THE SOUND OF SILENCE (Part2)
Sa ilang araw ni Musika sa bahay ni Nate ay nasasanay na siya sa galit nito. Hindi naman siya nasisigawan kaya naman. Nasanay na siya sa pakikitungo nito. Lalo na at expression lang naman sa mukha ito galit at sa way ng pagsusulat nito. Hindi naman siya nakakarinig ng masasakit na salita. Dahil hindi naman nito kayang magsalita. Kaya naman nasanay na rin siya sa mga matatalim nitong titig. Kung titig lang naman ang puro gagawin ng amo niya sa kanya, para mapakitang galit ito. Mas lalong walang problema sa kanya. Kahit pa ang pagsulat nito sa pangalan niya ang Pusa ay tinanggap na niya. Sabi nga 'kung doon si sir masaya, suportahan taka. Hay' wika ni Musika sa kanyang isipan.
Araw ng check-up ni Nate, pero wala siyang balak bumisita sa doktor. Kung wala din naman ang mga itong magagawa para bumalik ang pandinig niya. Para saan pa at magpapagamot siya. Mula ng araw ng trahedya na iyon. Nasira na rin ang buhay niya. Pero ang nais na pagkukulong lang ni Nate sa kwarto ay hindi nangyari. Dumating ang mommy at daddy niya. Kaya naman wala siyang nagawa kundi sumama sa mga ito.
Sakay sila ng kotse at katabi niya ang Pusa niyang katulong alam niyang nagkukwentuhan ito at ang mga magulang niya pero wala siyang pakialam kaya naman tumitig na lang siya sa labas ng bintana.
"Kumusta ang unang linggo mo sa bahay ni Nate, Musika?" Wika ni Natalie.
"Okay na mahirap po. Lalo na po at hindi ko naman po akalain na ganoon ang sitwasyon ni sir. Pero ano po bang dahilan at nawala ang pandinig ni sir. Kung mamarapatin po ninyong malaman ko." Nahihiyang wika ni Musika at napabuntong hininga naman si Natalie.
"Nasa concert si Nate para sa isang charity. Ang beneficiary ay isang ampunan. Habang kumakanta si Nate, nagkaroon ng pagsabog. Iyon ang dahilan kung bakit nadamage ang kanyang pandinig. Tapos dahil sa trauma hindi na rin niya nagawang magsalita." Naluluhang wika ni Natalie ng abutan ito ng asawa ng panyo.
"Tahan na mahal. Babalik din ang pandinig ni Nate, at muling makakapagsalita ang ating anak. Humahanap pa rin ako ng magaling na doktor na eksperto sa kalagayan ni Nate. Tahan na." Malambing na wika ni Nathan sa asawa.
"Ganoon po pala ang nangyari kay Sir Nate. Siguro po ayaw na niya ngayon sa music." Saad naman ni Musika.
"Paano mo naman iyon nasabi hija?" Takang tanong ng mag-asawa.
"Kasi po noong nagpakilala po ako kay Sir Nate binura po niya ang pangalan ko na Musika. Pusa po ang nilagay niya. Tuwing may kailangan po si Sir Nate sa akin Pusa po ang tawag niya sa akin. Hindi naman po niya ako naririnig, gusto pa rin niya tahimik." Reklamo ni Musika na ikinatawa ng mag-asawa.
"Pagpasensyahan mo na si Nate. Mabait na bata at napakamatulungin naman niyan. Siguro lang ay dala ng nangyari sa kanya. Sikat si Nate sa larangan ng musika, at paggawa ng mga komposisyon. Isa din siyang propesor. Pero dahil sa isang trahedya nagbago ang lahat kay Nate. Kaya nakikiusap ako sayo Musika. Ikaw lang ang mapapagkatiwalaan kong makasama ni Nate. Kaya naman sana magtagal ka sa bahay niya." Pakiusap ni Natalie at binigyan naman ito ng ngiti ni Musika.
"Wag po kayong mag-alala maam, sir. Aalagaan ko po si Sir Nate kahit po palaging galit." Seryosong wika ni Musika pero nagpatawa sa mag-asawa.
Nakarating sila ng ospital at sinuring muli kung may pagbabago sa pandinig ni Nate. Nakikita nilang may improvement, pero hindi pa iyon mararamdaman ni Nate. Need lang talaga ni Nate na uminom ng vitamins. Matapos ang ilang payo ng doktor at mabili ang mga gamot at vitamins na kailangan ni Nate at inihatid na sila ng mga magulang ni Nate sa bahay ng mga ito.
Deri-deritso lang si Nate ng paglalakad patungong kwarto niya at hindi man lang tinapunan ng tingin si Musika. Nagkibit balikat lang ang dalaga at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig.
Pero nagulat siya ng makarinig na naman ng pagbabasag ng kung ano si Musika sa kwarto ni Nate. Hinayaan na lang niya itong magbasag ng kung anu-ano at mamaya na lang niya lilinisin pagnawala ang ingay sa loob ng kwarto nito.
Palaging ganoon ang nangyayari kay Nate sa araw-araw. Dumaan ang ilang buwan na pamamalagi ni Musika sa bahay ni Nate ay nasasanay na siya dito. Pagnakakaramdam ito ng matinding sama ng loob dahil sa nangyari sa sarili ay nagbabasag ito ng gamit. Kaya naman hinahayaan na lang ni Musika ang pagiging makalat nito sa kwarto nito. Mahalaga hindi nito kimkimin ang lahat ng sama ng loob. Minsan nakita niya itong nakasiksik sa tabi ng kama, at base sa paggalaw ng balikat nito ay umiiyak ito. Naaawa na talaga siya kay Nate. Pero hindi niya alam kung paano makakatulong. Kahit umiiyak ito sa isang sulok ay itinuloy na lang niya ang paglilinis sa kwarto nito.
Matapos maglinis ay dumiretso na si Musika sa kusina, para nakapagluto ng pananghalian. Kailangan na ring uminom ni Nate ng gamot. Matapos magluto bitbit ang tray ng pagkain. Papasok na si Musika sa kwarto ng amo ng makarinig siya ng mga lagabog at pagkawasak ng kung anong bagay. Kaya naman ibinaba muna ni Musika ang pagkaing dala niya sa maliit na table na nasa tabi ng pinto. Pagpasok niya ay ang magulong kwarto ni Nate. Hindi na mga vase ang binabasag nito. Ang nadatnan naman niya ngayon ay mga sira-sirang gitara, pati ang piano nito ay sira din. Na wari mo ay itunulak at doon inihampas ang gitara. Nakahawak si Nate sa ulo kaya hindi nito nakita ang pagpasok ni Musika.
Umiiyak si Nate, habang hawak ang ulo nito. Nakatakip ang mga kamay nito sa dalawang tainga. Hindi malaman ni Musika ang gagawin. Naaawa na talaga siya sa kay Nate. Alam niyang sobra na itong nahihirapan, dahil sa ilang buwan na rin itong walang naririnig, at hindi nakakapagsalita. Hindi malaman ni Musika ang nangyari dahil kusa na lang siyang lumuhod sa tabi ng amo na nakasalampak sa sahig at niyakap ito.
"Sir Nate, alam kong hindi mo ako naririnig, pero nandito lang ako para sayo. Hindi kita pababayaan. Alam mo bang ulilang lubos na ako dahil sa kapansanan ng mga magulang ko. Bingi si ama, at hindi nakakapagsalita si ina. Iyon ang dahilan kaya sila naaksidente at dahil doon binawian ng buhay. Kung ano man ang nararamdaman mo. Labanan mo lang makakaya mo yan. Maraming nagmamahal sayo. Nandiyan lang ang mga magulang mo. Nandito lang ako. Alam kong hindi tayo bagay. Dahil katulong lang ako. Pero minahal na kita." Pahayag ni Musika kahit alam niyang hindi siya naririnig ni Nate.
Si Nate naman ay natigilan sa ginawa ni Musika. Hindi niya akalain na yayakapin siya nito. Dahil palagi na lang siyang naiinis at alam niyang nahihirapan na ito kalilinis ng mga kalat niya. Pero ngayon, yakap siya nito, na nagbigay ng kapanatagan sa kanyang puso. Hindi malaman ni Nate kung paano susukatin ang sakit ang nangyari sa kanya. Dahil para sa kanya, kalahati ng buhay niya ay musika. Pero ngayon, hindi na niya magagawa pa. Nang dahil lang sa isang trahedya, nawala sa kanya ang lahat. Ang kakayahang kumanta, at marinig ang mga ginawa niyang komposisyon. Hindi sa lahat, ninakaw ng trahedyang iyon ang propesyon niya na magturo.
Napatingin naman si Nate sa mukha ni Musika. Unang kita pa lang nito sa dalaga, ay talaga namang nagandahan siya dito. Pero dahil sa kapansanan niya, hindi niya maentertain ang nararamdaman niya para dito. Sinong matinong babae ang magkakagusto sa isang wala pandinig at walang kakayahang magsalita. Siguradong wala.
Ilang sandali pa ay naramdaman naman ni Musika na kalmado na ang kanyang amo. Kaya naman ay medyo nilagyan niya ng espasyo ang kanilang mga katawan. Kinuha naman niya ang notebook sa kanyang bulsa at nagsulat.
"Sir Nate, kukunin ko lang ang pagkain mo sa table sa may pintuan. Kumain ka na ha. Habang naglilinis ako ng kwarto mo." Basa naman ni Nate sa sinulat ni Musika na ikinatango lang niya. Hindi malaman ni Nate ang sarili. Dahil lang sa yakap ni Musika ay parang napapasunod siya nito.
Nagpasalamat naman si Musika na ang coffee table sa loob ng kwarto ni Nate ay, hindi naabot ng kalat ng mga sirang instrumento, kaya naman nailagay niya kaagad doon ang pagkain nito. Inalalayan naman ni Musika si Nate papalapit sa table. Nang makaupo na si Nate ay muling nagsulat si Musika.
"Kain ka lang ng kain sir na. Lilinisan ko lang po itong kwarto mo. Wag mo po akong pansinin okay. Pagkatapos mo pong kumain, inumin mo po iyang mga vitamins mo. Pakiusap sir. Para naman maging maayos ka na. Tulungan mo po ako sa trabaho ko sa pamamagitan ng pagtulong mo sa sarili mo. Okay." Matapos magsulat sa notebook ay ibinaba naman ni Musika ang sinulat niya sa harapan ni Nate. Hinintay muna nitong basahin ng amo ang sinulat niya. Hindi siya umaalis hanggang hindi ito sumasagot.
Napabuntong hininga na lang si Nate, sa nabasa niya si sulat ni Musika. Kaya naman tumango na lang siya. Nang makita ni Musika ang kanyang sagot ay napansin pa niya ang pagpalakpak nito at pagngiti, tapos ay nagthumb-ups pa sa kanya bago mabilis na umalis sa harapan niya.
Napailing na lang si Nate at ipinagpatuloy ang pagkain. Kita naman niya ang maliksing pagkilos ni Musika habang naglilinis sa loob ng kwarto niya.
Mula ng mangyari ang pagyakap ni Musika kay Nate ay parang naging magaan ang pakikitungo nga dalawa sa isa't isa. Hindi na rin palaging galit si Nate pero hindi pa rin nawawala ang pagtawag nito ng Pusa sa kanya.
Nasa kusina si Musika ng biglang sumulpot si Nate sa tabi niya at ipinakita amg nakasulat sa notebook nito.
"Pusa, gawa ka ng orange juice, tapos maglabas ka na rin ng cookies. Dalawa ang gawin mo. Tumigil ka muna sa ginagawa mo dito. Rest ka muna. Sa garden tayo." Basa ni Musika sa sinulat ni Nate ng saluduhan niya ito at ngitian.
Umalis na rin naman si Nate sa kusina at hinayon ang patungong garden. Doon na lang niya hihintayin ang Pusa. Pagdating ni Nate sa garden ay naupo siya sa upuan na nandoon. Nakatuon ang mga kamay sa table ay napatingin siya sa kalangitan.
"Hindi ko po alam kung ano ang dahilan at ibinigay ninyo sa akin ang pagsubok na ito. Alam naman po ninyong ang musika at pagiging kompositor ang buhay ko. Pero binawi po ninyo. Pero ngayon, parang nauunawaan ko na ang lahat. Hindi po talaga ninyo ibibigay ang isang pagsubok kung hindi namin kakayanin, at kung walang dahilan." Saad ni Nate sa isipan sa maaliwalas na kalangitan.
"Pero mula po ng yakapin ako ni Pusa, noon ko narealize talaga ang lahat. Kung hindi po ako nagkaganito, hindi ko siya makikilala. Kaya mula ng araw na iyon, binago ko po ang sarili ko. Pinilit kong maging mabuti ang pakikitungo sa kanya. Pero nais ko pa rin po sanang makarinig at makapagsalita. Hindi ko man po magawang umawit muli. Makagawa man lang sana ako ng mga komposisyon at iaalay ko iyon kay Musika." Dagdag pang wika ni Nate, sa isipan habang nakatingin pa rin sa langit.
Naagaw naman ang atensyon niya ng babaeng papalapit sa kanya. Dala ang tray na may lamang dalawang baso ng orange juice at madaming cookies.
"Ang ganda mo." Basa kaagad ni Musika na sinulat ni Nate. Hindi malaman ni Musika kung tama bang kiligin dahil baka naman wala lang ang sulat na iyon ni Nate.
Inilagay ni Musika ang baso ng orange juice ni Nate sa tapat nito. Habang ang cookies ay nasa gitna nila. Wala naman silang mapapag-usapan ng oras na iyon dahil hindi naman siya naririnig ni Nate. Kaya naman inilabas ni Musika ang isang word hunt book. Doon nila inilaan ang kanilang oras. Hindi man nakakapagsalita. Pero naging masaya si Nate.
Nang matapos nila ang buong libro sa paghahanap ng mga salita ay hinawakan ni Nate ang kamay ni Musika. Hindi naman malaman ni Musika kung para saan. Pero may kakaibang hatid ang pagtitig ni Nate sa kanya. Hanggang sa hindi nila namalayan na magkalapat na ang kanilang mga labi. Natauhan naman si Musika at nahiya sa kanyang ginawang pagtugon sa halik ni Nate. Pero kita niya ang takot at lungkot sa mga mata nito.
"Hindi ko alam ang dahilan mo kung bakit mo ako hinalikan. Pero kung pagmamahal iyon. Masasabi kong napakasaya ko dahil sa kabila ng lahat ng nangyari minahal kita Nate. Mahal na mahal." Pag-amin ni Musika kahit alam niyang hindi siya nariring ni Nate.
"Mahal kita Pusa." Sulat ni Nate na biglang nagpatawa kay Musika. Nagsulat din naman si Musika ng sagot.
"Mahal din kita Sir Nate." Nakangiting binasa ni Nate ang sinulat ni Musika pero binura nito ang salitang sir. Napangiti naman si Musika sa ginawa nito.
"Mahal din kita Nate." Saad ni Musika na mababasa naman sa bukas ng bibig ang sinabi nito kaya naman hindi na nagdalawang isip si Nate na halikan muli sa labi si Musika.
Palalim ng palalim ang halik na kanilang pinagsasaluhan ng makarinig si Musika ng babaeng nagsalita.
"Susmayusep mahal. Wrong timing tayo. Ano ba? Kinikilig ako." Wika ni Natalie, kaya naman naitulak ni Musika si Nate. Gulong-gulo naman si Nate sa inasal ni Musika. Hanggang sa ituro ni Musika ang mga magulang ni Nate na papalapit sa kanila.
Natutop naman ni Nate ang noo. Dahil sa wala nga siyang naririnig hindi man lang niya napansin ang pagdating ng mga magulang. Nakangiti naman si Natalie kay Musika na ngayon ay hiyang-hiya.
"Maam. Sir!" Sambit ni Musika at biglang napatayo.
"Wag kang mahiya Musika. Masaya akong sa dami ng babaeng naghahabol dito kay Nate noong hindi pa nangyayari ang trahedya na iyon ay wala akong nagustuhan ni isa. Masaya akong ikaw ang gusto ng anak ko. Kaya wag kang mahiya. Pero may ibabalita kami. Isang bad news at isang good news." Wika ni Natalie at naupong muli si Musika sa tabi ni Nate.
Nagsulat naman si Natalie sa notebook ni Nate. Medyo kinakabahan naman si Musika sa sasabihin ng mga magulang ni Nate. Matapos magsulat ay ipinakita ni Natalie Ng sinulat nito.
"Anak may good news ako. Nakahanap na kami ng magandang ospital at magagaling na doktor na pwedeng gumamot sayo. May pag-asa kang makarinig muli at makapagsalita. Ang bad news sa ibang bansa. Ngayong nagmamahalan kayo si Musika, kailangan ninyong magpakatatag, lalo na at maiiwan mo dito si Musika. Magpagaling ka muna Nate sa ibang bansa bago mo muling balikan si Musika." Basa nilang dalawa na parang may kirot sa puso ni Musika. Gusto niyang gumaling si Nate. Pero ang kapalit noon ay ang pag-alis nito ng bansa. Nag-aalangan man. Mas pinili ni Musika na gumaling si Nate. Mahirap ang walang naririnig, at hindi nakakapagsalita. Dahil nakita niya iyong paghihirap ng mga magulang niya noon.
Nakatingin naman si Nate kay Musika na hindi malaman kung ano ang gagawing desisyon ng biglang tumango si Musika. Alam ni Nate na sinusuportahan siya ni Musika sa pamamagitan ng tango na iyon. Masakit lang dahil kung kailan niya narealize na mahal na niya ang dalaga. Saka naman siya mapapalayo dito. Kinuha naman ni Musika ang ballpen at notebook saka nagsulat. Kitang-kita ni Nate ang panginginig ng kamay ni Musika. Alam niyang umiiyak na ito.
"Babalikan mo naman ako di ba? Kaya magpagamot ka. Hihintayin ko ang pagbalik mo pangako. Uuwi ka naman sa akin di ba?" Sulat ni Musika. Na umiiyak pa rin habang binabasa ni Nate ang sinulat niya.
"Pangako, babalik ako at babalikan kita. Dito ka lang sa bahay ko, at huwag kang aalis. Hintayin mo ako kahit matagal ha. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magpapagaling pero maipapangako ko sayong babalik at babalik ako sayo." Pakiusap pa ni Nate na ikinatango ni Musika.
Nang araw ding iyon ay inihanda na nila ang mga gamit ni Nate pag-alis. Kasama ang mga magulang ni Nate. Naiwan si Musika na nag-iisa sa bahay ni Nate. Bawat araw na lumilipas ay naghihintay lang siya sa pagdating ng binata. Wala silang komyunikasyon. Ang pinanghahawakan lang niya ay ang sinabi nito na babalikan siya ng binata. Kaya ang dapat lang niyang gawin ay maghintay dito.
Lumipas ang araw, at naging linggo, hanggang sa umabot na ng buwan. Pero walang Nate na bumalik. Ang isang buwan ay nadagdagan pa ng ilang buwan hanggang sa naging taon. At ang taon ay umabot sa tatlo pang taon. Malungkot mamuhay mag-isa sa malaking bahay na iyon tapos siya lang mag-isa. Pero pinagkakasya na lang niya ang sarili na makinig sa mga music na nandoon sa bahay ni Nate. Palagi niyang pinapakinggan ang mga awitin nito noong nagagawa pa nitong kumanta. Sa pamamagitan noon ay naiibsan ang kanyang kalungkutan.
Naglilinis si Musika ng bahay habang nakasuot ng headset at malakas ang tugtugin. Sumasayaw pa siya at sumusunod ang katawan sa malamyos na musika. Sa totoo lang mahilig si Musika sa kanta. Ang masakit lang ang kanta ang ayaw sa kanya. Wala namang makakarinig sa kanya kaya naman patuloy lang siya sa pag-awit kahit pwede na siyang isumpa ng buong bahay ni Nate kung nakakapagsalita lang sana iyon.
Umikot pa si Musika na wari mo ay may kasayaw na sweet kahit ang katunayan ay mop ang hawak niya. Pag-ikot niya ay ang lalaking matagal na niyang hinihintay ng ilang taon ang nabungaran niya. Inalis ni Musika ang headset na nasa kanyang tainga. Hindi niya magawang makapagreact dahil baka mamaya ay mawala lang sa kanyang paningin ang nakikita niya.
"Buti na lang hindi nagrereklamo ang mga gamit dito sa bahay pagkumakanta ka." Pagbibiro ni Nate kaya hindi na napigilan ni Musika ang maiyak.
"Tama talagang Pusa ang pangalan mo. Kasi ang pusa pag-umaawit pero hindi nagpapahalata." Natatawang wika ni Nate.
"Kasi Musika ang pangalan mo, pero ang musika ayaw sayo." Dagdag pang biro ni Nate, ng takbuhin siya ni Musika na muntik na nilang ikatumba.
"Babe easy. Excited na kaagad." Wika pa ni Nate at hindi pa rin makapaniwala si Musika na nasa harap niya ang binata. Niyakap agad ng mahigpit ni Musika si Nate. Sa tagal ng panahon na hindi niya ito nakita ay sobrang pagkamiss ang nararamdaman niya dito. Kaya naman mas lalo siyang naluha ng mahawakan at mayakap niya si Nate. Hindi talaga siya nananaginip. Hindi lang siya namamalikmata. Totoong nandoon si Nate. Nayayakap at nahahawakan niya.
"Relax, nandito na ako at hindi na kita iiwan. Higit sa lahat naririnig na kita at nagagawa ko nang magsalita muli. Sorry kong natagalan. Pero nandito na ako at hindi kita iiwan." Wika ni Nate na mas nagpaluha kay Musika.
"N-Nate." Nauutal na wika ni Musika habang patuloy pa ring umiiyak. "Totoong nandito ka na? Hindi mo na ako iiwan? Namiss kita ng sobra. Miss na miss." Habang mahigpit na yakap pa rin si Nate.
Pumasok din sa loob ng bahay na may ngiti ang mga mga magulang ni Nate.
"Musika, salamat dahil hinintay mo talaga si Nate. Hindi talaga ako nagkamali na ikaw ang napili kong makasama niya noon dito sa bahay. Noong nakita ko ang resume mo. Alam kong mauunawaan mo si Nate sa sitwasyon niya. Kaya salamat. Hindi namin ito nasabi noon. Pero ngayon. Welcome to the family Musika. Ikaw talaga ang gabay ni Nate sa nakabibinging katahimikang nangyari noon. Ikaw ang naging musika ni Nate. Salamat Musika." Naluluhang wika ni Natalie, at niyakap siya ng ginang. Ganoon din ang ginawa ni Nathan.
Nasa hapag sila ngayon. Si Natalie ang nagluto katulong si Musika. Masaya silang kumakain ng magtanong si Nate.
"Mom, dad. Matagal ko ng gusto itong itanong. Ano ang dahilan ng pagsabog noong charity event? Gusto kong magtanong pero hindi pa ako handang malaman noon. Pero ngayon, gusto kong malaman." Tanong ni Nate. Nagkatinginan naman ang kanyang mommy at daddy.
"Gusto man naming sabihin noon pero alam kong masasaktan ka. Si Kevin ang dahilan ng lahat ng nangyari sayo. Gawa ng frustration sa mga magulang niya. Pero hindi kinaya ni Kevin ang lahat. Sumuko siya sa batas." Malungkot na pahayag ni Natalie.
"Dad, nasaan si Kevin ngayon?" Tanong ni Nate.
"Nakakulong pa rin si Kevin ngayon anak." Malungkot na sagot ni Nathan.
Naging tahimik ang pagkain nilang iyon. Alam nilang masakit para kay Nate ang nalaman. Si Kevin lang ang nag-iisa nitong kaibigan at itinuring pang kapatid. Kaya naman ngayon hindi nila alam kung paano icomfort ang anak. Mabuti na lang nasa tabi nito si Musika.
Nasa byahe si Nate at Musika. Nakakapagmaneho na ulit si Nate ngayon. Hindi naman malaman ni Musika kung saan sila pupunta. Hanggang sa makarating sila sa lugar na iyon.
Pagpasok nila, ay sinabi kaagad ni Nate kung sino ang kanilang pakay. Nasa visitors area sila ng makita ang lalaking naging dahilan ng pagkawala ng pandinig ni Nate.
"Kevin kumusta?" Tanong ni Nate na nakita naman niya sa mata ni Kevin na masaya itong nakakapagsalita na si Nate.
"Masaya kong nakakapagsalita ka na ulit. Malamang ay nakakarinig ka na rin. Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo. Alam ko ding hindi mo ako mapapatawad. Pero hihingi at hihingi pa rin ako ng tawad." Umiiyak na wika ni Kevin. Habang humihingi ng tawad. Pero hindi pa nakontento si Kevin at lumuhod pa ito.
"Maniniwala ka bang pinapatawad na kita? Bukas na bukas makakalabas ka narin. Hindi ko kayang magalit sayo. Oo mahirap ang pinagdaanan ko. Pero alam mo bang nagpapasalamat ako sayo. Kund hindi nangyari ang bagay na iyon sa akin, hindi ko makikilala si Musika. Si Musika ang aking naging musika sa tahimik kong mundo, noong wala akong marinig at hindi ako nakakapagsalita. Ngayon ipinapakilala ko sayo ang girlfriend ko. Si Musika Clarinet." Pagpapakilala ni Nate sa kanyang kasintahan kay Kevin.
"Salamat Nate. Salamat." Mas lalong umiyak si Kevin sa sinabi ni Nate.
"And one more thing. Ikaw ang bestman ko sa kasal namin ni Musika ha." Nakangiting wika ni Nate na ikinatango ni Kevin.
Isang buwan lang ang lumipas at naganap ang kasal ni Nate at Musika. Nandoon din si Kevin, ngaunit wala ang mga magulang nito.
"Congrats bro. Best wishes. Masaya akong nakita mo na ang babaeng mamahaling mo habang buhay." Wika ni Kevin.
"Thank bro. Darating din ang para sayo." Masayang wika ni Nate at tinapik lang siya ni Kevin sa balikat at iniwan na sila.
Magkaharap sila ni Musika, at kitang-kita niya saya at pagmamahal ni Musika sa kanya.
"I love you Musika." Saad ni Nate at hinalikan ang asawa sa labi.
"I love you too Nate. Mahal na mahal kita." Nakangiting wika ni Musika at humarap na sila sa mga bisita.
Sa dami ng ating pinagdaanan sa buhay. Hindi natin maiiwasan na ang kasiyahan natin ay naging inggit sa iba. Hanggang sa umabot sa kasakiman. Pero ang taong may busilak na kalooban. Kahit gaano pa kasama ang ginawa ng taong galit sayo, at nakita mo namang nagsisi siya sa ginawa niya. Hindi mo kailangang bumilang ng ilang panahon. Dahil ang kapatawaran na hinihingi ng taong humihingi ng tawad sayo, ay buong puso mong maiibigay.
FIN...