THIRD PERSON’S POV Sa pagkakataon na ‘yon ay natahimik si Aldemous sa sinabi ng asawa nya. Bagamat nangangamba rin sya sa kung anong maaaring mangyare. Bumalik ito sa palasyo at nakita nya ang asawa na no’n ay napabuntong hininga na lang. Hindi alam kung kakausapin nya ba ito o h’wag na lang. Kinabukasan ay pumunta si Sunny sa Academy para kunin ang kanyang mga naiwan na gamit. Bilang isang ganap ng dyosa ay kailangan na nyang ituon ang sarili sa pinangangalagaang mundo at kaharian. Iyon ay ang ikalimang dimension ng ikalimang parallel world. Ito rin ay nasa ilalim ng pangangalaga ni Mysty kaya naman nagagawa nya itong alagaan ng wala si Sunny. Pero sa kanilang patakaran, ang kung sino ang nakatakdang mangalaga dito ay sya na ang magiging responsablle sa mundong ito. Sa pagkakataon n