CHAPTER 4

2164 Words
ALAS-DOS ng hapon ay tapos na ang aming class. Tapos na rin kami mag-clear ng aming clearance. Naipasa na rin namin last week iyong research namin kaya cleared na kami sa lahat ng subject, ang hihintayin na lamang namin ay graduation. “Yehey! No more requirements!” Masayang sabi ni Chelsea sa amin. Napatingin ako sa kanya at ngumiti. “Good for us, Chelsea! At least, we're free, right? Pwede na tayo maging chill.” sabi ko sa kanya. Nakita ko ang malaking ngiti niya sa akin. “Yeah, right, Katrina! Chill na lang tayo habang ang ibang estudyante ay naghahabol sa mga requirements nila! Buhay graduating nga naman, nakaka-hassle and haggard!” Malakas niyang sabi sa akin. Naglalakad na kami ngayon palabas ng school vicinity, papunta kami sa favorite tambayan namin, ang Milk Tea mo ʼto — iyong ang name ng Milk Tea Shop na iyon. “Huwag na muna kayong magsaya. Need pa rin natin mag-review para sa entrance exam sa Lazaro University. Hindi porket graduate tayo sa Senior High School nila we can relax na. Maraming naghahangad na makapasok sa Lazaro University at baka mawalan tayo ng slot sa mga kursong gusto natin, lalo na't Educ ang kukunin natin.” Nanigas ako nang magsalita si Yago. Nagkatinginan kaming dalawa ni Chelsea at nakita ko ang kanyang paggalaw ng kanyang lalamunan. “And, mauuna ang entrance examination before ang graduation natin. One week ang pagitan nila.” dagdag na sabi ulit ni Yago sa amin. Napatingin ako kay Yago at tumango sa kanya. “Alam namin, Yago. And, always naman kaming nagre-review ni Chelsea. By the way, about pala roon sa ipapahiram mo? Iyong link?” sabi ko sa kanya. Nakangiwi pa nga ako sa kanya. “Ha!” Mahabang 'ah' niya sa akin. Mukhang nakalimutan niya ang tungkol doon. “Ise-send ko na lamang mamaya. Naka-save naman iyon sa notes ko.” Matagal niyang sabi sa akin, at mukhang inalala pa niya kung anong link ang tinutukoy ko. Minsan si Yago ay makakalimutin pwera na lamang kung about sa school stuff iyon. Kasi ang isip niya ay tumatakbo lagi ay lesson, lesson, lesson. Napatango na lamang ako sa kanya at nagpatuloy na kami sa paglalakad. “Mayro'n yata si Yago ngayon, ano, Katrina?” Bulong sa akin ni Chelsea na siyang pag-iling ko sa kanya. “Baka marinig ka ni—” Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang magsalita si Yago. “Naririnig kita, Chelsea.” May babala sa kanyang boses nang sabihin niya iyon. Nagkatinginan kami ni Chelsea sa isa't-isa at ginalaw ang aking kanang hintuturo. “Tumahimik ka na, Chelsea. Malakas ang pandinig ni Yago.” saad ko sa kanya. Sa wakas nakarating na rin kami sa Milk Tea Mo ʼTo, medyo marami nga ang customer ngayon dahil na rin napapalibutan ito ng Lazaro University at iba pang establishment sa na nandito. “Ako na ang oorder,” pangungunang sabi ni Yago sa amin. “Same pa rin ba ang order ng milk tea niyo?” Dagdag niyang tanong sa amin ni Chelsea. Tumango kaming sabay ni Chelsea sa kanya. “Hintayin ka na lang namin sa labas, ha? Maraming tao rito, Yago.” wika ko sa kanya at tinuro ang labas ng store. Tumango siya sa akin kaya lumabas na kami ni Chelsea, puno na rin kasi sa loob at ang mga upuan ay lahat may mga bag. Tao na yata ang bag ngayon. “Ang init!” Reklamong sabi ni Chelsea sa akin, Pagkalabas namin sa store. “Tiisin mo na lamang, Chelsea, kaysa naman doon tayo sa loob, ʼdi ba? Wala na rin naman pwesto sa loob, standing ovation na tayo roon.” sabi ko sa kanya. Nilabas ko ang aking re-chargeable na electric fan at binigay ko iyon sa kanya. “Gamitin mo na lamang ito.” saad ko sa kanya. “Mas okay pa nga iyon, Katrina. At least, kahit nakatayo tayo sa loob, malamig naman kaysa rito na laban na laban iyong init ng araw sa atin.” Reklamo niya pa rin sa akin kahit nasa kanya na ang re-chargeable na electric fan ko. “Pampasikip lamang tayo roon. Kaya rito na tayo. Mabilis lang naman siguro si Yago sa loob.” sabi ko pa sa kanya para hindi na siya magreklamo. Mabuti na lamang ay hindi na siya sumagot sa akin at tahimik na lamang na tinapat ang electric fan sa kanya. Habang hinihintay namin ni Yago rito sa labas ay may pumaradang sasakyan sa tapat, naningkit ang aking mga mata nang makilala iyon. “Kotse ni God—” Hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin nang bumukas ang pinto ng driver seat at maging ang passenger seat na pinto, lumabas roon sina Luca at ang taong ayaw kong makita ngayon, si Godfrey. Napaiwas ako ng tingin nang magkasalubong ang aming tingin sa isa't-isa. Naramdaman ko ang pagsanggi ni Chelsea sa aking siko. “Kuya mo,” mahinang sabi niya sa akin. Tinignan ko lamang si Chelsea at inilingan. Magkaaway kami niyan kaninang umaga. Kaya bakit ko kakausapin? “Bro, iyong kapatid ng asawa ng kuya mo Leif, oh?!” Malakas na sabi ni Luca at mukhang tinuturo pa niya ako ngayon. Hindi na lamang sila umalis, bwisit na mga ito! “Hey, what are you doing here?” Nasa harapan ko na ang bulto ni Godfrey pero umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ako sumagot sa tanong niya, tumingin na lamang ako kay Chelsea. “Galit ka pa rin ba dahil sa nakita ko kaga—” “Bumibili kaming milk tea! Kita mo naman kung anong nasa likod namin, ʼdi ba?” Mabilis na sabi ko at muntik pa akong mabulol dahil sa kanya. Bwisit siya! Muntik pa niyang sabihin iyon! Sinungitan ko siya, nagkasalubong pa nga ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng kanyang labi, at siyang pagtawa niya nang malakas. “Hey, sasagot ka rin naman pala agad, eh! Libre ko na kayo. Do you want?” Nakangisi pa rin siya sa akin. Huminga ako nang malalim. “Naka-ord—” “Babe! Have you ordered yet? Can you add one strawberry pancake there? Please!” Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang marinig ko ang boses ng girlfriend niyang si Kiara. Ang arte talaga ng boses niya. Nakakarindi sa tenga. “Oh, that's your maid, right? Is she studying at Lazaro High? Mabait talaga sila tita and tito, ano, babe?!” Nagawi ang tingin niya sa akin. Pinakalma ko ang aking sarili dahil sa sinabi niya. “Hindi ako kasambahay nila, okay? So, shut the f**k up! Ang arte ng boses mo!” Seryoso kong sabi sa kanya at nakita ko ang gulat sa kanyang mata, maging kay Chelsea. Pero, nainis ako lalo dahil kay Godfrey na nakangisi pa. “Oh, really? I thought you're Maid there! Mukha ka kasing kasambahay, eh!” wika ni Kiara sa akin at malakas na tumawa, nakisabay pa iyong girlfriend ni Luca. Mag-bestfriend nga sila. Naramdaman ko ang paghawak ni Chelsea sa aking kaliwang braso. Pinapakalma niya ako pero hindi ako kakalma. Mainit na nga ang panahon, lalo pa init ang mood ko dahil sa mag-jowang ito. Ngumiti ako sa kanya. “Okay lang na mag-mukhang kasambahay at least maganda pa rin, ʼdi ba? Kaysa sa inyo na mukhang mga clown, saan ang birthday party na a-attend-na niyo? Baka nahuhuli na kayo at kailangan na nila ng mga clown na katulad niyo.” Nakangisi kong sabi sa kanilang dalawa. Nawala ang pagtawa nilang dalawa at nakita ko ang pagngitngit ni Kiara sa akin. “And, minsan din ay gumamit tayo ng utak, ano? Hindi iyon puro paganda lang alam niyo? Nabalitaan kasi namin na kayong apat ay may bagsak at need mag-summer class, right? Nice, lesson sa mainit na buwan!” Dagdag ko pang sabi at maging sina Godfrey and Luca ay nawala ang ngisi sa mga labi nila, pareho na silang nakatingin sa akin. “Katrina, Chelsea, heto ang order na—tin...” Narinig ko ang boses ni Yago. Save by the bell ako. Lumapit siya sa amin at binigay ang order naming milk tea. “Anong mayro'n?” Bulong na tanong niya sa akin. “Mamaya ka na magtanong. Umalis na tayo.” Balik na sabi ko sa kanya at nauna na kami naglakad. Sila ang nauna kaya gumanti lamang ako. Hindi pa naman kami nakakalayo sa kanila nang marinig ko ang malakas na boses ni Kiara. “Urgh, that's b***h!” Dama ko ang gigil sa kanyang boses. Buti nga sa kanya. Siya iyong nauna tapos siya iyong pikon. Mukha naman talaga silang clown. Iyong make-up nila sobrang kapal, as in. “Anong mayro'n kanina?” tanong ni Yago sa akin. Naglalakad na kami pauwi. “Slay ang ating Katrina kanina, Yago! Winalis lang naman niya iyong Kiara and Maxine! Hindi sila nakaimik!” Malakas na sabi ni Chelsea habang naglalakad kami. “Mabuti hindi pumatol si kuya Godfrey, Katrina?” Napatingin ako kay Yago. “Hindi, maging siya naman ay tumatawa kanina. Saka totoo naman ang sinabi ko, may mga summer class sila dahil hindi sila gumagamit ng utak!” sabi ko kay Yago. Hindi rin naman ako matalino pero masipag akong mag-aral, nahawaan ako ni Yago simula nang lumapit ako sa Lazaro High. And, gusto ko rin maging proud sina ate Kathleen and kuya Francis sa akin. Lalo na sina Mama at Papa na nasa heaven na. Maging sina tita Luna, tito Godipher and tito Luxus, na silang nagpapa-aral sa akin ngayon. Kaya need kong galingan, pero itong si Godfrey ay may ubo yata sa isip, alam niyang siya ang bunso kaya nagpapa-spoil lalo. “Kahit na, baka sa susunod abangan ka nu'ng Kiara na iyon. Nag-aalala lang ako sayo.” sabi ni Yago sa akin. “Naku, may mga langgam na namang nakapalibot sa akin! Nilalanggam na naman po ako! Oh siya, makaalis na nga at dito na ang daan papunta sa bahay namin!” Malakas na sabi ni Chelsea sa amin. OA na naman ang isang ito. “Ingat ka, Chelsea! See you tomorrow kahit wala na tayong gagawin sa school!” Sigaw ko sa kanya at kumaway siya sa akin. “Katrina, totoo ang sinabi ko, ha? Gumaganti ang grupo ni Kiara lalo na kung na-a-agrabyado siya. Huwag mo na lamang pansinin ang ganoʼng klaseng tao.” Hindi pa pala siya tapos sa akin. Ngumiting tumango ako kay Yago. “Of course! Last na iyon, Yago! Don't worry, napuno lang ako kanina at nag-init ang ulo ko dahil sa panahon na rin, then sinabayan pa niya!” sabi ko sa kanya. “Tara, sakay na tayo?” Dagdag na sabi ko sa kanya at nagpara kami ng Jeep. Malapit lang naman ang subdivision kung saan nakatira sila Yago, sa village kung saan naman nakatayo ang bahay nila tita Luna — na kung saan nanunuluyan ako. Kaya kapag umuuwi ay sabay na kami. “Yago, don't forget iyong link mamaya.” Paalala ko ulit sa kanya. Napatingin siya sa akin habang sumisipsip sa kanyang milk tea, tumango siya sa akin. “Hindi ko kakalimutan... Ako na magbabayad sa pamasahe natin.” saad niya. “Kuya, bayad po, dalawang estudyante!” Malakas niyang sabi at sabay abot ng bayad. Halos napatingin nga ang lahat sa kanya dahil sa ginawa niya. May ibang estudyante sa ibang school ang napatingin kay Yago, mukhang kinikilig pa nga. Gwapo si Yago, ma-appeal ang mukha niya dahil sa sobrang amo nito. Isama mo pa na clean cut ang buhok niya ngayon, kaya lalong maaliwalas kapag tinitignan mo siya. Isama mo pang matalino ang isang ito. Sinong babae ang hindi mahuhulog sa kanya? Aaminin kong naging crush ko si Yago nu'ng unang kita ko sa kanya. Pero, kalaunan ay na-immune na ako sa charm na mayro'n siya. Pero, hetong si Yago ay hindi pinapansin ang mga babaeng nagkakagusto sa kanya, in short, naka-focus siya sa kanyang goal na mag-aral talaga. “Ingat, Katrina!” Paalala niya sa akin. Nauuna kasi akong bumaba sa kanya. “Thank you sa libreng pamasahe! Ingat ka rin!” saad ko sa kanya at bumaba na sa jeep. Tuwing uwian lamang kami nagsasabay Yago dahil hinahatid siya ni kuya Carl — na secretary ni kuya Leif. Ako rin naman ay hinahatid din ni tito Godipher, or ni tito Luxus. Naglakad na lamang ako papasok sa Village, kilala naman na ako ng guard kaya pinapasok agad nila ako. Before iyon ay bumili muna ako ng pagkain sa convenience store para may stock akong food sa k'warto. Pagkauwi ko sa bahay nila tita Luna ay nakita ko ang ibang kasambahay nila, bumati ako sa kanila at dire-diretsong pumasok sa loob. Hindi ko nakita si ate Lala, siguro nasa kusina ulit siya. Umakyat na ako sa k'warto ko at nagkulong na ako sa loob, ayoko muna makita ulit si Godfrey. Baka ma-bwisit ulit ako sa kanya at sa girlfriend niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD