CHAPTER 3

1954 Words
NAKARATING ako sa classroom na naging tahimik ang buhay ko. Walang sumalubong sa akin na mga fans ni Godfrey, minsan kasi papasok pa lang ako sa building namin ay grabi na ang mga babae sa building kung nasaʼn ang room ko, puro sila tanong about kay Godfrey. Anong klaseng lalaki raw si Godfrey sa bahay. At, kung sweet daw ba ito. Minsan gusto ko na lamang sumuka kapag sinasabi nilang sweet siya. Siguro sweet siya kaya ang dami niyang nagiging ex-fling, buti nga nagta-tiyaga pa si Kiara sa kanya kahit ang dami niyang nilalandi. Napapailing na lang talaga ako. “Good morning, Katrina! Ang aga natin ngayon, ha?” Napalingon ako sa pinto at nakita ko si Chelsea — isa sa mga naging kaibigan ko agad dito. Nang lumipat kasi ako ay wala akong kilala, siya ang unang lumapit sa akin at maging si Yago. Kaya naging circle of friends na kaming tatlo. “Muntik pa nga akong ma-late, Chelsea. Si Yago?” sabi ko sa kanya at tumingin sa likod niya. She shrugged at me. “Ewan? Wala pa ba rito?” Balik na tanong niya sa akin at tumingin sa mga classmate namin. Umiling ako sa kanya. “Wala pa, akala ko naman ay nagkasabay kayong dalawa sa hallway.” ani ko at tumingin sa suot kong relos. “Hindi common sa kanya na ma-late, 25 minutes na lang before the bell.” Dagdag ko pang sabi sa kanya. Sa aming tatlo ay si Yago ang laging maagang dumadating sa amin dalawa ni Chelsea, kaya bago ito para sa amin na 25 minutes na lamang ay mag-i-start ang class namin. “Oo nga, ano? Teka, matawagan nga natin ang isang iyon. Kung kailan isang buwan na lang ay ga-graduate na tayo, saka naman siya nagloko.” Tumango ako sa kanyang sinabi. Running kaya siya as Valedictorian sa batch namin. Kaya masaya kami sa kanya. “Ay pinatayan ako ng tawag? Try mong tawagan siya, Katrina.” Nakangusong sabi ni Chelsea sa akin. Kinuha ko ang aking phone sa backpack at di-nial ang phone number niya. Ilang ring pa lamang ay sumagot na siya. Nakatinginan kami ni Chelsea. “Unfair.” Buka ng bibig niya sa akin. “Hello, Yago, nasaan ka na? 20 minutes na lamang ay umpisa na ang first class natin.” Bungad na sabi ko sa kanya. “Hello, Katrina. Nasa library ako ngayon. Kanina pa ako nasa school.” Kalmado ang boses ni Yago nang magsalita siya. “Ah,” Mahabang ah ko dahil wala akong masabi. Napatingin ako kay Chelsea kung sasabihin ko. Sumenyas siya sa akin na papuntahin na si Yago sa classroom namin. Tumango ako sa kanya. “Ah, pumunta ka na kaya rito sa classroom natin. Baka ma-late ka pa?” Nag-aalala kong sabi. Never pa naman na-late ang isang ito. “Um, okay, papunta na ako.” sabi niya sa kabilang linya. Napatango ako sa kanyang sinabi kahit hindi naman niya ako nakikita. “Okay,” iyon lamang ang sinabi ko at may narinig na akong mga tunog sa kabilang linya. Mukhang nagliligpit na siya ng kanyang gamit. “Hintayin ka na lang namin dito, Yago! Bye!” Mabilis na sabi ko sa kanya at binaba na ang tawag. Napatingin ako kay Chelsea, “papunta na raw siya.” Iyon lamang ang sinabi ko at binalik ang phone sa aking bag. “Alam mo, Katrina, malakas ang pakiramdam kong may crush si Yago sayo.” Gulat akong napatingin sa kanya. Nagtataka ako sa kanya. “Huh? Si Yago may crush sa akin? Sobra ka, Chelsea! Gagawan mo pa kami ng issue d'yan!” sabi ko sa kanya. “Huy, never nagkakamali ang intuition ko, Katrina! Simula ng maging kaibigan ka namin ni Yago, nu'ng last year ay may nakita akong pagbabago sa kanya. Haler, same strands tayong tatlo at baka kapag nag-college tayo ay maging magkaklase ulit tayong tatlo. Pare-parehas tayong education ang kukunin, ʼdi ba?” Mahabang sabi ni Chelsea sa akin. Naptango ako sa kanyang sinabi. “Pero, baka mali ka lang, ʼdi ba? Magkakaibigan tayong tatlo kaya siguro ganoʼn lamang siya.” Ngiti kong sabi sa kanya at tinapik ang kanyang balikat. “Tumahimik ka na d'yan, natatanaw ko na si Yago baka mailang sa atin iyon.” Saway ko sa kanya. “Bahala ka, basta ako paniguradong may crush si Yago sayo. Trust me, Katrina!” sabi pa niya kaya napailing ako sa kanya. “Hoy, Yago! Anong ginagawa mo sa Library, ha?” Malakas na sabi ni Chelsea, kaya maging ang ibang classmate namin ay napatingin sa kanya. Ang lakas talaga ng boses niya kahit kailan. “Nag-review ako para sa papalapit na entrance exam, Chelsea.” Nakatingin lamang ako kay Yago at umupo siya sa harap ko. Magkakahilera kami ng upuan, iyon nga lang si Chelsea ay katabi ko lamang. Tinignan ko lamang siya na tahimik na umupo sa harap ko. Nag-aalinlangan akong kalabitin siya dahil sa sinabi ni Chelsea kanina. “Um, Yago? May iba ka pa bang book na pwedeng i-review? Lahat ng book na mayro'n ako ay natapos ko ng basahin. Pero, pakiramdam ko ay may kulang pa.” sabi ko sa kanya. Lumingon siya sa akin. Napalunok ako nang bigla siyang tumingin sa akin. Maamo ang mukha ni Yago, may nunal siya sa ilalim ng kanang mata niya. Ang ulong ay may katangusan at may dimple sa kanang pisngi niya. Iyong gupit ng buhok niya ay iyong pang-matino na estudyante. Isama mo ang morenong pangangatawan niya at may katamtamang tangkad na aabot sa 168 centimeters. Kumbaga para siyang bida sa mga nababasa ko sa pocket book. Ganoʼn siya ka-appeal para sa akin. “May nakita ako sa website, Katrina. I-send ko na lamang sa inyo ni Chelsea.” Malumanay niyang sabi sa akin. Ngumiting tumango ako sa kanya. “Thank you, hintayin ko na lamang sa group chat nating tatlo.” sabi ko sa kanya. Tumango siya at bumalik ang tingin sa kanyang harapan. Grabe talaga ang pagiging focus niya sa pag-aaral. Parehas sila ni Kuya Carl — iyong secretary ni Kuya Leif. Hindi na lamang ako nagsalita hanggang mag-bell na. Naka-focus lahat kaming magka-klase dahil isang buwan na lamang ay graduation na. Kaya need namin mag-focus talaga dahil kung ʼdi baka hindi kami grumaduate. “Katrina! Yago! Magpapasa ba kayo ng project niyo kay Mrs. Valdez? Ako na magpapasa para sa ating tatlo!” Malakas na sabi ni Chelsea. Tumango ako sa kanya at binigay sa kanya ang project ko, maging si Yago ay binigay na rin niya ang kanya. “Hintayin niyo ko! Baka iwan niyo na naman ako. Saglit lang ako!” sabi pa niya sa amin kaya tumango ulit kami sa kanya. Umalis na ang ibang classmate namin dahil breaktime na. Pero, may iilan pa rin naman na nandito at mas piniling kumain sa classroom. Pero, kami ay sa garden kakain. “Um, Yago, anong major ang kukunin mo sa college?” tanong ko sa kanya para naman may pag-usapan kaming dalawa. “Either English or Filipino. Ikaw, Katrina?” Balik na tanong niya sa akin. Ngumiti ako at agad na sinabi ang aking sagot. “Filipino. Iyon kasi ang gustong kunin ni ate Kathleen pero hindi siya nakapag-college, kaya ako ang magpapatuloy sa kursong gusto niya dapat pag-aralan.” sabi ko sa kanya. “Gusto mo rin ba iyon?” Balik na tanong niya sa akin. Sunod-sunod ang naging tango ko sa kanya. “Um, oo, gusto ko rin kaya wala atraso sa akin iyon.” ani ko. Nag-usap pa kaming dalawa hanggang dumating na si Chelsea. “Hey, naipasa ko na ang mga project natin! Cleared na tayo kay Mrs. Valdez!” Masayang sabi niya. “Thank you, Chelsea!” Ngiting sabi ko sa kanya at tumayo na rin ako. Nakita ko rin ang pagtayo rin ni Yago at sabay-sabay na kaming lumabas sa classroom. “Sa garden ulit tayo kumain, ha?” Madaldal na sabi niya sa amin. Hindi na lamang ako nagsalita dahil hindi ko kaya ang energy ni Chelsea. Kababaeng tao pero ang dami niyang energy sa katawan. Nang nakarating sa may garden ay agad din kami naghanap ng aming pwesto at nakahanap kami ng pwesto malapit sa may greenhouse. Malilim sa aming inupuan. “Dumadami na ang nakakaalam ng ating hidden spot. Kapag nag-first year na tayo, pwede pa rin naman tayo pumunta rito. Malapit lang naman ang building ng mga college student sa garden na ito.” sabi ni Chelsea sa amin. Tumango-tango ako sa kanya. “Yes, pero paniguradong need na natin maging maagap dahil iyong mga bagong pasok sa senior high ay malalaman din ito.” sabi ko sa kanila. “Panigurado! Tara kain na tayo!” Malakas na sabi ni Chelsea. Tumango kami sa kanyang sinabi at kumain na kami nang tahimik. Nang matapos kumain ay nagpatayo ako. “Need kong mag-cr,” sabi ko sa kanila. “Sama ako, Katrina! Mag-si-cr din ako and gusto kong bumili ng cucumber drink sa may canteen.” Tumayo na rin si Chelsea at sumama sa akin. “May ipapabili ka ba sa amin, Yago? Kami na bibili.” tanong ko sa kanya pero umiling siya sa akin. “Babantayan ko na lamang mga gamit natin.” saad niya. Nagkatinginan kami ni Chelsea at nag-shrugged lang siya sa akin. At saka, umalis na rin kami ni Chelsea sa garden. “Sobrang strict talaga ni Yago. Kahit naman hindi siya mag-aral ay makakapasa siya sa entrance exam, dapat nga ay ako ang mag-aral dahil so-so ang grade ko.” sabi ni Chelsea sa amin habang naglalakad kami papunta sa comfort room. Tinapik ko ang kanyang balikat. “May ise-send sa atin mamaya si Yago, website daw iyon ng nire-review niya.” sabi ko sa kanya. Iyon ang pinag-usapan namin kanina. Kuminang ang kanyang mga mata. “Talaga? Buti naman need ko talaga mag-review at hindi ako katulad niyo ni Yago na matalino.” sabi niya sa akin. “Huy, hindi naman din ako matalino. Nag-aaral lang ako kaya mataas ang grades ko kumpara kay Yago na matalino talaga.” sabi ko sa kanya. “Tama ka ng sinabi, Katrina. Talaga genius ang isang iyon. Teka, tama ba itong nakikita ko? Kuya Godfrey mo iyon, ʼdi ba?” Malakas na sabi ni Chelsea at tinuro ang apat na tao na naglalakad, mukhang papunta sila sa parking lot ng university. “Sila pa rin ba nu'ng Kiara? Siya lamang ang nakita kong matagal na naging girlfriend niya.” sabi ni Chelsea sa akin. “On and off sila. Nagkakabalikan lang dahil mapilit si Kiara.” sabi ko at lumakad na ulit. “So, always mo siyang nakikita? Heir daw niyan ng mga Anderson, ʼdi ba? Galing din sa mayaman na angkan katulad din ng mga Smith.” Madaldal pa rin na sabi niya sa akin. Napabuga ako ng aking hininga. “Always. Kahapon lamang ay nakita ko siya kasama sina Luca at iyong Maxine — iyong best friend nu'ng Kiara. Na-bwisit ako dahil sa kaartehan niya, gusto pa naman niya kunin iyong tinapay na ginawa ko para sa sarili ko. Kaya sinagot ko siya maging si Godfrey, never ko na tatawaging Kuya ang isang iyon. Magsama sila ng girlfriend niya.” Bwisit pa rin ako sa kanya. Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. “So, magkaaway kayong dalawa?” Usisa ni Chelsea sa akin. Tumango ako sa kanya. “Yup!” Iyon lamang ang sinabi ko sa kanya. “Woooh, magiging mahirap para sayo kung ganoʼn ang magiging sister-in-law mo, ano, Katrina.” Hindi ko alam pero biglang kumulo ang aking dugo sa sinabi ni Chelsea. Sister-in-law si Kiara? No way!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD