SUNNY’S POV Matapos kong gawin ‘yon ay saka sya muling tumingin sa ‘kin at sumeryoso ang mukha nya sa pagkakataon na ‘to. Hindi ko alam kung bakit ganito ang bungad nila samantalang dadaan lang naman kami. “H’wag nyong hahayaan na makatakas ang mga ‘yan dito!” galit na sabi no’ng kapatid nya kaya naman bumitaw ako kay Blaze at saka pinag-cross ang braso ko. “Subukan nyong humarang at pati ang buong kaharian nyo’y mawawasak gamit lang ang isang kamay ko,” saad ko ka syang ikinagulat nya. Lumapit sa ‘kin si Lili at saka nya hinawakan ang braso ko at tumingin ako sa kanya. “Tama na,” sabi nito. “Nag-aalala ka ba?” tanong ko sa kanya at nangunot ang noo nya. “Ano ba Sunny? Dadaan lang naman tayo hindi mo kailangan maggulo.” “Hindi ako nanggugulo Lili alam mo ‘yan,” mariing sabi k