Karissa and Bruce Chapter 7

1514 Words
Chapter 7: Utang na loob "KARISSA? Karissa?" tawag ng ginang sa kabilang linya.  "Ay! Sorry po. Nasa’n na nga po ba tayo?"  "Sabi ko, ako ang babaeng iniligtas mo kanina na dinala mo sa ospital at gusto kitang bigyan ng reward," ulit nito sa kabilang linya.  Tila nagbalik sa reyalidad si Karissa na kanina ay nangangarap ng gising.  Whew! Mabuti na lang pala at wala talaga akong nasabi. Nakakahiya! Namula ang pisngi niya sa naisip. Mukhang sa sobrang gutom ay kung ano-ano na ang naiisip niya.  "Naku, ma’am, ayos lang po. Mag-ingat na lang po kayo sa susunod. Iyon na lang po ang reward niyo sa akin para hindi po sayang ang pagligtas ko sa inyo." Habang kausap niya ito, tumunog ang doorbell mula sa pintuan. Kumunot ang noo niya dahil wala siyang natatandaan na may bisita siya.  Inday! Paano ka magkakaroon ng bisita, eh, hindi mo naman ito bahay?! "Pa'no po Mam, may gagawin pa po kasi ako," sabi niya sa kausap.  "Napakabuti naman ng puso mo, hija. Ililibre na lang kita ng tanghalian kung ayos lang sa iyo."  Dahil simpleng tanghalian lang naman ang gusto nito, pumayag si Karissa. Nagpaalam na siya dito saka tinungo ang pintuan. Halos wala na siyang lakas na binuksan iyon. Nagulat siya na si Cathy ang tao sa labas. Nagtuluy-tuloy ito sa pagpasok sa loob ng condo nito.  "Binigay ko sa iyo ang susi ko at wala akong extra kaya h'wag ka nang magtaka kung bakit ako nag-doorbell." Umikot ang mata nito nang makita ang nakakunot na noo niya.  Humalukipkip ito at hinarap siya. "Anong nangyari?"  Para naman siyang nakakita ng kakampi sa katauhan nito. "Friend…"  Niyakap niya ito at hindi niya napigilan ang pagluha. Parang biglang nabuwag ang tibay ng damdamin niya at agad na nanlambot nang mayakap niya ang matalik na kaibigan.  "Wala na akong trabaho…”  Kinutusan siya nito sa bumbunan. Sa gitnang parte para mas masakit. "Aray!" Bigla niyang nasapo ang ulo. "Ano ba kasi ang nangyari?" usisa nito.  Parang maamong tupa ang mga mata ni Karissa na tumingin dito habang minamasahe ang kanyang ulo.   "Napahaba kasi ang lunch break ko. Alas singko na 'ko nakabalik sa opisina."  Nanlaki ang mata nito sa nalaman.  Umupo siya sa couch at niyakap ang isang unan. "May matandang babae kasi na hinimatay sa daan nang bumili ako ng kape na inutos sa akin ni Assistant Wei. Eh, nagpasama sa akin sa ospital. It's a matter of life and death kaya naman mas pinili ko na tulungan siya."  "At dahil diyan sa life and death mo kaya wala ka ng trabaho! Eh, pa'no na ngayon 'yan? Babalik ka na lang ba sa inyo?"  "Siyempre hindi!" agad niyang tanggi. Maisip pa lang ang pamilya niya na mas makapal pa ang fes sa tita mong intrimitida, kumukulo na ang dugo niya. "Maghahanap pa rin ako ng trabaho dito. Raketera ako sa probinsiya, kaya kahit dito sa Maynila ay kaya kong gawin ang rumaket… Maghahanap ako bukas na bukas din ng trabaho. Kahit na anong klase," paliwanag niya rito.  Mukhang satisfied naman ang lola mo sa sagot niya.  "Pasalamat ka at maganda ka! Heto!" May nilabas ito na kung ano sa bag at inabot nito sa kanya ang isang calling card.  MR. MARCO PALERMO, Branch Manager. Lantern Bar. "Naghahanap sila ng waitress sa bar na iyan. Panggabi nga lang ang pasok." Nagliwanag naman ang mga mata ni Karissa. Kayang-kaya niya ang mag-waitress dahil naranasan niya na ang ganong klase ng trabaho. Sa muli ay tumayo siya mula sa couch at nayakap niya ang kaibigan. Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng laban niya sa Maynila kung wala sigurong Cathy sa buhay niya.  "Thanks, friendship! I love you talaga."  "Ayusin mo na ang trabaho mo, ha?"  Tumango lang siya. Ipinapangako niya na hindi na uulit ang eksena niya sa araw na iyon. Nagulat na lang si Cathy nang biglang hinimatay si Karissa. "Oi, friend anong nangyari sa ‘yo?" Niyugyog nito ang katawan niya para magising siya. "Friend... gu-gutom na kohhhh…" Napangiwi na lang ito. Isang buong maghapon siyang hindi kumain. ….. NAPAG-ALAMAN ni Bruce na dinala ang Mommy niya sa ospital kaya hindi ito nakarating sa opisina niya. Kinakabahan na tinungo niya ang lugar kinahapunan. Tanging ito na lang ang pamilya niya bukod sa lolo niya dahil namatay na ang daddy niya tatlong taon ang nakaraan. Kaya naman hindi niya alam ang maaari niyang gawin kung sakaling may mangyaring masama sa Mommy niya. "Mom!" Natagpuan niya ito na nakaupo sa puting hospital bed. Matalim ang tingin na pinukol niya sa tagapag-alaga nito na si Mumay. "Anong nangyari?" malamig na tanong niya rito. "Ay, nako, Ser. Wala ako gang kinalaman dine. Tinawagan na lang ako sa bahay ng babae at pinapunta dito," natatakot na sagot nito sa kanya. Agad naman na bumuwelta ang mommy niya na nakaupo sa kama. Binato siya nito ng unan. "Ikaw talagang bata ka! 'Wag mo ngang pagalitan si Mumay. Nahilo ako sa daan dahil daw sa init ng panahon ang sabi ng doktor. Kung dinadalaw mo lang sana ako sa bahay, eh 'di hindi na sana ako nagpupunta pa sa opisina mo. Nagpaalam ako kanina sa assistant mo na pupunta ako sa opisina niyo kaya dapat alam mong patungo ako doon. Bakit ngayon mo lang ako dinalaw?" nakahalukipkip na sabi nito na halatang nagagalit sa kanya. "Hindi ko na namonitor pa ang oras, ‘Ma. May hinarap kasi akong problema kanina," paliwanag ni Bruce. Pumasok tuloy sa isip niya si Karissa na isa sa mga pinroblema niya sa maghapon. Hindi niya alam kung ano ang pakay ng babae sa kanya. Ang lakas pa na mag-breaktime ng mahabang oras! Kahit ang pera na binigay niya dito ay harap-harapan na pinamukha sa kanya na hindi nito iyon kailangan. "You don't care about me! Mabuti pa ang babaeng nagligtas sa akin kanina! Hala sige! Pahiram ng cellphone mo at tatawagan ko ang babaeng nagligtas sa akin," wika ng ginang. Sinenyasan lang ni Bruce si Assistant Wei na nasa gilid para iabot ang cellphone nito sa Mommy niya. Kinuha nito ang isang papel na may mga nakasulat na numero saka iyon tinawagan. Habang kausap nito ang kung sino man sa kabilang linya, napansin niya na biglang nagbago ang mood nito na akala mo ay may kausap na anghel. Hindi na sana papansinin pa ni Bruce ang pakikipag-usap ng Mommy niya hanggang sa marinig niya ang pangalan ni Karissa. Ibinalik nito ang telepono kay Assistant Wei matapos nito na gamitin iyon. "Bigyan mo ng reward ang babaeng nagligtas sa akin kanina. Iniwan pa niya ang trabaho at mas pinili na ihatid ako dito sa ospital! Kung hindi ay talagang mamamatay ako dahil sa sobrang sama ng loob sa iyo! Isusumbong kita sa daddy mo na nasa kabilang buhay at sabihin na balatan ka gamit ang nail cutter!" nagagalit na sabi nito. "Assistant Wei," sa halip ay tawag niya sa lalaking nasa gilid. "Yes, boss." "Please investigate kung sino ang nagligtas kay Mommy, at saka ayusin mo ang paglabas niya dito sa ospital," sabi niya kahit pa malakas ang kutob niya na ang Karissa na sinabi nito ay ang Karissa na receptionist niya sa opisina. Hindi kasi nalalayo ang oras ng pagbabalik nito sa opisina kung sakali na dinala pa nito ang mommy niya sa ospital. Kung anu-ano pa man din ang sinabi niya sa babae. "I'm sorry na, mommy." "Bigyan mo na ako ng apo at patatawarin kita. At ayoko d'yan sa bruha mong girlfrend na walang ginawa kung 'di ang mag-shopping at mangibang bansa!" "Wala namang ginagawa sa inyo si Candice." "Akala mo lang wala, pero meron, meron!!" buwelta nito. "Mommy, hindi bagay sa inyo ang maging si Carlo Aquino." "Oo nga, madam. Mas bagay ga sa inyo si Velma... ehem… ehem..." Kasunod niyon ay para itong nangisay at saka parang sinapian. "Namputang itlog yan! Gawin mong manok!" sigaw nito habang nakatingin sa kanya. "Mumay, gusto mong gawin kitang itlog?" malamig na tanong niya dito. Mukhang epektib naman ang pananakot niya rito dahil nagbalik bigla ito sa pagiging tsimay ng kanyang ina. "Ay, sori, Ser! Nadala lang!" Sumasakit ang ulo ni Bruce na tumayo na lang at lumabas ng kuwarto. Sumasakit ang ulo niya. Kahit si Karissa ay kung ano-ano ang sinabi sa kanya sa opisina. Like seriously, wala bang matinong tao sa paligid niya? Naglabas na lang siya ng sigarilyo saka sinindihan iyon at humithit. Nakakaisang hithit pa lang siya nang may head nurse na napadaan sa gawi niya at sumuway sa kanya. "Sir, bawal po magyosi dito sa ospital," wika nito. Inis na pinatay na lang niya iyon at tinapon sa maliit na bin. Ilang saglit pa, dumating din si Assistant Wei. Halata sa mukha nito na hindi ito palagay sa nalaman. "Boss, s-si Miss Karissa Abay ang sabi na nagdala sa mommy niyo rito. P-Pangalan po niya ang nakapirma sa emergency na nagdala kay madam." Natahimik si Bruce. Tulad ng inaasahan, mukhang hindi ang araw na iyon ang huli nilang pagkikita ni Karissa lalo at may malaki siyang utang na loob dito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD