TASTELESS (Part2)
Sa ilang araw na nakatira sa bahay ni Ace si Fly ay may nakikita si Ace sa dalaga na hindi niya mapangalanan. Iniiwan niya ito sa sa condo niya pag papasok siya sa trabaho. Pabor din naman daw sa dalaga, lalo na at gagawan din nito ng blog ang condo niya. Kaya naman hinayaan na lang niya ito. Wala pa rin namang nasasabi si Ace tungkol sa buhay niya. Hinayaan na lang niya si Fly na eexplore muna ang buong condo niya. Nakikita niya ito minsan na kahit ang kasulok-sulukan ng bahay niya at mga gamit niya ay kinukuhanan nito ng litrato.
Pagbalik ni Ace sa condo niya ng gabing iyon ay nakita niya si Fly na natutulog sa couch. Napangiti pa siya at napagmasdan ang maganda at maamo nitong mukha. Masasabi niyang maganda talaga ito, lalo na ngayon at natitigan niya ng malapitan. Hindi malaman ni Ace ang nangyari sa kanya at bigla na lang niyang nagawang nakawan ng halik ang mapula nitong labi na wari mo ay inaakit siyang halikan ito. Mabilis lang iyon dahil biglang gumalaw si Fly.
Bigla namang tumayo si Ace, ng maramdaman na nagising niya si Fly, at nagtungo sa may pintuan. Saktong pagbangon ni Fly ay ang pagharap ni Ace sa dito na wari mo ay bagong pasok lang sa pintuan.
"Kakauwi mo lang?" Pupungas pungas pang tanong ni Fly. Na tango lang ang isinagot ni Ace.
"Mukhang pagod na pagod ka ah." Wika naman ni Ace kay Fly.
"Natapos ko ng, ikutin ang buong condo mo, maliban sa kwarto mo. Nakapag-edit na rin ako at nagawan ko na ng kwento. Ikaw na lang mismo ang wala pa. Please na Ace magsalita ka na." Pangungulit ni Fly ng maupo si Ace sa tabi niya.
"Gusto mo ba talagang isiwalat sa blog mo ang tunay na ako? Baka naman ngayon gustong-gusto mo ang kwento ko, kasi hindi mo pa nalalaman. Baka naman pag nalaman mo na, mag-iba ka ng tingin sa akin." Mapait na ngiti ang ibinigay ni Ace kay Fly. Bigla namang nakaramdam ng kirot ang dalaga sa kanyang puso. Hindi niya alam kung ready ba siyang malaman ang katauhan ng isang sikat na chef na hinahangaan niya. Noon una gusto niyang isiwalat sa mundo ang katauhan ng isang Ace Montana. Pero ngayon, base sa tono ng pananalita nito. Parang nagdadalawang isip na siya.
Pero hindi niya ipinahalata kay Ace, ang pagdadalawang isip niya. Nakaset ang kanyang camera na nakaharap dito. Nandoon din ang kanyang recording pen, at ang kanyang ballpen at notebook. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Ace. Ramdam ni Fly ang bigat na nararamdaman nito.
"Ace hindi ko alam kung ano ang pinagdaanan mo. Pero after nitong mga sasabihin mo. Magtiwala ka sa akin magiging maayos ang lahat ng isusulat ko. Hindi para sumikat. Isusulat ko at ilalabas ko ito, para mawala na rin iyang bigat na tinatago mo sa puso at isipan mo. Noong una gusto lang kitang makilala, isiwalat sa mundo kung sino ka pero ngayon gusto kitang protektahan sa kung ano man ang gumugulo sa isipan mo. Ipagkatiwala mo lang sa akin ang lahat." Paliwanag ni Fly ng magsimula ng magsalita si Ace.
"I'm an orphan." Wika ni Ace at napatingin si Fly dito.
'Hindi ko iyon alam ah.' Saad pa ni Fly sa sarili.
"Noong nagkaisip ako, saka ko lang narealize na, wala pala akong mga magulang. Kaya pala madami kaming mga bata na hindi magkakamukha, kasi sa bahay ampunan pala ako nakatira. Hanggang sa noong tumuntong ako ng seven years old. Inampon ako ng mag-asawa na hindi nabiyayaan ng anak. Noong una maayos naman ang pakikitungo nila sa akin. Hanggang sa iyong asawang lalaki ng umampon sa akin, ay nakita kong may babaeng dinala sa bahay habang wala ang asawa niya. Nang hindi sinasadya ay nakita kong may ginagawa silang dalawa na hindi ko alam. Tapos nahuli nila akong nakita ko sila. Dahil sa pangyayari na iyon. Pinarusahan ako noong lalaki at ng kasama niyang babae. Itinali nila ako sa isang upuan, tapos pinalo ako ng makapal na kahoy hanggang sa parang lantang gulay na ako. Pagkatapos noon, hindi pa sila nakontento. Kung anu-ano ang isinubo nila sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mga iyon. Hindi ko masikmura. May maalat may mapait, malansa, maanghang at kung anu-ano pa. Ang natatandaan ko pinainum nila ako ng toyo, at suka. Sinubuan pa nila ako ng asin, paminta at kung anu-ano pang nakita nila sa bahay. Dahil hindi ko kinaya. Sumuka ako ng sumuka. Hanggang sa hindi ko na nalaman ang nangyari. Siguro nawalan ako ng malay." Napabuntong hininga na lang si Ace bago muling ipinagpatuloy ang pagsasalita.
"Nagising na lang ako sa ospital. Kasama ko na ang babaeng asawa ng umampon sa akin. Umiiyak siya ng makita niyang may malay na ako. Sinabi din niya, na matagal na niyang alam na may babae ang asawa niya. Pero hindi nito alam na sobrang sama ng asawa niya para gawin sa akin ang bagay na iyon. Kaya walang pag-aalinlangan nitong ipinakulong ang asawa niya, kasama ang babae nito. Sinabi din ng umampon sa akin na isang linggo akong walang malay dahil sa pangyayari na iyon. Buhat noong magising ako, natakot na akong kumain. Dahil sa mga masasamang lasa na naaalala ng isipan ko." Mahabang wika ni Ace at hindi malaman ni Fly na nakalapit na siya sa binata at yakap-yakap na niya ito.
"Tama na, wag mo na munang ituloy kung hindi mo kaya." Saad ni Fly. Ngumiti naman si Ace dito at umiling.
"Ngayon lang ako nagkwento tungkol sa buhay ko. May camera pa, sulitin mo na." Pagbibiro pa ni Ace sa kanya. Umayos namang muli sa pagkakaupo si Fly at nagsimula na ulit makinig kay Ace.
"Dahil sa pangyayaring iyon, nagkaroon ako ng trauma. Takot akong malasahan ang mga pagkain. Takot akong kumain. Hanggang sa pinakiusapan ako ng umampon sa akin na siya na lang daw ang magluluto ng lahat ng kakainin ko. Dahil mula ng magkamalay ako sa ospital. Hindi ako tumikim ng kahit na anong pagkain. Alam kong mahal ako ni mama at itinuring talagang tunay na anak. Kaya dahil sa pagmamahal niya, sinubukan ko muling tumikim ng mga pagkain. Lalo na at isang chef si mama. Iyon ang sinundan kong yapak. Kaya siguro nakilala ang pangalan ko ngayon." Dagdag ni Ace na parang nakikita ni Fly ang pagkamiss nito sa babaeng umampon dito.
"Pero hindi ko alam, na kahit anong pagkain ang ihayin niya sa akin. Wala akong malasahan. Ipinagamot ako ni mama. Hanggang sa nalaman namin ang nangyari sa akin. Mayroon akong Ageusia. Nawalan ako ng sense para makalasa. Kahit anong klase ng pagkain walang lasa. Nawalan ako ng panlasa dahil sa trauma. Dahil sa takot na makatikim ng nakakasukang pagkain. Ngayon kahit anong matikman ko. Wala talaga. Kumakain lang ako para mabusog, pero hindi ko alam ang lasa." Patuloy na pagkukwento ni Ace, ng mapatitig si Fly sa mukha nitong sobrang seryoso.
"Wait lang. Paanong walang malasahan?" Nagtatakang tanong ni Fly.
"Remember sa samploc na binili ko sa palengke? Iyong lemon at iyong buto ng mahogany? Sa totoo nakita na kitang sumusunod sa akin. Dahil nakita kita na isang guess doon sa cooking show na sinalihan ko. Kaya naman sinadya kong kunin ang atensyon mo sa pagtikim ng mga iyon. Hindi ko naman akalain na pati ang buto ng mahogany na kinain ko, titikman mo din." Natatawang pagpapaalala ni Ace kay Fly.
"Ano namang kinalaman noong mga tinikman mo sa pagiging walang panla--." Napatingin naman si Fly kay Ace ng namimilog ang mga mata.
"Oh my gosh! Kaya ba wala ka man lang reaksyon habang tinitikman mo ang mga iyon kasi hindi mo talaga nalalasahan ang mga tinikman mong iyon? Okay lang ang sampaloc at lemon eh. Pero iyong buto ng mahogany, nakakamatay ang pait. Hindi mo talaga nalasahan?" Paniniguradong tanong ni Fly na ikinatango ni Ace.
"Seriously?" Nagdududang tanong pa ni Fly. Pero tango lang talaga ang sagot ni Ace.
"Tapos kaya hindi mo tinitikman ang mga niluluto mo. Higit sa lahat, kahit napakaalat ng adobong niluto ko para sayo, hindi ka man lang nagreklamo kasi hindi mo talaga nalalasahan ang mga iyon?" Gulat na gulat na tanong ni Fly, habang sunod-sunod naman ang pagtango ni Ace sa kanya.
"Yes. Kaya kahit anong kainin ko. Basta mabusog lang ako. Walang problema. Minsan lang nakakakain ako ng may hipon ng hindi ko alam kasi hindi ko naman alam ang lasa noon. Kaya naman palagi akong may dalang chocolate or antihistamine para sa allergy ko. Kaya noong tinikman mo ang buto ng mahogany may nabigay akong chocolate sayo." Paliwanag pa ni Ace.
Pinatay ni Fly ang kanyang recording pen at ang video camera. At biglang lumapit kay Ace. Napatingin naman si Ace sa kanya, at napatawa sa reaksyon niya. Pero kitang kita ni Fly sa pagngiti nito ang lungkot na namumuo sa mga mata nito.
"Paano ba yan Ms. Blogger? Nakakahiya di ba? Chef ako pero hindi ko man lang malaman kung ano ang lasa ng niluluto ko. Pinag-aralan kung mabuti ang texture ng pagkain kaya nagagawa ko ng tama, pati ang mga ingredients and mga condiments. Pero hind ko nalalasahan. Ayon kasi kay mama, kahit hindi ko malasahan ang pagkain. Magagawa ko namang magluto at magserve ng masarap na pagkain. Kaya kung magbago tingin mo sa akin Fly. Ayos lang. Masarap lang akong magluto ayon sa nakakatikim. Pero para sa akin, kapansanan ang magkaroon ng ganitong kondisyon. Nagpatherapy naman ako. Pero hindi pa rin bumabalik ang panlasa ko. Bukod sa lahat, natatakot pa rin ako at hindi mawala ang takot ko." Malungkot na wika ni Ace na umiling ng umiling si Fly.
"Maniniwala ka bang crush pa rin kita. Pero parang hindi nga lang kita crush. Mukhang mahal na kita. Gusto sana kitang tulungan na malampasan ang trauma mo. Alisin mo ang takot sa puso at isipan mo. Maniwala kang maiibalik natin ang panlasa mo. Sana payagan mo akong tulungan ka." Pagsusumamo ni Fly, na sinang-ayunan naman ni Ace.
Mula ng araw na iyon ay mas naging malapit pa si Ace at Fly sa isa't isa. Pag walang trabaho si Ace ay lihim silang nagpapakonsulta sa doktor. Nakiusap silang ilihim ang pagpapakonsulta na iyon. Dahil para kay Ace isang kahihiyan ang mawalan ng panlasa. Lalo na at kilala siyang chef. Pumayag naman ang doktor. Kaya para mas maging safe ang treatment para kay Ace, ang doktor ang kusang pumupunta sa condo nito.
Malapit na rin ang dalawang buwan pero, napansin ni Ace na wala man lang lumalabas na blog tungkol sa kanya mula kay Fly na labis niyang ipinagtaka. Naging katulong talaga niya ang dalaga sa loob ng kulang-kulang dalawang buwan. Taga laba, at taga linis ng bahay. Pero bilang chef, siya na ang nagluluto para sa kanilang dalawa. Pagpapasalamat na rin tulong nito, para bumalik siya sa pagpapatreatment.
Nasa hapag sila ng mga oras na iyon. Si Fly ang nagluto ng pagkain nila ni Ace. Alam niyang pagod ito sa maghapon kaya naman siya na ang nagpresinta. Simpleng sinigang lang naman ang niluto niya para mas madali, ng magsalita si Ace.
"Bakit wala pang lumalabas na blog mo tungkol sa akin? Nakafollow kaya ako sayo." Tanong ni Ace na nagpatigil kay Fly sa pagsubo.
"Hindi ko alam. Parang ayaw ko nang may makaalam ng tungkol sa buhay mo. Don't get me wrong. Pakiramdam ko kasi magiging sikat ka lalo, at baka pagnangyari iyon, makalimutan mo na ako." Malungkot na wika ni Fly kahit nakangiti kay Ace.
"Akala ko ba noon desidido ka nang ibunyag ang buhay ko? May nakita pala akong blog mo tungkol sa akin. Iyong sa cooking show at iyong pagpunta mo sa Ristorante Gaststätte. At doon sa order mo na niluto ko. Pero mula noon wala na. Bakit? Kung kailan alam mo na ang nangyari sa akin. Sa buhay ko. Saka ka pa walang nasabi?" Curious na tanong ni Ace.
"Baka nga mawalan ka na ng oras sa akin." Saad ni Fly.
"Bakit? Anong kinalaman ng oras ko sa blog mo?" Takang tanong ni Ace.
"Akala ko wala ka lang pansala, pero bakit ang manhid mo din. Aalis na ako dito sa poder mo next week. Magiging busy ka na ulit sa sarili mong buhay. Ipinaparamdam ko naman sayo kung gaano ka kahalaga sa akin. Pero bakit hindi mo maramdaman na hindi lang kita basta crush na mahal naman na talaga kita." Pagmamaktol ni Fly at ikinaseryoso naman ni Ace.
"Mahal mo pa rin ako kahit hindi ko mapuri ang luto mo kung masarap o hindi. Hindi mo ba kinahihiya na wala akong panlasa?" Tanong ni Ace.
"Normal ka lang namang tao eh. Panlasa lang ang nawala. Maiibalik natin iyan magtiwala ka lang sa akin. Ten sessions naman ang treatment mo di ba? Nakakaanim pa lang tayo. May apat pa. Wag ka namang mawalan ng pag-asa. Kung hindi man bumalik, hindi naman iyon makakabawas ng pagmamahal ko sayo." Pagpapaliwanag ni Fly ng walang prenong lantaran na talagang pag-amin ni Fly sa pagmamahal niya kay Ace.
"Seryosong mahal mo talaga ako?" Tanong muli ni Ace.
"Oo nga. Hindi hadlang ang kapansanan mo para mahalin kita. Kahit hindi mo ako suklian ng pagmamahal kung hindi mo talaga ako nagugustuhan. Kaya lang wag kang mawalan ng pag-asa. Babalik din ang panlasa mo." Sagot ni Fly.
"Maniniwala ka bang, mahal din kita. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Masaya akong palagi kang nakikita at nalulungkot akong aalis ka na sa poder ko. Pwede bang dito ka na lang?" Pagsusumamo naman ni Ace.
"Hindi mo pa nga ako inaalok na maging girlfriend tapos gusto mong dito na ako?" Pag-iinarte pa ni Fly. Pero sa loob loob niya masaya siyang malaman na mahal din siya ng chef na matagal na niyang crush at ngayon mahal na niya.
"Sabi mo mahal mo ako at mahal din kita. Kaya naman dapat hindi na ako manligaw. Dapat girlfriend na kita." Nakangiting wika ni Ace, at biglang isinubo ang karne ng sinigang na niluto ni Fly, kasabay ang sabaw nito.
"Ang bilis mo naman. Wala ng ligaw talaga? Girlfriend agad?" Kontra ni Fly sa sinabi nito.
"Tama lang ang asim nitong luto mo. Tamang tama lang ang nilagay mong sampaloc. Marunong ka naman palang magluto eh." Wala sa sariling komento ni Ace, at napatigil at literal na, nagpanganga kay Fly sa sinabi nito. Nawala na rin sa isip niya ang pagrereklamo niya sa sinabi nitong. Girlfriend na siya nito.
"Anong sabi mo?" Tanong ni Fly.
"Sabi ko, tama lang ang asim ng nitong sinigang mo. Masarap." Sagot ni Ace sabay subo muli.
Bigla namang napatayo si Fly at kinuha ang graham cake na ginawa niya, para panghimagas. Masyadong matamis ang nagawa niya dahil naubusan siya kanina ng creame. Hindi naman alam ni Ace ang lasa nun. Kaya nais sana niyang ipakain dito. Dahil kahit naman walang panlasa si Ace. Kumakain naman ito. Kaya lang nais niyang masigurado kung tama ang tumatakbo sa isipan niya. Dahil sa sinabi ni Ace tungkol sa sinigang na niluto niya.
"Ito tikman mo." Sabay abot sa isang serving ng graham cake.
"Hindi pa ako tapos kumain eh. Pero para sayo kakainin ko. Kulit mo ha. Manyapat tayo na kaagad. Hindi ka na talaga makakawala sa charm ko." Sabay subo ng graham cake na tininidor nito. Nakatitig naman si Fly kay Ace na wari mo ay may hinihintay.
"Titig na titig ka. Para mo naman akong tutunawin sa titig mo. Kumain ka na kaya. Masarap ang luto mo ng sinigang sige ka lalamig na yan. Masyadong matamis itong graham mo. Naubusan ka ba ng cream dito?" Komento ni Ace ng bigla na namang umalis si Fly sa harapan niya at kinuha ang fresh na calamansi juice na tinimpla niya kanina. Maasim iyon kasi hindi pa niya nalalagyan ng asukal. Pero mas aasim iyon dahil kumain ng matamis si Ace.
"Oh ito inum ka. Fresh yan." Sabay abot sa baso ng calamansi juice. Nagtataka man ay ininum na rin ni Ace ang calamansi juice na bigay ni Fly.
"Hindi bagay, maasim dahil una mo akong pinakain ng graham cake na puro condense milk yata ang nakalagay. Pero itong kalamansi. Maasim lang pero walang tamis." Wika ni Ace ng biglang mapatingin kay Fly na titig na titig talaga sa kanya.
Natatawa naman si Ace sa ikinikilos ni Fly. Para kasi itong naengkanto ng mga oras na iyon.
"Bakit ba titig na titig ka. Para kang naengkanto sa kinikilos mo. Kumain ka na kaya. Masarap itong lu----." Hindi na tapos ni Ace ang sasabihin ng mula kanina pa, ay ngayon lang muli nagsink in sa isipan niya ang pamumuri at pagpuna niya sa luto at mga ginawa ni Fly na pagkain.
Muli namang tinikman ni Ace ang sinigang, at talagang nalalasahan na niya ang pagkain. Maasim ito gawa ng sampaloc, pero malinamnam dahil sa iba pa nitong sangkap at pampalasa. Ganoon din ang graham na puro lang tamis dahil sa condensed milk lang ang nakalagay. Pati na rin ang calamansi juice na tubig na malamig lang ang kasama, at wala pang asukal. Lumuluha namang humarap si Ace kay Fly na ngayon ay umiiyak na rin.
"Di ba tama ako babalik ang panlasa mo." Umiiyak na saad ni Fly.
"Hindi ko kasi alam kung paano. Sa totoo wala sa isip ko na sinasabi ko na sayo ang lasa ng kinakain ko. Ilang taon din akong kumakain na parang walang buhay. Pero ngayon, natutuwa akong malasahan silang lahat. Fly salamat sa pagtityaga at pamimilit sa akin na magpatreatment. Alam kong may mali pa rin sa panlasa ko. Pero siguro magiging okay din ang lahat pagnakatapos ako sa ilang session pa." Wika ni Ace at bigla namang tumayo si Fly at niyakap ito.
"Sabi ko naman sayo eh. Wag ka lang mawalan ng pag-asa. Pwede na tayong magfood trip pagnatapos mo ang treatment. Kasi kahit papaano may panlasa ka na. I'm so proud of you." Wika ni Fly na ikinatawa naman ni Ace.
"Oo para sayo, magfood trip tayo pero ako ang magluluto. Gusto kong matikman, at gusto kong ipatikim sayo ang mga specialty ni mama noong kasama ko pa siya. Alam ko kung paano lutuin. Pero ngayon ko pa lang malalaman kung ano ang lasa." Natatawang wika ni Ace, na ikinatango na lang ni Fly.
Naging masaya ang pagkain ni Ace at Fly ng mga oras na iyon. For the very first time sa buhay ni Ace. Ang simpleng pagkain na akala niya habang buhay niyang hindi malalasahan, ngayon na nanamnam na niya. Muling ininit ni Fly ag niluto niyang sinigang dahil lumamig na ito sa haba ng diskusyon nila kanina.
"Mas masarap palang kumain pagnalaasahan mo ang kinakain mo." Wika ni Ace.
"Noong hindi mo pa nalalasahan? Basta ka lang ba kumakain? Anong pakiramdam?" Curious na tanong ni Fly.
"Noon? Kumakain ako para magkalaman ang aking sikmura. Sa mga cooking contest, nagbibigay ako ng komento na masarap ang luto nila, kahit ang totoo hindi ko alam ang lasa. Masaya din akong manalo sa mga kompetisyon. Pero nandoon ang lungkot na hindi ko maipagmalaki na masarap dahil hindi ko talaga alam. Pero ngayon. Mas lalo na akong ginanahan sa buhay. Buhat ng mawala si mama, ang babaeng umampon sa akin. Namuhay na akong mag-isa. Pero ngayon. Masaya akong nandito ka." Nakangiting wika ni Ace. Habang hawak ang kamay ni Fly, at magkatabi sila sa couch. Habang nanonood ng kuha ni Fly na cooking contest na sinalihan ni Ace.
"Thank you Fly." Sabay halik sa noo.
"I love you Ace." Sagot naman ni Fly.
"Hindi ka na talaga nakawala sa charm ko. Pero seryoso, sa maikling panahon na nakilala kita. Minahal talaga kita. Lalo na sa pag-aalaga mo, sa mga ginagawa mo dito sa condo. Wife material na nga ang tingin ko sayo. Tapusin ko lang itong treatment ko. Papayag ka bang pakasalan ako?" Walang prenong alok ni Ace.
"Kanina girlfriend mo lang ako. Ngayon naman nais mo na akong pakasalan?" Tanong ni Fly.
"Ayaw mo? Doon din naman ang tungo noon as if, hindi mo talaga ako mahal at nagwapuhan ka lang sa akin. Na akala mo perfect ako pero hindi naman pala." Pagda-down na naman ni Ace sa sarili.
"Hindi ah. Kahit ano pang kapansanan ng isang tao. Kung mahal mo. Mahal mo. Hindi mo makikitang kakulangan ang mga bagay na mali sa kanya. Bagkus ay tatanggapin mo siya ng buong puso. Tulad ng nararamdaman ko sayo. Wala akong nakikitang mali, kundi ang buong puso kong pagmamahal sayo." Wika ni Fly ng halikan siya ni Ace sa labi.
"I love you Fly, thank you sa buong pusong pagmamahal at pagtanggap."
"I love you too Ace. Mula noong makita kita sa television hanggang sa dulo ng walang hanggan."
Isa mang kakulangan ang mawalan ng panlasa, o kung ano mang kapansanan ang makita mo sa isang tao. Kung mahal mo tatanggapin mo iyon ng buong-buo at buong puso.
FIN...