito ng kilay. "Wow, boyfriend na boyfriend ang dating hiyang hiya naman ako sayo ano"pang-iinis niya dito. Lalo naman siyang nainis ng parang mas tumaas pa ang confidence nito sa sarili sa sinabi niya dito. Kaya kaysa patulan pa ang kung anong pantasya nito sa kanya nagtawag na siya ng kargador para kunin na ang paninda niya at simulan na niyang magtinda. Mas gugustuhin naman na niya ang mapagod siya sa kakaistima ng mga parokyano niyang mamimili ng paninda niyang gulay kaysa sa maubos ang powers niya sa kahanginan ng kaharap niya. KALAHATING araw lang siya kung magtinda ng mga gulay sa palengke. Makatapos siyang makapaglako mamimili siya ng kakainin nilang mag-ina sa tanghalian pati na din sa hapunan at agahan nila para bukas bago siya umuwi. Pagdating niya sa bahay nila magluluto pa siya ng tanghalian nila ng nanay niya na hindi niya alam kung saang lupalop naroroon. Mag-isa na siyang kakain ng tanghalian, tapos noon mag-iiwan siya ng kaunting pera para sa kapritso ng nanay niyang sugal bago siya umalis. May trabaho kasi siya sa hapon, iyon ay ang magbantay ng computer shop ng kaibigan niyang si Tina. Klasmayt niya ito noong elementary at high school siya, nakapangasawa ito ng may kaya sa bayan nila kaya naman kahit papaano nakakaangat na ito sa buhay ngayon. Mayroon itong computer shop, karinderya at paupahan sa bayan. Kaya kahit hindi na ito nakapag-aral ng kolehiyo ay okay na din. "Rhiane, aga natin ngayon ahh"puna sa kanya ng isa sa mga tindera sa katabing store ng computer shop. Siya na kasi ang nag bubukas at nagsasara ng computer shop ng kaibigan niya. dadaan nalang ang kaibigan niya isang beses sa isang linggo para kunin ang kinita ng shop at ang paswelduhin siya. "Maagang nakaubos"simpleng sagot lang niya dito. Pagpasok niya sa loob ng computer shop, naglinis muna siya sa buong paligid niya bago niya tuluyan na binuksan para sa mga gagamit ng computer. Pumuwesto naman siya agad sa lamesa niya para mag-online na din. Wala pang sampong minuto mayroon na agad na mga costumer na pumasok. Karamihan mga estudyante ng malapit na kolehiyo sa kanilang lugar. "Hi sweetheart!"bati niya sa boyfriend niyang kano. "Hi sweet"bati nito sa kanya. Kagabi lang niya ito nakilala pero boyfriend na niya agad ito. ganoon naman ang kadalasang mga nakakachat niya. pagkakita palang sa kanya mag- I love you na agad tapos siya din sila na. pero walang nagtatagal sa kanya kasi lahat mga manloloko. "How's you night?"masayang tanong sa kanya ng kano. "I'm 27"sagot niya dito. "What did you say? I ask you how's your night?"tanong na naman nito sa kanya. "I'm Rhiane, and I'm 27 sweetheart remember?"nakangiti pa niyang sagot dito. Nakita nitong napa-iling iling ang kausap niya sa monitor. "Crazy woman"sabi pa nito bago siya pinagpatayan ng tawag. "Sweetheart?"tawag niya dito. Umulit pa niya ang pagtawag dito na as if naman sasagutin pa nito. "Mga manloloko!"sigaw na naman niya. "Mga paasa kayong lahat!"pagda-drama niya. Wala siyang pakialam kung pansin siya ng mga tao sa paligid niya. basta siya broken hearted na naman siya, kaya aatungal siya sa ayaw at sa gusto ng mga tao sa paligid niya. "Ano aangal kayo?"sita pa niya sa mga tao na nakatingin sa kanya ngayon. Natatakot naman na umiling ang mga ito kaya pinagpatuloy niya ang pag-atungal niya. Kailan ba siya makakahanap ng magiging one true love niya. ang tanda na niya pero wala pa siyang matinong nakakarelasyon. Maganda naman siya, sexy naman siya, ano pa ba ang hahanapin ng mga kalalakihan sa kanya. "GAGA, tigilan mo na iyang paghahanap mo ng foreigner. Wala kang mapapala sa mga iyan"sermon sa kanya ng kaibigan niyang si Tina. Nagsumbong na naman kasi siya dito tungkol sa kano na nakachat niya na isang gabi niya lang naging boyfriend. "Ano naman ang gusto mong gawin ko dito sa computer shop mo. Titigan ang mga naglalaro o kay nakikipagchat sa sss nila"reklamo niya naman dito. "Hay naku, lalo mong kausap girl"anito. "Mas Malabo ang channel ng TV namin kapag gabi hindi ngayon"sagot niya dito. Nandito sila ngayon computer shop ng kaibigan niya at dinadalaw nito ang negosyo nito tuloy kukunin na nito ang kita ng buong isang linggo at pasasahurin na siya. Busy siya sa paghahanap ng bagong kachat niya kaya hindi niya tinatapunan ng pansin ang kaibigan niyang nagbibilang ng kinita. Nakasarado na ang shop nila kaya malayang magbilang ito ng pera sa loob. "AH!"tili niya. "Anong nangyayari?"nag-aalalang tanong sa kanya ng kaibigan niya. "Girl tignan mo ang gwapo"turo niya sa monitor ng computer. Sumilip naman ang kaibigan niya sa monitor niya. may bago kasing nagchat sa kanya na foreigner, at ang gwapo sobra mukhang yummy, ay mali hindi pala mukha, yummy talaga. "Hmp, picture lang iyan ang totoong mukha niya matanda"bitter na sagot ng kaibigan niya. Nang lingunin niya ito nakita niya itong nagbibilang na muli ng pera. "Bitter mo"reklamo niya dito. Hindi naman na siya pinansin pa nito kaya naman pinagpatuloy niya ang pakikipagchat sa lalaki. "ASL"basa niya sa message sa kanya. "27, female, Philippines, ASL"malakas pa niyang sinasabi ang bawat tinatype niya. Mabilis lang din itong sumagot sa kanyang message. "30, male, New York. Name?"tanong nito muli. "Rhiane"nagsalita na naman siya ng malakas habang nagtatype. "Video call?"tanong na naman nito sa kanya. Muli na naman siyang tumili pero hindi na siya pinansin ng kaibigan niya na busy na sa pagko-compute ng kinita nito. dali-dali siyang nag-ayos ng mukha niya bago niya sinagot ang tawag nitong video call. Nanlalaki ang mata niya ng makita niya ang itsura nito. "Girl, pakikurot ako"exaggerated niyang bulalas sa kaibigan. "Naku Rhiane, lalakohin ka lang niya. for sure matanda ng hukluban iyan"sagot na kaibigan niya sa kanya na hindi siya tinitignan. "You're beautiful Rhiane"nakangiti pang puri sa kanya ng kausap niya. Para naman siyang tanga na ngumiti sa papuri nito. Para siyang maiihi sa sobrang kilig niya sa lalaking kausap niya ngayon. At ang boses, oh Lord patawarin pero para siyang niroromansa ng boses nito ngayon. "Hoy Rhiane natula...la ka na?"hindi na din maiayos ng kaibigan niya ang sasabihin nito. Nang lingunin niya ito nakatitig na din ito sa monitor na lumapit na pala sa kanya ng hindi niya napapansin. "Oh, you have your friend with you. Hi, I'm Daniel"magiliw pang pakilala nito sa kanya. "I'm inlove!"tili niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD