CHAPTER 5

1057 Words
"Mommy, nandito na ang babaeng gusto mong makita. Hawak ko na siya ngayon." "Nasaan siya anak? Anong itsura niya maganda ba siya?" tanong ni Cassandra. "Nandito siya sa secret hideout ko. Hindi lang maganda sobrang ganda. Kaso lang hindi ko kayang makipaglaban sa kanya. Masahol pa siya sa lalaki. Pero alam kong madali kong makuha ang loob n'ya. Kung mapaamo ko siya mas madali na lang nating gawin ang ating mga plano mommy." "Harry basta ayokong malaman niyang ako ang nasa likod nito. Ayokong malaman n'yang ako ang nagpahirap ng kanyang ama. Gusto kong kunin ang lahat-lahat sa kanila. Gusto kong gumapang sila sa lupa, gusto kong makita silang maghirap, huwag mo akong biguin anak. Ikaw lang ang makatulong sa akin para mas mapabilis ang aking paghihiganti. Gawin mo ang lahat para mahulog ang loob n'ya sa 'yo. Gusto kong mahalin ka niya nang buong puso. Gusto kong gawin ka niyang mundo, para kapag iwanan mo siya ay gumuho ang kanyang mundo." seryosong wika ni Cassandra. "Anong kailangan mo sa akin? Hindi kayo mapagkakatiwalaan ang sabi mo kapag matalo kita ay hindi mo na kami guluhin ni daddy. At kalimutan mo na ang utang ni daddy sa 'yo!" sumbat ko sa kanya pero mas lalo akong nagalit nang tinawanan n'ya lang ako. Kumuha siya ng wine at baso nilagyan n'ya ito ng wine at binigay niya sa akin. "Kunin mo, gusto kong mag-celebrate kasama ka." nakangiting wika niya sa akin magtaka ako sa sinabi niyang mag-celebrate kasama siya. tinitigan ko siya at kinuha ko ang wine na hawak niya at tinapon ko sa kanyang mukha. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang aking leeg at pinasandal niya ako sa wall. Pero hinawakan ko ang kamay niya at inapakan ko ang kanyang paa. Mabuti na lang at nag-aral ako ng martial arts magamit ko pala sa ganitong situwasyon. Namilipit siya sa sakit ng kanyang paa, pero wala akong pakialam sa kanya ang laki ng kasalanan niya sa akin kinidnap niya ako at dinala sa lugar na walang katao-tao. "Bakit ba ang tapang mo? Babae ka pero kung umasta ka daig mo pa ang isang adik sa kanto!" wika niya sa akin habang umiinom ng wine. "Bakit takot ka na ba sa akin? Matapang ka lang dahil meron kang mga bodyguard at lahat sila may armas." wika ko sa kanya. "Pumasok ka na sa kuwarto mo, maligo ka na, dahil mapapalaban ka mamaya. Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo!" singhal niya sa akin nag-alala ako baka ano ang gawin niya sa akin. "Pakawalan mo ako dito hayop ka! Ibalik mo ako sa daddy ko!" sigaw ko pero hindi niya ako pinapansin. Dinala niya ako sa magandang kuwarto, namangha ako sa arrangement parang nasa loob ako ng paraiso. Pakiramdam ko ay ako si cinderella, Mayaman kami pero hindi ganito ang design ng kuwarto ko. "Tulad ng sinabi ko ayoko nang maingay. Pero kung gusto mong sumigaw dalhin kita sa ilalim ng swimming pool at doon ka sumigaw." "Sinong kasama natin dito? Saka bakit mo ako dito dinala? Nakiusap ako sa 'yo pakawalan mo ako. Kailangan ako ni daddy.?" nagmakaawa ako sa kanya pero wala siyang pakialam sa mga sinasabi ko. Sa galit ko ay sinipa ko ang tiyan niya at kinalmot ko ang kanyang mukha. Nakita kong meron dugo ang mukha niya, natakot ako dahil sa lahat ng ayoko ay ang makakita ako ng preskong dugo. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang aking mukha. Nang nasinghot ko ang amoy ng kanyang katawan ay naaalala ko ang amoy ng lalaking humalik sa akin sa parking lot. Hinablot ko ang suot niyang sunglass at lumantad sa akin ang totoo niyang mukha. Harry Anderson? Ikaw ang lalaking humalik sa akin sa parking lot 'di ba?" tanong ko sa kanya. Naramdaman kong mabilis ang t***k ng aking dibdib. "Ngayong nakita mo na ang itsura ko. Mag-ingat ka sa akin. Huwag na huwag mo akong bigyan ng sakit sa ulo kung gusto mo pang makita ang daddy mo!" singhal niya sa akin. Hindi ako makapaniwalang kasama ko ang lalaking 'to sa isang lugar na kaming dalawa lang. Iniisip ko kung gahasain n'ya ako ang suwerte ko siguro. Mula nung hinalikan niya ako ay hindi na siya nawala sa isip ko. Ngayong nasa harapan ko na siya para akong kandilang nakatirik sa kanyang harapan. Si Harry Anderson ay ang aking first kissed at siya na rin ang aking first crush. Pumasok na ako sa kuwarto ko para maligo, nakita kong sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Hindi ko alam kung napansin niya ang pag-blush ng mukha ko, o 'di kaya'y napansin niyang crush ko siya. Hindi ko alam kung paano ko harapin si Harry. Nahiya ako na baka mabuko niya ako. Mahirap itago ang feelings ko sa kanya dahil prangka ako at diretsong magsalita. Pagkatapos kong maligo ay nagmadali akong magbihis nakita ko ang mga bagong damit na pinatong sa kama. Hindi ko alam matuwa ba ako o magalit, nakita ko ang mga underwear na binili niya sa akin ay mga over size. Meron ding mga make up saka natuwa ako kasi lahat na ay mga mamahalin. Nang natapos na akong magbihis ay lumabas ako ng kuwarto at namasyal ako sa buong paligid. Nagulat ako nang may humawak sa aking balikat at dahil sa aking takot ay madali kong hinawakan ang kamay nito at sinipa ko siya sa tiyan. Bumagsak siya sa lupa at nakilipit sa sobrang sakit ng kanyang tiyan. "Natasha, bakit mo ako sinipa? Wala naman akong ginawang masama sa 'yo." "Kasalanan mo, dahil ginulat mo ako! Saka wala kang karapatang hawakan ang katawan ko!" turan ko sa kanya habang nakataas ang aking nguso. "Huwag ka nang magmatigas pa dahil darating din tayo sa point na hawakan ko ang lahat na party ng katawan mo!" "Ang kapal ng mukha mo! Kahit anong mangyari hinding-hindi ako magpahawak sa tulad mong kriminal!" galit kung saad sa kaniya. Pero nakita kong nakasimangot siya, nagulat ako nang lumapit siya sa akin at tinulak niya ako hanggang dumikit ang aking likod sa dingding. Napalunok ako ng laway nang dumikit ang aking balat sa kaniyang balat. Naramdaman ko ang kanyang mainit na hininga na parang hinigop ang aking kaluluwa. "Bakit ka pumikit Natasha? Nagagalit ka pero ikaw itong malibog!" tanong ni Harry sa akin. Naramdaman ko ang magpula sa aking pisngi dahil sa sobrang hiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD