ONLY HEART COULD FEEL

4561 Words
ONLY HEART COULD FEEL Eunna Rosa Alba, lumaki siyang mahina ang pangangatawan. Kaya hindi niya naranasang lumabas ng bahay. Bata pa lang siya, alam niyang darating ang panahon na, pwede niyang lisanin ang mundo, pero hindi nawawalan ng pag-asa ang mga magulang niya. Home schooling din siya, lalo na at bawal sa kanya ang mapagod. Twelve years old siya noong ma-diagnosed na may butas ang kanyang puso. Pinayuhan sila noon na isalang siya sa isang operasyon. Naging matagumpay naman ang operasyon noon. Pero nitong magdalaga na siya. Nararamdaman na ulit niya ang mabilisang pagkapagod. Madalas nahihirapan na ulit siyang huminga. Hindi nila alam kung paanong nangyari? Dahil lahat ng payo ng doktor ay sinunod nila. Hindi nila hinayaang lumabas ng bahay si Eunna hindi din ito napapagod. Hindi rin ito pumapasok ng normal sa paaralan. Ang mga guro ni Eunna ang nagtutungo sa kanila para turuan siya. Pero ang butas nito sa puso nito lalong lumalaki. Mula ng malaman ng mga magulang ni Eunna ang tunay nitong kalagayan, ay pumila na sila sa heart center. Madami ang nangangailangan ng puso. Kaya naman kahit gaano kang kayaman, kung wala namang kusang magdodonate sayo sa pagpila lang sa heart center ang pag-asa mo. Pero umabot na sa dalawampo at limang taon si Eunna. Hanggang ngayon. Wala pa rin silang mahagilap na donor. Lalo nilang nakikita ang panghihina ni Eunna. Isang beses nakita ng mommy Rose nito si Eunna na umiiyak habang nagsusulat sa isang papel. Alam ni Rose kung ano ang sinusulat ng anak. Pero wala siyang balak tanggapin iyon o basahin. Masakit sa isang ina na mawalan ng pag-asa ang kanyang anak. Pero silang mag-asawa, habang may pagkakataon pa. Hindi sila papayag na basta na lang mawala sa kanila ang kanilang anak. Kaya naman habang may liwanag. Aasa at aasa sila na may himala. Eunice Rosa Robiginosa, isang sikat na modelo. Mapagpakumbaba at napagmahal na anak. Mahal siya ng lahat ng mga taong nakakakilala sa kanya. Hindi lang kasi mukha ang maganda sa kanya. Pati na rin ang kanya puso. Sa ilang taong pagmomodelo. Napakaraming tao na rin ang kanyang natulungan ng palihim. Ayaw niyang nakikita ng mga tao sa social media ang mga nagagawa niya para sa mga kapos palad. Ang nais lang niya ay ang propesyon na tinatakahak niya. Hindi ang pagkakawang gawa. Natural na mabuting tao si Eunice kaya naman, sa isang charity event. Nakilala niya ang lalaking nagpatibok ng kanyang puso si Euann. Simple lang itong volunteer ng makilala niya. Hindi niya akalain, hindi nila pareho akalain na si Eunice ay isa sa modelo ng Wisteria Modeling Agency. Habang si Euann ay anak ng may-ari nito. Wisteria is a vine tree with a purple flowers. Iyon ang paboritong bulaklak ng magulang ni Euann. Higit sa lahat, iyon din ang surname ng kanilang pamilya. Kaya naman ng maipatayo nila ang modeling agency, iyon kaagad ang naisip nilang pangalan. Dahil ang mga modelo ay parang isang bulaklak. Umuusbong, bumubukadkad na lalong nagpapaganda sa kanila. Sa anim na taong relasyon, nagplano na silang magpakasal. Noong una akala ni Euann na tatanggihan siya ni Eunice. Dahil sa hindi nito agad pagsagot sa proposal niya. Iyon naman pala ay mas lalo siyang nagulat ng ito ang magbigay ng regalo sa kanya. Isa itong maliit na box. Nang buksan niya ay nakakita siya ng isang maliit na stick na puti at may dalawang pulang linya sa ginta. Minsan nakakablanko daw ng isipan ang sobrang pagkabigla. Kaya naman wala kaagad nasabi si Euann sa regalo ni Eunice hanggang sa marinig nila ang sigawan ng mga bisita sa proposal niya. "Oi, positive ba?" "Para saan ba yan? Pwede ba yang pantusok ng siomai. Stick kasi?" Habang natatawa ang ibang bisita. "Hala, na speechless na." "Son. Magiging lolo at lola na ba kami?" Wika ng daddy ni Euann. "Eunice Rosa Robiginosa uwi na tayo baby. Hindi na nakapagsalita ang boyfriend mo." Saad ng mommy ni Eunice. Huling kantyaw na narinig ni Euann kaya naman bigla siyang napatayo at napatalon. Napasuntok pa siya sa hangin ng sa sobrang kagalakan. "Baby, nabigla lang ako. Akala ko kasi ako ang may surpresa sayo. Hindi ko akalaing sa wedding proposal ko sayo, ako itong masusurpresa." Masayang wika ni Euann, at hinalikan pa si Eunice sa labi. "WOOOH! MGA DADDY KO! MGA MOMMY KO! Magiging mommy at daddy na rin kami ni Eunice. Magkakaroon na po kayo ng apo!" Masayang sigaw ni Euann. Na kahit si Eunice ay sobrang saya. "I love you baby ko." Malambing na wika ni Eunice at hinalikan naman ito ni Euann sa labi. Naging masaya ang gabing iyon para ng Euann at Eunice ang matagal nilang plano ay tuloy na tuloy na. Masaya silang harapin ang bukas ng magkasama. Isang linggo mula ng proposal ni Euann kay Eunice ay nagkaroon sila ng magkahiwalay na lakad. Si Eunice ay busy para sa nalalapit nilang kasal ni Euann. Habang si Euann ang nag-aasikaso ng mga event dapat na dadaluhan ni Eunice. Pero dahil sa pagbubuntis nito. Need nitong huminto muna sa pagmomodelo. Habang nagmamaneho ay hindi napansin ni Eunice ang mabilis na takbo ng kotse na sumala na sa linya. Huli na ng makita niya iyon, hanggang sa wala na siyang nakita at magdilim ang kanyang paningin. Samantala nagkakagulo sa bahay ng mga Rosa Alba, dahil biglang nawalan ng malay si Eunna. Naramdaman din ni Rosa ang paghina ng pintig ng puso ni Eunna at ang paghahabol nito ng paghinga. Alam nilang mahina na talaga ang kanilang anak. Pero ayaw nitong magstay ng ospital. Kaya naman ng bigla itong mawalan ng malay ay mabilis ang pagpapatakbong ginawa ni Sage sa kotse, para madala ang kanyang anak sa ospital. Mabilis ang takbo nila kasabay ang wangwang ng ambulansya. Sa tapat ng emergency room tumigil ang ambulansya ganoon din sila. Sumigaw ang doktor na kasama ng ambulansya. "The patient is in critical condition. Natamaan ng lumusot na bakal mula sa unahan ng kabanggaang sasakyan ang tagiliran ng biktima. Need iyang maoperahan sa lalong madaling panahon." Sigaw nito. "Kailangan ng anak ko ng atensyong medical. Mahina ang puso ng anak ko. Pakiusap tulungan po ninyo ako. Tulungan ninyo ang anak ko." Pakiusap ni Sage sa mga taong nandoroon. Mabilis naman silang tinulungan ng mga nurse at iba pang doktor na nasa emergency room. Sa hindi inaasahang pangyayari. Nagkatapat ang kamay ni Eunna at Eunice. Napamulat ng mata si Eunice at kitang-kita iyon ng mga doktor. Bigla namang dumating sa ospital at mabilis nagtungo ng emergency room sina Euann at mga magulang ni Eunice. Nakita nilang lahat na may malay ito, at nakatingin sa mag-anak na umiiyak sa tabi nito. Hindi sila napapansin ng mag-anak dahil busy ang mga ito na pinapanood ang pagpump ng doktor sa dibdib ng pasyente. Hindi naman napapansin ni Euann ang isa pang pasyente na sinasalba ng doktor. Dahil wala siyang ibang gustong titigan kundi ang babaeng kanyang pinakamamahal. "S-save h-her." Nauutal na wika ni Eunice na narinig ni Euann at mga magulang ni Eunice. Pero wala silang idea, kahit kalapit na nila, kung sino ang tinutuloy ni Eunice. Umiiyak na si Euann, ng nailabas na ng emergency room si Eunice para dalahin sa operating room. Kasunod din ang stretcher na kinalalagyan ni Eunna. Dahil kailangan na rin nitong maoperahan. Suntok sa buwan, ang pag-asa ni Rose at Sage, dahil hanggang ngayon wala pa rin silang nahahanap na donor. Lumabas sa katapat ni lang operating room ang doktor na gumagamot kay Eunna. "Tatapatin ko na po kayo. 3% lang po ang pag-asa na makakaligtas ang anak ninyo sa gagawin naming operasyon. Kailangan talaga niya ng bagong puso." Malungkot na wika ng doktor bago ito bumalik sa loob. Napalakas naman ang iyak ni Rose, dahil hindi niya matanggap na mawawala na lang ng basta ang kanilang anak. Umiyak lang ng umiyak si Rose at Sage dahil sa sakit na kanilang nadarama. Habang sa kabilang parte, sa isa pang operating room ay nadoon ang pamilya ni Eunice. Kasama nila ang fiance nito na si Euann. Umiiyak lang si Euann, lalo at hindi niya matanggap ang nangyari sa mapapangasawa. Masaya lang sila ni Eunice ng nagdaang gabi. Pero ngayon, nandito si Eunice sa ospital. Nag-aagaw buhay. Lumabas naman ang doktor, na siyang gumagamot kay Eunice. Malungkot itong humarap sa kanila. Umiyak na ng umiyak si Euann dahil ayaw man niyang tanggapin pero nahuhulaan na niya ang sasabihin ng dokto. "Hindi na kakayanin ng anak ninyo ang nangyari sa kanya. Hindi namin aalisin life support sa kanya, kaya kayo na ang magdedesisyon. Patawad." Malungkot na wika ng doktor." Na nagpaiyak ng lubusan sa mga magulang ni Eunice. Habang nagtatakbuhan ang ilang nurse dahil tumatawag sila sa heart center para sa heart donor para kay Eunna. Nang biglang tumunog ang monitor na nakakabit kay Eunice. Napatingin ang daddy ni Eunice sa pamilyang umiiyak at nangangailangan ng puso. Kitang-kita nila ang paghihinagpis ng pamilyang iyon. Habang alam na niyang wala ng pag-asa ang kanyang anak. "What's the need of that family doc?" Mahinahong tanong ng daddy ni Eunice habang umiiyak pa rin. "Need ng heart transplant ng nag-iisang anak nilang babae. Sa tagal na nilang pumipila sa heart center. Wala pa rin pong pag-asa na magkaroon ng donor. Ngayon po ay nag-aagaw buhay ang kanilang anak." Wika ng doktor na malungkot ding nakatingin sa mag-asawang umiiyak. "Doc. Please help them. Save their daughter." Mariing wika ng daddy ni Eunice na ikinatapik ng doktor sa balikat nito. Muling nagsara ang operating room at mula sa loob ay mas lalong naging busy ang mga doktor at nurse's doon. Patuloy namang kinakalma ng daddy ni Eunice ang asawa. Hindi niya kayang tanggapin na wala na ang anak. Pero kung ang kanyang anak ay makakasagip ng isang buhay. Buong puso niyang gagawin ang pagtulong. Tulala lang si Euann, at tahimik na umiiyak, ng maabutan ng mga magulang nito, sa harap ng operating room. Kasama pa rin ang mga magulang ni Eunice na dinadamayan na ngayon ng kanyang ina. Isang taon na ang nakakalipas ng mawala si Eunice habang ang babaeng pinagbigyan naman ng puso nito na si Eunna ay nagagawa na ang mga bagay na hindi nito nagagawa noon. Nakakalabas na rin si Eunna na mag-isa. Pero hindi naman ito nagpapagabi paglumalabas. Alam pa rin naman ni Eunna kung paano gagamitin ang kalayaang tinatamasa mula sa pagkakakulong sa bahay nila ng twenty five years at isa pang taon mula ng mabigyan siya ng isa pang pagkakataon para mabuhay. Palagi niyang sinasabi sa magulang na nais niyang mag-uli sa mall at sa parke. Pero ang totoo ay palagi siyang nagpapabalik-balik sa ospital para mahanap ang pamilya na nagdonate sa kanya ng puso. Pero naging lihim at sobrang pribado noon sa ospital. Ayaw daw ipaalam ng pamilya ang ginawang pagtulong. Kaya naman palagi siyang umuuwing walang napapala. Palagi din niyang hinihiling na sana sa isang pagkakataon, makasalamuha nila ang pamilya ng babaeng nagbigay ng pangalawang buhay sa kanya. Naglalakad si Eunna sa parke ng hindi niya napansin ang lalaking mabilis na naglalakad. Alam niyang hindi naman nito sinasadya na masanggi siya, pero ayon na nga ang nangyari. Nawalan siya ng balanse kaya naman napauso siya sa semento. "Sorry, nagmamadali lang talaga ako." Wika ng lalaki, sabay abot ng kamay nito sa kanya. Kaagad naman niyang tinanggap iyon, ng magulat siya sa kakaibang pakiramdam na dumaloy sa kanyang puso. Napatingin tuloy siya sa mata ng lalaki na parang nag-slow-mo ang paligid niya. Napatingin naman si Euann sa babaeng nakaupo sa semento at tinutulungan niyang makatayo. Nagulat siya sa pagdaloy ng kakaibang pakiramdam na hindi niya inaasahan. Kahit noong kasama pa niya ang kasintahan ay hindi niya nararamdaman ang bagay na iyon. Mula ng mawala ang babaeng minamahal. Hindi na nagawa ni Euann na magmahal ng iba. Mas pinili na lang niyang pamahalaan ang modeling agency ng pamilya nila. Maraming magagandang modelo siyang nakakasalamuha. Pero pakiramdam niya, nawala na rin ang puso niya. Kasabay ng pagkawala ni Eunice. Pero sa pagkakataong ito. Sobra siyang naguguluhan, dahil lang sa pagkakawak nila ng kamay ng babaeng estranghera, may kung anong init sa puso niya na hindi niya maipaliwanag. Isang tikhim ang pinakawalan ni Euann, lalo at hindi niya alam na napakalayo na pala kaagad ng narating ng kanyang isipan. "Okay ka lang? Pasensya na talaga. Late na kasi ako sa charity event na ginaganap sa kabilang parte nitong parke. Maiwan na kita." Wika ni Euann na hindi na hinintay makasagot ang babaeng nakabanggan niya. Pinagmasdan naman ni Eunna ang likuran ng lalaking papalayo sa pwesto niya. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Pero ang puso niya, ngayon lang niya naramdaman ang ganoong pagre-react. "Weird. Kilala mo ba ang lalaking iyon?" Tanong ni Eunna sa puso niya habang nakahawak pa rin sa dibdib niya, sa tapat ng kanyang puso. Mula sa tagpong iyon ay nagtuloy naman ng ospital si Eunna. Nais muli niyang kulitin ang doktor na nag-opera sa kanya. Ang doktor na nagpalit ng kanyang puso. Malapit na siya sa opisina nito, ng may narinig siyang kausap nito. Kakatok sana siya ng makitang nakaawang ang pintuan. Wala siyang balak makinig, pero hindi niya nagawang ipaalam sa mga nag-uusap na nandoon lang siya sa labas. "Mr. Rosa Robiginosa, ayaw pa rin po ba ninyong ipaalam sa pamilya ng mga Rosa Alba na kayo ang heart donor nila?" Rinig na rinig ni Eunice na sinabi ng doktor doon sa lalaking halos kasing tanda lang ng kanyang ama. "Hindi na iyon kailangan doktor. Masaya akong malaman na sa pamamagitan ng dalagang iyon, buhay ang puso ng aming anak." Malungkot na sagot ng lalaki, na biglang bumilis ang pagtibok ng puso ni Eunna. "Masaya akong malaman na dumadalaw siya dito, para lang mangulit. Masaya akong pinapahalagahan niya ang puso ni Eunice. Doon pa lang masasabi kong worth it ang pagkakataon na ipinaubaya ko ang puso ng anak ko." Hindi na napigilan ng lalaki ang bugso ng damdamin kaya napaiyak na ito. "Ano po ba ang dahilan bakit ayaw po ninyong ipaalam?" Tanong pang muli ng doktor. Mas inilapit naman ni Eunna ang sarili para malaman niya ang dahilan. "Dahil ang anak ko, palihim lang iyong tumulong. Ni minsan walang lumabas sa television at pahayagan tungkol sa mga pagtulong niya. Alam kong iyon din ang nais ni Eunice. Tutulong siya sa likod ng camera. Ayaw niyang makikita ng iba ang kanyang pagtulong. Napakabuting anak, at mabait sa kapwa si Eunice. Simple lang ang dahilan ko kaya ayaw naming ipaalam kung sino kami. Dahil alam kong nais lang ng anak ko ang tahimik na pagtulong." Wika ng ginoo na siyang pagpasok ni Eunna, ng walang paapaalam at biglang niyakap ang ama ng taong nagdugtong sa buhay niya. Wala naman ni isang salita na lumabas sa bibig ni Mr. Rosa Robiginosa sa ginawawang pagyakap sa kanya ng dalagang umiiyak na ngayon sa tapat ng dibdib niya. Nakita niya ang pagkibit balikat ng doktor kaya naman napabuntong hininga na lang siya. Niyakap na kang niyang pabalik ang dalaga, na wari mo ay kinakalma. Ilang sandali pa ay kumalma rin sa pag-iyak si Eunna at nakangitin iniangat ang ulo sa matandang lalaki na yakap niya ngayon. Unti-unti namang lumuwag ang pagkakayakap ni Eunna at lumayo ang katawan sa matanda. "Bakit po hindi kayo agad nagpakilala sa akin. Matagal ko na po kayong hinahanap. Hindi po alam ng mga magulang ko ang ginagawa kong pagpapabalik-balik dito dahil sumusunod daw po sila sa nais ninyo. Pero ako po hindi ko po masunod ang nais nina mommy. Ang puso ko po ngayon. Ang puso po ng inyong anak. Ang nagbigay ng pangalawang buhay ko. Alam kong nais din po ng anak ninyo na makilala ko kayo." Iyak ni Eunna at muli naman itong niyakap ng ama ni Eunice. Lumabas muna ang doktor na naluluha na rin sa tagpong iyon. Para bigyan ng oras na makapag-usap ang dalawa. "Hindi ko din kasi alam kung paano ko sasabihin o haharap sayo, at sabihing ang puso ng anak ko ang nasasayo. Pero masaya akong makilala ka hija. Masaya ako sa pagpapahalaga mo sa puso ni Eunice." Wika ni Mr. Rosa Robiginosa. "Ako po si Eunna Rosa Alba. Gusto ko po sanang makita ang inyong anak. Sana po pagbigyan po ninyo ako, na personal na makapagpasalamat sa pangalawang buhay na binigay po niya sa akin." Pakiusap ni Eunna, na kahit ayaw ng ama ni Eunice ay napilitan na rin ito. Nakarating sina Eunna sa isang private cemetery. Nakita niya ang lungkot sa mata ng ama ni Eunice. Pero nais niya talagang magpasalamat dito. Nasa harapan sila ng isang napakagandang museleo. Nakita agad niya ang pangalan ng babaeng nagbigay ng pangalawang buhay sa kanya. Lumapit siya kaagad dito, at hinaplos ang pangalan nito na nakasulat sa lapida. "Eunice, ako nga pala si Eunna. Hindi ko alam kung paano magpapasalamat sayo sa pangalawang buhay na binigay mo sa akin. Gayong alam ko naman na sobrang lungkot at sakit ang nararamdaman ng pamilya mo sa iyong paglisan. Pumapayag ka bang palagi kong dalawin ang pamilya mo? Babantayan at aalagaan ko sila para sayo." Umiiyak na saad ni Eunna. Kaya naman medyo napatigil siya sa pagsasalita. Hindi niya namalayan ang pagdating ng isang may edad na babae, at tumabi sa ama ni Eunice. Napangiti naman ang babae, ng marinig ang sinasabi ni Eunna. Nagpadala ng mensahe ang kanyang asawa na nadoon sila sa puntod ng anak. Kasama ang dalagang tumanggap sa puso ni Eunice, kaya naman nagmadali din itong nagtungo doon. "Sana pumayag kang, ituring ko ding magulang ang mga magulang mo. Dahil kung hindi sayo. Wala na rin ako ngayon dito. Hindi ko alam kung ano na ring mangyayari sa mga magulang ko. Lalo na at buong buhay nila, sa akin nakafocus dahil mahina ang puso ko. Ngayon lang din nila nagagawa ang mga bagay bagay. Ngayon ko lang din nagawang lumabas ng bahay. Salamat ulit." Wika pa ni Eunna ng maramdaman niya ang pagyakap ng isang babae sa kanya. Naramdaman na lang din niya ang pagluha nito kaya naman, niyaka din niya ito pabalik. Nakilala ni Eunna ang mga magulang ni Eunice. At noong araw ding iyon, hindi pumayag si Eunna na hindi ipakilala ang mga magulang ni Eunice sa pamilya nila. Sobrang laking pasasalamat ng pamilya ng Rosa Alba sa pamilya ng Rosa Robiginosa. Kaya naman ramdam ng mga magulang ni Eunice ang labis na pasasalamat ng mga ito. Mula ng araw na magkakilala ang dalawang pamilya ay palaging dumadalaw si Eunna sa bahay ng pamilya ni Eunice. Halos ituring na ding siyang anak ng mga ito. Isang beses pang nagtungo si Eunna sa bahay nina Eunice pero wala ang mag-asawa. Kaya naman laglag ang kanyang balikat na paalis na sana siya, ng hindi niya napansin amg lalaking bagong pasok sa bahay kaya naman nagkabanggan sila. Napatingin naman si Eunna sa lalaking nabangga niya. "Ikaw?" Halos panabay nilang sigaw sa isa't isa. "Anong ginagawa mo dito?" Sabay ulit nilang tanong ng matawa sila pareho. Tumikhim ang lalaki at ito muna ang unang nagsalita. "Hi. I'm Euann Wisteria. Kamag-anak ka ba nina tito at tita?" Pakilala at tanong nito kay Eunna. "Hello. I'm Eunna Rosa Alba. Parang ang coincidence noh. Halos same tayo ng pangalan. Higit sa lahat, parehong pangalan pa ng bulaklak ang surname natin. Same kay Eunice." Wika ni Eunna na biglang nalungkot ng mabanggit ang pangalan nito. "Kilala mo si Eunice?" May diing wika ni Euann na iling lang ang naging sagot ni Eunna. "Si Eunice ang hear-----." Hindi natuloy ang sasabihin ni Eunna ng marinig niya ang boses ng bagong kapapasok lang. "Eunna, nandito ka pala. Natutuwa akong mapadalawa ka. Euann?" Gulat na tanong ni Mr. Rosa Robiginosa, at nasa likuran nito ang asawa. "Hi tito, tita. Nais ko lang sana kayong dalawin. Kaano-ano n'yo po s'ya?" Tanong naman ni Euann na napatingin naman si Mrs. Rosa Robiginosa kay Eunna. "Ah malayo naming kamag-anak." Saad ng ginang at ngiti lang ang naisagot ni Eunna. Nagkakwentuhan pa sila ng matagal, ngunit hindi malaman ni Eunna kung ano ang humahatak sa sarili niya para palaging titigan ang lalaking si Euann na ipinakilala din sa kanya ng mag-asawa na malayong kamag-anak. Habang nagkukwentuhan ay hindi naman maiwasan ni Euann na titigan ang dalagang nagngangalang Eunna. May something sa puso niya na hindi niya maipaliwanag. Sinabi niya sa sarili niya na hindi niya muling bubuksan ang puso niya, mula ng mawala sa kanya si Eunice. Pero hindi niya maintindihan kung bakit may parte sa puso niya, na masaya siyang makita ang mga ngiti sa labi ni Eunna. Hanggang sa pag-uwi ay hindi malaman ni Euann kung bakit sobrang gaan ng pakiramdam niya na makausap si Eunna. Iyong pakiramdam na sobrang sakit sa pagkawala ni Eunice ay para na lang naglaho na parang bula. Pero ang alaala nito ay naroon pa rin sa puso niya. Halos nasa ilang buwan na rin buhat ng magkakilala si Eunna at Euann. Masaya silang palaging nagkakausap at nagkakasama. Wala pa rin silang kamalay-malay kung sino si Euann at sino Si Eunna sa buhay ni Eunice. Pero sa mabilis na panahon na iyon. Nagkaroon si Euann at Eunna ng puwang sa puso ng isa't isa. Lihim nilang naramdaman ang pagmamahal. Unang pag-ibig ni Eunna si Euann. Habang si Eunna ang dahilan upang magbukas muli ang nakasaradong puso ni Euann. Hanggang sa isang araw ay kinausap ng sarilihan ni Euann ang mga magulang ni Eunice. "Anong nais mong pag-usapan Euann?" Tanong ng daddy ni Eunice, habang nakikinig lang ang asawa nito. "Magagalit po ba kayo kung magmahal ako ng iba?" Tanong ni Euann at nagkatinginan naman ng makahulugan ang mag-asawa. "Anong ibig mong sabihin Euann." Tanong ng ina ni Eunice. "Hindi ko po alam ang nangyayari, pero mula ng makita ko si Eunna. Hindi pa po dito sa bahay ninyo, sa parke sa dinaluhan kong charity even. Nagkaroon ako ng ibang pakiramdam. Akala ko namimiss ko lang si Eunice. Pero, hindi ko po mapaliwanag ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko po minamahal ko na si Eunna." Pag-amin ni Euann, at nakita niyang nakangiti ang mag-asawa. "Pero nakikita mo ba kay Eunna ang anak namin." Tanong ng mommy ni Eunice. "Noong una po, oo. Natutuwa po ako sa kanya, sa mga kilos niya na parang si Eunice. Pero habang tumatagal, nakikita ko po ang tunay na Eunna. Sorry po talaga." Paumanhin pa ni Euann. "Kung ganoon mahal mo na ba talaga ang batang iyon?" Tanong ng daddy ni Eunice. "Sorry po talaga tito, tita. Pero opo. Mahal ko na si Eunna." Sagot niya. "Paano kung sabihin ko sayong, nalagay din sa bingit ng kamatayan ang buhay ni Eunna. Pero dahil sa puso ni Eunice. Nandito pa siya, nakakasama natin. Nakilala mo?" Seryosong tanong ng daddy ni Eunice. "Ano pong ibig ninyong sabihin?" Nagtatakang tanong ni Euann. "Noong araw na naaksidente si Eunice. Isinugod din sa ospital na iyon si Eunna. Kung natatandaan mo. Siya ang babaeng nakatabi ni Eunice sa emergency room. May butas ang puso ni Eunna at need ng heart transplant. Pero wala silang makuhang donor. Hanggang sa tapatin tayo ng doktor na wala ng pag-asa si Eunice. Nang biglang tumunog ang monitor ng heartbeat ng akin anak, ay nagdesisyon akong maging heart donor si Eunice ng pamilya na nasa kabilang operating room. At si Eunna ang dalagang iyon." Mahabang paliwanag ni Mr. Rosa Robiginosa at nawalan ng imik si Euann sa kanyang narinig. Samantala, hindi malaman ni Eunna kung tama ba ang nararamdaman niya para kay Euann. Sa mga panahon na nakilala niya ito, may umuusbong na pagmamahal sa puso niya para sa binata. Kaya naman hindi niya alam ang gagawin kung aaminin ba niya dito o babaliwalain na lang niya. Hanggang sa maisipan niyang magtungo sa museleo kung nasaan ang puntod ni Eunice. Nasa harap na niya si Eunice. Nagtirik muna siya ng kandila, at inilagay ang bulaklak na binili niya. "Eunice kumusta?" Panimula nila. "Sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Sayang lang talaga hindi tayo nagkakilala, siguro naging mabuti tayong magkaibigan. Hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman ko. Hindi ako pamilyar. Pero napakasaya kong nakakausap si Euann. Hindi ko masabing dahil lang sa puso mo, kaya ko nararamdaman ang bagay na ito. Dahil sabi naman ni tito malayo ninyo siyang kamag-anak. Nararamdaman kong minamahal ko si Euann. Eunice bigyan mo naman ako ng sign kung paano ko aaminin sa kanya na mahal ko siya." Pagkukwento pa ni Eunna, kahit alam niyang wala namang sasagot. "Mahal mo ba talaga si Euann?" Tanong na narinig ni Eunna na nagpagulat sa kanya. Mabilis naman siyang napatayo at nakita ang nakangiting mag-asawa. "Kayo po pala. Tito, tita. Napadalaw lang po ako kay Eunice. Sorry po." Nahihiyang wika niya sa mag-asawa. "Bakit ka naman nagsosorry? Gusto mo ba talagang malaman kung sino si Euann sa buhay ni Eunice?" Tanong ng mommy ni Eunice na tango lang ang naisagot ni Eunna. "Anim na taon na naging magkarelasyon si Euann at Eunice. Nagpropose na rin si Euann. Pero bago pa maganap ang kasal, naaksidente si Eunice na naging dahilan kaya nawala siya sa amin, kasama ng aming apo." Naiiyak na wika ng mommy ni Eunice. Niyakap naman ito ng asawa. Naiyak din naman si Eunna sa nalaman. Pero kahit saan niya tingnan. Hindi gawa ng puso ni Eunice kaya niya minahal si Euann. Minahal niya si Euann dahil iyon ang nararamdaman niya. Lumipas ang mga araw na walang Euann na nagpakita sa bahay ng mga Rosa Robiginosa. Palaging dumadalaw si Eunna doon, pero walang Euann na nagpakita. Nasaktan siya ng ikuwento ng mag-asawa ang pag-amin ni Euann, na mahal siya nito. Pero na buhat noong araw ding iyon hindi na rin nagpakita muli si Euann. Nabalitaan na lang din niya sa mag-asawa, na umalis si Euann ng bansa. Dalawang taon ang mabilis na lumipas at walang Euann na nagparamdam. Pero ang nararamdaman pagmamahal ni Eunna para dito hindi man lang nagbago. Lihim niya itong minamahal kahit hindi man lang ito nagparamdam sa kanya. Kahit hindi nito alam, ang nararamdaman niya. Sa parke, kung saan sila unang nagkita ni Euann, ay palaging tumatambay si Eunna. Alam niyang hindi niya makikita doon si Euann, pero ang presensya ng lugar na iyon ang nagbibigay sa kanya ng lakas, para ipagpatuloy ang paghihintay. Wala siyang pakialam kung matagal. Ang mahalaga kay Eunna ay masaya siya sa ginagawa. Maghahapon na ng magpasya si Eunna ang umalis sa parke na iyon. Pinagmasdan pa niya ang paligid, bago siya napabuntong hininga at ipinikit saglit ang mga mata. "I love you Euann, maghihintay ako, kahit gaano katagal. Umaasa ako sa pagmamahal mo sa akin na sinabi mo sa mga magulang ni Eunice." Nakangiting bulong ni Eunna sa hangin. Nang maramdaman na lang niya ang malambot na bagay na dumampi sa kanyang labi. Hindi agad nagawang imulat ni Eunna ang mga mata dahil sa pagkabigla. Hanggang sa nakarinig na lang niya ang malambing na bulong. "And I love you too Eunna Rosa Alba. Sorry natagalan akong bumalik. Pero nandito na ako, at handa na akong iparamdam sayo ang pagmamahal na para lamang sayo." Wika ng lalaking, ngayon ay nakayakap na kay Eunna. Nagmulat ng mata si Eunna at tumambad sa kanya ang gwapong mukha ng lalaking matagal na niyang hinihintay. Nakangiti ito sa kanya, at nakikita niya sa mga mata nito, ang nais niyang makita. Ang labis na pagmamahal. "Euann." Mahina niyang usal, habang ang kanyang mata ay napuno ng luha. Kung noon ay luha iyon ng pangungulila. Ngayon naman ay luha ng labis na kasiyahan at pagmamahal para sa unang lalaking nais niyang pag-alayan ng sarili, habang buhay. FIN...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD