Karissa and Bruce Chapter 1
STORY 1: BRUCE AND KARISSA
"Sir, my boyfriend is a douchebag. I broke up with him because he cannot break up with his girlfriend," sabi ni Karissa sa isang gwapong estranghero. "I feel lonely. Would you mind being my boyfriend tonight?"
Nagising siya kinabukasan sa piling ng isang macho at poging lalaki.
"Ahhh! Who are you?" tanong niya.
Iritableng tumayo ito, nagbihis at lumabas ng kuwarto.
Ngunit hindi akalain ni Karissa na makikita muli ang lalaki bilang “boss” niya sa opisina.
*****
Chapter 1: SNATCHER
NANUNUOT ang lamig sa katawan ni Karissa dahilan para ibalot niya ang katawan ng comforter. All parts of her body are aching. Sa kanan, kaliwa, likod at harap na para bang nakipagsagupaan siya sa laban. Naramdaman na lang niya ang mainit na balat ang dumikit sa kanya.
Biglang nanlaki ang mata niya at inikot ang paningin sa buong kuwarto.
Wait! Nasaan ako?!
Tiningnan niya ang sariling katawan. Kaya pala siya nilalamig ay dahil wala siyang suot kahit isa.
Pinihit niya ang sarili dahil may kung ano siyang naramdaman na bahagyang pagkilos sa kanyang likuran. Dahan-dahan lang, dahan-dahan lang, na parang kanta ni Maja Salvador. Nanlaki ang mata niya nang masilayan ang isang lalaking estranghero.
"Ahh!" tili niya. Agad siyang bumalikwas ng bangon.
Nagising din naman ito dahil sa ingay niya na halos yumanig sa kabuuan ng silid.
"So annoying!" sabi nito habang hawak ang noo na sumasakit.
"Y-y-you! Who are you?" tanong niya na gumilid sa pinakasulok ng kama at kinuha ang lahat ng comforter sa higaan para ipantakip sa sariling katawan.
Kinapa-kapa niya ang sarili. Nakipag-kemehan ba siya kay kuya? Biglang naiyak si Karissa. Anong naganap sa kanya?
"Stop crying!" singhal nito. Kinuha ang mga damit na nasa lapag, tumayo mula sa kama at nagsimulang magbihis. Nakayuko lang si Karissa habang ginagawa nito ang mga iyon. Hindi niya magawang tumingin sa lalaki
"Paano naman kasi kuya… berjen pa me… Bakit ang salbahe mo?" naiiyak niyang sumbat dito.
Sa sobrang inis ng lalaki, hindi na siya nito kinausap pa. Lumabas ito ng silid at hindi na siya nilingon pa. Naiwan si Karissa na natulala. That damned guy! Ang kapal ng muks na bigla na lang lumayas! Pogi pero snatcher! Na-snatch ng bonggels ang p********e niya.
Iniuntog ni Karissa ang ulo sa unan, gusto niya sana sa pader pero masakit kasi kapag doon kaya sa unan na lang, safe pa! Inaalala niya ang naganap nang nagdaang gabi. Uminom siya nang sobra dahil sa sobrang sakit din na pinagdadaanan ng puso niya. Nakipaghiwalay kasi siya sa kanyang boyfriend na member ng banda.
Vocalist ng “Up Down Left Right Band” ang siraulo niyang boyfriend na hiniwalayan niya na nang tuluyan.
Paano ba naman kasi, may boyfriend siya na may girlfriend pa na iba. Saklap, besh!
Ang sabi sa kanya ng damuho niyang nobyo, hindi nito maiwan ang girlfriend nito dahil laging nagbabanta na magpapakamatay. Ang hindi niya matanggap ay nang nagkita sila nang nagdaang araw ay hindi man lang siya nito pinansin. Para siyang hangin na dinaanan lang nito sa coffee shop kasama ang nobya nito. Magkahawak-kamay pa ang dalawa na nagngingitian.
Para siyang sinampal ng harap-harapan.
It hurts, you know?!
“Ayoko sana… na ikaw ay mawawala… mawawasak lamang ang aking mun..doo… oh oh…”
Lumuluha siya nang maisip ang kanta ng Aegis, bagay sa kasalukuyan niyang feylings with 'Y'.
Gusto niya sana na mag-emote sa pader, eh. 'Yong pa-slow-mo na nakatayo habang unti-unting napapaupo kaya lang tinatamad siya. Bukas na lang! Masarap na ang higa niya sa kama.
Teka, bakit may tumutunog?
Noon niya lang naalala na iyon nga pala ang ringtone na naka-set sa kanyang cellphone.
…..
UMUWI si Karissa sa bahay nila mula sa hotel kung saan siya nagising kasama ang guwapong lalaki. Mukha ng madrasta niya ang bumungad sa kanya.
"Hmp! Armando, 'yong magaling mong anak, dumating na!" sigaw nito sa loob ng bahay.
Maihahalintulad sa boses ni Tiya Pusit ang boses ng madrasta niya. Sumakit kaagad ang tainga niya. Hindi maintindihan ni Karissa kung saan ba napulot ng papa niya ang babae.
"Anak! Mabuti at narito ka na!"
"Ay, hindi, ‘Tay, wala po talaga ako rito. Hangin lang po itong nasa harapan niyo. Si Casper po talaga ito, your friendly ghost," bubulong-bulong na aniya.
"Saan ka nanggaling?" tanong at usisa nito.
"Aruuuu… saan pa nga ba nagpunta ang anak mo kung hindi sa lakwatsahan! Wala na nga tayong pera gumagastos pa!" sabad ng bungangera niyang madrasta.
Magkasalikop ang kamay ng papa niya at seryoso na nakatingin sa kanya. Alam niya na may gusto itong sabihin.
"Makinig ka, anak... Ahhh… G-ganito kasi—" simula nito na pinutol na bungangera niyang madrasta.
"Magbihis ka at ihahatid ka namin kay Don Facundo! Magpasalamat ka at natipuhan ka ng don kaya wala kang magagawa kung hindi ang magpakasal sa kanya!"
Biglang tumawa si Karissa. "Ante naman, eh. Huwag ho kayong magbiro. Nasa Goin' bulilit ba tayo? Nasaan ang mga kamera?" Lilingon-lingon siya kahit alam niyang inaaliw lang niya ang sarili.
"Anak, totoo ang sinabi ng Ante mo. Pumayag na ‘ko na magpakasal ka kay Don Facundo."
Natigilan si Karissa. Punyemas naman! Kahapon broken hearted ako, may kapalit na bago agad?
Nahihiya ang papa niya na tumingin sa kanya. "Anak, natipuhan ka kasi ni Don Facundo nang sumali ka noong nakaraang buwan sa Mutya ng Baranggay Pilapil. Nagustuhan ka ng don at gusto ka niyang maging asawa."
Eh, 'di wow! Ako na ang maganda! Wow! Ang ganda ganda ko.
Nagtitimpi siya. Alam ni Karissa na hindi iyon basta pagpapakasal. Malamang ay gusto lang siya nito na gawing babae. Side-woman, gano’n! Hindi siya papayag na mapunta sa may-edad na lalaki. Bigla niyang naisip si kuyang pogi na nakasama niya sa kuwarto nang umagang iyon.
Buti kung si kuyang pogi. Yummy! sabi nga sa commercial ni Coco Martin.
Tahimik lang si Karissa.
"Hoy, Karissa! Sinasabi ko sa 'yo. Magpasalamat ka! Kailangan mong bayaran ang pagpapalaki namin sa 'yo kaya hala, sige na’t magbihis ka nang maganda. Ihahatid ka namin sa kanya!" nakapamewang na talak ng kanyang madrasta.
Napakuyom ang kamao ni Karissa. Maiintindihan niya na pumayag ang madrasta niya pero hindi niya matanggap na pati ang papa niya ay payag sa gusto nito.
"Magkano ang makukuha ninyong pera, ‘Pa?" tanong niya na pinipilit na ngumiti.
Napakamot sa ulo ang kanyang ama. "Isang... milyon."
Tsk! Tingnan mo nga naman, oh! Isang milyon na lang pala ang halaga niya sa paningin ng mga ito.
"Aba, eh, kung ganoon kailangan n’yo akong partehan! Ano? Kayo-kayo lang?" kunwari ay wika niya.
Natuwa ang mag-asawa na pumayag siya na lalong ikinasama ng loob ni Karissa.
"Ihahatid ka namin sa bahay ng don mamaya, kaya magpaganda ka!"
Pinilit niyang ngumiti. "Sige magpapa-parlor po ako mamayang hapon."
Matapos iyon ay sumimangot siyang pumasok sa silid at sinimulan na mag-text sa kaibigan na si Cathy.
Friend, pwede ba akong mag-apply ng trabaho d'yan sa opisina niyo sa Maynila?