"Kumalma ka Don philip. Nandito ako para sa isang offer. Sana hindi mo ako tanggihan dahil iyon ang pinakaayaw ko. Alam mo bang sa lahat ng ayaw ko ay ang tanggihan ako? Siguro naman hindi ka bulag at bingi sa nangyayari sa iyong paligid?" nakangiting turan ni Mr. Harry.
"Anong kailangan mo sa akin? Diretsuhin mo na ako at sana lang kapag pumunta kayo rito sa kompany ko huwag kayong magdala ng mga tauhang parang pumatay ng tao ang mga itsura, baka matakot ang mga employee namin." seryosong wika ni Don Philip.
"Men, narinig ba ninyo ang sinasabi ni Don Philip? Sundin natin ang gusto n'ya kasi sooner maging asawa ko na ang anak n'ya." nakangiting wika niya sa kanyang mga tauhan. Na ang siyang ikinagulat naman ni daddy.
"Anong ibig mong sabihin? Huwag na huwag mong idamay ang anak ko. Labas siya sa atraso ko sa 'yo. Nakiusap ako
sa 'yo. Ayokong pakialaman mo ang anak ko!"
"Don Philip. Kilala mo ako walang kahit na sino ang tumatanggi sa mga gusto ko. Alam mo namang wala akong pasensiya 'di ba? Hindi ka ba natakot na dukitin namin ang anak mo at ipagahasa ko sa mga tauhan ko?"
"Please Mr. Harry nakiusap ako sa 'yo huwag mong galawin ang anak ko, dahil nag-iisa na lang siya sa buhay ko. Maawa ka sa akin ibang babae na lang huwag ang anak ko." nagmakaawa si daddy pero tinawanan lang siya ni Mr. Harry.
"Don Philip, gusto kong pakasalan ang anak mo. Pangako ibigay ko sa kanya ang pinakamagandang buhay. Gawin ko siyang prinsisesa sa aking mansion. Isang magarbong kasal ang ibigay ko sa kanya. At kapag pumayag ka sa gusto kong mangyari ay absuwelto ka na sa akin. Ang utang mong one hundred million pesos ay burado na lahat. Meron pa kayong regalo mula sa akin para hindi ka makatanggi. Men ilapag ang pera sa mesa. Nang binuksan ang box ay lumaki ang mga mata ni Don Philip nang makita n'ya ang maraming pera.
"Don Philip, sabihin mo lang kung kulang dagdagan ko. Saka meron na akong kasulatang nilagdaan na kapag payag ka sa gusto ko, ay close case na tayo. Men, ilapag ang document. " Nang ilapag ang dokumento na patunay na wala na siyang utang ay pumayag na siya sa gustong mangyari ni Harry.
"Good, Don philip. Ipangako ko sa 'yo na nasa mabuting kamay ang anak mo. Ayokong may problema sa darating na kasal namin, alam kong spoiled brat ang anak mo. Alam kong mahirap paamuhin ang tulad niya. Kapag nasa palasyo na siya nakatira ayokong mangialam ka kung paano ko siya disiplinahin. Maliwanag ba Don Philip?" seryosong tanong ni Mr. Harry. Tumayo na sila at nagpaalam.
Nakita kong lumabas ang mafia na iyon sa building, kahit nakasuot ito ng sunglass ay nakita kong nakatitig siya sa akin. Lumapit siya sa akin at nagulat ako nang bigla niya akong binuhat at isinakay sa kanyang magarang kotse. Nagpumiglas ako pero hindi pa rin n'ya ako binitawan.
"Pakawalan mo ako! Bakit mo ako kinidnap? Daddy. . . tulungan niyo po ako. Ano ba ang kailagan mo sa akin? Bakit mo ako kinidnap!" sigaw ko sa kaniya pero hindi siya nakinig sa akin. Nang pinasok n'ya ako sa sa loob ng kotse ay mabilis siyang umupo sa tabi ko. At pinatakbo ng driver agad ang sasakyan. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ko si daddy. Nagtaka ako kung bakit hindi n'ya ako pinigilang tawagan si daddy. Hinanap ko agad ang number ni daddy at tinawagan ko na agad. Narinig kong nag-ring ang cellphone ni daddy pero hindi nito sinagot ang aking tawag.
"Daddy, nasaan ka na? Sagutin mo naman ang cellphone mo dad." umiiyak na ako sa sobrang takot. Hindi ko alam kong ano ang gawin nila sa akin.
"Huwag mo nang tawagan ang ama mo. Alam na niya kung saan kita dalhin, huwag ka nang mag-alala hindi ka mapahamak basta magpakabait ka sa akin. At higit sa lahat sundin mo ang lahat kong sabihin
sa 'yo. Ayokong matigas ang ulo, ayoko nang maingay." seryosong sabi niya sa akin. Nagtaka ako sa sinabi niyang alam ni daddy ang lahat.
Tinitigan ko siya at nakaramdam ako ng kaba. Natakot ako baka may masamang nangyari sa daddy ko.
"Naalala kita eh. Ikaw ang nanakit kay daddy noong nakaraang araw 'di ba? Hayop ka anong ginawa mo sa daddy ko? Sinaktan mo ba siya? Nasaan ang daddy ko! Ibalik mo ako sa daddy ko! Napakasama mo. Iniipit mo ba ang daddy ko ha? Hoy, Ikaw! Itigil mo ang sasakyan bumaba ako." sigaw ko pero hinawakan ng lalaking naka-sunglass ang aking mukha at tinakpan n'ya ang aking bibig. Nagpumiglas ako pero hindi n'ya pa rin tinanggal ang kamay n'ya sa aking bibig. Inuutusan niya ang kanyang tauhan na talian ang aking kamay at lagyan ng takip ang aking bibig. Dahil ayaw niya nang maingay. Mabilis namang sinunod ng lalaki ang utos n'ya. Pero kinagat ko ang kamay ng lalaki para hindi niya matakpan ng tela ang aking bibig.
"Bruno dalhin mo kami sa secret hideout ko. Saka ko na ilabas ang babaeng
'to kung maputol ko na ang sungay nito. Wika ng boss nila. Natakot na ako hindi ko alam kung saan nila ako dalhin. Nag-aalala ako baka sinaktan nila ang daddy ko. Tinalasan ko ng tingin ang boss nila pero nakita kong ngumisi lang ito at tila walang pakialam sa akin. Lalo akong nainis at tinaas ko ang aking paa at sinipa ko ang mukha niya. Nagulat ako nang masalo niya ang aking paa at hindi niya binitawan.
"Bigyan mo ako ng tali." utos niya sa kanyang kasama. Nang nasa kamay na niya ang tali ay hinila niya ang isang paa ko at tinalian niya. Lumaki ang aking mata sa galit dahil hindi na ako makagalaw kaya mas lalo akong nagalit at
nagtawanan pa ang kanyang mga tauhan.
"Ang sabi ko sa 'yo mag-behave ka hindi mahaba ang pasensiya ko kapag hindi mo baguhin ang ugali mo. Putulin ko ang dila mo at tanggalin ko ang lamang loob mo!" galit na turan niya sa akin mas lalo akong natakot sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong klaseng mga tao sila. Kinuha niya ang aking handa bag. At tiningnan niya ang laman nito. Nakita niya ang aking credit card, cellphone at aking mga id's. Nagulat ako nang tinanggal niya ang aking sim card at binali niya ito. Pati ang aking credit card ay inutusan niya ang kanyang tauhan na sirain ito. Nag-aalala na ako paano ako makauwi kung wala akong cellphone? Paano ko matawagan si daddy? Maraming tanong sa aking utak pero wala akong makitang kasagutan.