PARANG hangin lang na dumadaan si Dark sa harapan ni Maggie. Halos mag-iisang linggo na silang ganito. Araw-araw silang gano’n until the last day ng anak nila sa ospital. “Puwede bang sa new mansion sa Forbes na lang kayo ng mga bata? Doon na lang kayo mag-stay para anytime makakapunta agad ako.” “Sorry, Dark, pero iuuwi ko sila sa hacienda. Doon ko sila planong palakihin. Every weekend ka na lang pumasyal sa mga bata. Saka malapit lang naman iyon sa Hacienda Montemayor.” “Baka mahirapan doon ang mga bata. Alam mo naman na katatapos lang ng surgery ni Baby Matteo.” “I’m a mother, alam ko ang makabubuti sa kanilang dalawa.” “Kung gusto mo silang iuwi sa hacienda, after a month na to make sure na ligtas na ang anak ko. H’wag ka nang magprotesta pa!” Magsasalita pa sana si Maggie pero t