AFTER ng limang oras kong nakaupo sa designated seat ko sa room kung saan ako naka-assign ay natapos ko na rin ang exam. Napatayo na ako habang bitbit ang aking answer sheet, tatlong klase ang aming inexam. Sa limang oras na iyon ay dalawang beses ang break namin at hindi kami pinalabasa sa room namin para ma-maintain na walang cheating na mangyayari kapag lumabas kami.
Ganoʼn sila kahigpit.
Nasa harapan na ako ng taga-bantay namin sa exam at binigay ang aking answer sheet. Kinuha niya iyon sa akin at may pinirmahan, ginawa ko iyon.
“Good luck!” saad niya sa akin, na siyang pagkaba ng aking dibdib.
Bakit nagsabi siya ng ganoʼn?
Bakit kailangan niyang magsabi ng good luck after kong ibigay ang answer sheet? Hindi ba niya alam kinabahan ako roon?
Jusko, sana hindi na kita makita pa!
Tumalikod na ako sa nag-bantay sa amin at palihim kong sinipa ang aking upuan. Pamahiin daw iyon at naniniwala ako roon. Wala rin naman mawawala if susundin mo iyon.
Dire-diretso akong lumabas sa room na pinag-exam namin at hindi na lumingon doon.
Huminga ako nang malalim at malakas na binuga iyon. Tapos na ang entrance examination! Naniniwala akong makakapasa ako dahil lahat ng pinag-aralan ko ay nandoon.
Lumakad na ulit ako at lumabas na sa building na ʼto, nasa Lazaro University lang naman kami.
“Katrina! We're here!”
Narinig ko agad ang malakas na boses ni Chelsea na tinawag ang pangalan ko. Nakita ko siyang kumakaway-kaway sa akin.
“How was the exam, it was easy, right? Everything we reviewed was there.” Nakita ko sa mga mata ni Chelsea ang saya roon.
Mukha ngang nadalian ang isang ito sa exam.
Tumango ako sa kanya. “Yeah, maging iyong pina-photocopy natin ay nandoon din.” sabi ko sa kanya.
“Ayos ka lang, Kat?”
Napatingin ako kay Yago at tumango sa kanya. “Ayos lang ako, Yago. Napagod lang siguro ako sa exam kahit nakaupo lang tayo sa buong limang oras. Nakakapagod din pa lang umupo sa maghapon, ano? Maging ang isip ko ay tuyong-tuyo na!” Reklamo ko sa kanya.
Naramdaman ko ang pag-tap niya sa aking buhok. “Kumain ka ba nang chocolate habang nag-e-exam?” tanong niya sa akin.
Tumingin ako sa kanya at tumango. “Um, oo, pinagbaunan ako ni tita Luna, Yago. Naubos ko iyon, ang tatlong chocolates na pinabaon sa akin.” sagot ko sa kanya.
Naubos ko iyon pero pagod pa rin ako. Sabi kasi nila kapag kumain ka ng chocolates ay magiging hyper ka, pero bakit iyong sa akin ay baliktad?
“Bagay kayo, ano?”
Nagulat ako nang magsalita si Chelsea at nasa likod namin siya. Nakangiti siya sa amin habang nakatingin sa amin ni Yago.
Kumunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi. “Anong pinagsasabi mo, Chelsea?” tanong ko sa kanya.
“Sabi ko, bagay kayo ni Yago.” Inulit nga niya ang sinabi niya. “Siguro kapag kayo nagkatuluyan, magiging gwapo and matalino ang anak niyo!” Dagdag pa niyang sabi sa amin na siyang kinailing ko.
“Magpahinga ka na, Chelsea! Nanunuyo na iyang utak mo kaya kung anu-ano ang iniisip mo.” sabi ko sa kanya at nauna ng lumakad.
Kami, bagay ni Yago?
Alam naman naming walang time sa love life si Yago. Ang daming gustong manligaw sa isang iyon pero walang pinapansin. At saka, best friend kaya kaming tatlo. Nag-promise kaming walang talo-talo.
“Uy, totoo ang sinabi ko! What if maging kayo in the future, ʼdi ba?” Hindi pa rin siya tapos.
“Hindi mangyayari iyon, Chelsea. The three of us promised last year that we would be friends for life. So, tigilan mo na iyang sinasabi mo about sa amin ni Katrina.” Seryoso ang boses na ginamit ni Yago.
Isa lang ang alam namin galit na siya.
Nagkatinginan kami ni Chelsea at pinandilatan siya ng mga mata. “Tumahimik ka na,” buka ng bibig ko sa kanya.
Napanguso na lamang siya sa akin at tumango.
Palabas na sana kami sa gate ng Lazaro University nang may bumisina sa amin. Hinanap namin iyon at nakita namin ang isang kotse, kotseng itim na SUV. Sobrang tinted iyon kaya hindi namin makita kung sino ang tao sa loob.
“Boyfriend mo, Chelsea?” tanong ko sa kanya.
Nakakailang ex-boyfriend na kasi ang isang ito. Baka kasi may new boyfriend si Chelsea at siya ang binusinahan.
“Huy, wala! Kaka-break ko lang nu'n January kaya.” sagot niya sa akin.
Nagkatinginan ulit kaming tatlo at saka muli naglakad pero ayan na naman, bumisina na naman ang kotse. Kami talaga ang pakay ng isang ito.
“Ako na ang lalapit,” sabi ni Yago at lumakad na siya sa may itim na kotse.
Marami pa namang mga tao rito sa labas ng gate kaya makakahingi agad kami ng tulong incase na kidnapper iyon.
Nakita namin sa aming pwesto ang pagbaba ng bintana ng kotse. Kita rin namin ang buka ng bibig ni Yago hanggang napatingin na siya sa amin at pinapalapit kami. Sumunod kami sa kanya at doon namin nakita si Godfrey, siya lang pala.
“Ihahatid na raw niya tayo.” Walang kabuhay-buhay na sabi ni Yago sa amin ni Chelsea.
“Kanina ko pa kayo binubusinahan, bakit ayaw niyong lumapit, ha?” asik ni Godfrey sa amin.
Nakapasok na kami sa loob ng kotse niya. Nasa back seat kami ni Chelsea at si Yago naman ay umupo sa passenger seat. Magmumukha raw kasing driver si Godfrey kung walang uupo roon.
“Akala namin kidnapper,” ako na ang sumagot para sa kanya.
Nakita ko ang masamang tingin niya sa akin doon sa rear view mirror. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Totoo naman ang sinabi ko, akala namin kidnapper.
“Pinapasundo ka ni Mom, baka kasi pagod ka na raw para bumayahe. Magpasalamat ka pa nga, Katrina, at sinundo kita. Sobrang bait kong brother-in-law, right?” wika niya sa amin.
Mabait daw?
Hindi na lamang ako sumagot sa kanya.
Napatingin na lamang ako sa may bintana at nag-umpisa na siyang mag-drive, siguro nalaman niyang hindi ako sasagot sa kanya kaya nag-maneho na siya. Una naming binaba ay si Chelsea.
“Thank you po sa pagsabay sa akin, kuya Godfrey!” Pasasalamat niya at sinara na ang pinto.
Sunod naming binaba ay si Yago, sa tapat ng gate ng subdivision namin siya binaba. Nagpasalamat din siya kay Godfrey. Hanggang kami na lamang ang natira sa loob ng kotse.
“Lipat ka rito sa passenger seat,” saad niya pero hindi ako sumunod.
Malapit na lang din naman ang village kaya bakit ako lilipat pa, ʼdi ba?
“Simula lumipat ka sa bahay, naging mailap ka na sa akin, Katrina. Why?”
Heto ang ayokong itanong niya sa akin. Pinili kong manahimik na lamang at itikom ang aking bibig. Nakapasok na kami sa gate ng village, konti na lamang ay makakarating na kami sa bahay ng mga Smith.
Huminto ang sasakyan at lumingon siya sa akin, “may ginawa ba akong kasalanan sayo?” tanong niya sa akin.
Napalunok ako dahil sa klase ng kanyang tingin. Umiling ako sa kanya pero hindi pa rin ako nagsalita.
Wala naman siyang ginawang masama, ako iyong may kasalanan dahil nagkagusto ako sa kanya na hindi dapat. Dahil para sa kanya ay bunsong kapatid ako ni ate Kathleen na dapat alagaan at bantayan.
“Kung wala naman pala, bakit umiiwas ka sa akin? Tell me, Katrina, anong ginawa ko?” Seryoso ang boses niya at heto ang ayoko.
“Hindi po ba aandar itong kotse niyo? Kung ʼdi, bababa na lamang po ako. Pagod po ako sa pag-take ng exam kaya gusto ko na pong umuwi. If, hindi niyo pa rin po paandarin ay lalabas na po ako, kaya ko pa pong maglakad simula rito hanggang sa bahay niyo po.” sabi ko sa kanya.
Pagod na rin naman na talaga ako.
“Sagutin mo muna ang tanong ko, Katrina, may ginawa ba akong mali?!”
Huminga ako nang malalim at binuksan na ang pinto. Ayokong sagutin ang tanong niya, bakit ba ang kulit niya!
Bumaba ako at sinarado ang pinto ng kanyang kotse. Mabilis akong naglakad palayo roon.
“Hey, come back here! Katrina, bumalik ka rito!”
Narinig ko ang malakas niyang sigaw sa akin pero hindi ako nakinig sa kanya. Mabilis pa rin ang aking paglalakad hanggang hindi ko na makinig ang kanyang boses.
Nakabalik ako sa bahay at bumungad sa akin si ate Bing. “Kumusta ang exam, Katrina? Madali lang ba?” tanong niya sa akin at napatingin sa aking likod. “Si Young Master Godfrey? Hindi ka ba niya nasundo? Nag-presinto siya kay Ma'am Luna na siya ang magsusundo sayo. Si Ma'am Luna kasi ang magsusundo dapat sayo.”
Napahinto ako sa sinabi niya. Naikagat ko ang aking ibabang labi nang dahil doon. “Um, nasundo po. Nagpababa na lamang po ako sa may gate kasi pupuntahan pa raw po niya si Kiara.” I lied.
“Ay, ganoʼn ba? Oh, siya alam kong pagod ka na exam niyo. Magpahinga ka na, Katrina! Huwag mo ng isipin ang exam niyo, paniguradong pasado ka roon!” Nakangiting sabi ni ate Bing sa akin at ngumiti rin ako pabalik sa kanya.
Dire-diretso lamang ako umakyat sa k'warto ko at saka nagkulong doon. Lalo tuloy nagkaroon ng harang sa pagitan namin ni Godfrey. Sa susunod na haharap ako sa kanya, ay wala na akong nararamdaman na kahit ano sa kanya.
Sa nakalipas na araw sa pagitan namin ni Godfrey ay walang pansinan na nangyari sa aming dalawa. Para akong hangin para sa kanya, hindi ko rin naman siya masisisi dahil ako ang hindi nagsalita.
Hindi ko na lamang siya pinansin at nagkulong na lamang ako sa k'warto ko sa nakalipas na araw. Wala rin naman sa bahay si Godfrey dahil always din siyang umaalis with his girlfriend and kuya Luca.
That's good for me.
Isang araw na lamang ang hihintayin ko at graduation day na namin bukas.
Maaga akong gumising dahil ngayon ang araw ng graduation day namin. Ga-graduate na ako mamaya at magiging ganap na college student na ako, iyon nga lang hinihintay pa namin ang result ng entrance exam sa Lazaro University.
“Katrina? Katrina, gising ka na ba? Ngayon ang graduation niyo, ʼdi ba?” May kumakatok sa pinto ng k'warto ko, naririnig ko ang boses ni ate Bing.
Nakangiting bumangon ako at tumayo na sa kama. Lumakad ako palapit sa pinto at binuksan iyon. “Good morning po, ate Bing!” Masayang sabi ko sa kanya. “Gising na gising na po ako! Ready na po ako sa graduation namin!” sabi ko sa kanya.
“Naku, ikaw talagang bata ka. Maligo ka na raw, Katrina. At, aayusan ka raw ni Miss Girly, siya ang magma-make-up sayo ngayon.” sabi ni ate Bing sa akin.
Ngumiti ako sa kanya. Si tita Girly iyong sikat na make-up artist at nag-make up sa kasal ni tita Luna and kay ate Kathleen, sobrang galing kaya niya!
“Sure po, ate Bing! Maliligo lang po ako at bababa na rin po agad!” Hindi pa rin mawala ang ngiti ko nang sabihin ko iyon sa kanya
“Sige na, Katrina! Congratulations agad, ha? College student ka na rin!” Bati sa akin ni ate Bing kaya ngumiti ako sa kanya.
Sinarado na niya ang pinto at ako naman ay nagmadaling pumunta sa banyo, maliligo na ako at baka maghintay nang matagal si tita Girly, nakakahiya naman. At saka, alas-onse ng umaga ang aming graduation, mag-a-alas siyete na ngayon ng umaga.
Excited na akong tanggapin ang aking diploma mamaya.