TASTELESS (Part1)
Magaling sa larangan ng pagluluto si Ace, kaya naging kilala siyang chef. Marami na rin siyang ipinanalong cooking contest. Kaya marami na ring naiuwing medalya. High school pa lang ay gumagawa na si Ace ng pangalan. Kaya naman kilala si Ace bilang isa sa pinakabatang na chef, sa loob at labas ng bansa. Pero sa kasikatang tinatamasa. Ilang beses na niyang tinanggihan ang pagiging judge sa mga sikat na cooking show, na ipinapalabas sa mga television. Ilang beses na rin siyang pinaulakan ng iba't ibang kilalang hotels and restaurants para sa isang patimpalak. Kung hamon sa pagluluto hindi siya tumatanggi. Pero kung pagiging judge, bigo ang mga itong makuha itong hurado. Iyon ang sobrang ipinagtataka ng iba pang mga sikta na chef, sa loob at labas ng bansa.
Nanonood sa isang cooking show si Fly. Isa siyang baguhang blogger at nais niyang i-feature sa blog ni si Ace Montana. Ang pinakasikat na chef na nakilala sa kanilang henerasyon. Alam niyang pag si Ace Montana ang ginawa niyang subject sa kanyang blog. Siguradong makikilala siya. Kilala lang si Ace, bilang magaling na chef, pero hindi ang personal nitong buhay. Kung ano si Ace, kung simpleng nasa bahay lang at wala sa kusina sa harap ng camera. Gusto ni Fly ma-feature kung sino si Ace sa tunay na buhay.
Habang nakaready ang video camera, na nakatutok kay Ace, ay may isa pa siyang camera na nakatutok naman sa mga kalaban nito sa pagluluto. Hindi naman masama na kumuha ng video, basta magpapaalam ka lang sa management ng show. Kaya naman bago siya nabigyan ng magandang pwesto, nagpacute muna si Fly sa management ng studio. Kaya heto siya, nasa pinakaharap na pwesto. Kaya nakakuha siya ng magandang angulo, para kuhanan ng video si Ace.
"Ace Montana is a hot chef. Oh sh*t!" Anas pa ni Fly sa isipan, habang pinapanood ang mga kilos ni Ace sa harap ng electric stove, habang isa isang inilalagay ang mga ingredients and condiments ng niluluto nito.
"Bukod sa talent sa pagluluto. Ang sexy n'ya ha. Bakit kaya hindi din niya subukang magmodel. May kagwapuhang taglay. Ang perfect." Bulalas pa ni Flay.
"Oh wait, nalaglag yata ang panty ko. Este puso ko pala sa ngiting iyon. Holly molly polly. Bakit ang gwapo talaga ng lalaki na ito. Ngiti pa lang inaakit na ako." Malantod na wika ni Fly, na siya lang naman ang nakakarinig. Habang parang matutunaw na si Ace sa pagtitig niya. Pero hindi naman siya napapansin ng binata, dahil focus ito sa pagluluto at minsan lang ngumiti at tumungin sa audience.
Napatingin naman si Fly sa timer. Halos five minutes na lang at matatapos na ang oras ng pagluluto. Nakikita niyang nasa plating stage na ang lahat ng kalahok, habang tinitikman ang mga luto ng mga ito. Nang mapatingin siya kay Ace na never tinikman ang niluto nito. Napakunot noo na lang siya dahil sa tingin pa lang masarap ang ihahayin nito, pero hindi talaga niya ito nakitang tumikim sa sariling luto.
Hanggang marinig nila ang buzzer na indikasyon na tapos na ang oras. Nakita niyang nakataas na ang kamay ng lahat ng kalahok. Nang tawagin na ang mga ito ng hurado ay isa't isang lumapit ang mga ito sa judge dala ang mga nilutong pagkain.
Nakita ni Fly na walang tulak kabigin sa plating ang bawat kalahok. Kahit mga kalaban ni Ace ay talagang sa tingin palang mouth watering na. Hanggang sa ipatikim ng ng hurado ang luto ng bawat isa sa mga kalaban.
Habang kinukuhanan niya ng video si Ace, ay malaki ang pagtataka niya sa kilos nito. Hindi niya alam kung napapansin ng mga taong kaharap nito ang kilos ni Ace. Dahil sa halip na tikman ang pagkain ay tinititigan lang nito, tapos nagkokomento. Habang ang mga kalaban nito ay tinitikman muna ang niluto ng mga kalaban nila bago masabi ang lasa ng pagkain.
"Weird." Sambit ni Fly. Habang hindi pa rin inaalis ang tingin kay Ace.
Matapos ang food tasting ay, itinanghal na ang nanalo sa kompetisyon. Walang iba, at wala pa ring nakakatalo sa galing sa pagluluto kay Ace Montana.
Nasa apartment na nirerentahan si Fly, habang pinapanood muli ang kilos ng mga nakalabang chef ni Ace. Bawat galaw ng mga ito. Bawat lagay ng mga ingredients at mga condiments ay tinitikman naman ng mga kalaban. Pero kay Ace. Walang ganoong aksyon na labis niyang ipinagtataka.
Matapos isulat ang simula ng kanyang blog, tungkol sa naganap na kompetisyon ay nahiga muna si Fly sa kanyang kama. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang wirdong kilos ng binata.
Kinabukasan ay hina-hunting na naman ni Fly si Ace. Hanggang sa mamataan niya itong naglilibot sa kahabaan ng palengke. Palihim niyang inilagay ang kanyang mini camera sa damit. Para lang siyang spy agents sa ginagawa. Ang camera kasi kasing laki lang butones, pero makikita ang buong paligid 180 degree.
Palihim niyang sinusundan si Ace. Nakita niyang tumingin ito ng mga gulay. Kinuha nito ang isang piraso ng maliit na sampaloc na sinabi ng tindera na pwede naman nitong tikman. Matapos putulin ni Ace ang sampaloc ay kinain nito ang kalahati. Napangiwi pa si Fly, dahil wala man lang reaksyon sa mukha nito, at mukha pang nag-eenjoy. Ngumiti naman ito sa tindera at bumili ng ilang piraso ng sampaloc. Pero iyong kalahati ng kinain nito ay naiwan.
Pagkaalis ni Ace ay nagmadali namang nagtungo si Fly sa tabi ng tindera. Nais niyang tikman ang sampaloc na iniwan nito. Dahil sa itsura ni Ace. Mukhang matamis ang sampaloc.
"Ate, pwede bang sa akin na lang itong kaputol na sampaloc. Or bilhin ko na lang." Magalang na wika ni Fly sa tindera.
"Ah ayan lang ba? Sayo na. Tinikman yan ni pogi. Kaaalis lang. Sayang hindi mo naabutan bagay kayo." Pagbibiro pa ng tindera. Agad naman niyang kinuha ang sampaloc at muling nagpasalamat sa tindera, bago tuluyang umalis.
Inamoy muna ni Fly ang sampaloc, at napangiwi siya dahil amoy pala lang maasim na. Kaya ng tikman niya ito, halos gusto niyang gumawa ng eksena sa gitna ng palengke. Dahil maasim pa ito sa panis na suka ni Mang Kanor.
Matapos makabawi sa lasa ng sampaloc ay muli namang hinanap ni Fly si Ace at nakita niya itong nasa tindahan ng prutas. Nakita niyang hinawakan nito ang isang lemon. Medyo lumapit siya dito, pero hindi naman siya gaanong nagpahalata.
"Bakit po mukhang fake ang lemon ninyo?" Tanong ni Ace, na nagpataas ng kilay ng magtitinda.
"Naku hijo, nagkakamali ka lang, hindi fake ang tinitinda naming lemon. Tingnan mo at kahit mahal para sayo ay bubuksan ko itong isa." Wika ng tindera na ang kinuha ay ang lemon na nasa ilalim ng lamesa at hindi ang mga lemon na nakadisplay.
"Tss. Mandaraya." Wika ni Fly sa sarili.
Nang maiabot ng tindera ang slice ng lemon kay Ace, ay bigla nitong isinubo iyon. Nakitang muli ni Fly ang mukha nitong walang reaksyon sa asim ng lemon. Pagkatapos noon ay bumili ni Ace, ng ilang pirasong lemon. Pero hindi ito pumayag na iyong nakadisplay ang ibibigay ng tindera. Sa bandang huli, wala pa ring makakatalo sa paningin ng isang magaling na chef sa pagbili ng ingredients.
Pag alis ni Ace ay lumapit naman si Fly sa magtitinda ng prutas. Pinaningkitan siya nito ng mata. Siguro dahil napansin na siya ng tindera kanina.
"Bibili ka din ng lemon? Oh dalawa singkwenta. Sayo na rin itong binuksan ko. Parang enjoy na enjoy pa si pogi sa pagkain ng lemon. Yanong asim naman kaya niyan. Haist. Ito, bayaran mo na at umalis ka na rin sa harapan ko." Walang prenong wika ng tindera kaya naman kahit hindi niya need ng lemon ay binayaran na rin niya, at umalis.
Napatingin siya sa slice ng lemon na nasa plastic kaya naman walang pag-aalinlanagan na inilapat niya iyon sa bibig at sinispsip ng bigla siyang mapasigaw.
"P*tang *na.! T*ngnang asim naman nito!" Reklamo ni Fly, at naghanap ng basurahan para maitapon ang slice ng lemon na tinikman niya.
Nawala si Ace sa paningin niya, kaya naman umikot siya ng umikot sa lugar hanggang sa makalabas siya ng palengke at makarating sa parang isang park. Punong-puno iyon ng matatayog na puno ng mahogany. Dahil pagod na rin siya sa paglalakad ay naupo siya sa nakita niyang bench doon. Nang hindi inaasahan na biglang humangin ng malakas. Biglang nagsalimbayan ang mga dahon ng mahogay at kay gandang tingnan habang pumapatak.
"Wow parang autumn lang sa ibang bansa ang peg." Natatawang wika ni Fly ng mapansing nasa kabilang bench lang si Ace at may hawak itong buto ng mahogany. Wala na ang plastic bag nitong dala na pinaglalagyan ng lemon at sampaloc. Siguro ay nailagay na nito sa backpack nitong dala.
Napatingin naman siya sa bunga ng mahogany na nalaglag sa kanyang paanan. Kinuha niya iyon at ginaya ang ginawa ni Ace. Inalis nito ang kulay brown na balat at itinira ang puting laman nito. Hindi niya alam kung nakakain ba ang butong puti. Pero nakita niyang kinagat ni Ace ang buto. Napansin pa niya ang pagbuntong hininga nito matapos namnamin ang kinagat na buto. Kaya naman walang pag-aatubiling kinagat din niya ang buto, ng bigla na lang siyang napasigaw.
"SH*T! SH*T! P*TANG *NA! ANG PAIT! WAAAH!" Sigaw ni Fly na nakaagaw na sa atensyon ng mga tao na namamahinga sa park.
Pinagmamasdan naman ni Ace, ang babaeng kanina pa niya napapansin na sumusunod sa kanya. Napangiti talaga siya sa nangyari dito. Naaawa man siya pero, kasalanan din naman noong babae kung bakit ngayon naiiyak na ito.
Nakita niyang medyo nahihirapan na itong huminga at namumula na rin sa kakaiyak, kaya naman wala na siyang nagawa kundi lapitan ito. Inabutan niya ito ng bottled water para maipangmumog. Pagkatapos ay inabutan niya ito ng chocolate. Palagi siyang may dalang chocolate. Minsan kasi nauubusan siya antihistamine pagnakakain siya ng bawal, kaya naman chocolate ang ginagamit niya pangontra sa allergy.
"Okay ka na?" Tanong ni Ace, ng medyo kumalma na ang babae.
"T-thank y-you." Halos nauutal pa niyang sagot. Pagod na pagod si Fly sa nangyaring pagkain niya sa buto ng mahogany. 'Malay ko bang mapait pa sa apdo ang butong iyon!' Inis na saad niya sa sarili ng mapansing si Ace ang lalaking nasa tabi niya at pinapakalma siya.
Akmang babatiing ni Fly si Ace ng unahan siya nito pagsasalita.
"Why you're following me? Stalker ka ba?" Naiinis na tanong ni Ace kay Fly.
"Ako? Stalker? Hindi ah." Tanggi naman niya dito. Tunay namang hindi siya stalker. Blogger siya na naghahanap ng pwedeng maiblog at si Ace ang target niya.
"Ay anong ginagawa mo? Kanina mo pa akong sinusundan muna pa sa may palengke. Noong bumili ako ang sampaloc at lemon. Hanggang dito. Tapos nakita kong lahat ng tinikman ko. Tinikman mo din. Ayan kaya ka napapahamak." Sermon ni Ace kaya naman walang nasabi si Fly, dahil tama naman ito.
"Sorry blogger kasi talaga ako. Ikaw kasi ang nais kong subject. Gusto ko sanang makilala ang isang Ace Montana. By the way I'm Fly Elims. Pwede ko bang ipahayag sa buong mundo ang tunay na buhay ng isang Ace Montana?" Tanong ni Fly na biglang umilap ang tingin ni Ace.
"I need to go. Mukha namang okay ka na." Wika ni Ace at nagmamadali itong umalis.
Napatingin na lang si Fly, sa papalayong bulto ni Ace. Alam niyang may hindi tama. Pero susubukan niyang alamin kung ano iyon.
Kinabukasan ay paglabas pa lang ni Ace ng condominium ay sinusundan na ito ni Fly. Pumasok ito sa trabho, bilang isang chef sa isa sa pinakasikat na restaurant, sa bansa. Ang Ristorante Gaststätte. Sikat ang restaurant na iyon bukod pa sa masarap na pagkain na inihahayin ay ang weird pa nitong pangalan. Ristorante is an Italian language for restaurant and Gaststätte is a German language for restaurant. That's why, in English the name of that restaurant is Restaurant Restaurant. Weird right?
Nasa harapan ngayon si Fly ng mga naggagwapuhang chef. Syempre para sa kanya nangunguna pa rin si Ace. Ang Ristorante Gaststätte kasi ay para kang nasa loob lang ng bahay. Ang mga chef ay nagluluto sa inyong harapan na parang nasa gitna ng counter island. Malawak ang space sa pinakagitna kaya kitang-kita kung gaano kalinis at kahusay magluto ng mga chef ng restuarant. Makikita mo din ng harapan ang mga ingredients na ginagamit. Para ka lang nanonood ng live cooking show. Pagkakaiba nga lang hindi nila need mag-isip ng lulutuin. Dahil ang lulutuin nila ay kung ano ang order mo.
Ang pwestong pinili ni Fly ay ang nakaharap kay Ace. Napakunot naman ang noo ng chef ng makita siya pero dahil professional ito ay wala itong binitawang salita. Matapos niyang makita ang iba't ibang klase ng pagkain ay naisipan niyang mag-order ng Italian Food. Matagal na rin kasi ng huli siyang makakain noon. Nag-order lang siya ng Bistecca Alla Fiorentina at Melanzan Alla Parmigiana.
Habang pinapanood ni Fly ang pagluluto ni Ace, ay sumusulyap din naman siya sa mga kasamahan nitong chef. Napansin niyang hindi man lang tumitikim ang mga ito katulad ni Ace. Kaya naman napatango na lang siya.
'Sanay naman pala siya ng ganoon. Iyong tamang titig pa lang alam na niyang masarap ang luto niya. Dahil sa restaurant na ito, kahit mga kasama niyang chef, hindi man lang tumitikim sa luto sila. So may sinusunod na talaga silang recipe. Pero wala namang sinusunod sa recipe sa cooking contest di ba? On the spot ang pagbibigay ng kung ano ang ipapaluto sa kalahok. Hayaan ko na nga. Basta ang gwapo ni Ace. Este, pero walang halong biro. Ang yummy n'ya. Parang ang niluluto n'ya.' Wika pa ni Fly sa isipan habang hindi pa rin inaalis ang tingin kay Ace. Isang tikhim ang nagpabalik sa ulirat ni Fly. Hindi niya akalaing nagday dreame na pala siya sa harap ni Ace. Napangiti na lang si Fly dito para alisin ang pagkapahiya.
"Buon appetito." Kahit papaano ay nakangiting wika ni Ace ng ihayin sa harapan niya ang dalawang order niya. Inilagay na rin nito ang tubig at ang cucumber lemonade na order niya sa tabi ng pagkain niya.
Kinuhanan muna ni Fly ng litrato ang pagkaing nasa harapan niya, para sa kanyang blog. Bago sinimulan ang pagkain. Magana namang kumain si Fly. Napakasarap ng pagkakaluto ni Ace. Kaya naman hindi lang mata niya ang nabusog, pati tiyan niya ay literal na busog. Matapos kumain ay napanguso na lang si Fly, dahil sobrang dami na ng customer na nakapila sa labas. Ayaw pa sana niyang umalis sa pwesto niya. Kaya lang nakakahiya na sa mga taong nakapila. Pag masyado kang napaaga walang problema. Pwedeng solo mo ang buong restaurant. Pero pag medyo tinanghali ka, need mo ng pumila sa dami ng customer na nagnanais kumain. Higit sa lahat masilayan ang mga gwapong chef, lalo ni si Ace.
Halos inabot na ng alas syete sa labas ng restuarant si Fly, pero hindi pa rin lumalabas si Ace. Mabuti na lang at mayroon doong bench na pwede kang maupo at maghintay. Hanggang sa makita niyang umalis na si Ace sa pwesto nito. Mabilis din namang umalis sa pwesto niya si Fly at nagtungo sa backdoor ng restuarant. Doon kasi dumadaan ang mga empleyado pagpumapasok at lumalabas ng resto.
Pagbukas ng pintuan ni Ace, ay medyo nagulat siya ng makita na naman niya si Fly na nag-aabang sa kanya. Nakataas pa ang kanyang kilay ng sitahin ang babae.
"Teka lang Ms. Blogger. Ano na naman ang ginagawa mo dito?" May inis na tanong ni Ace kay Fly.
"Di ba sinabi ko na sayo ang nais ko. Bigyan mo naman ako ng detalye ng pagkatao mo. Nang buhay mo. Please naman Ace. Sa ngayon wala pa akong kita. Kaya bilang kapalit ng impormasyon na makukuha ko sayo. Magpapakatulong muna ako sayo. Pero pagkumita na ako, ibibigay ko sayo ang 10% ng kikitain ko." Pamimilit pa ni Fly.
'Please pumayag ka na.' Wika pa ni Fly sa isipan habang nakatingin kay Ace.
"Paano kita tatanggapin? Malay ko ba kung masama ka pa lang tao. Hindi ka pa nga nagpapakilala." Inis na wika ni Ace.
"Oh! Sorry oo nga pala. I'm Fly Elims. Baguhang blogger. Tapos ikaw na nais kong subject. Nagpakilala na ako. Baka naman pwede ka ng pumayag. Please, sayo ang 10% ng kita ko pag kumita na ako. Tapos katulong mo ng two months. Libre, walang bayad. Promise." Pakiusap pa ni Fly dito.
"30% deal or no deal!" Sagot ni Ace.
"20% huling tawad. Magpapakakatulong na nga ako, ng walang bayad ng two months." Pagmamakaawa pa ni Fly.
"Okay deal! Pero stay in ka sa condo ko. Dahil ang mga naglilinis doon stay out. Ikaw lang papayagan kong magstay. What do you think?" Tanong pa ni Ace sa kanya.
Medyo napaisip na rin si Fly. Mas madali siyang makakakuha ng impormasyon kung kasama niya ito sa bahay. Kaya naman napangiti na lang siya.
"Deal. Kukunin ko lang mga importante at personal kung gamit. Siguro naman may spare room ka sa condo mo, na pwede kong tulugan, at malagyan ng mga gamit ko, bilang blogger. Kung mayroon. Sasama na ako sayo." Saad pa ni Fly na ikinatango naman ni Ace.
Matapos ng pag-uusap nilang dalawa ay dumaan muna si Fly sa apartment na tinutuluyan niya. Kumuha lang siya ng mga personal na gamit at mga damit. Kinuha din niya ang kanyang mga gamit para sa pagba-blog.
Nang makarating sila sa condo ni Ace ay itinuro naman sa kanya ni Ace ang kwarto na pwede niyang gamitin. Matapos maayos ang kanyang gamit ay napatingin siya sa wall clock na nakasabit at nasa alas dyis na pala ng gabi pero hindi pa siya kumakain. Nagrereklamo na rin ang tiyan niya. Paglabas ni Fly ng kwarto ay nakita niya sa living room si Ace na parang naghihintay.
"Hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ni Fly.
"Hindi pa ako kumakain. Tutal naman ay katulong kita, magluto ka na at kumain na tayo." Utos ni Ace, na nagpatunganga kay Fly. Wala kasi siyang alam na lutuin kundi, prito, at instant noodles. Tapos paglulutuin siya ng sikat na chef. 'Oh my gulay.' Anas pa ng kanyang isipan.
"Pero hindi ako masarap magluto." Pagtanggi pa niya.
"Walang problema. Basta magluto ka na." Muling utos nito na hindi malaman ni Fly kung paano magluluto ng hindi napapahiya kay Ace.
Pero kahit malaki ang duda niya sa sarili ay sinubukan ni Fly magluto ng adobo. Madali lang namang magsaing dahil rice cooker ang gamit niya. Nang makatapos siyang magluto, ay napangiwi pa siya ng makitang nangingitim sa itim ang adobo, ng tikman niya ay maalat ito. Pero pwede ng pagtiyagaan. "Kaunting ulam lang at madaming kanin ay pwede na." Wika pa niya sa sarili bago tinawag si Ace para kumain.
Tahimik lang si Ace na dumulog sa hapag. Pinagmasdan ang niluto niyang adobo. Napapangiwi talaga siya sa magiging reaksyon ni Ace, baka mapalayas siya kaagad. Sikat na chef pero pinakain lang niya ng maalat na adobo.
Sumandok na si Ace ng kanin, tapos ay kumuha ng madaming ulam. Gusto sana niyang pigilan at sabihing maalat ang luto niya, pero nawalan siya ng nsasabihin. Nakita na lang niyang isinubo ni Ace ang isang may kalakihang hiwa ng karne at kaunting kanin. Tahimik lang itong ngumuya. Matapos malunok ang pagkain sa bibig ay binigyan siya nito ng isang makapigil hiningang ngiti.
"Salamat sa pagkain. Bakit hindi ka pa nagsisimula? Lumalalim na ang gabi, mapupuyat ka na niyan. Ikaw pa ang magdadayag nitong pinagkainin natin, at ng pinaglutuan mo." Nakangiting wika ni Ace, at laglag panga naman si Fly sa sinabi nito. Hindi ito nagkomento sa luto niya na maalat. Bagkus ay madami itong nakain, na labis niyang ipinagtataka.
Continued....