CHAPTER 7

1949 Words
NAKAPIKIT ako ngayon habang mina-makeup-an ako ni tita Girly. Nakasuot na rin ako ng dress ko, V-Neck Short Sleeves Pleating Wrap Midi Dresses Nipped Waist na hanggang sa aking ibabang tuhod. Sobrang ganda niya at bili ito nila ate Kathleen sa akin. “It's already done! Pwede ka nang dumilat, iha.” sabi sa akin ni tita Girly kaya sinunod ko siya. Dahan-dahan akong dumilat at napangiti ako nang makita ko ang aking sarili sa salamin, na nasa harap ko. Malaking ngiti ang namutawi sa aking mukha. “Thank you po, tita Girly! Sobrang thank you po!” saad ko sa kanya at nilingon ko pa siya. “It's easy, iha. Sa sobrang ganda ng face mo ay napakadali mong make-up-an. Oh, ʼdi ba? Bagay sayo ang light make-up.” sabi ni tita Girly sa akin. Napatayo na ako at tinignan pa ang aking mukha sa salamin. “Thank you po ulit, tita Girly!” Ulit na sabi ko sa kanya. “It's okay, iha! Congratulations dahil graduate ka na.” Matamis na sabi ni tita Girly sa akin. Lumakad na kami nila tita Luna papunta sa Lazaro High, doon lang din kasi gagawin ang graduation ceremony namin. Sina ate Kathleen and kuya Francis ay nauna na roon. Pinarada ni tito Luxus ang kotse sa may parking area, siya lamang ang kasama namin dahil si tito Godipher ay busy sa kanilang company, susunod na lamang din siya. Bumaba na ako sa sasakyan, nakasampay ang aking toga sa braso ko at hawak ko naman ang toga cap ko. Inalalayan ako ni tito Luxus dahil sa suot ko, naka-takong kasi ako. “Be careful, Katrina.” Baritonong sabi ni tito Luxus sa akin. “Thank you po, tito Luxus.” Ngiting sabi ko sa kanya at lumakad na ulit kami. Nakarating kami sa venue ng aming graduation, nakita ko agad roon si Chelsea na nakasuot na ang toga sa kanyang katawan, except sa toga cap niya. “Katrina, doon na kami pupwesto sa mga bisita, okay? Hihintayin na rin namin sila Kathleen and Leif. Congratulations again!” Nakangiting sabi ni tita Luna sa akin. Tumango ako sa kanya. “See you later po, tita Luna!” sabi ko sa kanya at lumakad na papunta kay Chelsea. “Katrina!” Malakas na sabi ni Chelsea sa akin nang makita niya ako. Kahit kailan talaga ang isang ito ay malakas pa rin ang boses. “Ga-graduate na tayo!” She giggles nang sabihin niya iyon sa akin. Napangiting tumango ako sa kanya. “Yeah! Kaya, congratulations sa atin!” ani ko sa kanya. Niyakap niya ako nang mahigpit. “Salamat dahil naging kaibigan kita, Katrina! Salamat dahil nakilala ka namin ni Yago! Walang magbabago sa pagkakaibigan natin, okay?!” Napailing ako sa sinabi ni Chelsea. “Sira! Bakit naman magbabago iyong pagkakaibigan natin, aber? Magkaiba man ang major natin sa college, hindi magbabago ang friendship na binuo natin, okay?” sagot ko sa kanya at niyakap din siya nang mahigpit. “Anyway, wala pa ba si Yago?” Pag-iiba ko sa usapan namin. Baka kasi mag-iyakan kami rito Nakita ang mukha niyang nagsasabi na, 'hindi niya rin alam kung nasaʼn si Yago.' “Hindi ko pa siya nakikita,” aniya at sabay tingin niya sa paligid. Nasaan na kaya ang isang iyon? Imposibleng ma-late siya sa mismong graduation ceremony namin, ano? Nilabas ko ang aking phone sa bitbit kong sling bag na black, nakasuot na rin kasi ang aking toga sa katawan ko. Hinanap ko ang number ni Yago at dinial iyon, ilang beses nag-ring bago niya sinagot iyon. “Hello, Yago? Nasaan ka na?” Iyon agad ang bungad ko sa kanya nang sagutin niya ang tawag ko. “I've been here for a while. Where are you?” Nailayo ko ang aking phone sa tenga at napangiwi sa sinabi niya. “Anong sabi ni Yago, nasaan na raw siya?” tanong ni Chelsea sa akin at habang nakatingin pa rin sa paligid para hanapin si Yago. “Kanina pa raw siya nandito,” sabi ko sa kanya. Ni-loudspeaker ko ang aking phone. “Saan ka naka-pwesto, Yago? Nandito kami sa may labas ng place, nasa loob ka na ba? ʼdi ba, bawal pang pumasok? Need pang pumila rito?” sabi ko sa kanya. Wala kasi siya rito sa may labas. “Um, yeah, nasa loob ako. May pinaliwanag lang sa akin about sa speech ko, then, may pinalitan ng ilang lines kaya nandito ako. Pero, palabas na rin naman ako.” sagot niya sa akin, na siyang kinatango ko. “Ah, okay, nandito kami sa section natin, naka-line kami pero hindi pa naka-alphabetical. Puntahan mo na lamang kami rito then picture tayong tatlo together. Congratulations again, Mister Valedictorian!” saad ko sa kanya at binaba na ang tawag. “Ah, swerte natin, ano? Kaibigan lang naman natin si Yago, ang valedictorian ng year na ʼto!” Masayang sabi ni Chelsea sa akin, kaya napailing ako sa kanya. Ilang minuto lamang din after kong tawagan si Yago ay lumabas na rin siya, nakita namin siyang palakad sa pwesto namin ni Chelsea. “Congrats, Yago! Tara picture na tayo!” Iyon agad ang sinabi ni Chelsea kaya hindi ka nakatanggi si Yago sa sinabi ng kaibigan namin. Nag-picture kaming tatlo at siyempre nasa gitna namin si Yago. Nagpa-picture rin kaming tatlo sa classmate namin hanggang naging group picture na nga ito ng section namin. Pagkatapos ng picturan na naganap ay naglibot na ang mga teacher namin. Pinapaayos na kami ng pila, kaya humiwalay na ako sa kanilang dalawa, parehas kasi silang letter M ang start ng surname, ako ay letter S, kaya nahiwalay ako sa kanilang dalawa. Nag-umpisa na mga ang graduation rites namin, isa-isa na kaming pumapasok sa loob ng venue at sobrang elegant nito. Nasa loob na rin ang parents, kapatid and relatives ng mga ga-graduate. Hindi ko nga makita sila tita Luna. Kaya hindi ko na lamang hinanap po, nag-focus ako sa nilalakaran ko. Nakaupo na kami sa aming seat at nagsalita na ang may-ari ng Lazaro High, kamag-anak daw ito nila tita Susana — grandma nila ate Lennore. Pagkatapos nang kanyang sinabi ay heto na nga ang hinihintay namin, ang makuha ang diploma namin. Nakatayo na kami ngayon sa gilid ng stage at hinihintay na tawagin ang pangalan ko. Malaking ngiti ang nakapaskil sa aking labi habang nakatingin sa may stage, mamaya lamang ay lalakad ako roon at kukunin ang diploma ko. “Ma, graduate na rin po ako! Sana nandito pa rin kayo para kayo po ang magsabit ng medal sa akin... Pero, alam kong nanonood kayo ngayon ni Papa sa akin d'yan sa heaven. Para sa inyo po ito!” Isa-isa na tinatawag ang mga kaklase ko. Napalakpak ako nang matawag ang pangalan ni Yago. “Miranda, Yago... Valedictorian of the class 2023!” Malakas na sabi ng adviser namin. Tama po kayo nang rinig, siya ang valedictorian ng class namin ngayong taon. Siya ang nanguna sa mga estudyante sa lahat ng section ngayong Grade 12 na kami. “Montenegro, Chelsea...” Pumalakpak ulit ako nang matawag ang pangalan ni Chelsea. Magkasunod lamang silang dalawa. Heto na, ako na ang sunod na tatawagin. “Sarmiento, Katrina... Best in Filipino.” sabi ng adviser namin at siyang pagngiti ko nang malaki. Lumakad na ako pa-akyat sa stage, nilapitan ako ng adviser namin at kinong-grats niya ako, ngumiti ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. Kinuha ko ang aking diploma at sinabit sa akin ang nag-iisang medal ko sa aking leeg. “Thank you po,” saad ko sa aming principal, sa teachers and sa may-ari ng Lazaro High. Huminto ako sa gitna para magpa-picture at saka na rin lumakad. Hawak ko na ang diplomang pinaghirapan ko, hindi lamang iyon dahil may kasama pang medal. Niyakap ko iyon ang mahigpit. “Thanks, God!” Iyon na lamang ang namutawi sa aking labi dahil sa sayang nararamdaman ko ngayon. Natapos tawagin ang lahat ng estudyante at lahat kami ay graduate na, makikipaglaban na kami sa college year. Matatapos na ang graduation ceremony namin nang pina-akyat si Yago. Valedictorian speech na niya. “Good day to everyone! I'm Yago Miranda, the valedictorian of this school year! Have a great day to everyone! First, we have much to be thankful for. Here at Lazaro High we have received a great education thanks to our fine administration and teachers. We are prepared to move on and to take on whatever challenges come next in our lives...” Unang bungad niyang sabi sa amin na siyang kinangiti ko, pinicturan ko siya at vinideo-han na rin. “...we can also be thankful for our families. These past six years have presented us with a lot of ups and downs and it is good to know that we had our families in our corner, supporting us along the way. Thanks Mom and Dad, also to my brother, Carl. I would not be here today without you...” Ngiting sabi niya sa aming lahat. “...finally, we can be thankful for each other. The friendships that we have made here will last a lifetime. In the same way we have supported each other and helped each other succeed in these years at Lazaro High, I hope we will continue to provide support and encouragement for each other in future endeavors.” Tumango ako sa kanyang sinabi. Hindi ko makakalimutan ang friendship naming tatlo. “Sa muli, congratulations to us, graduates!” Pagtatapos niyang sabi at siyang palakpakan naming lahat. Nang matapos ang speech ni Yago and siyang pagtatapos na rin ng graduation ceremony namin. Nagkanya-kanya na silang lahat, picture rito at picture roon. Hindi rin naman kami nagpatalo at nagpa-picture ulit kaming tatlo sa may stage. “Congratulations to us, guys!” Masayang sabi ni Chelsea sa amin at niyakap niya kaming dalawa ni Yago. “Kayo pa rin ang best friend ko, okay? Bye, magse-celebrate pa ako with my family and relatives! Ingat, guys!” saad niya sa amin ni Yago at kumaway na siya papunta sa family niya. Nagkatinginan lamang kami ni Yago sa isa't-isa. “Congrats again! See you sa college! Paniguradong magiging classmate tayong dalawa dahil same ang major natin! Kaya hindi ako mag-ba-bye sayo!” Tatawa-tawang sabi ko sa kanya. Tumango siya sa akin at tinap ang aking buhok. “Congrats, bunso! Graduate ka na ng senior high!” Nakita ko si ate Kathleen na papunta sa amin. May hawak siyang bulaklak at binigay iyon sa akin. “Thank you po, ate Kath!” ani ko sa kanya at tinanggap iyon. “Congratulations din, Yago!” Bati rin ni ate kay Yago na siyang katabi ko, nakita ko ang pagyuko niya. “Congratulations, Katrina.” Matipid na bati ni kuya Leif sa akin. Tumangong ngumiti lamang ako sa kanya. “Tara na raw at pupunta pa tayo sa restaurant ni tita Luna para i-celebrate ang graduation niyo, kasama ka Yago. Nasa labas na ang kuya Carl mo, come on?!” Yaya ni ate Kathleen sa amin kaya tumango kami. Pagkalabas namin ay nandoon na nga silang lahat. Nag-picture muna kami together, wala sa picture sina kuya Lennox, tito Godipher and Godfrey, sana venue na raw sila. Hindi kasi alam ng ibang tao na asawa rin ni tita Luna si tito Godipher at maging si ate Kathleen, hindi alam ng ibang may asawa na si kuya Lennox kasi until now ay nasa Starlight pa rin siya at nag-a-artista, pero dalawang taon na lang daw ay madi-disband na rin sila. Gagawin niya iyon para kay ate Kathleen. Kaya gusto ko rin makahanap na tulad nina kuya Leif and kuya Lennox, na mahal ako at ako lamang sa buhay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD