LUMABAS na ako sa aking k'warto at lumakad papunta sa dining table rito sa mansion. Sobrang tahimik talaga sa Mansion ng Smith, iyong tipong pwede ng pamahayan ng mga multo, ganoʼn dahil sa sobrang tahimik.
Nakababa na ako at lumiko na pakanan kung nasaʼn ang dining table, doon nakita ko sila tita Luna na naka-upo na.
“Katrina, come on, let's eat na!” Tawag sa akin ni tita Luna at tinapik ang upuang nasa tabi niya.
Ngumiti ako sa kanya. “Sorry po, tita Luna, hindi ko po namalayang gabi na po pala.” Hingi ko nang paumanhin sa kanya at yumuko, maging kina tito Godipher at tito Luxus.
“Ayos lang iyon, Katrina. At saka, pala huwag kang masyadong mag-alala sa grades mo, ha? Baka nakakalimutan mo ng kumain dahil sa kakaaral mo.” sabi niya.
Napayuko ako nang dahil doon, muntikan na nga. Kung hindi lamang ako tinatawag palagi ni ate Lala, nakakalimutan ko na talagang kumain.
“Mom, ayan ba iyong nakakalimutan kumain? Ang taba nga ni Katrina.”
Napa-angil ako sa sinabi ni Kuya Godfrey. Pinanlakihan ko siya ng aking mga mata. Anong pinagsasabi niya na mataba ako kahit hindi kumain?
“Godfrey, don't say that! Hindi mataba si Katrina!” Suway sa kanya ni tita Luna at pinalo pa siya.
Buti nga!
“Huwag mo na lamang pansinin si Godfrey, Katrina, ha? Kumain na tayo. Naghain si Lala ng spicy r****h salad. Paniguradong magugustuhan mo iyan, Katrina.” Nilagyan ako ni tita Luna ng kanin sa pinggan ko. “Sana nga lang si Francis ay dito na lamang tumira, ano? Iyang kasi sina Lennox and Leif, binigyan pa si Francis ng condominium, mas pinili tuloy roon tumira at every weekends na lamang siya nandito.” Malungkot na sabi ni tita Luna.
Naikagat ko ang aking ibabang labi dahil sa sinabi ni tita Luna. Gusto ko nga rin sa condominium tumira pero naaawa ako kay tita Luna, kaya pinili ko na lamang dito kahit nandito si Kuya Godfrey.
“Mom, I'm here naman...”
“Come on, let's eat na, Katrina.” Hindi niya pinansin ang sinabi ni Kuya Godfrey.
Kumain na kami at nagsasalita lamang ay sina tito Godipher at tito Luxus, about sa business naman ang kanilang pinag-uusapan. Nauna na akong natapos, niligpit ko ang pinagkainan ko at nilagay sa lababo. Nagpaalam na rin ako kila tita Luna na mauuna ng umakyat dahil may pasok pa ako.
Nasa hagdan na ako at pa-akyat na sa second nang may magsalita sa likod.
“Pink na polka dots!”
Gulat akong napatingin kay Kuya Godfrey at nakita ko ang ngisi sa kanyang labi. Nakatingin siya sa aking puwetan.
“Panty mo, pink na polka dots?” Ngising sabi niya sa akin kaya nanlaki ang aking mga mata sa kanya.
“P-paano mo nalaman ang pan—”
Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang magsalita na siya. “Naka-angat ang helm ng panty mo sa likod. Yeah, you like polka dots, ha?!” He mocked at me.
“Argh, bwisit ka!” Sigaw ko sa kanya.
Argh, bwisit ka talaga, Godfrey! Never ko na talaga siyang tatawagin na Kuya! Bwisit!
Tumakbo ako papunta sa k'warto ko at malakas na sinarado iyon. Napapapadyak na lamang ako dahil sa inis sa kanya. Kanina iyong girlfriend niya at ang kaibigan niya, tapos siya naman ngayon. Parang gusto ko na lang din umalis dito at tumira kay ate Kathleen, pero naaawa ako kay tita Luna.
Kaya kahit gusto ko tumira kila ate Kathleen at makasama nang matagal ang anim na makukulit kong pamangkin ay hindi pwede.
Napa-straight ako ng tayo at taas noo akong tumingin sa pader ng k'warto ko. “Katrina, hindi dapat tayo magpapa-apekto kay Godfrey. Hindi niya tayo pwedeng mainis sa kanya. Kaya chill lang tayo, okay?!” Kausap ko sa aking sarili at lumapit na ulit sa study table ko.
May dalawang oras pa ako bago ako matulog. Kaya lalagariin ko itong pag-re-review ko. Para lalong maging proud sa akin sina ate at tita Luna.
Umupo na ako sa study chair ko finocos ang aking isipan sa pag-aaral. Wala naman akong mapapala kung magagalit ako kay Godfrey na iyon. Never ko na talaga siyang tatawagin na Kuya! Never!
“Sino ang anak ng katipu—nan?!” Malakas na sabi ko at napailing. Pumipikit na ang aking mata at ang aking ulo ay gumegewang na dahil sa antok ko.
“Inaantok na ako. Makatulog na nga, wala rin naman papasok sa isipan ko kung ipipilit ko pa rin mag-aral.” Kausap ko ulit sa aking sarili.
Niligpit ko muna ang aking gamit, inayos ko ang books and notes ko. Tinabi ko sila para walang mawala. Kailangan ko pa rin kasi ang mga iyon hanggang dumating ang entrance examination sa Lazaro University. Nang maligpit ko iyon ay tumayo na ako at nag-unat-unat. Lumakad na ako sa kama na malapit lamang sa study table ko. At, nakatulog na ako nang mahimbing.
TULALA akong napatingin sa kawalan habang napapahikab, napaaga ang gising ko ngayong araw. Napaupo ako sa kama at napahikab ulit, inaantok pa ako pero ang katawan ko ay buhay na buhay na. Tumayo ako at saka nag-jumping Jacks ng ilang ulit para mawala ang antok na nararamdaman ko.
Nang makitang alas-sais na ng umaga ay naligo na ako. May alas-otso na pasok ako sa school. Isang buwan na lamang ay matatapos na ang school year, makaka-graduate na rin ako ng Grade 12, at magiging ganap na college student na ako.
Kinuha ko na ang towel ko at pumasok na ako sa bathroom. Maliligo na lamang ako para makapag-ready na ako mamaya. May ipapasa rin akong project and clearance sa isang teacher namin. Naging mabilis ang aking pagligo at nakakatuwa lamang ay hindi ko na need magpainit ng tubig para maging maligamgam ang panligo ko. Naging mabilis lamang ang aking pagligo at lumabas na rin nang nakatapis. Binuksan ko ang aking closet at kinuha ko ang uniform namin sa Lazaro University — high school uniform. Magsuot na agad ako ng aking underwear, cycling and uniform namin, ang palda ko ay hanggang sa itaas ng aking tuhod.
Nang makitang maayos na ako ay blinower ko ang aking buhok. Blinower ko iyon hanggang matuyo na, kaya inumpisahan ko ng i-trintas ang aking buhok sa isa. Naglagay rin ako ng liptint sa aking labi at sa pisngi ko, ganito kasi ang tinuro sa akin ni ate Lennore kaya ginagaya ko. Hindi raw kasi pwedeng maging dull ang mukha ng isang babae. Kaya natuto na ako mag-ayos.
Nang makitang maayos na ako ay bitbit ko na ang aking backpack, lumabas na ako sa room ko. Tinignan ko pa muna ang paligid ng room ko, baka kasi ay may nakalimutan ako katulad na lamang ng ipapasa ko ngayon, pero nang makitang wala naman ay sinarado ko na ang pinto.
Bumaba na ako at nang mapadaan sa room ni ate Lennore ay napatitig ako roon. Next month pa siya uuwi, ganoʼn ba kahaba at ka-proseso ang gagawin nilang photoshoot? Kaya aabot ng isang buwan.
Miss ko na si ate Lennore
Dumiretso na lamang ako sa paglalakad at Bumaba na ako para makakain na rin, mag-a-alas siyete na rin ng umaga. Pagkababa ko sa living room ay tahimik ang aking nadatnan, ganito naman palagi ang bahay nila tita Luna. Minsan nga ay tunog lamang ng naglilinis na mga kasambahay ang maririnig dito. Minsan kasi ay maging si tita Luna ay wala, nasa business's niya, hands on siya kanyang business na bakeshop.
“Good morning po,” sabi ko sa isa sa kasambahay na mayro'n dito.
Yumuko siya sa akin at bumalik sa pagba-vacuum. Ngumiti na lamang ako sa kanya at dumiretso sa dining table. “Good morning, Katrina! Ang aga mo yatang nagising ngayon? Maaga ba ang pasok mo?” Bati sa akin ni ate Lala. Nilagay niya sa table ang sinangag na kanin.
“Um, opo, alas-otso po ang pasok ko ngayon, ate Lala. Sina tita Luna, tito Godipher at tito Luxus po?” tanong ko kay ate Lala.
“Ah, oo, Katrina. Kanina pa umalis nang maaga sila Madam Luna, may meeting sina Master Godipher at Master Luxus, kaya maaga silang umalis.” saad niya sa akin.
“P-po?” Gulat kong tanong. Napaupo na ako rito at nagsandok na para makakain na ako. “W-wala pong maghahantid sa akin ngayong araw po?” tanong ko ulit. Either, si tito Godipher or si tito Luxus ang naghahatid sa akin sa school.
“Ganoʼn na nga, Katrina. Oo nga pala! Nandyan pa si Young Master Godfrey. Baka pwede ka niyang ihatid.” Napataas ang tingin ko sa sinabi ni ate Lala.
Si Godfrey ihahatid ako? Isang himala kung ihatid niya ako at hindi naman pumapasok ang isang iyon. Nagsisinungaling lang naman iyon na pumapasok.
“Naku, ate Lala, imposibleng pumasok ngayon si kuya Godfrey! Ni-hindi ko nga po makita iyon sa campus ng Lazaro University, kahit nasa kabilang banda ang building naming mga senior high. Hindi po papasok iyon.” sabi ko sa kanya at nag-umpisa na kumain.
“Malay mo nagbago na si Young Master Godfrey, Kathleen. Ikaw talaga. Oh, siya kumain ka lang nang kumain d'yan. Bilisan mo na rin lalo naʼt walang maghahatid sayo papunta sa school ni—”
“So, wala sina dad and daddy today?”
Nakatinginan kami ni ate Lala nang marinig ang boses na iyon. Pareho kaming napalunok nang dahil doon.
“Si Kuya Godfrey po?” Bukambibig kong tanong kay ate Lala. Nakita ko ang dahan-dahan niyang pagtango sa akin.
Napalunok nang dahil doon. Mukhang narinig ng playboy na ito ang usapan namin ni ate Lala. Paniguradong iinisin na naman niya ako.
“Wala sina dad and daddy, also mom. So, walang maghahatid sayo sa school, tama ba ako, Kathleen?”
Napatakip ako sa aking tenga nang marinig ang boses niya na malapit sa aking kanang tenga. Nasa likod ko na pala siya. Napapikit ako at nagtitimpi ako na sigawan siya.
Nilayo ko ang aking mukha sa kanya at saka humarap kay Godfrey. “Eh, ano, Godfrey? Kaya ko naman po mag-commute papasok sa school, kaya no thanks!” Ngising sabi ko sa kanya at binalik ang tingin sa aking plato. Nagugutom na ako at kailangan ko ng umalis din.
“Okay, if iyon ang pasya mo, Katrina. Willing naman akong ihatid kita, same lang naman ang school natin at magiging school mo na rin, ilang buwan na lang ay ga-graduate ka na, ʼdi ba?” Narinig ko ang boses niya sa likod ko.
“Huwag na po kayong mag-alala. Kaya ko naman po ang bumayahe ng mag-isa.” sabi ko sa kanya, hindi na ako nag-abala na lingunin siya.
“Katrina, sayang naman kung hindi ka papayag na sumabay kay Young Master Godfrey, makakatipid ka ng pera at hindi ka maiinitin sa labas.” sabi ni ate Lala.
Dismayado akong tumingin kay ate Lala at umiling sa kanya nang palihim. “Kaya ko naman po, ate Lala. Kaya sanay naman po kami mag-commute ni Kuya Francis dati. Kaya don't worry po sa akin.” Ngiti kong sabi kay ate Lala, para hindi na siya mag-alala pa.
“Seryo—” Nilakihan ko ng mata si ate Lala para hindi na siya magsalita pa. Ayoko talaga makasama si Godfrey na iyan, pagkatapos ng sinabi niya kagabi.
Narinig kong may nag-usog ng upuan at nakita kong gumalaw ang kaharap na upuan ko. Sa harap ko pa talaga siya umupo. Bwisit talaga ang isang ito!
“Sure, if ayaw mong sumabay sa akin papuntang campus. Commute well, Katrina!” Nang-iinis ang boses niya.
Pinigilan ko ang aking sarili na sumagot sa kanya. Kumain na lamang ako nang mabilis para makaalis na sa kanyang harapan. Nang maubos ko ang aking pagkain ay tumayo na ako.
“Ate Lala, salamat po sa pagkain!” Malakas na sigaw ko. Nasa kitchen si ate Lala ngayon, pero alam ko rinig niya ako.
“Wait, Katrina! May ipapabaon ako sayong pagkain, sabi ni Ma'am Luna!”
Naiwan sa ere ang pagsukbit ko sa aking backpack nang marinig ko ang boses ni ate Lala. Ilang minuto lamang ay nakita ko na siya lumakad palapit sa amin.
“Hinandan ni Ma'am Luna ʼto para sayo, Katrina. Kasi alam niyang nagpo-focus ka sa entrance exam sa Lazaro University. Pang-lunch break mo raw iyan.” Ngiting sabi sa akin ni ate Lala.
“Thank you po, ate Lala. Magtetext din po ako kay tita Luna. Sige po, alis na po ako!” Ngiti kong sabi sa kanya at pinasok ang baunan ko sa aking backpack. “Alis na po ako!” Ulit kong sabi.
“Ingat ka, Katrina, ha?!” Rinig kong sabi niya kaya tumango ako.
Buti naman hindi na ako pinalit ng Godfrey na iyon. Talagang hindi ko na siya tatawaging Kuya.