NAKABALIK na ulit ako sa classroom namin. Kokonti pa lamang ang nandito sa room namin. Diretso akong umupo sa p'westo ko, napatingin na lamang ako sa silya ni Yago. Ano ba talaga ang dapat kong gawin? Napaupo na lamang ako at umubob sa aking table, hihintayin ko na lamang ang bell dahil may isang oras pa kaming lahat bago ang next subject namin. May narinig akong yapak na papalapit sa p'westo ko. At, nakita ko na lamang sa aking ibaba na may sapatos na tumigil. “Um, Katrina, ayos ka lang ba?” Kilala ko ang boses na iyon. Iyong boses na mahinhin at malamig sa pandinig, si Zendee. Napa-angat ang tingin ko at tama nga ang hula ko. Ngumiti ako sa kanya. “Um, ayos lang naman ako, Zendee, bakit mo naitanong?” Inikot niya ang upuan sa harapan ko at umupo roon. “Alam kong nag-iiwasan k