Three

1901 Words
"BRUHA ka, sigurado ka ba sa sinasabi mo?"gulat na tanong sa kanya ni Paula. Naiiyak na isinubsob niya ang ulo siya sa lamesa kung saan sila kumakain ng tanghalian. Inaya niya ang kaibigan niyang kumain sa labas, hindi para sa ilibre lang ito. kundi gusto niyang humingi ng payo dito kung ano ang dapat niyang gawin sa malaki niyang problema. "Ayan na nga ang ebodensya oh"umiiyak na inilahad niya ang Cenomar na nakuha niya kahapon. "Malaking problema ito" Lalo naman siyang naiyak sa sinabi ng kaibigan niya. alam kasi niyang ito ang makakatulong sa kanya. wala pa naman siyang alam sa mga ganitong bagay, ang alam niya lang maganda siya period. Pero sa ganitong mga bagay hindi niya magagamit ang kagandahan niya. "Anong gagawin ko Paula?"nanghihina na tanong niya sa kaibigan niya. Bumuntong hininga naman ito bago ito muling tumingin sa kanya na hindi na din yata alam kung ano ang ipapayo sa kanya. "Maganda niyan, puntahan mo itong lalaking nakalagay dito na asawa mo daw."simula nito. "Paano ko pupuntahan ang lalaki na iyan kung hindi ko nga kilala, tapos hindi ko pa alam kung saang lupalop siya hahagilapin" "Iyon lang" Natahimik naman silang dalawa, wala na kasi siyang maisip na paraan para maresolba ang lahat ng problema niya. lalo pa ng huling tawag ni Daniel sa kanya medyo nagmamadali ito, baka nga daw biglang dumating nalang ito ng bansa kapag natapos na nito ang nilalakad nitong business. "Sabihin mo na kaya sa jowa mo"maya-maya'y suggestion ng kaibigan niya. Tinignan naman niya ito na nanlalaki ang mata. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Bakla. Sasabihin k okay Daniel ang lahat. Tapos ano aatras na siya, kasal na nauwi pa sa wala. Eto na iyon bakla, makakaahon na kami ni nanay sa hirap oh, konting kendeng ko nalang abroad na katapat. Magiging bokya pa ng dahil sa pesteng kasal na iyan"galit na reklamo na naman niya. "Alam mo, hindi mo naman ginusto na makasal ka sa kung sino mang lalaki na ito. ang point ko lang naman bruha, mas magandang alam ito ni Daniel para matulungan ka niya"malumanay na paliwanag ng kaibigan niya. Naisip din naman niya iyon, kaya lang naiisip din niya nab aka nga bigla nalang umatras si Daniel sa kasal nila kung nagkataon. Ayaw naman niyang ipagsapalaran ang lahat, ngayon lang siya nakahanap ng matinong lalaki. pakakawalan pa ba niya si Daniel, isa pa ito nga ang magiging ticket niya sa pag-ahon niya sa hirap. "Alam ko na ang pwede mong gawin, na hindi muna natin nakakausap si Daniel tungkol sa kasal mo"maya maya'y nagsalita muli ang kaibigan niya. "Ano?"excited niyang tanong dito. "KUYA tama ba itong pinagdadalhan niyo sakin?"pagtataray niya sa tricycle driver na nasakyan niya kanina ng bumaba siya sa terminal. "Naku ineng matagal na ako sa bayan na ito, matagal na din ako namamasada dito kaya kabisado ko ang pasikot-sikot dito"pagyayabang ng driver. Inirapan naman niya ito, kasi sa totoo lang pakiramdam niya kanina pa sila paikot ikot ng driver na ito. may trenta minutos na yata siyang nakasakay pero hindi pa din nila nararating ang pupuntahan niya. Samantalang ang sabi ng tindera kanina sa kinainan niya malapit lang daw ang lugar na pupuntahan niya. "Manong, ano malayo pa ba?"muling tanong niya sa matanda. Sakto namang huminto ang sinakyan niyang tricycle sa isang talyer. Sinipat niya ang pangalan ng establishment. Nakita niya ang hinahanap nga niyang lugar, kaya bumaba na siya ng tricycle. "Magkano po manong?"tanong niya sa driver. "Otsenta nalang ineng"nakangisi pa nitong sagot sa kanya. "Ano ho!"gulat naman niyang tanong dito. Hindi siya handa sa ganoon kalaking pamasahe, sa kanilang bayan tama na ang bente malaking bagay na iyon pero ang eighty pesos na pamasahe niya ngayon nakakagulat talaga. Nagpalinga-linga siya par asana magtanong kung tama lang ang sinisingil sa kany. Nang manlaki lalo ang mata niya sa nakikita niyang paligid niya. Ilang metro lang ang layo niya sa binabaan niyang terminal kanina. Pati na din sa kinainan niyang karinderya kanina. "Niloloko mo ba ako manong!"bigla niyang binalingan ang kanina pa nakangisi na matandang driver ng tricycle. "Naku ineng, pwede kitang ireklamo, mukhang dinadaan mo pa ako sa kasungitan mo. Magbayad ka nalang"anito sa mataas na tono na din. "Aba naman ho manong!"ganting sigaw niya dito. "Baka ikaw pa ang ireklamo ko manong, niloloko niyo ako porket bago lang ako dito. Aba-aba ayan lang ang terminal na binabaan ko--" "Hoy ineng, kahit pa iyan ang terminal na binabaan mo kanina sa katunayan na sumakay ka sa tricycle ko, kailangan mong magbayad ng pasahe mo"sansala nito sa iba pa niyang sasabihin dito. Susugurin n asana niya ito ng may matigas na mga brasong biglang humawak sa baywang niya at hinila siya palayo sa matandang lalaki. "Anong problema dito Mang Tikyo?"tanong isang baritonong boses mula sa likuran niya. "Iyang babae na iyan, ayaw magbayad"lakas ng loob ng matandang driver na isumbong pa siya. "Anong ako, hoy manong iniikot niyo ako sa ewan ko kung saan samantalang ang lapit lang pala ng pupuntahan ko. Tapos sisingilin niyo ako ng eighty pesos. Aba manong mahiya ka naman"pagtataray niyang muli dito. Wala na siyang pakialam kahit pa nakakakuha na sila ng atensyon ng mga tao sa paligid nila. Basta maipaglaban lang niya ang katwiran niya. kanina pa siya napupuno sa matandang ito na kanina pa siya sinisigawan. "Mang Tikyo, ilang beses na kitang binalaan sa mga ganyang galawan niyo, gusto niyo bang ireklamo ko na kayo sa munisipyo"singit naman ng lalaking kanina pa nakahawak sa baywang niya. Bigla din siyang inihit ng init ng ulo sa lalaking kanina pa nananantsing sa kanya. hindi lang niya ito agad pinansin dahil sa matandang kaaway niya. Pumalag na din siya sa lalaking may hawak sa kanya kaya nakakawala siya dito. Agad niya itong hinarap at handang talakan. "At ikaw naman---" Nahigit niya ang sariling hininga ng makita ang lalaking nakaharap sa kanya ngayon na kanina lang nakayapos sa baywang niya. parang biglang gusto niyang bumalik sa pagpapayapos dito. Nanlambot pa ang tuhod niya sa pagkakatitig nito sa kanya na kala mo hinuhubaran siya sa sobrang lalim ng pagkakatitig sa kanya. Bumuntong hininga ito, bago binalingan ang matandang driver. "Eto ang bente Mang Tikyo, uli-uli pipiliin niyo ang kakataluhin niyo. Hindi porket mukhang hindi taga dito kakataluhin niyo na. ngayon tatandaan niyo ang mukha ng babaeng ito, para sa susunod hindi niyo na siya ililigaw at sisingilin ng mahal. Ako makakalaban niyo kapag nagkataon"banta nito sa matanda. Nakita niyang inabutan nito ng bente pesos ang matandang driver bago siya nito hinawakan sa pulsuhan niya at hinila na siya papasok sa talyer sa harapan nila. "Boss mukhang badtrip ka ata"puna ng mga kalalakihan na madadaanan nila. "Tuloy niyo lang iyang mga ginagawa niyo, wag niyo akong pansinin"seryosong sagot naman ng lalaking may hila-hila sa kanya. Huminto sila ng makapasok na sila sa loob ng bahay. Hindi niya napansin na may bahay pala sa likuran ng talyer na pinasukan nila. Napakurap-kurap siya ng bitawan na siya ng lalaking may hawak sa pulsuhan niya at ngayon nga ay nakatayo na ito sa harapan niya at umiinom ng tubig. "Anong kailangan mo?"maangas na tanong sa kanya nito ng matapos ng uminom. Doon parang natauhan siya sa anong pakay niya sa lugar na ito. "Hinahanap si Claude Altamerano"taas noo niyang sagot dito. Ngayon niya mas nabista ang lalaking kaharap niya. kanina kasi natulala nalang siyang bigla, ng makaharap ito kaya hindi niya ito masyadong nabista. Matangkad ito, Moreno at malaki ang pangangatawan pero hindi naman mukhang mataba. Mukhang batak sa mabibigat na trabaho kaya mukhang malaki ang katawan nito. tingin pa nga niya mga muscle ang nakikita niya sa dibdib at balikat nito. Sa mukha naman mapagkakamalan mo siyang isang artista sa unang pingin. Parang si Coco Martin lang ang dating pero ito kasi malaki ang katawan unlike ni Coco Martin na medium build lang ang katawan. Napansin din niya, marumi itong tignan pero hindi naman nakabawas sa taglay nitong kagwapuhan at mas nagmukha pa itong lalaking-lalaki. para bang rugged ang dating, badboy image lang ang peg. "Ano okay na ba papasa na ba ako sa panlasa mo?"may pagkamaangas na naman nitong tanong sa kanya. Inirapan naman niya ito bilang sagot. Nagcross arm siya sabay taas ng kilay dito. "Bakit mo ako dinala dito sa loob ng bahay? Kilala mo ba ang may ari ng bahay na ito?"pag-iiba niya ng usapan. Napailing naman ito sabay kuha na naman ng tubig at uminom. Pansin lang niya kanina pa ito inom ng inom ng tubig, hindi naman masyadong mainit ang panahon ngayon. Tag-ulan kasi ngayon kaya nagtataka siya kung umasta ang lalaking ito kala mo summer na init na init. "Sa tingin mo papasok ako sa bahay na ito na kasama ka kung hindi sakin ang bahay na ito?"balik tanong nito sa kanya ng matapos umiinom ng tubig. Nanlaki naman ang mata niya, slow siya pero hindi naman siya tanga pagdating sa mga ganitong pasaring. "Ikaw si Claude Altamerano?"gulat na tanong niya dito. Nginisihan naman siya nito, mayabang talaga. "Ako nga bakit may iba pa bang tao dito?"muling pangbabara nito sa kanya. Napailing nalang siya, mukhang mapapasubo pa siya sa lalaking ito. mukhang mahihirapan siya sa pakikipag-usap dito dahil mukhang nuknukan ng kayabangan sa katawan ang isang ito. "Kung ikaw nga si Claude, mainam at hindi na ako mahihirapan na pakiusapan ka pa. nandito ako kasi---" "Were married?" Kung may ilalaki pa ang mata niya baka lumuwa na ang mata niya sa pagkabigla sa sinabi nito sa kanya. hindi niya inaasahan na alam nito ang pakay niya o ang dahilan niya ng pagpunta sa lugar na ito. "P-paano mo nalaman?"parang biglang nanghina siya sa nalaman niya. Ito naman ang humalukipkip sa harapan niya na parang tinatantya ang reaksiyon niya dito. Nakakunot noo na din ito ngayon habang nakatitig sa kanya. may time pa nga na bubuka tapos sasara ang bibig nito na parang may gustong sabihin pero nauudlot. "Boss, nandyan si Mayor"pang-iistorbo naman ng isang lalaking basta nalang nagbukas ng pinto at pumasok. Sinamaan naman niya ng tingin ang lalaki na basta nalang pumasok. Nakita na nga nitong nag-uusap sila tapos bigla nalang itong mang-iistorbo. "Sabihin mo bumalik nalang siya sa isang araw, busy ako kausap ko asawa ko sabihin mo"walang ganang sagot naman ng lalaking kaharap niya. Nagulat naman siya hindi dahil tinawag siya nitong asawa kundi sa way ng pagtataboy nito sa Mayor ng bayan na ito. kala mo anak ng president kung umasta at makapagtaboy ng isang opisyal ng bayan. "Asawa mo boss?"gulat din ang lalaking nang-iistorbo. Siya naman ang humarap sa lalaki, pinameywangan pa nga niya ito. "Oo, narinig mo na nga ang sinabi niya tatanong ka pa"pagtataray niya sa lalaki. Kakamot-kamot naman sa ulo na iniwanan sila ng lalaki na hindi na nagsalita pa ng pagtaray niya ito. nabalik lang ang atensyon niya kay Claude ng narinig niyang nag-tsk ­ito, nang lingunin niya ito nakita niyang naghuhubad na ito ng damit pang-itaas. "Hoy!, bastos na ito. kita mo ng may babae sa harapan mo maghuhubad ka nalang basta"sita niya dito. Pero mukha namang wala itong pakialam sa kanya at nagpatuloy sa paghuhubad ng damit nito. "Feel at home, gawin mo lahat ng gusto mong gawin dito walang mangingialam sayo."iyon lang ang sinabi nito sa kanya bago siya nito iwanan at pumasok sa loob ng isang kwarto. Nang lingunin niya ito wala na ito sa paningin niya. nanggigigil na naupo nalang siya sa sofa malapit sa kanya at hinintay na lumabas muli ang lalaki.  ......................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD