Karissa and Bruce Chapter 6

1637 Words
Chapter 6: Hold up   NAPILITAN si Karissa na lumapit sa lalaki na kinakabahan. Parang drum na nagtatambol ang dibdib niya sa sobrang kaba.  "Looks like you know how to seduce people," narinig niyang komento nito.  Kumunot ang noo ni Karissa. Iniisip ba nito na inaakit niya si Assistant Wei? Pero nanatili siya na tahimik. Unti-unti rin na nawawala ang kabog ng dibdib niya.  Napansin niya na may kinuha itong check book at may mga isinulat doon.  "Here's the money. I don't want to see you again here in the office," sabi nito at parang balewala na binalik nito ang atensyon sa ginagawa.  Dinampot niya ang may kakapalan na tseke. Twenty million ang nakasulat doon na pwede niyang i-claim. Ganoon ba ito kayaman para bayaran siya ng twenty million para lang huwag na siya nitong makita sa opisina?  "Bruce Wang, what do you mean by this?" Medyo nawala nang bahagya ang takot niya dito at napalitan ng pagkadismaya. Sinalubong nito ang mga mata niya.  "Iyan naman talaga ang intensiyon mo ‘di ba? Kaya ka nga narito sa opisina ay para hanapin ako. That was my p*****t," sabi nito at saka ibinalik muli ang atensyon sa ginagawa.  Alam ni Karissa ang ibig nitong sabihin. Binabayaran ng lalaki ang virginity niya na ninakaw nito nang bongga. Pogi sana ito pero hindi gentleman sa tulad niyang nagmamaganda! "Bruce Wang," tawag niya sa pangalan nito. Marahas niyang ipinatong ang tseke sa ibabaw ng mesa "I deserve an explanation; I deserve an acceptable reason!" sabi niya dito na akala mo ay sumapi sa kanya si Piolo Pascual. "Ano ito? Landbank of Taiwan? Ano ang akala mo sa akin, Taiwanese? Hindi nga ako marunong mag-'shinshu wen chan shun shun chin chan su!’ Magbabayad ka na nga lang, papupuntahin mo pa ako sa Taiwan! Kahit sarili ngang pang-taxi, wala ako, pambayad pa sa eroplano?!"  Dinampot niya muli ang tseke na nagkakahalaga ng beinte milyones at pinunit niya sa harapan nito iyon.  Goodbye twenty million! Parang confetti na sumaboy ang maliliit na piraso ng papel sa lapag. At saka niya ito tinalikuran.  "Miss Karissa, kung ano man ang naganap sa atin—"  Pinutol niya ang kung ano man na gusto nitong sabihin pagdating sa pintuan.  "There was never an us, there will never be an us. Kaya please… h’wag mo na akong landiin."  Yes, Sarah Geronimo?! At saka siya tuluyan na lumabas ng pintuan ng opisina nito.  Umawang na lang ang labi nito na naiwan sa silid nito. ….. NANG makalabas si Karissa ng opisina ng presidente, nagbalik muli ang kaba sa dibdib niya.  "Omg omg omg!" Panay ang hinga niya ng hangin dahil pakiramdam niya ay kakainin siya ng dragon ni Jet Li sa loob ng opisina ni Bruce Wang.  Nang makababa sa opisina ng mga staff, kinuha niya lang ang gamit niya sa loob ng locker na binigay sa kanya saka siya nagpaalam kay Kakai at Ma’am Mona.  "Pasensya na po kayo kung iniwan ko ang trabaho." Hindi na niya ipinaliwanag pa ang mga rason kung bakit sobrang haba ng breaktime niya.  "Gustuhin man kitang pagalitan alam ko na napagalitan ka na sa itaas," ani Ma’am Mona.  Wala pa kasing kahit isang empleyado ang napaakyat sa opisina ng presidente para pagalitan. Nang malaman ng supervisor na babae na pinatatawag si Karissa ni Bruce Wang ay talagang nabigla ito.  Halatang nagalit talaga ang lalaki sa pag-abandona ni Karissa sa simpleng pag-utos ng kape.  Baka kasi kapeng-kape na si Boss, ani Ma’am Mona sa isip nito.  "Aalis na po ako," paalam ni Karissa.  Tahimik naman si Kakai na pinagmasdan lang siya. Normal naman na walang reaksyon ito dahil isang araw pa lang sila na magkakilala. Pansin niya rin na aloof ang babae sa mga tao sa paligid nito, pero masasabi niya na mabait si Kakai Matapos niyang magpaalam, nagpadala siya ng mensahe kay Cathy na wala na siyang trabaho. Naisip niya ang twenty million habang sakay ng jeep. Limang libo nga ay wala siya, ang lakas pa ng loob niya na tumanggi sa malaking pera.  Mapapabuntong hininga ka na lang talaga.  Si Don Facundo nga ay isang milyon lang ang bayad sa kanya maging kabit lang nito. Kahit sa beinte milyones para sa puri niya ay tumanggi rin siya? Seriously Karissa, magkano ba ang gusto mo talaga? Madami siyang mabibili doon. Pwede siyang magbuhay-donya ng isang araw at bumili ng kung ano-ano. Kahit lalaki nga ay pwede niyang bilhin.  May umakyat na naka-bonet na lalaki sa jeep. Payat ito at malikot ang mata.  Lord, don't tell me maho-hold up naman ako bago makauwi. Eksakto naman na pababa na si Karissa dahil nasa kanto na siya patungo sa condominium kung saan siya tumutuloy.  "Hold up 'to!" sigaw ni Karissa sa jeep imbes na "para po”.  Sa sobrang takot ng mga taong sakay ng jeep, nagsipagbabaan ang mga iyon at naiwan si Karissa nang mag-isa. Nakagat niya na lang ang labi at napangiwi. …. "MAMANG Pulis, nagkamali lang po talaga ako. Hindi po ako holdaper. Sobrang bangenge lang po ako kanina dahil sa pagod sa trabaho." Ito ang mga salitang binitiwan niya sa pulis nang may dumaan na nagpapatrolya sa eksaktong lugar kung saan iyon huminto.  Akalain mong bago makauwi, kamuntikan pa siyang makulong!  Mabuti na nga lang at naniwala sa kanya ang pulis dahil ayon sa mga ito, halos kilala at suki na ng presinto ang mga holdaper na nahuhuli ng mga ito. Hiyang-hiya si Karissa na nakabalik sa condominium kung saan siya tumutuloy. Muntik pa siyang mapahamak dahil wala siya sa sarili. Unang araw pa lang niya ng pagsubok sa Maynila ay parang sinusumpa na siya at gusto na siyang pauwiin sa probinsya. Wala sa bokabularyo niya ang umiyak kaya nga kahit nang maghiwalay sila ni Axel—ang ex-boyfriend niya—ay hindi niya nagawa na umiyak.  Feibulous: Weh? Mamatay? Cross your heart?  Karissa: Author, 'wag mo akong iniinis! Magsulat ka na lang!  Umupo na muna si Karissa sa bintana at pinagmasdan ang city lights ng kamaynilaan.  Marami ang nangangarap na makapunta rito sa Maynila mula sa probinsiya nila dahil akala ng mga kapitbahay nila ay simple lang na nakukuha ang lahat ng bagay rito.  Napagtanto niya na mahirap pala ang buhay doon. Lahat ng bagay ay pinaghihirapan. Kahit ang pag-inom ng tubig ay may bayad. Samantalang sa probinsiya nila, iigib ka lang sa poso, makakainom ka na.  Napabuntonghininga na lang siya. Maghahanap na lang siya ulit ng trabaho. Hindi siya pwede na maging failure sa paglayas niyang iyon. Magiging bongga siya, ipinapangako niya. At ang Bruce Wang na iyan, dadating ang araw na luluhod din ito sa kanya.  Habang nangangarap, ilang saglit lang ay nagri-ring ang cellphone niya na nasa loob ng bag.  Kumunot ang noo niya dahil hindi kilalang number ang tumatawag sa kanya. Kinakabahan siya dahil baka si Tiya Pusit ang tumatawag, o kaya naman ay baka ang ama niya, o kaya ay si Mandy. "H-hello…" Niliitan niya ang boses para kung sakaling ang mga taong ayaw niyang makausap ang tumatawag, madali na ang sabihin na “wrong number”. "Karissa, alam kong ikaw iyan." Narinig niya ang boses ni Axel sa kabilang linya.  Nasa block list niya ang numero ng lalaki kaya paanong natawagan pa rin siya nito?  "Karissa, nagpunta ako sa inyo at nagagalit ang untie mo at papa mo sa ‘yo. Lumayas ka raw nang hindi nagpaalam." Lumayas nga ‘di ba? Alangan namang magpaalam siya sa kanila na lalayas siya! Saka may ideya ba ang ugok na ito na binebenta siya sa halagang isang milyon kaya siya umalis sa kanila?  "Bakit ka ganyan? Wala ka nang pakialam sa pamilya mo? Bumalik ka dito kung ayaw mong hanapin kita at ako ang mag-uuwi sa iyo dito sa Baranggay Pilapil!" nagagalit na sabi ng kumag.  Pero parang sasakyan ito na nag-U-turn agad-agad. Biglang naging mahinahon at mapagkumbaba.  "Look, I'm sorry, okay? Please come back," dagdag nito.  Hindi napigilan ni Karissa na mag init ang ulo niya.  "Axel, nagda-drugs ka ba? 'Yong sorry ba sa iyo ay isang lisensya para paulit-ulit mo akong lokohin, gano'n ba 'yon?!"  Yesss, Angelica P!  "I gave you everything but you left me with nothing! Goodbye Gerard! Hmp!"  Matapos niyang putulin ang tawag nito nakaramdam ng pagkabwisit si Karissa. Doon niya lang napagtanto na ang tanga-tanga niya noon. Ano ang nakain niya para maging nobyo ang ugok na lalaking iyon? Mabilis naman na nag-ring muli ang telepono.  "Axel, ang mundo ay isang malaking Quiapo! Mukha kang snatcher! Tigil-tigilan mo ako!"  Caller "..."  "Uhm… si Karissa ba ito?" Narinig niyang boses ng babae.  Bigla siyang sumeryoso at kumunot ang noo. "Hija, ako ang matandang babae kanina. Maraming salamat sa pagtulong mo dahil kung hindi mo ako natulungan ay baka namatay na daw ako dahil sa init ng panahon."  Bigla niyang naalala ang may-edad na babae na dinala niya sa ospital.  "Naku, Ma’am, wala po iyon. Nagkataon lang na naroon din ako sa lugar. Kahit sino pa po ang nando’n, sigurado na tutulungan kayo." Sinabi naman nito agad ang pakay. "Tulad ng promise ko sa iyo ay bibigyan kita ng reward. Ibibigay ko kahit na ano ang hilingin mo." "Naku, Ma’am, nakakahiya po." "Huwag ka nang mahiya, hija."  "Eeehh... Nakakahiya po talaga."  "Ayos lang…"  "Nakakahiya po… Sige po, gusto ko ng trabaho, pagkain kahit sa loob ng isang buwan, pambayad ng tubig, kuryente, at pautang po ng five thousand," mabilis na sabi niya na parang sinapian ng Tita mo, na makapal ang mukha. Sa palagay ni Karissa, mayaman ang babae dahil sa ganda rin ng cheongsam na suot nito.  "Walang problema. Iyon lang ba?"  "Meron pa po. Pamasahe po araw-araw."  "Pamasahe lang pala, kahit pang taxi pa ay bibigyan kita."  "Pang taxi po simula Ilocos?"  Ginang "..."   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD