NAKA-READY na kaming lahat, bitbit ko na rin ang aking malaking backpack at nagdala na rin ako ng bodybag dahil nandoon nakalagay ang aking sandals and iba ko pang gamit.
“Wala pa rin ba si Godfrey? Iyang anak niyo talaga Godipher and Luxus, sakit sa ulo lagi!” Naiirita na sabi ni tita Luna, kaya napatahimik na lamang ako.
Nandito na kaming lahat, maging sina ate Kathleen, kuya Leif, kuya Lennox, at kuya Francis. Maging sina kuya Carl and Yago ay nandito na rin. Si Godfrey na lamang ang hinihintay talaga namin.
“Leif, tawagan mo ulit iyong kapatid niyo!” Malakas na sabi ni tita Luna. “Kahit kailan talaga ay sakit sa ulo ang isang iyon! Kailan ba titino ang isang iyon?” Bakas sa boses ni tita Luna ang inis.
Palakad-lakad na siya sa may living room at kanina pa rin kino-contact nina kuya Leif and kuya Lennox si Godfrey, pero ni-isang reply sa text ay wala, maging nga sa pagsagot sa tawag ay hindi niya magawa.
Nakatingin lamang ako kay tita Luna at bigla siyang napahinto sa harap nina tito Godipher at tito Luxus. “Kasalanan niyo itong dalawa, masyadong na-i-spoil ang isang iyon!” Napahinto sa pagsasalita si tita Luna. “Alam niyo naman na siya ang magmamana ng business niyo sa Singapore, kaya kailangan magtino ang Godfrey na iyon. Malilintikan talaga sa akin ang isang iyon!” Galit na galit na sabi ni tita Luna. Naibuntong na nga niya ang galit kina tito Luxus at tito Godipher.
“Mommy, chill lang, okay? Baka on the way na si Godfrey with his girlfriend, right, Luxus? Kaya hindi siya makapag-reply kina Leif and Lennox.” Pagpapakalma ni tito Godipher kay tita Luna.
Huminga nang malalim si tita Luna. “Thirty minutes, kapag wala pa rin niyang anak niyo. Iwan na natin!” Seryosong boses ni tita Luna, na siyang pagtango nila tito.
“Lennox and Leif, contact your brother! Huwag kayo titigil!” Utos ni tito Luxus sa panganay niyang anak.
Nakaupo pa rin ako sa sofa habang pinapanood sila. “Ganito ba lagi rito, Katrina?”
Nagulat ako nang may nagsalita sa tabi ko, nakita ko si Yago. Nagulat ako roon, hindi ko naramdaman na katabi ko na pala siya.
Napangiwi ako sa kanya. “Sometimes. Minsan kasi hindi umuuwi si Godfrey rito. Kaya galit minsan si tita Luna. Okay sana kung sumasagot sa text si Godfrey, eh, hindi rin. Deadma rin siya.” sagot ko sa kanya at sumandal sa sofa na kinauupuan namin.
“Chaotic pala rito,”
Napangiti na lamang ako sa sinabi ni Yago. "Yeah, minsan lang naman pero madalas ay tahimik kapag wala si Godfrey rito.” sabi ko sa kanya.
Totoo naman kasi talaga iyon.
“Tahimik ang buong bahay nila tita Luna kapag wala si Godfrey rito. Nagiging maingay lang kapag nandito siya at maging ang kaibigan and girlfriend niya.” Dagdag na sabi ko sa kanya. “Kaya kapag nandito siya, nagkukulong na lamang ako sa room ko.” Ngiting sabi ko kay Yago.
“Buti kinakaya mo? And, I know na close kayo rito ni kuya Godfrey? Anong nangyari?”
Napataas ang tingin ko Yago. Napaiwas ako ng tingin at ngumiti sa kanya. “Peopleʼs change, Yago. Isa na siguro kami roon.” Iyon na lamang ang sinabi ko sa kanya.
Nang dahil sa tanong na iyon ni Yago ay natahimik na kami pareho. Hinintay namin ang oras na mag-thirty minutes ayon sa sinabi ni tita Luna. Hanggang sa malapit na mag-thirty minutes ay dumating si Godfrey kasama si Kiara.
“Mom, I'm sorry, I'm late!” Malakas niyang sabi pagkapasok niya sa loob.
Napatingin kami sa kanya lahat at nasa likod niya si Kiara na nakangiti. Napaiwas ako ng tingin sa kanila.
“Sorry po, tita Luna and tito Luxus! Si Godfrey po kasi...” May kilig sa boses ni Kiara.
Alam ko ang ginawa nila. Parinig pa nga nila sa akin sa phone, ʼdi ba?
Hindi sumagot si tita Luna sa sinabi ni Kiara. Nilapitan ni tita Luna si Godfrey at saka iyon binatukan. “Sumagot ka sa mga text message na binibigay sayo! May phone ka, Godfrey, tandaan mo iyan!” Malakas na sabi ni tita Luna, na siyang pag-iwas naming lahat.
Masakit iyon.
“Sumakay na roon sa van, sa amin ka sasakay! Naiintidihan mo ba, Godfrey! Hinanda ko na iyong gamit mo. Pumasok ka na roon sa Van!” Malakas pa rin na sabi ni tita Luna sa kanya.
Dama mong galit pa rin talaga siya kay Godfrey.
Deserved naman niya.
Tumayo na kami ni Yago at lumabas na, hindi ako sasakay sa van kung nasaʼn ang dalawa. Kailangan kong lumayo roon para hindi mairita man lang.
Binuksan ko ang kotseng dala nina kuya Leif and kuya Lennox, pumasok ako roon at umupo sa likod. Seven seater ang kotse nila kaya pwede pa ako. May driver kasing kasama si kuya Lennox at panigurado sa passenger seat ay si kuya Francis at sa gitna ay sina ate Kathleen, kuya Leif and kuya Lennox.
“Oh, bakit dito ka, Katrina? Akala ko kay tita Luna ka sasakay?” tanong ni ate Kathleen sa akin.
Napanguso ako sa kanya. “Masikip na po roon.” Katwiran na sabi ko sa kanya.
“Are you sure, Katrina? Magiging babysitter ka lamang dito sa loob ng kotse and maingay rin dahil sa triplets.” sabi ni kuya Lennox sa akin, tumango ako sa kanya.
“Aalagaan ko po si Keo, kuya Lennox!” Ngiting sabi ko sa kanya. Mag-two-two years old na ang triplets kong pamangkin.
“Yaya!” Tawag sa akin nina Keo and Kai! Si Lucian naman ay nakatingin lamang sa akin habang karga siya ni kuya Leif, siya talaga ang mahiyain sa tatlo.
“Hello, Lucian! Yaya pretty si here! Hindi mo ba ako namiss?” Kausap ko sa kanya pero nakatingin pa rin siya sa akin.
Bad mood yata ang pamangkin kong ito.
Sa may bintana ako umupo at pinaupo na rin nina ate Kathleen and kuya Lennox sina Keo and Kai sa tabi ko, may baby seat silang nilagay.
“Ayiee, katabi ko ang favorite pamangkin ko.” Kausap ko sa kanila.
“Sila pa lang naman ng pamangkin mo, Katrina. Ikaw talaga.” Pambabara sa akin ni ate Kathleen.
“Ikaw talaga, ate, ano? Magkakaroon kaya ulit dahil buntis ka po, sana baby girl na iyan!” sagot ko sa kanya.
“Ay, sana nga!” sabi ni ate Kathleen sa akin.
“Magdilang anghel ka sana, Katrina.” Dinig kong sabi ni kuya Leif sa akin.
Napa-giggle tuloy ako, gusto rin nila ng baby girl. Paano ba naman kasi naka-tatlong lalaki agad sila.
May tagapagmana agad.
Umandar na ang kotse at sinundan namin ang van, kung saan sakay sila tita Luna. Convoy lamang kami.
Habang nasa likod ako ay nilalaro ko sina Keo and Kai, para hindi ako mabagot sa byahe. Sinabi lang naman sa akin na almost 6 hours daw ang byahe, paniguradong madaling araw na kami darating doon dahil alas-sais na ng hapon. Dapat ang alis namin ay alas-kwatro pero dahil kay Godfrey ay kaaalis lamang namin.
Kasalanan niya talaga.
Lumipas ang ilang oras ay nag-stop over kami sa isang gasolinahan. Kumain kami ng dinner, fast food restaurant ito.
Pinagtabi-tabi lamang ang mga table and upuan para sa aming lahat. Pumagitna ako kay Yago and kuya Francis nang upo. Nasa kabilang table sina Godfrey and Kiara na tahimik na nakaupo roon.
Paniguradong nasermunan ulit siya sa loob ng van. Mabuti na lamang kila ate Kathleen ako sumakay.
“Yago, may gusot ba kanina sa may van?” Mahinang tanong ko sa kanya.
Mahina lang talaga ang pagkakasabi ko para walang makarinig sa amin. Matalas pa man din ang pandinig ni Godfrey.
Napatingin sa akin si Yago, iyong tingin na parang sinasabi na. 'hindi ka sumakay sa van tapos makikisagap ka ng tsismis.' ganon ang gusto niyang iparating sa akin.
Ngumiti lamang ako sa kanya, kaya na kita ko ang kanyang pag-iling sa akin. May kinuha siya sa kanyang bag at nilabas niya roon ang kanyang phone. Nag-tipa siya roon.
Kumunot ang noo ko habang nagti-tipa siya. Napaayos ako nang pagkakaupo at tumingin lalo sa kanyang phone.
“Miss Luna scolded kuya Godfrey in the van. No one spoke at that time, only them.” Basa ko nang tahimik sa kanyang tinipa sa phone niya.
Napatingin ako sa kanya. Kinuha ko ang kanyang phone, nagtipa rin ako pabalik. “Deserved niya iyon. Hindi siya umuwi nu'ng last night, after the celebration sa restaurant. Kaya galit si tita Luna sa kanya.” Iyon ang tinipa ko sa kanyang phone.
Nagkatinginan kami ni Yago at napatawa ako sa kanya. Napaka-seryoso kasi ng mukha ni Yago. Iyong tipong hindi siya naniniwala sa tinaype ko kanina.
“Mom, wala pa ba iyong food? Nagugutom na ako!”
Nagulat ako nang malakas na sumigaw si Godfrey. Napatingin ako sa kanya at ganoʼn na lamang ang pag-iwas ko ng magtagpo ang tingin namin sa isa't-isa.
Si tita Luna ang kausap niya tapos sa akin siya nakatingin? O, baka na-eksaktuhan ko lamang na nasa akin ang tingin niya, ano?!
Baka nga.
Naghintay ako ng twenty minutes at saka na-serve ang mga pagkain na inorder nila tita Luna. Hindi na rin nagpatumpik ay kumain na rin kaming lahat. Mahaba-haba pa ang byahe papunta sa private resort nila tita Luna. Kaya nang matapos kaming kumain ay umalis na rin kami roon. Sumama ulit ako sa kotse nila ate Kathleen.
Nakaupo na ulit ako sa dulo ng kotse, kung saan kasama ko ang dalawang pamangkin ko na sina Keo and Kai. Nakatitig lamang ako sa kanila habang bumabyahe, pareho kasi silang tulog na dalawa kaya aliw na aliw ako sa dalawang pamangkin ko. Si Lucian kasi ay mahiyain at hindi sumama kapag nakikita niya parents niya, except sa dalawang ito kapag humarap ka kina Keo and Kai at tinaas ang kamay mo sa kanilang harapan, sasama na agad sila sayo. Ganoʼn ka friendly ang mga ito.
“Leif, what will our plans be later? Kiara doesn't know about me, even dad's relationship with mom?”
Nawala ang tingin ko sa kambal nang marinig ko ang boses ni kuya Lennox. Pinag-uusapan nila ang arrangement nila mamaya. Hindi alam ni Kiara ang tungkol sa secret ng mga Smith.
“Don't mind her, Lennox. Kapag nasa k'warto na siya mamaya, sneak out sa room namin, okay?!” Iyon lamang ang narinig kong sagot ni kuya Leif.
“Maybe we'll get caught?” Rinig ko ulit tanong ni kuya Lennox.
“When we get caught and she doesn't accept our situation. We don't care about her anymore, we love each other before Godfrey met her. But, if someone spread the word about the Smiths' secret, she was the one who spread it.” Bakas sa boses ni kuya Leif ang seryosong boses niya. “Walang pwede manakit kay Kathleen.” Iyon ang huling rinig ko sa kanilang usapan.
Napalunok tuloy ako nang dahil doon. Sobrang mahal talaga nina kuya Leif and kuya Lennox si ate Kathleen.
Ano kaya pakiramdam na may magmahal sayo nang totoo, ano? Totoo at aalagaan ka.
Ilang oras pa ulit ang nilakbay namin nang huminto na ang kotse. Pinababa na nila kaming lahat, dahil need pa raw namin mag-bangka papunta roon. Tinulungan kami ng mga bangkero na kunin ang mga gamit namin at isakay sa bangka. Iyong kotse naman ay iiwan na rito, dito pa lamang ay pagmamay-ari na ng mga Smith ang mga ito.
Lumakad na ako nang dahan-dahan dahil buhat ko si Keo ngayon, hindi kasi kaya nila ate Kathleen kaya tumulong na ako. Hindi naman pwedeng kargahin ni ate Kathleen si Keo dahil buntis siya.
“Be careful,”
Nagulat ako nang may umalalay sa aking paglalakad. Nakita ko si Yago at mukhang bagong gising, nakatulog ang isang ito habang bumabyahe.
“Dahan-dahan lang sa paglalakad, Katrina. Hawak mo si baby...” Pagpapatuloy niyang sabi sa akin at tumingin sa mukhang ni Keo.
“Si Keo iyan,” ani ko sa kanya.
Nakita ko ang dahan-dahan niyang pagtango sa akin. Nasa gilid ko lamang si Yago at nakaalalay pa rin sa akin. Hindi siya nag-aalala sa akin, doon kay baby Keo.
“Miss, dito na po kayo ng anak niyo at ng asawa niyo po! Para makapagpahinga na po ang baby niyo!”
May narinig kaming boses galing sa bangkero, hindi ko iyon pinansin. Paniguradong sila ate Kathleen ang kausap nu'n. Sila lang naman ang may baby sa amin.
“Miss, hindi niyo po ba ako narinig? Sakay na po kayo roon sa bangka. Kawawa naman po iyong baby niyo at maging ang asawa niyo po ay pagod na rin sa byahe.” sabi niya sa akin na siyang kinatanga ko.
“Eh? Ah?” Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. “A-ano... Pamangkin ko po itong dala ko at hindi ko po siya asawa.” Paliwanag kong sabi sa kanya at tinuro si Yago.
May narinig akong malakas na tawa at nakita ko ang masayang mukha ni kuya Lennox. “Sabi sa inyo bagay sina Katrina and Yago! Napagkamalan pa ngang mag-asawa na agad!” Masayang sabi habang nakahawak pa sa kanyang tiyan.
Sino nga umiidolo kay kuya Lennox? Pwede pa kayong magpalit ng bias niyo sa Starlight, ha? Lumipat na kayo agad kay Tarius, please, mas matino ang isang iyon kaysa sa kanya.
Pinang-ikutan ko na lamang ng mga mata ko si kuya Lennox na hanggang ngayon ay tumatawa, ang saya niya, ha?
Nahagip nang tingin ko si Godfrey na hindi maganda ang timpla ng kanyang mukha. Luh, anong nangyari sa isang iyon? Siguro bad mood pa rin dahil sa sermon ni tita Luna.
“Sorry po, Miss, akala ko po anak niyo and asawa niyo po siya! Pasensya na po talaga!” Hingi nang paumanhin ni kuya sa akin.
Ngumiti na lamang ako sa kanya. “Okay lang po, hindi niyo naman po alam. Pero, pwede pa rin po ba mauna kami? Pagod na po talaga ako!” sabi ko kay kuyang bangkero.
Mabuti na lamang ay pumayag siya.
Swerte yata itong si baby Keo, lagi na kitang hihiramin sa parents mo, okay?