NAKAPAGPALIT na ako ng pambahay at nakaupo na ako sa aking study table, nakabukas rin ang aking laptop. Bili ito ni Kuya Leif para sa akin. Need ko raw ito sa pag-aaral ko.
“Yago, iyong link!” Chat ko sa group chat naming tatlo.
Naghintay ako ng ilang minuto pero wala pang nagse-seen sa message kong iyon. Kaya ang ginawa ko ay nag-scroll down na lang muna sa group na sinalihan namin ni Chelsea, ininvite ko na nga rin si Yago mukha naman kasing legit itong group lalo na't nandito iyong admin ng page ng Lazaro University.
Sumasagot na lamang muna ako rito sa mga post na tanong ng mga member na nandito. Mostly, alam ko na iyong iba at may ibang tanong na bago lamang sa akin. Kaya iyon ang sinusulat ko sa aking notebook kung saan naka-compile ang mga tanong na nakikita ko sa mga newsfeed and sa ibang group na sinalihan namin.
Habang nag-i-scroll down ako sa aking newsfeed at nag-pop-out na iyong group chat naming tatlo. Nakita ko roon ang name ni Yago.
“Sorry later reply, Katrina. Here's the link!” Basa ko sa kanyang chat at nakita ko ang tatlong link na sinend niya.
Ni-like ko ang kanyang chat. “Thank you, Yago! And, ininvite pala kita sa isang group page kung nasaʼn kami ni Chelsea! Mag-join ka na rin member din doon iyong page ng Lazaro University mismo!” Chat ko sa group chat namin.
“Noted, Katrina. Nakita ko na iyong invitation mo sa group. Thanks! Got to go!” Reply niya sa akin at ni-like ko na lamang ulit iyon.
Nag-scroll down na lamang ulit ako at nagre-review na rin at the same time. Naka-focus ang aking isipan sa pagre-review nang may marinig akong busina ng kotse. Napatayo ako at lumapit sa may terasa ng aking k'warto, baka sila tita Luna na iyon.
Napasilip ako roon at nakita ko ang kotse ni Godfrey, napaikot na lamang ang aking mga mata at pumasok na muli sa k'warto ko. Naalala kong may kasalanan pa pala ako kanina pero hindi ako hihingi ng sorry sa kanya.
Neknek niya!
Kinabukasan, maaga ulit akong nagising kaya masaya na naman ang mood ko. Bumangon na ako at naligo na rin agad. Mabuti na lamang kagabi ay hindi sumabay sa dinner namin si Godfrey, busog na raw siya iyon ang sinabi niya kay ate Lala nang puntahan siya sa room niya. Kaya laking pasasalamat ko na hindi ko rin siya nakita kagabi.
Nagbihis na ako ng aking uniform at lumabas na rin bitbit ang aking bag. Magkikita kami ni Chelsea ngayon dahil may ipa-photocopy kaming reviewer sa isang book, na nahiram niya sa mga freshman niya sa Lazaro University. Ibabalik niya rin kasi iyon mamaya. Kagabi ko lamang na tanggap ang text message niyang iyon.
“Good morning po, ate Bing!” Masayang bati ko sa kanya. Nagpupunas siya ngayon ng mga figurine rito sa may living room.
“Magandang umaga rin, Katrina! Maaga ba ulit ang pasok mo? ʼdi ba, malapit na ang bakasyon at graduation niyo?” tanong niya sa akin.
Tumango ako sa kanya. “Opo, ate Bing! May pinag-usapan lang po kami ni Chelsea kaya maaga po ako papasok.” saad ko sa kanya. “By the way po, nandyan po ba sina tito Luxus and tito Godipher po?” Dagdag na tanong ko sa kanya.
Napatigil siya sa kanyang pagpupunas ng figurines ni tita Luna. “Oo, nandito pa sila Master Godipher and Master Luxus, maging si Ma'am Luna, Kathleen.”
Napangiti ako sa sinabi niya. Napaginhawa ako sa sinabi ni ate Bing. “Thank you po, ate Bing!” saad ko sa kanya at lumakad na papunta sa kusina.
“Oh? Naka-uniform ka pa rin, Kathleen? May pasok pa ba kayo?” Takang tanong ni ate Lala sa akin.
Siya talaga ang nakatoka sa kusina.
Tumango ako sa kanya. “Opo, ate Lala! Hindi pa po kami pwedeng mag-civilian. Pero, wala naman na po kaming gagawin sa school, tapos ko na rin po ang mga requirements namin!” Masayang sabi ko sa kanya.
“Ganoʼn ba? Ay, sobrang sipag mo talaga, Kathleen, parehas kayo ni Francis. Kaya gustong-gusto ka ni Ma'am Luna at Ma'am Susana.”
Grabe naman pumuri si ate Lala sa akin, bigla tuloy akong nahiya dahil sa sinabi niya. Napakamot ako sa aking buhok at ngumiti sa kanya. “Naku, ate Lala, nahawa lamang po ako ni Yago! And, sinisipagan ko rin po dahil po sa mga taong tumutulong sa aking pag-aaral, lalo na kina tita Luna and kina ate Kathleen.” Ngiting sagot ko kay ate Lala.
“Oo nga pala, ano, kaibigan at kaklase mo si Yago?! Kumusta na ang batang iyon? Last na kita ko ay nu'ng binyag ng triplets nila Ma'am Kathleen.”
Nakita ko sa mga mata niya ang kislap na namumutawi roon. May gusto kasi si ate Lala kay kuya Carl — Kapatid ni Yago at secretary ni kuya Leif.
“Sobrang talino po, ate Lala! And, siya rin po ang valedictorian sa amin.” sagot ko sa kanya.
Nakaupo na ako sa dining table at nag-umpisa nang kumain. Nagugutom na rin ako at baka hinihintay na ako ni Chelsea. Tinawagan ko ang facetagram account ng isang iyong kanina, baka kasi nakatulala pa iyon sa kama niya at nagmumuni-muni pa, ganoʼn kasi ang babaeng iyon.
“Morning,”
Napahinto ang aking pagkagat sa sandwich ko, nang marinig ang boses na iyon. Boses iyon ni Godfrey. Hindi ako lumingon sa kanya at pinapakiramdaman ang paligid.
Bakit ang aga niyang gumising ngayon? May pasok pa rin ba siya? O, baka naman about sa isang subject nila na isa-summer nilang magkakaibigan?
Nakaawang ang aking bibig nang mawala ang sandwich na ginawa ko, nawala sa pagkakahawak ko! Napataas ang tingin ko at nakita ko si Godfrey na nakangisi na ngayon sa akin, hawak-hawak na niya ang ginawa kong sandwich.
“Thanks, Katrina!” saad niya sa akin habang ang sulok ng kanyang labi ay nakataas.
I gasped because of what he said.
Tinignan ko lamang siya at umupo siya sa harap ko. “Pagkain ko iyan,” sabi ko sa kanya at tinuro ang sandwich na may kagat na.
“This?” Tinaas niya iyon at tumango ako. “Oh, sa akin na ngayon. Maybe you're forgetting what you told me yesterday, Katrina?” He smirked at me. Kinagatan niya ulit iyong sandwich na ginawa ko.
Napatingin ako sa paligid, nakita kong wala na rin si ate Lala rito sa may dining area. Siningkitan ko ang aking mga mata at inangilan siya. “Deserve niyo naman talaga iyon, ʼdi ba? Saka, nagpa-fact check kaya ako, so, meaning totoo ang sinabi ko sa inyo kahapon. And, hindi porket mga anak mayaman kayo, ay pwede na kayong mag-enjoy sa buhay niyo! Oo nga naman pala, kasi alam niyo sa sarili niyo na kahit hindi niyo gawin ang best niyo sa pag-aaral, ay magkakaroon kayo ng trabaho na malaki ang sweldo, more or less ay maging tagapagmana pa.” Seryoso kong sabi sa kanya.
Tumayo na ako sa harapan ni Godfrey at umalis sa dining table na iyon. Nawala na iyong gutom ko at dahil iyon sa kanya. Lumakad na lamang ako palabas sa dining table at sa paglalakad ko ay nakasalubong ko si tita Luna, nasa likod niya sina tito Godipher and tito Luxus.
Yumuko ako sa kanilang tatlo. “Good morning po, tita and tito.” saad ko sa kanila.
“Good morning too, Katrina. Tapos ka na bang kumain?” tanong ni tita Luna sa akin. Maaliwalas ang kanyang mukha nang magsalita siya.
Ngumiting tumango ako sa kanya. “Um, o-opo, tita Lu—” hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang may sumabat sa usapan namin.
“Hey! What do you mean about tha— dad and mom? Oh, also, daddy!” Nag-iba ang tono ng boses ni Godfrey nang makita niya sila tita Luna.
Buti nga!
“Bakit ang aga mong nagising, Godfrey? Gagala ka na naman, ano? Hindi ka tumulad sa kuya Leif and kuya Lennox mo!” Sermon ni tita Luna sa kanya.
Napangisi akong tumingin sa kanya at palihim na dinilaan siya. Nakita ko ang paglaki ng kanyang mga mata sa akin.
“Bakit lumalaki iyang mga mata mo, ha?! Sinabi ni Professor Monterey sa akin, na need mong mag-summer class, alam mo ba iyon? Anong ginagawa niyo ni Luca, ha?” Lumalakas na ang boses ni tita Luna. Sina tito Godipher and tito Luxus ay nasa likod lamang.
“Tito Luxus and tito Godipher, alis na po ako! May usapan po kasi kami ni Chelsea ngayon. Sorry po! Pakisabi na lamang po kay tita Luna.” Mahinang paalam ko kina tito. Pinapagalitan pa rin kasi ni tita Luna si Godfrey.
Tumango sila sa akin. “Sure, Katrina. Mag-ingat ka papunta sa school niyo. Pasensya na kung hindi ka ulit namin maihahatid.” Tito Luxus said to me.
Ngumiti lamang ako sa kanya. “Ayos lang po, tito Luxus! Alis na po ako!” Ulit kong sabi at dahan-dahan na lumakad palayo roon.
Mabuti nga sa kanya, pinagalita siya. Iyan ang nagagawa na kinukuha ang pagkain ko. Bumayahe na ako papunta sa tagpuan namin ni Chelsea, sinasabi ko na nga ba at ako pa rin ang mauuna sa kanya kahit medyo late na ako ng ten minutes sa pinag-usapan naming dalawa. Napakamot na lamang ako sa aking buhok, hindi na talaga nagbago si Chelsea kahit kailan talaga ang isang iyon.
Naghintay ako ng mahigit na sampung minuto at saka rin siya dumating.
“Sorry, na-traffic ako, Katrina! Pero, don't worry may binili akong tinapay, iyong favorite mo iyan!” Suhol niyang sabi sa akin.
Wala na rin naman ako magagawa kung sesermunan ko pa rin siya, ʼdi ba? Kaya tinanggap ko na lamang ang pagkain na binili niya ay nagpa-photocopy na kaming dalawa, dinamay na rin namin si Yago.
Nang matapos kaming magpa-photocopy, sinamahan ko na rin si Chelsea na ibalik ang mga libro sa pinaghiraman niya, ang kapal nga ng pina-photocopy namin. Lahat kasi ng nakatupi ay lumabas daw last year na entrance exam, naniwala kami dahil sila ang exam last year and nakapasa sila.
Nakabalik din agad kami sa classroom namin at nakita ko ang nagkakagulo naming mga classmate. May iba kasing hindi pa tapos sa mga requirements nila. Nakita namin si Yago na nakaupo sa designated seat niya, lumapit kami sa kanya at binigay ang photocopy niya.
“Photocopy mo, Yago. Nagpa-photocopy kasi kami ni Chelsea kanina. May hiniram kaming book. Bayaran mo na lamang ako mamaya, okay?!” sabi ko sa kanya at umupo na rin sa upuan ko at nakipag-kwentuhan kay Chelsea muna.
Time out na muna ako sa pagre-review, sumasakit na rin kasi ang utak ko dahil mukhang puno ang memory ng isip ko.
Dalawang linggo na lamang ay ga-graduate na kami at isang linggo na lamang ay entrance examination na sa Lazaro University.
Kaya need ko na muna mag-relax din.
Lumipas ang ilang araw at linggo, ngayon na ang araw ng hinihintay naming lahat, ang entrance exam sa Lazaro University.
Heto ang araw ng aming entrance examination para makapasok sa Lazaro University. Heto na ang araw na hinihintay namin.
Huminga ako nang malalim habang nakaupo pa rin sa kama. Pinapakalma ko ang aking sarili dahil ngayon ang araw ng entrance examination sa Lazaro University.
“Relax lamang, Katrina, okay? Nag-aral tayo nang mabuti kaya mag-relax tayo! Kaya natin ito!” Kausap ko sa aking sarili.
Huminga ulit ako nang malalim at saka nanalangin na muna. “Lord, kayo na po bahala mamaya sa akin. Alam ko po sa sarili ko na nag-aral ako nang mabuti para rito. Kaya gagawin ko po best ko mamaya sa entrance exam. In Jesus name, Amen!” Dalangin ko at saka nag-unat-unat muna ako.
Tumayo na rin ako sa kama. Nag-jumping Jacks ako para mawala lalo ang aking kaba. Pagkatapos kong iyon ay naligo na rin ako, nagsuot ako ng damit na magiging komportable ako para hindi maging sagabal mamaya kapag mag-e-exam ako. Nang makabihis na ako ay kinuha ko na rin ang backpack ko at lumabas na sa k'warto.
“Good morning, Katrina! Good luck later!” Malakas na boses ni Ate Bing sa akin.
“Alam naming makakapasa ka, Katrina!” Dagdag din na sabi ni ate Vic sa akin.
Ngumiti ako sa kanila. “Salamat po, mga ate! Gagalingan ko po talaga mamaya!” sabi ko.
Lumakad na ako papunta sa kusina at nakita ko roon sina tita Luna. “Good morning, Katrina! Kumain ka na, at ihahatid ka namin ng mga tito mo sa Lazaro University!” Nakangiting sabi ni tita Luna sa akin.
“Thank you po, tita Luna, tito Luxus and tito Godipher! Gagalingan ko po talaga mamaya sa entrance exam!” Nakangiti kong sabi sa kanya.
Umupo na ako sa dining table at kumain na rin. “Heto ang lunch mo mamaya, Katrina, ha? Kainin mo ito, okay? May mga snacks din akong nilagay rito para may mangatngat ka mamaya habang nag-e-exam ka.” Dagdag na sabi ni tita Luna sa akin.
Tumango ulit ako sa kanya. Sobrang swerte ko talaga dahil sobrang maalaga at maalalahanin si tita Luna.
Kaya gagawin ko ang makakaya ko mamaya sa entrance exam. Kaya natin ito, Katrina!