NGAYON ang schedule ng surgery ni Baby Matteo kaya hindi maiwasang matakot nina Maggie at Dark. Alam ni Maggie na kahit hindi nagsasalita si Dark, kagaya niya ay puro takot at pangamba ang puso at isipan nito. Magkahawak ang kamay nilang nakaluhod sa maliit na altar sa loob ng mansiyon dito sa U.S. Ang sabi ng Mommy Sofia ni Dark ay mas mabuting magkasama silang dalawa ni Maggie at sila na lang ng ama ang mananatili sa ospital habang inooperahan ang kanilang anak. “Mahal, please relax. Hindi pababayaan ng Diyos ang ating anak.” “Sinisikap ko namang mag-relax eh, pero hindi ko magawa. Natatakot ako, Dark, sa maaaring mangyari sa anak natin. Ang liit pa niya, baka hindi makayanan ng katawan niya. S-Sana ako na lang at hindi ang inosenteng anghel na si Baby Matteo.” “Please, mahal, h’wag k