CHAPTER 2

1005 Words
“Sa wakas dumating ka na rin saan ka ba galing?” tanong nila sa akin. Umupo ako at uminom ng wine para mahimasmasan sa masamang nangyayari sa akin kanina. “I’m sorry guys, pero na badtrip ako ng sobra. Ang landi ng lalaking na-encounter ko kanina sa parking lot.” seryoso kong sagot sa kanila sabay inom ng wine. Nagkatingin silang lahat sa akin at magkasabay pa silang nagtanong kung ano ang dahilan? Hindi ko alam kung sabihin ko ba sa kanila ang totoong nangyayari, nahiya ako dahil ang alam nila mapili ako sa lalaki baka anong sabihin nila kapag malaman nilang nakipaghalikan ako sa lalaking hindi ko kilala. “Hoy, tinatanong ka namin! Sinong lalaki paano ka nilalandi? At anong ginagawa ninyong dalawa? Siya ba ang dahilan kung bakit late ka nang dumating?” tanong ni Eunice at nakatingin pa silang lahat sa akin. “Wala, saka huwag na nating pag-usapan iyan mag-enjoy na lang tayo. Birthday mo ngayon Eunice. Mag-focus tayo sa ‘yo huwag sa akin.” seryosong sagot ko sa kanila. Nagulat ako nang makita ang lalaking humalik sa akin sa parking lot kanina. Meron itong mga kasamang mga magandang babae at mga guwapong lalaki. Pero mas umagaw sa aking atensyon ang isang magandang babaeng nakapulupot sa kaniyang braso. Nakaramdam ako ng kakaiba at parang dinurog ang aking puso. Bago ako mapansin ng aking mga kaibigan ay binaling ko na lang sa pag-inom ng wine. Pero hindi ko pa rin maiwasang mapunta ang aking mga mata sa direction ng lalaking humalik sa akin kanina. Nakaramdam ako ng selos, nang makita kong hinalikan niya ang labi ng babaeng nakapulupot sa kaniya. Nagulat ako nang biglang nagkatama ang aming paningin. Madali kong inilihis ang aking mga mata, pero alam kong nakatitig pa rin siya sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, na-attract ako sa lalaking iyon, first time kong makaramdam ng ganito. Napansin ako ni Eureka kaya kinalabit niya sina Eunice at Monica. “Siya ba ang sinasabi mong lalaking malandi Natasha? Paano ‘yan ang sad naman, meron na siyang nobya?” tanong ni Eunice habang naka-sad face. Halatang inaasar nila ako. “Natasha masakit ba? Ouch!" Nakangising tanong ni Eurika. “Girls, huwag naman kayong ganiyan sa kaibigan natin. Masakit kayang palitan agad!” nakangiting saad ni Monica, at pinagtawanan pa nila akong lahat. Nagulat ako nang biglang tumayo si Eunice at lumapit siya sa table ng lalaking iyon.” “Hello guys." cheers guys.” nahiya ako sa ginagawa ni Eunice pero ganoon talaga siya, walang hiya lalo na kapag nakainom na. Nilapitan niya ang lalaking humalik sa akin at kinindatan niya ito. Nag-aalala ako baka kung ano ang gawin niya, pero tinanong niya lang ang pangalan nito.Tapos bumalik na siya agad sa aming table. “Eunice sinumpong ka na naman sa kakapalan ng mukha mo!” sabi ko sa kaniya, pero nang sinabi niya sa akin ang pangalan ng lalaki ay natuwa ako ng sobra. “Huwag kang umarte gaga! Para sa ‘yo ang ginagawa ko! Ang pangalan ng malanding lalaking ‘yon ay Harry Anderson. Ang macho niya at ang guwapo pa.” wika ni Eunice tumingin ako ulit sa kabilang table, at nakangiti ang lalaki na nakatingin sa akin. Lumakas ang kabog ng aking dibdib at iniiwas ko na lang ang aking tingin sa lalaking ‘yon. Ilang sandali pa ay nagkayayaan na kaming mag-uwian dahil malalim na ang gabi. At medyo meron na rin akong tama sa alak. Pagdating sa bahay ay tulog na ang lahat. Meron naman akong sariling susi kaya hindi ko sila maisorbo. Hindi pa rin nawala sa isip ko ang paghalik sa akin ng lalaking iyon. Kinabukasan habang nag-breakfast kami ni daddy ay pinakiusapan niya akong pumalit sa kaniya bilang CEO sa aming company. “Daddy ayoko, hindi ko linya ‘yan dad. At hindi pa ako handa sa ganiyan malaking obligasyon ‘yan daddy. I think, hindi ko kaya.” Diretsong sinabi ko kay daddy nakita kong disappointed siya sa akin pero ayokong pumasok sa isang mabigat na obligasyon. Masaya na ako sa mga ginagawa ko, at wala akong planong maging CEO sa company ni daddy. “Anak, tayong dalawa na lang dito sa mundo, bakit hindi mo ako maintindihan? Kailangan mong matuto. Paano na lang kung mawala na ako dito sa mundo? Paano ang buhay mo kung ganiyan ka na lang lagi? Sana pumasok sa isip mo na kailangang maging matured para ikaw na ang mamahala sa ating business balang araw." Tinignan ko lang si daddy at wala nang salitang lumalabas sa aking bibig, ayokong magsalita pa dahil ganoon pa rin ang sabihin ko. Na ayokong magkaroon ng malaking responsibilidad. Masaya na ako sa mga ginagawa ko. Wala akong pakialam kung ano ang maramdaman ng daddy ko. Nag-iisa lang akong anak at kaya naman ibigay sa akin ni daddy ang lahat ng gusto ko. “Anak pag-isipan mong mabuti hindi nakakabuti sa ‘yo kung lagi ka na lang ganiyan. Hindi kita pilitin dahil ang gusto ko ay kusa mong maramdaman na kailangang mo akong tulungan. Dahil hindi sa lahat ng panahon malakas ang katawan ko. Matanda na ako anak sana maisip mo" saad ni daddy, tumayo na siya sa hapag-kainan. Lumapit sa akin si yaya at tiningnan ako sa mga mata, alam kong gusto niya rin akong pangaralan pero iniikot ko ang aking mga mata. Tumayo na rin ako at umakyat sa kuwarto para maligo. “Ganiyan ka naman eh. Kung alam mong pangaralan kita iwasan mo agad ako!” singhal sa akin ni yaya Andrea. Pero hindi ako nakinig sa kaniya tumakbo ako paakyat ng hagdan. “Tsk! tsk! Hanggang kailan ka ba ganiyan Natasha? Kailan ka ba magkaroon ng wastong pag-iisip." saad ni yaya alam kong nag-alala lang siya sa akin pero wala akong magawa dahil ayoko sa gusto nila para sa akin. KINABUKASAN napansin ko si daddy na malungkot at malalim ang kaniyang iniisip gusto ko sana siyang lapitan pero alam kong pagsabihan na naman ako na umupo sa company namin bilang CEO.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD