CHAPTER 8

1906 Words
SUMAKAY na ako ulit ako sa kotse nila tita Luna, doon naman kasi ako sumakay papunta rito sa Lazaro High. Si kuya Francis ay sumabay kina ate Kathleen and kuya Leif. “Katrina, sa Lazaro University ka lang ba nag-exam?” tanong sa akin ni tita Luna habang bumabyahe na kami papunta sa venue— ang restaurant ni tita Luna. Napatingin ako kay tita Luna na nasa passenger seat na nakaupo. Tumango ako sa kanya. “Um, opo, tita Luna.” sagot ko sa kanya. Lumingon siya sa akin. Nakita ko ang ngiti sa kanyang labi. “Paniguradong papasa ka roon, Katrina. Maging si Yago ba ay roon hindi nag-enrol?” Tumango ako sa kanya. “Opo, tita Luna! Maging si Chelsea po pero ibang major lang po ang kinuha, same po kaming tatlo na edukasyon ang kinuhang course.” Balita ko sa kanya. “That's good! For sure, magiging magaling na teacher kayo sa future!” sabi ni tito Luxus sa akin, na siyang nagda-drive. Ngumiti ako sa kanya at tumango. “Thank you po, tito Luxus!” Masayang sabi ko sa kanya. “Tama ang tito Luxus mo, Katrina. Paniguradong magiging magaling na teacher kayo in the future!” sabi ni tita Luna sa akin. “Sana maging classmate ulit kayo ni Yago incase. Yago is a nice guy and pretty gentleman, same sila ng kuya niyang si Carl. And, of course, tama ang pag-aalaga nila Aling Betty And Mang Gabo sa kanya.” Mahabang sabi ni tita Luna sa akin. Tumango-tango ako sa sinabi niya. Tama ang sinabi ni tita Luna about kay Yago. Kaya ang daming nagkakagusto sa kanya. Ilang minutong byahe ay nakarating na rin kami sa restaurant ni tita Luna. Dito nilang napagpasyahang i-celebrate ang aming graduation ni Yago. Bumaba na kami at pumasok sa loob. Sumalubong sa amin si tita Susana. “Congratulations, iha!” Bati sa akin ni tita Susana. Nauna na silang pumunta rito, kasama sina kuya Lennox, tito Godipher and Godfrey. Napaiwas tuloy ako ng tingin sa kanya. Niyakap ako nang mahigpit ni tita Susana. “Thank you po, tita Susana!” Energetic kong sabi sa kanya. “Here's our gift for you, Katrina. Pinapasabi ni tito Alfred mo na, sorry na he didn't make it to your graduation.” sabi ni tita Susana sa akin at kinuha ko ang paperbag na binigay niya. “Thank you so much po, tita Susana!” Ngiting sabi ko sa kanya. Nabaling ang tingin ni tita Susana kay Yago nang pumasok na rin siya. “Yago, graduation to you too!” Narinig kong sabi ni tita Susana at lumapit siya kay Yago. Napangiti na lamang ako dahil sa eksenang iyon. “Congrats sa maganda kong sister-in-law!” Nabigla ako nang may umakbay sa akin. Nakita kong si kuya Lennox lang pala iyon. Akala ko kung sino na. “Thank you po, kuya Lennox! Nasaʼn po ang gift ko?” tanong ko sa kanya pero nagbibiro lamang ako sa kanya. Nakita ko ang pagngisi niya sa akin. Ayoko ng ganitong ngisi niya. “How about si God—” “No, thanks, kuya Lennox! Okay na po ako sa gift na binigay ni tita Susana!” Mabilis na putol ko sa kanyang sasabihin. Alam ko ang sasabihin niya. Hindi ba niya alam na nasa likod namin iyon. Tinanggal ko ang kanyang kamay sa aking braso. At, nauna ng lumakad sa kanya. Sumama ako sa paglalakad ni kuya Francis. “Hey, I'm just joking, Katrina! Don't tell to your ate!” Malakas na sabi ni kuya Lennox pero dinilaan ko lamang siya. Nakarating kami sa private room na pina-reserve na ni tita Luna para sa amin. Umupo ako sa tabi ni kuya Francis at ni Yago. Nasa harap ko naman si Godfrey, lumayo-layo nga ako, siya naman ang ka harap ko. Nagdasal na muna kami bago kumain at saka sinerve na ang mga pagkain inorder para sa amin. Sa sobrang daming pagkain ay hindi ko alam kung ano ang uunahin kong kainin dahil sa daming naka-serve sa amin ngayon. Pero, ang hindi mawawala sa plato ko ay ang kanin, kimchi rice nga ang kinuha ko. Ita-try ko ito at dahil bago lamang sa panlasa ko. Habang kumakain kami ay nag-uusap sila about sa business, nakatingin lamang ako sa kanila. Pinag-uusapan nila ang future ni Godfrey. Siya kasi ang magmamana ng company nila roon sa Singapore. Hindi na lamang ako nakinig about at tinuon ang aking tingin sa pagkain ko. Iyong pinag-uusapan nga nila ay hindi rin nakikinig, eh?! Kaya bakit ako makikinig din sa kanila. Graduate na ako. Hinihintay ko na lamang ang result sa entrance exam sa Lazaro University. Unang araw ng bakasyon namin. Unang araw na pwede akong mag-chill dahil wala na akong iisipin na problema, except sa result ng entrance examination namin sa Lazaro University na malalaman namin sa buwan ng May, first week of May. Malakas naman ang loob naming magkakaibigan na makakapasa kami, dahil 90% ng exam ay alam namin, na-review namin kaya sobrang guminhawa ang aking dibdib that time. Panibagong umaga, sa pagkakataon na ito ay hindi ko na kailangan maging mabilis sa pagkakilos dahil need kong pumasok. Dahil sa ngayon ay unang araw ng bakasyon namin. Kahit bakasyon na ay maaga pa rin akong nagigising, hindi na yata nawala ito sa body clock ko. Inayos ko ang aking higaan at saka nag-jumping jacks nang kaunti, nagpahinga ako at saka naligo na rin. Nang matapos akong maligo ay nakaramdam ako ng pagkulo ng aking tiyan. Bumaba na ako para kumain, sinabi ko pa naman sa sarili ko na maglilinis ako ng room ko ngayon. Gusto ko kasing baguhin ito para bagong nature rin kapag nag-college na ako. Pagkalabas ko sa room ko ay tahimik ang aking nadatnan, hindi naman na bago para sa akin dahil sobrang busy nilang lahat. Napangiwi ako nang pagkababa ko sa may living room ay nagkakagulo sila. Napapikit at kinusot ko pa nga ang aking mga mata, baka kasi namamalikmata lamang ako. Sila ate Bing kasi ay naglilinis ngayon, hindi naman general cleaning day nila. “Ate Lala... Good morning po.” Mahinang bati ko sa kanya. Kahit nakita ko sa kilos niya na natataranta siya, may dala siyang blanket at mukhang pa-akyat siya. “Good morning din sayo, Katrina! Pasensya na at busy ang ate Lala mo, ha?” Mabilis niyan sabi sa akin na siyang pagtango ko. “Oo nga pala, pinapatawag ka ni Ma'am Luna. Aakyat sana ako para puntahan ka, mabuti na lamang ay bumaba ka na.” Dagdag niyang sabi sa akin. “Ate Lala, ano pong mayro'n? Bakit po ako pinapatawag ni tita Luna?” tanong ko sa kanya. Nakita ko siyang may bitbit na blanket, nakatupi ang mga iyon. “Magbabakasyon daw kayo, Katrina. Ay, dalian, nasa kusina si Ma'am Luna ngayon.” saad niya sa akin at nauna nang lumakad, sa kabila siya dumaan sa may patio. Nakatingin lamang ako sa kanya hanggang mawala siya. Bakasyon? Nagningning ang aking mga mata at maging ang aking tenga ay pumalakpak dahil sa aking narinig. Magbabakasyon kami! Nang dahil sa sinabi ni ate Lala ay nabuhayan ang natutulog kong dugo. Mabilis na lumakad ako papunta sa kusina, kung nasaʼn si tita Luna. “Good morning po, tita Luna! Pinatawag niyo raw po ako?” Ngiting sabi ko sa kanya at nakita kong may bina-bake siya. “Ano po iyan, tita Luna?” Turo ko roon sa ginagawa niya. “It's banana cake, Katrina. Isasama ko sa magiging baon natin today, and gumawa rin ako ng cookies. Magba-bakasyon tayo sa private resort nina tita Susana and tito Alfred para naman maging relax kayo ni Yago. By the way, contact-in mo sila Yago, okay? Sinabihan ko na si Leif na sabihan si Carl about sa bakasyon.” sabi ni tita Luna sa akin, hindi siya nakatingin sa akin kung ʼdi roon sa bina-bake niya. Tumango ako sa kanya “Okay po, tita Luna. Tawagan ko na po agad si Yago.” Aalis na sana ako sa kusina pero pinigilan niya ako. “Kumain ka muna, Katrina. Alam kong nagugutom ka na. Nagluto si Lala ng lomi d'yan. At saka, mamayang hapon pa naman ang alis natin papunta roon.” Awat na sabi niya sa akin. Nang sabihin ni tita Luna iyon ay biglang kumulo ang aking tiyan. Nagugutom na nga pala ako. “Kakain po muna ako, tita Luna!” ani ko at saka pumunta sa kaldero, kumuha ako roon ng lomi na gawa ni ate Lala. Malaking bowl ang kinuha at pinuno ko iyon. Lumapit na rin ako sa may lamesa para kainin iyon, bago iyon ay kumuha ako ng calamansi, masarap kasi ilagay iyon doon. Nang matapos an rin akong kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan ko, wala kasing hugasan at nakakahiya naman kung iiwan ko, ʼdi ba? “Tita Luna, akyat na po ako! Tatawagan ko rin po si Yago para sabihan ulit po siya.” sabi ko sa kanya. “Ganoʼn na nga, Luna. At saka, mag-ayos ka na rin ng gamit mo para mamaya. Then, ang kuya Godfrey mo ba ay nako-contact mo? Hindi umuwi ang isang iyon kahapon, kaya paki-text ako, Katrina. Ilang beses ko na iyon tinawagan at tinext pero hindi pa rin sumasagot. Baka sakali sayo ay sumagot ang isang iyon. Maaari ba, Katrina?” Napalunok ako sa sinabi ni tita Luna. “Um, okay po, tita Luna. Ko-contact-in ko po si kuya Godfrey.” sagot ko sa kanya. Tumango lamang siya sa akin at lumabas na rin ako sa kusina niya. Umakyat agad ako sa k'warto ko nang sabihin ni tita Luna na magbabakasyon kami ngayon, at dapat ngayon din ay aalis kami, mamayang hapon. Pagkarating ko sa k'warto ko ay kinuha ko ang aking phone at tinitigan mo na iyon, need kong mag-text kay Godfrey. Huminga muna ako nang malalim at saka nagtipa sa aking phone. “Godfrey, need mo raw po umuwi sa bahay ngayon sabi ni tita Luna. Magba-bakasyon daw po at mamayang hapon ang alis.” Tipa ko at saka sinend sa kanya. Binaba ko ang phone ko nang mai-send ko ang text message kay Godfrey. Mamaya ko na lamang titignan iyon, mag-aasikaso na muna ako ng damit na dadalhin ko. Kinuha ko ang malaki kong bag at pinasok ang damit ko roon. Nang matapos akong mag-ayos ay tinignan ko ulit ang aking phone, wala pa rin siyang reply. Napakunot ang aking noo nang dahil doon. Napabuga ako ng aking hininga at dinampot muli ang phone ko. Tatawagan ko na siya sa pagkakataon na ito. Di-nial ko na ang number ni Godfrey at ilang ring muna ang natanggap ko nang may sumagot na roon. “Hello, Godfrey? Pinapasabi ni tita Luna na umuwi ka na raw dahil aalis mamayang hapon para magbakas—” naputol ang aking sasabihin nang may marinig akong hindi kaaya-aya sa kabilang linya. “Ooohh, Godfrey! Don't be like that! It's too early pa para dya—aaahh!” I heard it. Nailayo ko ang aking phone at tinignan ko iyon. Kay Kiara na boses iyon. Hindi ko na kayang pakinggan ang boses na nandoon kaya binaba ko na ang tawag. Sumakit nang husto ang aking dibdib nang dahil doon. He such a playboy. Wala na akong magagawa roon. Basta ginawa ko ang inutos ni tita Luna sa akin, na tawagan at i-text si Godfrey para sabihin ang tungkol sa bakasyon na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD