NAGING routine ni Dark ang pagpapabalik-balik sa bahay at ospital. Binigyan siya ng assurance ng mga doktor na pangangalagaan nila si Baby Matteo at hindi siya kailangang magbantay roon dahil namo-monitor naman ang baby. But Dark want to stay in the hospital. Gusto niyang makita kung may progress ba sa araw-araw ang kanyang anak. Hindi siya nakararamdam ng pagod kahit araw-araw na magpabalik-balik pa siya. Pagdating ng bahay ay nagluluto at naglilinis pa siya saka sila sabay na kakain ni Maggie. “Kaya ko naman ang trabaho dito sa bahay, Dark. Hindi mo na kailangang gawin ang mga iyan. Ako na ang dapat na gumagawa niyan.” “No, sweetheart. Ang gusto ko ay si Baby Mattias lang ang aasikasuhin mo. Lahat ng attention mo ay ilaan mo sa kanya. Hindi rin naman mananatili lang sa ospital si Baby