LIVING IN DARKNESS

4749 Words
LIVING IN DARKNESS Lumaki si Nisha sa poder ng mapang-api niyang tiyahin. Sanggol pa lang daw siya noon ng iwan ng mga magulang dahil sa isang aksidente na kumitil sa buhay ng mga ito. Mula pagkabata ay tiniis na niya ang pagmamaltrato ng tiyahin at ng kinakasama nito. Galit sa kanya ang tiyahin dahil mula daw ng mapunta siya sa poder nito, naging miserable daw ang buhay nito. Sa halip na nagpapakasaya sa buhay, at sarili lamang ang iniintindi, ay nagkaroon pa daw ng batang alagain at palamunin. Lahat ng masasakit na salita, ay narinig na niya sa tiyahin at sa kinakasama nito. Madami na rin siyang sakit sa katawan na tinggap mula sa pagmamaltrato ng mga ito. Dumanas na rin si Nisha na halos isang linggo na hindi pinakain, dahil nakabasag siya ng isang tasa habang hinuhugasan ito. Mga luha na lang ang karamay ni Nisha sa buhay. Gusto na niyang sumuko. Pero parang ayaw ng tadhana ang pagsuko niya sa buhay. Noon sinubukan ni Nisha na isabit ang sarili. Nakaready na ang lubid na nakatali sa palupuhan ng kanyang kwarto. Nagpaalam na siya at humingi ng tawad sa gagawin niya. Pero ng sipain niya ang upuan na tinutugtungan niya. Bigla namang bumigay ang lubid na nakapulupot sa kanyang leeg kaya kasabay ng pagbagsak ng upuan ang pagbagsak din niya sa sahig. Sinubukan din ni Nisha na mag-over dose. Pinabili siya noon ng tiyahin niya ng metformin para sa maintenance sa diabetes ng kinakasama ng kanyang tiyahin. Dinamihan niya ang bili. Nais sana niyang mag-over dose, gamit ang gamot na iyon. Nakita niyang nakabote lang ang brand na pinabili sa kanya. Kaya naman dalawang bote ang binili niya. Noong iinumin na niya, saka lang niya naisip na naiwan pala niya sa table sa kusina ang gamot. Kaya naman mabilis siyang kumuha ng tubig at itinaktak sa bibig ang laman ng bote tapos ay nagtungo na siya sa kwarto niya. Pinilit matulog ni Nisha para hindi niya maramdaman ang kanyang pagpanaw. Hanggang sa magising siya sa galit na galit na boses ng kanyang tiyahin. Nagulat naman si Nisha dahil wala man lang siyang naramdamang kakaiba sa katawan niya. "Nisha! Walang hiya kang bata ka! Perwisyo ka na nga sa bahay na ito! Magnanakaw ka pa!" Galit na galit na wika ng kanyang tiyahin. "Tiya wala po akong ninanakaw." Mariin niyang pagtanggi. "Ako'y wag mong pagsisinungalingang bata ka. Ako ay umiiwas ngayon sa paninigarilyo dahil iyon ang payo ng doktor. Kaya naman pagnaiisipan ko ang sigarilyo, ay itong tictac ang inilalagay ko sa bibig ko. Pero nakita ng tiyo mo na kinain mo itong lahat kagabi! Wag mong sabihing nagsisinungaling ang tiyo mo Nisha!" Galit na galit na wika ng kanyang tiya. Nawalan naman si Nisha ng sasabihin. Hindi talaga niya akalain na kaya pala wala siyang naramdaman na masama sa katawan ay dahil mint candy lang ang nainum niya. Akala kasi niya ay ganoon lang talaga ang lasa noon na medyo matamis at malamig. Iyon naman pala, hindi pala talaga iyon ang gamot na gagamitin sana niya pang-over dose. Napatingin pa siya sa dulo ng kusina kung saan niya natatandaan na doon niya nilagay ang gamot. Nandoon pa rin iyon. Pero hindi na niya maaangkin dahil kinuha na iyon ng tiyo niya at ininom. "Sorry po tiya. Patawad po. Nangati po kasi ang lalamunan ko kagabi. Babayaran ko na lang po pagnakasweldo ako. Patawad po." Paghinging tawad at palusot na rin ni Nisha sa tiyahin. Pero nakatanggap pa siya ng pambabatok dito. "Oo talagang, bayaran mo iyan. Wag tat*nga-t*nga. Magsisinungaling ka pa! Mabuti at nakita ng tiyo mo, ang ginawa mo. Bilisan mo ng magluto, tapos ay umalis ka na! Ayaw kong nakikita iyang pagmumukha mo dito! Bilis na!" Sigaw sa kanya ng tiyahin at kasabay nitong lumabas ang tiyuhin, na nakangisi sa kanya. Matapos magluto ay, mabilis ng naligo at nagbihis si Nisha ng damit. Magtutungo naman siya sa palengke para makitinda ng gulay. Wala naman siyang ibang alam na trabaho kundi ang makitinda. Hindi naman siya makapagkatulong, lalo na at hindi siya binibigyan ng tiya niya ng pera. Noon nagtatrabaho pa ang tiya niya at ang tiyo niyang kinakasama nito. Pero ng magkaisip na siya. Hindi na nagtrabaho ang mga ito at ang kakarampot na kita niya ang kinukuha ng mga ito panggastos sa araw-araw. Pagkarating niya sa palengke ay nadatnan niya ang kaibigang si Claudia. Nag-aayos ito ng mga gulay. Pamilya ni Claudia ang may-ari ng pwestong iyon kaya naman, noong panahon na kailangan niya ng trabaho ay hinayaan ng mga magulang ni Claudia na doon siya magtrabaho. Matapos ang maghapon ay ibinigay na kay Nisha ang sweldo niyang tatlong daan. Bumili naman si Nisha ng candy para sa tiyahin. Bumili din siya ng bigas at ulam. Sa bawat sweldo na nakukuha niya ay nagtatago si Nisha ng twenty pesos. Para naman kahit papaano pag nangailangan siya ay may dudukutin siya. Pagkauwi sa bahay ay iniabot agad ni Nisha sa tiyahin ang dalawang tictac candy. Iniabot din niya dito ang natitirang one hundred fifty pesos sa sahod niya sa maghapong pagtitinda. Tapos ay tumuloy na siya sa kusina para magluto para sa hapunan. Ganoon lang palagi ang naging routine ng buhay ni Nisha. Hanggang sa tumuntong siya sa edad na bente tres. Sinubukan niyang takasan ang pagmamalupit ng tiyahin niya. Pero palagi lang siyang nahuhuli. Kaya nitong huli, hindi na siya nakatakas pa. Dahil tinaliaan siya nito ng kadena. Ang susi noon ay nasa tiyahin niya. Abot naman hanggang banyo ang kadenang iyon, pati sa kusina kaya naman nakakagalaw pa rin siya. Iyon ng lamang wala pa rin talaga siyang kalayaan. Isang gabi na nagluluto si Nisha ng para sa hapunan, ng makita niya ang tiyo niya na papasok ng kusina. Hindi na lang niya pinansin ito ng makita niyang lasing. Nakangisi ito sa kanya na wari mo ay hindi gagawa ng maganda. Hanggang sa maramdaman niyang inalis nito ang pagkakatali ng kadena sa kanyang paa. "Alam mo Nisha, matagal na kitang gusto. Payagan mo ako ng kahit isang gabi lang na matikman ka, tapos noon ay palalayain na kita." Nakangising bulong ng kanyang tiyo sa kanya, kaya naman itilulak niya ito. Nawalan ng balanse ang matanda na naging dahilan ng pagbagsak nito sa sahig. Tatakbo na sana si Nisha ng mahagip nito ang kanyang paa. Kaya naman bigla siyang sumubsob sa sahig. Nagawang makagapan ni Nisha, pero nakubabawan siya ng kanyang tiyo. Hindi makagalaw si Nisha, dahil nadadaganan nito ang kanyang mga paa, habang ang kanyang kamay ay hawak ng isa nitong mga kamay. Nagpupumuglas siya pero malakas ang kanyang tiyuhin. Kaya naman nagawa nitong sirain ang kanyang damit. "Tiyo tama na po. Wag po. Pakiusap. Wag po. Ayaw ko po. Tama na." Pakiusap ni Nisha habang umiiyak. Kitang-kita niya sa mata ng kanyang tiyo ang malademonyong pagnanasa nito sa kanya. Kaya naman, wala na siyang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak. Habang nagmamakaawa na wag ituloy ang balak nito. Hanggang sa maramdaman ni Nisha ang paghalik nito sa ibabaw ng dibdib niyang nababalutan pa ng bra. Pero sa pagkakataong iyon, naramdaman ni Nisha ang pagluwag ng pagkakahawak nito sa kanyang kamay at naitulak niya ang tiyuhin. Napaatras naman ito sa may kalan at hindi sinasadya ang biglang paglaki ng apoy. Mabilis namang sanang tatakas si Nisha ng makita siya ng kanyang tiyahin na nasa bungad ng pintuan. Bigla namang sinabunutan si Nisha ng kanyang tiyahin. Kaya wala siyang nagawa kundi umiyak ng umiyak dahil sa tindi ng pagkakahawak nito sa kanyang buhok. "P*TANG *NANG BABAE KA! MALANDI KA! PATI ANG TINYUHIN MO NILANDI MO KAYA KA NIYA KINALAGAN! WALA KANG KAHIHIYAN! NAPAKALANDI MONG BABAE KA!" Sigaw ng kanyang tiyahin sa kanya habang hawak-hawak ang kanyang buhok. Halos mawalan na siya ng malay sa tindi ng sakit na kanyang nararamdaman. Nang mapansin niyang lumalaki na ang apoy sa kusina. Mabilis namang lumabas ang kanyang tiyo sa nasusunog na bahay ng lampasan sila ng tiyahin. Pero ikinagulat niya ang sunod na nangyari. Binitawan ng kanyang tiya ang pagkakasabunot sa kanya. Pero bigla siya nitong ikinulong sa nasusunog na bahay. "Tiya buksan po ninyo ang pintuan. Palabasin po ninyo ako. TIYA! TIYA! MAAWA NA PO KAYO! TIYA!" Malakas na siga ni Nisha ngunit walang nakakarinig. Hanggang sa malapit na sa kanya ang apoy. Nawawalan na siya ng pag-asa ng makita niya ang upuang bakal na siyang ginamit niya panghampas sa pintuan. Nabuhayan siya ng loob ng makita niya ang pagkasira nito. Kaya naman patuloy lang siya sa paghampas hanggang sa bumukas ito ng tuluyan. Pero hindi pa siya nakakalayo sa bahay ng biglang may sumabog. Kaya naman bigla siyang natumba. Hindi niya maigalaw ang mga paa, dahil sa sugat na natamo. Alam niyang hindi na siya maaabot pang muli ng apoy kaya alam niyang hindi na siya masusunog. Hindi siya makatayo kaya ginawa niyang paatras ang paglayo sa lugar na siyang pinagsisihan niya. Nagkaroon ng dalawang pagsabog. Sa pagkakataong iyon, sumabog ang mga bubog ng salamin ng bintana ng bahay nila at tumama iyon sa kanyan mga mata. Nagising si Nisha, sa lugar na hindi niya alam. Pero nararamdaman niyang nakahiga siya sa kama. Hindi niya magawang makapagreact, dahil wala siyang makita. Hanggang sa maalala niya na natamaan nga pala ng mga tumalsik na bubog ng bintana ang kanyang mga mata. Lihim siyang lumuluha. Alam niya ang ibig sabihin noon. Hindi lang mundo niya ngayon ang madilim. Kundi pati na rin ang kanyang paningin. Sa bawat hikbi niya ay bigla niyang naramdaman na may nagbukas ng pintuan kung saan man siya naroroon. "Sino ka? Anong ginagawa ko dito?" Umiiyak na tanong ni Nisha sa taong nararamdaman niya ngayon. "Mabuti naman at gising ka na. Sandali lang tatawag ako ng doktor." Wika ng lalaking bagong dating. Ilang sandali pa ay dumating na mga doktor. Sinuri ng isa, ang mga sugat na natamo niya sa paa, at ginamot muli. Ang isa naman ay ang sumuri sa kanyang mga mata. Sinabi nito na may pag-asa pa siyang muling makakita. Pero sa isipan ni Nisha, anong silbi pa ng magkaroon ulit siya ng makita. Kung wala namang dahilan para makakita pa siya ng liwanag. Dahil ang buhay niya, nararapat lang sa dilim. Mula sa kinatatayuan ay nakatitig naman ang lalaki kay Nisha. Napangiti pa siya, dahil para sa kanya, napakaganda ng babaeng nasa harapan niya ngayon. Hindi niya malaman kung ano ang dahilan. Naaawa siya sa babae dahil nawalan ito ng paningin. Pero masaya siyang ayos lamang ito. Maliban sa wala itong makita sa ngayon. Nararamdaman naman ni Nisha na may presensya na nakatingin sa kanya. Kaya naman hindi na niya mapigilan na magtanong. "Bakit hindi ka pa lumabas kung sino ka? Alam kong ikaw iyong lalaking pumasok dito kanina, dahil naaamoy ko pa rin ang gamit mong pamango. Sino ka ba?" Tanong niya sa lalaki, na ramdam niyang lumapit sa tabi ng kanyang kinalalagyang kama. Kaya naman napaatras siya sa may headboard. "I'm Lucius Yliad. Isa ako sa bombero na nagrescue sa nasusunog na bahay. Tapos natagpuan kita ilang metro mula sa bahay na iyon. Ayon sa imbestigasyon. Mula sa napabayaang kalan ang sanhi ng sunog. Pero nakakapagtakang walang taong nadatnan doon. Tapos ay nakita din namin ang pwesrsahang pagsira sa pintuan. May masasabi ka ba tungkol sa insidenteng iyon? Ano ba ang pangalan mo?" Paliwanag at tanong ni Lucius. Habang kitang-kita niya ang kalungkutan sa ekspresyon ng mukha ng babaeng iniligtas niya. "Ako nga pala si Nisha Dica. Nakatira ako sa bahay na iyon, at pinagmalupitan ako ng aking tiyahin." Panimula ni Nisha. Nakikinig lang naman si Lucius sa kwento ng naging buhay ni Nisha sa kamay ng tiyahin nito at sa naging tiyuhin nito. Naikuyom ni Lucius ang kamao ng malamang muktik na itong pagsamantalahan ng tiyuhin. Sa dami ng hirap na pinagdaan ni Nisha hindi nito deserve ang lahat ng iyon. Sobrang naaawa si Lucius sa dalaga. Nilapitan niya ito at niyakap. Noong una ay itinutulak siya ng dalaga. Pero nagawa niyang pakalmahin ito habang yakap-yakap niya. "Wag kang mag-alala. Ako na lang muna ang mag-aalalaga sayo." Malambing na wika ni Lucius. "Pero ano ang kapalit? Wala akong nakikita. Magiging akong maging pabigat pa sayo. At itong pag stay ko sa ospital wala akong pambayad." Saad ni Nisha. "Wag mong intindihin ang bayad sa ospital. Hindi ka pabigat. Masaya akong tulungan ka. Gagawa ako ng paraan para makakita kang muli. Tutulungan kitang magkaroon ng normal na buhay. Sana ay hayaan mo akong tulungan ka." Pagpupumilit ni Lucius. "Mula pagkabata ko, lumaki na ako sa dilim. Hindi ako nakapag-aral. Bagay nga sa akin ang pangalan ko. Nisha. Alam mo ba ang sabi noong nag-iisang kaibigan ko na si Claudia. Nisha comes from the Indian origin and means dark or night. It is one of the unique names that mean darkness. Ingles ang mga salitang iyon. Pero kahit hindi ako nakapag-aral tandang-tanda ko at alam ko pa ang ibig sabihin nun. Bagay na bagay sa akin ang pangalan ko. Lumaki ako sa madilim at mahirap na mundo. Katulad ng pangalan ko. Kaya hindi ko na kailangang makakita. Makakita man ako o hindi. Pareho lang madilim at walang liwanag para sa akin." Malungkot na wika ni Nisha, na gusto na lang niyang tanggapin ang kanyang pagkabulag. Hinawakan naman ni Lucius ang kanyang kamay. Hindi malaman ni Nisha ang kakaibang init na hatid ng paghawak ni Lucius sa kanya. Nagiging panatag ang kanyang puso at isipan. Hindi man nakikita ni Nisha pero binigyan ito ng binata ng matamis na ngiti. "Alam mo bang light ang ibig sabihin ng pangalan ko?" Wika ni Lucius na biglang ikinakunot ng noo ni Nisha. "Lucius is a Roman given name that comes from the Latin word lux, meaning light. Baka naman kaya nagtagpo ang landas natin para ako ang maging liwanag mo sa madilim mong mundo. Alam mo bang, hindi dapat ako ang duty noong oras ng nasunog ang bahay ninyo? Sumakit ang tiyan ng isa sa tauhan ko. Kaya naman bilang leader nila ako ang pumalit sa kanya. Matapos mapuksa ang apoy. Umalis na ang mga kasamahan namin. Pero nagpaiwan ko. Naglakad-lakad ako hanggang sa matagpuan kita. Tapos napansin ko ang sira mong damit. Sa halip na dalahin kita sa pinakamalapit na ospital. Dinala kita sa malayong ospital para walang makakilala sayo. Kung ano man ang kwento mo. Kaya kung magtitiwala sa akin. Tutulungan kita. Pag-isipan mo." Wika ni Lucius at nagpaalam muna ito kay Nisha na lalabas at bibili muna ng pagkain. Isang buwan ang itinagal ni Nisha sa ospital. Dahil sa pinapagaling nitong mga sugat sa paa. Na ngayon naman ay naghilom na. Umaalis lang si Lucius dahil kailangan sa trabaho. Pero babalik din pagkatapos. "Hindi ka ba napapagod na puntahan ako palagi dito? Sabi mo malayong ospital ito. Di malayo din ang byahe mo?" Tanong ni Nisha kay Lucius na nag-aayos ng gamit niya. "Hindi naman ako napapagod eh, kung kada pagbalik ko dito ikaw ang makikita ko." Sagot ni Lucius na hindi naman napigilan ni Nisha ang mamula. Kaya naman kahit hindi niya nakikita ang lalaki ay bigla niya itong tinalikuran. Pero isang pagkakamali ang kanyang ginawa. Dahil ang pagtalikod niyang iyon, ay nakaharap pala lalo kay Lucius. "Mas maganda ka pala pagnakangiti at namumula. Ipagpatuloy mo yan, mas nahuhulog ng talaga ako sayo. Wala ka pang ginagawa pero napo-fall na ako sayo." Wika ni Lucius na ikinalaki ng mata ni Nisha. Kaya naman napatalikod siyang muli. Pero muntik na siyang matumba. Mabuti na lang, nasalo kaagad siya ni Lucius. "Careful. Alam kong nahihirapan ka pang kumilos. Hayaan mong ako muna ang maging mata mo habang wala kang nakikita. Sa sinabi ko sayo. Hindi ako naglalaro. Wala ka pang ginagawa, nahuhulog na ako sayo. Kaya hayaan mong alagaan ka at tulungan kita." Pahayag ni Lucius at wala namang nagawa si Nisha, kundi mapatango na lang. Halos nasa dalawang oras din ang byahe nila, bago nakarating sa bahay ni Lucius. Inalalayang maigi naman ni Lucius si Nisha. Itinuro nito ang bawat parte ng bahay. Kung ilang hakbang bago niya marating ang bawat parte. Nagtataka naman si Nisha kung bakit parang walang gamit sa pamamahay na iyon. Maliban sa lamesa sa dining room at upuan. Nasa hapag sila ng mga oras na iyon ng magtanong si Nisha. "B-bakit parang walang gamit dito sa bahay mo?" Nagtatakang tanong pa ni Nisha. Napakamot naman sa batok si Lucius na wari mo ay nahihiya. Sa reaksyon niya. Parang siyang nakikita ni Nisha kahit hindi naman. "Inalis ko ang mga gamit na pwedeng makasagabal sa pagkilos mo. Inilagay ko muna sa bodega. Wag kang mag-alala. Ibabalik ko din naman iyon pagnatuloy na ang operasyon mo. Pag pumayag ka na." Paliwanag ni Lucius. Kaya naman napatungo si Nisha sa hiya. "Sorry, nagiging pabigat talaga ako sayo." Saad ni Nisha. "Wag mong isipin iyon. Masaya akong nakilala kita. Masaya akong alagaan ka. Nisha, tama nga sila. Hindi mo kailangang bumilang ng taon, para masabi mong mahal mo ang isang tao. Dahil kahit ang pagmamahal hindi kailangan ng panahon. Mararamdaman at mararamdaman mo yan. Tulad ng nararamdaman ko sayo. Masyadong mabilis, kung iisipin mo. Pero sa tagal ng panahon ko dito sa mundo. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, at para iyon sayo." Paliwanag ni Lucius dito. Hindi malaman ni Nisha kung paano sasagot. Pero sa puso niya. Masaya siyang makilala ang binata. Dumaan ang ilang buwan at nasasanay na rin si Nisha sa bahay ni Lucius. Umaalis lang ang binata at bumabalik din pagkatapos ng duty nito. Bago ito umalis ay nakaready na rin ang mga pagkain niya. Kahit naman malamig ang pagkain. Okay lang sa kanya. Dahil noong nasa poder nga siya ng tiyahin, may pagkakataon na hindi nga siya nakakakain. Hanggang sa ginabi si Lucius ng dating. Hindi malaman ni Nisha kung bakit ito nagtagal. Sa pakiramdam niya ay malapit ng maghating gabi. Nang may marinig siyang nagdoorbell. Napuno ng kaba ang puso ni Nisha ng marinig ang nakakatakot na sigaw. Hindi siya maaaring magkakamali. Boses iyon ng kanyang tiyahin at ng kinakasama nito. Nakasiksik lang si Nisha sa isang sulok habang tinatawag ang pangalan ni Lucius. Samantala nagmamaneho si Lucius pauwi ng bahay niya. Nagkaroon kasi ng tawag na may nasunugan. Kaya naman nagrescue sila. Sa laki ng apoy ay umabot hanggang sa ikaapat na alarma ang sunog. Nagtawag pa sila ng back-up mula sa ibang bayan. Halos nasa pitong oras ang itinagal ng sunog. Kaya naman kahit nag-aalala siya kay Nisha. Hindi niya magawang umuwi ng maagap. Hanggang sa pagtapat niya sa may gate ng bahay niya ay nakita niya ang may edad na babae at lalaki na isinisigaw ang pangalan ni Nisha at nagbabanta. Mabilis na bumaba ng kotse si Lucius at hinarap ang kanyang unwanted guest. "Sino kayo? Anong ginagawa ninyo dito sa pamamahay ko!?" Tanong ni Lucius sa mga ito. "Kami? Kami ang kumupkop sa babaeng tinatago mo sa bahay mo. Dapat nga kasuhan ka namin ng kidnapping eh. Dahil hinahanap namin yang si Nisha. Tapos nasa sayo lang pala!" Galit na wika ng babae na sa tingin ni Lucius ay ito ang tiyahin ni Nisha. "Hindi ko kinidnap si Nisha. At mawalang galang na po sa inyo. Baka nga kayo pa ang kasuhan ko sa pagtatangka sa buhay ni Nisha. Ikinulong ninyo si Nisha sa nasusunog na bahay. Bukod pa doon tinangka pang halayin ng kinakasam ninyo si Nisha. Madaming kaso akong pwedeng isampa sa inyo. Kaya naman. Mag-isip-isip na kayo ngayon din. Subukan ninyong guluhin si Nisha. Hindi na gate ng bahay ko ang sunod namahahawakan ninyo. Kundi rehas sa prisinto." Matapang na wika ni Lucius kaya naman walang nagawa ang tiya at tiyo ni Nisha at nagmadaling umalis. Mabilis namang pumasok ng bahay si Lucius, dahil baka kung anong nangyari kay Nisha. Hinanap niya ito sa kwarto niya at sa kwarto nito. Pero wala doon. Tiningnan din niya ang banyo pero wala doon si Nisha. Nag-aalala na talaga siya dahil wala ito sa kahit na saang sulok ng bahay. Nang makita niya ang malaking vase niya sa may gilid. Bigla niyang tinakbo, iyon at doon niya nakita si Nisha na basang-basa ng pawis at luha. Nanginginig din ang buong katawan nito sa takot. "Nisha, baby. Si Lucius ito." Wika ni Lucius ng bigla siyang pinagsusuntok ni Nisha. "Ayaw ko po tiyo. Ayaw ko po! Bitawan po ninyo ako! Parang awa n'yo na!" Pagmamakaawa ni Nisha. "Nisha! Nisha!" Sigaw ni Lucius ng mawalan ito ng malay. Mabilis namang pinapatakbo ni Lucius ang kotse niya, dahil sa sobrang pag-aalala kay Nisha. Pakiramdam niya ay napakabagal ng takbo niya, kahit nag-over speed na siya. Mabuti na lang at walang traffic enforcer. Kung hindi magkakaroon talaga siya ng violations. Nang makarating sa ospital ay agad namang inasikaso si Nisha. Sinabi ng doktor na nagkaroon ng trauma si Nisha dahil sa mga dati pang pinagdaanan nito. Pilit iyong nilalaban ng dalaga. Iyon ng lang ay nagkaroon ito ng takot muli. Dahilan para makapagpatrigger sa trauma nito. Nasa private room na si Nisha at binabantayan ito ni Lucius. Pagod man siya gawa ng trabaho. Pero hindi niya kayang makita na nasasaktan si Nisha. Nagising naman si Nisha na nadoon pa rin ang takot sa dibdib, ng maamoy niya ang pamango ng lalaking nasa kanyang tabi. "Lucius?" Tawag niya dito. Nakaidlip pala si Lucius ng hindi nito namamalayan. Kaya naman naalimpungatan siya ng marinig ang pagtawag ni Nisha sa kanyang pangalan. "Okay ka na? Wala bang masakit sayo?" Nag-aalalang tanong ni Lucius sa kanya. "Baka makita ako ni tiyo at tiya. Natatakot ako Lucius. Wag mo akong ibibigay sa kanila." Pagmamakaawa ni Nisha. "Hindi kita ibibigay at hindi ka na nila guguluhin pangako. Babantayan at aalagaan kita. Papayag ka na bang makakita muli? Wag kang matakot nandito naman ako para sayo. Mahal kita Nisha. Palagi mong tatandaan na ako ang magiging liwanag mo, kung sakaling maisip mo ang madilim na kinalalagyan mo. Wag kang matakot makakita, dahil ako na ang makakasama mo. Walang iba." Pahayag ni Lucius na siyang naging dahilan ng pagbuhos ng mga luha ni Nisha. Matapos ang isang linggo ay nakahanap naman agad ng eye donor ang ospital para kay Nisha. Kaya naman isinalang kaagad ito sa operasyon. Palagi namang binabantayan ni Lucius si Nisha at nag leave pa talaga ito sa trabaho para sa dalaga. Mas lalong naramdaman ni Nisha ang pagmamahal ni Lucius sa mga araw na dumaraan. Malapit na ang araw na aalisin ang takip sa mata ni Nisha. Pero nakakaramdam siya ng takot. Pwede kasing hindi matagumpay. Kung matagumpay man. Natatakot siyang makita si Lucius dahil kung tutuusin ay simpleng babae lang siya. Baka hindi siya bagay kay Lucius. "Mamaya darating na ang doktor para alisin ang takip mo sa mata. Excited ka ba?" Tanong ni Lucius ng mapabuntong hininga naman si Nisha. "Ang lalim noon ha. Ano bang gumugulo sa isipan mo?" Dagdag pa ni Lucius. "Natatakot akong baka pagnakita kita. Lalo akong manliit sa sarili ko." Nahihiyang wika ni Nisha, na nagpatawa ng malakas kay Lucius. "Wag mong isipin iyon. Hindi ako sobrang gwapo. Normal lang akong tao. May mata, ilong, tainga at bibig. Ibig sabihin may mukha. Basta hindi mo man ako mahal. Palagi mong iisipin na mahal kita." Pagbibiro ni Lucius kaya naman napatawa na rin si Nisha. "Ayan nga. Tumawa ka lang. Mas maganda ka pag tumatawa. Basta relax ka lang. Hmmmm." Wika ni Lucius ng ilang sandali pa ay pumasok na ang doktor na siyang nag-opera kay Nisha. Dahan-dahang inalis ang bendang nakatakip sa mga mata ni Nisha. Hindi niya malaman kung para saan ang kaba na kanyang nararamdaman. Pero mas inisip na lang niya na excited siyang makakitang muli. Higit sa lahat, excited siyang makita si Lucius. Nang maalis lahat ng nakatakip sa kanyang mata, ay sinabiham siya ng doktor na unti-unti niyang imulat ang mga mata na ginawa naman niya. Noong una ay nasisilaw pa siya sa liwanag. Naninibago din naman siya, dahil sa ilang buwan na madilim ang kanyang paligid. Hanggang sa mapadako ang paningin niya sa lalaking sobrang laki ng ngiti na umabot pa sa mga mata nito. "Ikaw!" Sigaw ni Nisha habang masaya namang tumatango ni Lucius. Lumapit din ito sa kanya at hinawakan ang kanyang mga kamay. Ipinaliwanag naman ng doktor na need magtagal ni Nisha ng kahit dalawa pang linggo sa ospital para malaman kung maayos talaga ang mata na ipinalit sa kanya. Matapos ang ilang paalala ay lumabas na rin ang doktor. Naiwan sila ni Lucius sa kwartong iyon. "Teka lang ipaliwanag mo nga. Ikaw as in ikaw talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Nisha. "Oo nga. As in ako talaga." Natatawang wika ni Lucius na hindi talaga lubos akalain ni Nisha. Mula ng maging tindera ng gulay si Nisha sa tindahan ng pamilya ng kaibigan niyang si Claudia ay palagi niyang nakikita ang gwapong estudyante na dumadaan sa parteng iyon ng palengke at bibili lang sa kanila ng kung anu-ano. Bawat araw bumibili ito ng isa or dalawang piraso ng gulay. Hanggang sa magdalaga siya ay nakikita pa rin niya itong bumibili sa kanila. Hanggang sa makatapos na rin ito ng pag-aaral. Dahil nakita na niya ito na naka-uniform na pangbumbero. Hindi man lang siya nag-aksaya ng panahon na itanong ang pangalan nito, kahit crush nilang pareho ni Claudia ang binata. Dahil nahihiya siya dito. Kumpara dito na nag-aaral at nakatapos na may magandang trabaho. Habang siya itong hindi man lang nakatungtong sa paaralan. Natuto lang siya kahit papaano dahil tinuturuan siya ni Claudia. Pero ng ikadena siya ng tiyahin. Hindi na siya nakabalik pa sa pagtitinda. Hindi na niya muling nakita pa ang binata. "Pero alam mo bang hinanap kita sa kaibigan mo." Wika ni Lucius habang nakaupo sa tabi ni Nisha. "Bakit mo naman ako hinahanap?" Balik tanong niya dito. "Bigla ka na lang kasing hindi bumalik sa tindahan na iyon. Sa totoo natororpe lang akong manligaw noon. Nahihiya ako sayo. Masyado kang maganda para sa isang tindera lang. Kaya naman hindi ako makalapit sayo. Dahilan ko lang ang pagbili ng gulay nun. Para malapitan kita. Pero doon sa lugar na sinabi ng kaibigan mo. Hindi talaga kita nakita. Iyon pala, nakakulong ka sa bahay ninyo at nakakadena. Sorry kung nalaman ko kaagad. Sana ay hindi na umabot pa sa ganoon ang nangyari sayo." Pag-amin ni Lucius. "Wag kang humingi ng tawad higit sa lahat. Sobrang laki ng tulong na ginawa mo para sa akin. Paano ba ako makakabayad sayo?" Tanong ni Nisha. "Hindi naman ako humihingi ng kapalit. Sapat na sa akin na maalagaan kita. Hindi mo man ako mahal, basta nasabi ko sayo ang nararamdaman ko. Noong unang beses pa lang kitang nakita sa palengke. Nagkagusto na ako sayo. Hanggang sa nagtagal na minamahal kita, kahit wala ka namang ginagawa. Kaya ayos lang kahit wala kang nararamdaman sa akin. Ang mahalaga maalagaan kita. Kung magmahal ka man ng iba. Basta masaya akong naamin ko din sayo na mahal kita." Paliwanag ni Lucius at binigyan niya si Nisha ng isang ngiti na hindi umabot sa mata. "Paano kung sabihin ko sayo na noon pa lang crush na kita at habang nakakasama sa bahay mo. Na kita kahit wala akong nakikita ay minahal kita. Kahit hindi ko alam na ikaw iyong crush ko noon pa man." Paliwanag ni Nisha na biglang napatayo si Lucius. "Ulitin mo nga ang sinabi mo?" Pagtatanung ni Lucius na ikinatawa ni Nisha. "Mahal kita Lucius. Mahal na mahal. Hindi dahil sa tulong mo. Pero dahil iyon ang sinasabi ng puso ko. Pero pangako babawi ako sayo sa lahat ng tulong na binigay mo sa akin. Salamat sa pagiging liwanag sa madilim kong mundo. Salamat dahil ikaw ang ilaw ng buhay ko." Naluluhang wika ni Nisha na pinigilan ni Lucius. "Mahal na mahal kita Nisha. Pero wag kang umiyak. Bawal iyon sa bago mong mata. Hindi mo kailangang bumawi. Ang pagmamahal mo ay sapat na. Ang pagmamahal mo lang ang kailangan ko, dahil ikaw ang kasiyahan ko. I love you Nisha. Pagkalabas mo ng ospital magpapakasal na tayong dalawa.." Sigaw pa ni Lucius na ikinatango naman ni Nisha. Nang biglang may dumaang doktor at pinagsabihan silang dalawa na wag maingay. Nagkatinginan lang sila ni Lucius at biglang natahimik. Pag-alis ng doktor doon nila pinakawalan ang pinipigilan nilang pagtawa dahil pareho silang napagalitan. Minsan sa madilim nating mundo hindi natin inaasahan na may darating sa buhay natin na siyang magbibigay liwanag sa atin. Tulad ni Nisha na nabuhay sa sakit, pait at lungkot. Hanggang sa mapuno ng kadiliman ang buo niyang pagkatao. Pero dumating si Lucius na siyang naging liwanag niya at tanglaw sa bawat umaga at gabi na dumaraan. Para magpatuloy at makabangon sa kadilimang kanyang kinasasadlakan. FIN...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD