Pag-alis ni daddy lumapit ako kay yaya dahil gusto kong malaman kung ano ang problema ng daddy ko.
Ang sabi ni yaya ay nabaon na raw sa utang ang company, at malapit na itong lumubog. Nagkakautang daw kasi si daddy sa isang mafia kaya mataas ang interest at hindi niya ito kayang bayaran. Naawa ako kay daddy, kaya agad akong nagbihis at pumunta ako sa aming company. Nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto sa office ni daddy ay nakita ko ang mga armadong lalaki na tinutukan si daddy ng baril sa leeg. Sumigaw ako sa takot at tumakbo ako kay daddy.
“Daddy sino po sila? Bakit ka nila tinutukan ng baril?” takot na takot ako at niyakap ako ni daddy habang nakatingin ako sa mga lalaking may hawak na baril. Nanginginig ako sa takot. At hinarangan ko ang daddy ko, mas gustuhin ko pa ang mamatay kesa ang daddy. Ayokong mawala sa akin si daddy.
“Anak bakit ka nandito? Dapat hindi ka na pumunta pa rito, ayokong makita mo akong nasa ganitong sitwasyon.” saad ni daddy sa akin, naawa ako sa kanya. Humarap ako sa mga armadong lalaki at kinausap ko sila na ibaba ang hawak nilang baril.
“Puwede ba ibaba mo ang baril mo?! Bakit kailangang gawin ninyo ito sa daddy ko? Walang kalaban-laban ang daddy ko sa inyo! Gaano ba kalaki ang kasalanan niya para takutin ninyo siya ng ganito!? matapang kayo dahil may hawak kayong baril? Kaduwagan 'yan!" singhal ko sa kanilang lima.
Lumapit sa akin ang leader nila at tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Natakot ako hindi para sa sarili ko kung ‘di para sa daddy ko. Nakasuot ito ng sunglass, kaya hindi ko nakita ang mukha niya. Natakot ako para kay daddy, ayoko siyang mawala sa akin.
“Matapang ka? Babae ka lang! Kaya kung puwede huwag mo akong sigawan tumingin siya sa kaniyang mga tauhan binaba niya ang kaniyang baril. At inaayos niya ang kaniyang sarili.
“Dahil matapang ka! Kalimutan ko ang utang ng daddy mo sa akin, pero kailangang labanan mo ako kapalit ng katahimikan ng daddy mo! At kung matalo mo ako mawala kami sa harap ninyo at kalimutan na namin ang utang ng daddy mo!” singhal ng leader nila.
“Payag akong labanan kita, pero tanggalin mo ang suot mong maskara! Ayokong makipagbogbogan sa mga taong nagtago sa kanilang mukha!” singhal ko sa lalaki.
“Hindi na kailangan! Walang kahit na sino man ang makakita sa tunay kong itsura. seryosong wika ng lalaki.
Pumuwesto na siya at handa ng makipaglaban sa akin. Tinalian ko ang aking buhok para hindi sagabal sa aking pakipaglaban sa kaniya. Una siyang gumalaw sinipa niya ang aking tiyan, pero nakailag ako nahawakan ko ang kaniyang paa, madali kong hinila at tumilapon siya. Sinundan ko ng suntok sa kaniyang likod, akmang lumapit siya sa akin pero hinawakan ko ang kaniyang balikat. Ginamit ko ang aking isang tuhod dahilan sa pagbagsak niya sa sahig. Hindi ko nakita ang reaction ng mukha niya dahil nakasuot siya ng maskara. Pero alam kong nasaktan siya dahil malakas ang puwersa na binigay ko sa aking tuhod.
Madali siyang tumayo at lumipad ang kaniyang isang paa sa aking tiyan. Hindi ako nakailag kaya tumalsik ako at nakaramdam ng sobrang sakit. Pero ayokong magpatalo tumalon ako sabay sipa sa kaniyang mukha. Para hindi na siya makabawi sinuntok ko ang kaniyang tuhod. Tuluyang bumagsak siya sa sahig. Hindi pa ako nakuntento sinipa ko ang kaniyang likod at inaapakan ko ang kaniyang leeg.
Sumigaw siyang tama na at suko na raw siya. Saka na ako tumigil at lumapit ako kay daddy. Tumayo na ang lalaki at lumapit siya sa akin, kahit nakasuot siya ng sunglass ay nakita ko ang kaniyang mga titig sa akin.
"Ngayon dahil natalo mo ako, makaasa ka na sundin ko ang napagkasunduan natin. Hinding-hindi na namin guluhin pa ang iyong ama. Lumabas na sila at naiwang nakangiti sina Don Philip
at Natashia.
"Daddy, hindi ka ba nila sinaktan? Wala bang masakit sa ‘yo?” tanong ko kay daddy labis ang aking pag-alala dahil isa sa kinakatakutan ko ay ang iwanan ako ng aking ama.
“Anak okay lang ako, ikaw kumusta ang tiyan mo? Natamaan ka niya sa tiyan nakita ko.” Nag-alalang tanong ng aking ama. Pero tinawanan ko lang siya at pinakita ko sa kaniya ang aking tiyan.
“Dad, matigas po ‘yan hindi basta-bastang matitibag, mula ngayon bantayan na kita ayokong saktan ka pa ng mga taong ‘yon." seryosong saad ko sa aking ama.
“Anak, sana pumayag ka na sa gusto ko na ikaw ang pumalit sa puwesto ko. Tulungan mo ako anak, para makabangon ang company natin. Nandito lang ako para mag-advice sa ‘yo kung ano ang mga dapat mong gawin, para sa ‘yo ang lahat ng ito anak. Kailangan kita para bumalik sa dati ang lahat. Ikaw lang ang maasahan ko na makatulong sa akin.” saad sa akin ni daddy. Naawa ako sa kaniya kaso seryosong posisyon ang papel ng CEO natakot ako, na baka hindi ko kayanin. Pero ayokong mapahamak ang daddy ko kaya kailangang gawin ko ang nararapat. Pumayag na ako sa gusto ni daddy para mabawasan ang kaniyang pinapasan na problema.
“Daddy uuwi lang ako, kailangan ko muna pag-isipan ang lahat pero huwag po kayong mag-alala dad, dahil gawin ko ang lahat na makakaya ko para makatulong sa company natin. Ayokong mapahamak na naman ang buhay niyo. I’m Sorry dad, kung minsan ay naging pasaway po ako sa iyo.”
“Anak, nagkamali ka hindi minsan lang. Araw-araw ay pasaway ka sa akin.” saad ng daddy ko habang nakangiti, niyakap niya ako at nagpaalam na rin akong umuwi sa mansion.
Lumipas ang ilang araw ay ginulo na naman siya ng mafia.
Nagulat si daddy nang biglang pumasok si Mr. Harry sa kanyang opisina. Nakaramdam siya ng takot baka tuluyang patayin na siya nito. walang ibang pumasok sa isip n'ya kung 'di ako.
Lumapit si Mr. Harry sa kanya at tinapik siya sa balikat. Napaka-arrogante nitong nakasuot ng sunglass at itim na Jacket. Wala pang kahit sinong nakakita sa totoong itsura ni Mr. Harry.
Napakamisteryoso nito at kinakatakutan ng lahat.
"Bakit kayo nandito Mr. Harry? Anong kailangan ninyo sa akin? Akala ko ba okay na tayo sa pinag-usapan natin? Pero bakit nandito na naman kayo?" tanong ni daddy habang nanginig ang boses nito sa takot. Pero tinatawanan lang siya nito.