MASAYA pa rin sila ate Kathleen na nakaupo sa may mini stage, pinupuntahan na sila ng mga guests doon at binabati. Mamaya na lamang ako lalapit at babati sa kanila, balak namin ni kuya Francis na sabay na kaming lumapit. “Kuya Francis, kukuha lang ako ng pagkain, ha? Sabay tayo lumapit kay ate Kathleen.” Paalala ko sa kanya at siyang pagtango niya sa akin. Tumayo na ako sa table namin at pumunta sa buffet area, heto iyong mga pagkain na pinatikim sa akin ni ate Kathleen nu'ng Friday. Lahat ay masarap kaya kukunin ko ang lahat, pero konti lamang para maubos ko rin. Habang nakapila ako rito ay hinahanap ko sina Chelsea and Yago, hindi ko kasi makita ang table nila kanina pa. Kanina pa kasi humahaba ang leeg ko kahahanap sa kanilang dalawa, pero hindi ko talaga makita man lang. “Hello,