THE SOUND OF SILENCE (Part1)
Isang magaling na kompositor at mang-aawit si Nate Madrigal. Sikat siya sa unibersidad kung saan nagtuturo siya bilang propesor. Hindi lang kasi ang pagiging mang-aawit ang pinagkakaabalahan niya. Nais din niyang magturo. Nasa elementary pa lang noon si Nate ng nakitaan siya ng potensyal na maging sikat sa larangan ng musika, balang araw. Marunong siyang gumamit ng iba't ibang instrumento. Gitara, piano, violin, clarinet, ukelele at kung anu-ano pa. Kaya naman pagtungtong niya sa kolehiyo, isa si Nate sa naging pambato ng unibersidad sa iba't ibang larangan ng musika. Sa mga patimpalak, gamit ang kamay at isip sa pagbuo ng isang komposisyon ay hindi din nagpatalo si Nate. Kaya naman siya palagi ang itinatanghal na kampiyon.
Nang makatapos ng pag-aaral ay sinikap ni Nate na matupad ang kanyang pangarap. Kaya naman ang mga libre niyang oras ay itinuon niya sa pagtuturo sa dating unibersidad. Seryoso si Nate bilang propesor, dahil ang nais niya ay matuto ang kanyang mga estudyante. Pero mabait at pakaibigan ito na talagang hinahangaan ng lahat.
Marami na ring kanta ang nagawa at nairecord ni Nate. Naging mabenta rin sa merkado na talagang tinatangkilik ng madla. Minsan maririnig mo na lang ang mga awitin niya kung saan. Lalo na at matanda man o bata ay nahuhumaling sa kanyang awitin. Dahil sa kanyang husay. Ang boses niya ay maihahalintulad sa isang babasaging kristal. Love song ang kalimitan niyang awitin, na bumabagay sa mga taong, in love, broken hearted, nabigyan ng second chance at mga hindi nawawalan ng pag-asa.
Dumating ang pagkakataon na may inorganisa ang manager ni Nate na isang charity event. Ang kikitain ng concert ay mapupunta sa mga bata sa ampunan. Hindi naman nagdalawang isip si Nate dahil bukal sa talaga sa loob niya ang tumulong. Sa ilang araw na preperasyon ay nakakasama niya ang nag-iisang kaibigan na si Kevin. Silang dalawa lagi noon ang magkakompitensya. Pero kahit magkalaban man, tunay na kaibigan at halos kapatid na rin ang turing ni Nate dito.
"Goodluck pare sa concert mo na ito. Kaya talagang ako ay sayo eh." Biro pa ni Kevin kay Nate na ikinangiti nito.
"Hala naman ito oh. Tayo kayang dalawa ang magdadala ng event na ito. Alam mo namang ako lang ang nakafront na concert ko na ito pero ikaw kaya ang special guest ko. Kaya goodluck sa ating dalawa. Sana ay maging matagumpay ang concert na ito at walang aberya. Para ito sa mga bata sa ampunan." Masayang wika ni Nate at nagready na sila.
Narinig ang masigabong palakpakan, at hiyawan sa loob ng stadium. Ang boses ng mga taong nanonood na sumasabay sa pag-awit ni Nate ang nagbibigay inspirasyon sa binata para lalong pagbutihin ang napiling propesyon. Hanggang sa kalagitnaan ng concert ay may biglang sumabog na ikinawindang ng lahat.
Nagkagulo ang mga tao sa loob at nagmamadaling lumabas. Ang pagsabog ay nagmula sa pinaka stage. Kung saan nandoon si Nate sa gitna, at inaawit ang isa sa pinakasikat niyang komposisyon. Habang nagkakagulo ang mga tao sa paglabas. Ay siya namang pagkakagulo ng mga staff sa concert na iyon. Bumagsak si Nate sa gitna ng stage. Tulala ito at halos hindi gumagalaw. Mabilis namang nakatawag ng ambulansya ang mga tauhan sa konsyerto.
"Nate! Nate! Can you hear me? Nate? Oh my God!" Bulalas ng lalaking manager ni Nate ng daluhan ito ng magulang ng binata.
"Nate? Baby? Are you okay? Baby! Nate! What happened to you? Speak to mommy. Oh my baby. Nate?" Lumuluhang sigaw ng mommy ni Nate habang inaalalayan ito ng kanyang ama.
Lahat ng nasugatan sa insidenteng iyon ay dinala sa ospital at nilapatan ng pangunang lunas. Wala namang malalang nagtamo ng injury, maliban kay Nate na tulala pa rin at hindi nagreresponse.
Lahat ng mga nasugatan at nasira sa event na iyon ay binayaran ng management na nag-organisa ng event. Wala namang nagreklamo na manonood ng mga oras na iyon. Lalo na at ang simpatya ng mga ito ay nandoon kay Nate. Naging usap-usapan ang pagiging tulala ni Nate dahil sa trahedyang nangyari. Pero wala pa ring linaw ang mga tao kung ano ang tunay na kalagayan ni Nate. Ang alam ng nila ay ligtas ito.
Isang linggo na ang nakakalipas mula ng mangyari ang trahedyang iyon. Napagalamang nagkaroon ng problema si Nate sa kanyang pandinig. Sa ngayon ay hindi nila matukoy kong ang pagkawala ng pandinig ni Nate, ay mabilisan lang, pangmatagalan o panghabang buhay. Pero ayon sa payo ng doktor mas mabuting makahanap sila ng mas magaling pang doktor na ekperto sa kalagayan ni Nate. Dahil wala silang ibang makita na damage. Pwedeng gawa ng trauma ang dahilan ng kanyang pandinig, na pwedeng maibalik ng operasyon. Pero sa ngayon ang maipapayo nila ay ang pahinga at ang palagiang check up at ang pag-inom ng vitamins at gamot.
Napaiyak naman ang mommy at daddy ni Nate dahil sa nangyari sa anak. Hindi nila matanggap ng dahil lang sa trahedyang iyon. Nawala ang lahat ng pangarap ng nag-iisa nilang anak.
"N-Nathan, gumawa ka ng paraan para makarinig muli ang anak mo, ang anak natin. Nathan." Umiiyak sa saad ni Natalie sa asawa.
"Wag kang mag-alala mahal ko. Hahanap ako ng doktor na makakatulong sa ating anak." Paninigurado ni Nathan sa asawa. Solong anak lang nila si Nate. Kaya naman lahat ng nais nito ay kanilang ibinibigay. Kaya naman hindi sila makakapayag na basta ganoon na lang ang insidenteng iyon.
Pinaimbistigahan ni Nathan ang pangyayari sa concert. Noong una ang sinabi ng namamahala sa event ay gawa ng maling boltahe ng isinaksak na instrumento, kaya naman biglang nagkaroon ng pagsabog. Pero hindi pumayag si Nathan ng dahil lag doon ay bibigay ang gitna ng stage. Hanggang sa malaman nilang sinadya ang pagsabog. May nakitang dalawang low class bomb sa pwesto kung nasaan si Nate. Hindi iyon makakapatay, pero pwede kang mapinsala kung nasa tapat mo ang bomba. Iyon ang nangyari kay Nate. Nagkaroon ito ng problema sa pandinig.
Habang lumalakad pa ang masusing imbestigasyon ay sumuko naman si Kevin. Ang nag-iisang kaibigan ni Nate. Nagawa niya ang bagay na iyon dahil sa pangmamaliit ng mga magulang sa kanyang narating. Nagsasawa na siya sa mga pagkukumpara ng mga ito kay Nate at sa kanya. Pero hindi na kinaya ng kanyang konsensya. Si Kevin mismo ang sumuko sa batas sa kasalanang kanyang ginawa. Alam ni Kevin na walang kapatawaran ang ginawa niya kay Nate. Pero humingi pa rin ng tawad si Kevin sa mga magulang ni Nate, bago nagtungo sa mga pulis. Pero hindi pinaalam ng mag-asawa na si Kevin ang dahilan. Alam nilang mas masasaktan si Nate na ang itinuring nitong kapatid ang naging mitsa ng pagkasira ng sariling buhay.
Dalawang linggo pa ang itinagal ni Nate sa ospital. Para mapagaling ang ibang sugat na natamo nito sa katawan. Hindi pa rin matanggap ni Nate ang pagkawala ng kanyang pandinig. Pero ang ipinagtataka ng mga magulang ay ang hindi na rin nito pagsasalita.
Lalo namang bumuhos ang luha ni Natalie ng sabihin ng doktor ng dahil sa trauma na dinanas ni Nate sa pangyayaring iyon ay naapektuhan din ang pagsasalita nito. Kaya na kay Nate na ang lahat ng kasagutan kung gugustuhin pa ba nitong magsalita o hindi na. Kasabay ng pagkawala ng pandinig ni Nate ay nawalan na rin ito ng ganang magsalita.
Pagkauwi nina Nate ng bahay niya ay dumiretso na si Nate sa kanyang kwarto. Hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang mga magulang. Gusto niyang mapag-isa. Hindi malaman ni Nate kung paano pa magpapatuloy sa buhay. Kung ang musika na isa sa kasiyahan niya sa buhay ay nawala pa sa kanya. Pakiramdam ni Nate ay pinagkait sa kanya ang mabuhay ng masaya.
Nakahiga si Nate sa kama at nakatulala lang sa kisame ng kwarto niya. Tinawag na siya ng mommy niya para kumain. Pero hindi man lang pinansin ni Nate ang mommy niya. Cellphone ang way ng communication nila. Kaya nasasabi ng mommy niya ang nais nitong sabihin. Pero wala lang ito sa kanya.
"Nate naman kumain ka na. Kagabi pang walang laman ang tiyan mo." May inis ang momny niya habang nagta-type dahil sa katigasan ng ulo ng anak. Nang abutin ni Nate ang notebook niyang wala pang kahit na anong sulat, pati ang kanyang ballpen.
"Mom, please leave me alone! Pabayaan na ninyo ako!" Sulat ni Nate.
"Nate, babalik kami ng daddy mo sa trabaho. Mag-isa ka lang na maiiwan dito sa bahay. Mag-hired ako ng katulong na magbabantay sayo. Tapos next week babalik ka sa ospital para sa treatment mo. Para makarinig ka ulit." Sagot ng mommy niya na ipinakita ang tinype nito sa cellphone.
"Hindi ko kailangan ng taga bantay o taga pag-aalaga. Hindi ako seven years old na alagain!" Inis na sulat muli ni Nate sa notebook niya at tinalikuran na ang ina.
Pero bago lumabas si Natalie sa kwarto ng anak ay may isinulat muna ito sa notebook ng anak.
Nang sumunod na araw wala namang ibang nakitang tao si Nate sa bahay nila. Kaya naman napilitan siyang bumaba sa kusina, para makapagluto ng pagkain. Mas okay na rin na wala siyang kasama sa bahay. Sanay naman siya, buhat ng bumukod siya sa mga magulang.
Pero pagdating niya ng kusina ay naabutan niya ang isang babae na busy sa pagluluto. Naramdaman yata nito ang presensya niya kaya naman napaharap ito sa kanya. Maganda naman ang ngiti na ibinigay sa kanya ng babae. Bagay sa maliit nitong mukha ang kagandahang taglay nito. Pero ang hindi niya maintindihan ay ang biglang pagkabog ng puso niya.
"Hi Sir. Ako po si Musika Clarinet. Ako po ang magiging kasambahay po ninyo sabi ni Maam Natalie. Kaya kung may ipag-uutos po kayo, sabihin lang po ninyo kaagad." Bati ni Musika sa lalaking papasok ng kusina. Sabi kasi ng kanyang amo na babae, ay ang anak nito ang kanyang magiging boss.
Nakatingin lang si Nate sa babae na salita ng salita. Dahil wala naman siyang naririnig ay hindi na lang niya pinansin ito. Kaya naman sa halip na magluto ng pagkain, ay uminom na lang si Nate ng tubig at nilampasan muli ang dalaga, at bumalik ng kwarto.
"Ang suplado naman ng boss ko na iyon. Sayang ang kagwapuhan niya. Napakasungit." Inis na saad ni Musika sa sarili at nagpatuloy na lang sa pagluluto.
Pagbalik ni Nate sa kwarto ay kinuha naman niya ang notebook niya, ng bigla niyang makita ang sulat kamay ng ina. "Nate mamaya dadating si Musika. Siya ang magiging katulong mo dito sa bahay. Mabait na bata si Musika kaya naman pakisamahan mo ng maayos." Basa niya sa sinulat ng mommy niya.
'Tss. Musika. Hindi bagay sa kanya.' Wika ni Nate sa isipan kaya naman pinalitan niya ang pangalan ni Musika ng Pusa.
Matapos makapagluto ay hinayon naman ni Musika ang kwarto ni Nate. Alam niya ang kwarto nito dahil kagabi bago umalis ang kanyang mga amo ay itinuro na nito ang kwarto ng anak.
"Sir, nakapagluto na po ako. Kumain na po kayo." Sigaw ni Musika habang kumakatok. "Sir! Sir Nate!" Paulit-ulit na tawag ni Musika pero walang sumasagot. Kaya naman unti-unti niyang binuksan ang pinto at nakita niya si Nate na nakaupo lang sa kanyang kama.
Naramdaman na lang ni Nate na may pumasok sa kwarto niya kaya naman, napaharap siya dito. Nakita niya ang babaeng nasa kusina na ikinakunot ng noo niya. Kinuha ni Nate ang notebook niya at nagsimulang magsulat.
"What do you want?" Nakakunot noong tanong ni Nate ng iharap kay Musika ang notebook na hawak niya.
Napanganga naman si Musika ng makita ang sulat ng amo niya. Doon lang niya naalala ang sabi ng amo niyang babae na need niya ng notebook at ballpen, at apron na may malaking bulsa para palagi siyang may dalang notebook. Hindi sinabi ng boss niya ang sakit nito. Pero binilinan siyang, sa araw ng check up ay sasamahan niya ito.
Kinuha ni Musika ang notebook niya at muling nagpakilala.
"Sir ako po si Musika Clarinet. Ako po ang magiging katulong po ninyo dito sa bahay. Bali nakaluto na po ako. Pwede na po kayong kumain." Sulat ni Musika at iniharap kay Nate.
Napakunot naman si Nate ng makita ang pangalan ng babae. 'Musika na Clarinet pa? Bagay talaga sa kanya ang Pusa.' Wika ni Nate sa isipan.
"Wala akong ganang kumain. Pwede bang lumabas ka na Pusa." Basa ni Musika sa sinulat ni Nate, at napakunot naman ang kanyang noo.
"Wait lang sir ha! Pusa? Hindi Pusa ang pangalan ko kundi Musika!" May diing pagsusulat ni Musika ng iharap niyang muli kay Nate ang notebook niya.
"Wala akong pakialam kung ano ang pangalan mo. Basta para sa akin Pusa ka. Tsupi!" Basa ni Musika sa sinulat nito na ikinainis niya.
"Sir, nakakainis ka na ha! Hindi ka ba nahihirapang magsulat? Ano ito praktisan? Aba naman nakakangalay magsulat ng magsulat, tapos ganyan pang katigas ang ulo mo. Kakain ka na lang at iinum ng mga gamot at vitamins mo hindi mo pa magawa! Ano ka bata? Mas mabuti pa ang five years old na bata eh, madaling turuan. Pero ikaw ang laki-laki mo na. Dapat magsulat para lang makausap!" Inis na singhal ni Musika, habang nakatitig lang si Nate sa kanya. Napatingin naman si Musika at muling nagsulat si Nate.
"Sa lagay ng itsura mo kanina. Galit na galit ka ah." Sulat ni Nate.
"Hindi ka ba na inform ni mommy na hindi kita naririnig!." Dagdag pang sulat ni Nate na naging magulo ang huling salita dahil parang nanginig ang kamay nito.
"GET OUT!" Capital letter ang ginamit ni Nate para masabing galit na talaga siya, base na rin sa expression ng kanyang mukha.
"Hindi ko po alam." Pinakita naman ni Musika ang sinulat niya.
"I don't care. Get out!" Basang muli ni Musika, bago ibinato ni Nate ang notebook at ballpen na hawak. Napaiktad naman si Musika kaya wala na siyang nakagawa kundi lumabas ng kwarto ni Nate.
Dinig na dinig ni Musika ang pagbabasak ni Nate sa loob ng kwartong iyon. Naaawa siya sa binata, pero wala naman siyang magagawa. Maliban sa alagaan at pagsilbihan ito.
Tanghali na ng wala ng marinig si Musika na kahit na anong kaluskos sa kwarto ni Nate. Kaya mabilis siyang naghanda ng pagkain nito. Hindi na lang niya ito tatanungin bagkos ay dadalahan na lang niya ng pagkain at gamot. Hindi na siya nag-abalang kumatok at basta na lang niya binuksan ang pinto ng kwarto nito. Wala doon si Nate pero narinig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo. Kaya naman ipinatong niya ang pagkain nito sa coffee table na nasa loob ng kwarto nito. Inumpisahan naman ni Musika na linisin ang kwarto ni Nate na punong-puno ng basag na vase. Ang mamahalin at malaking vase na nakita lang niya sa kwarto nito ay halos dinurong nito ng pinung-pino.
Mabilis namang nalinis ni Musika ang buong kwarto ni Nate, bago pa ito makalabas ng banyo. Kaya naman bago siya lumabas ay nag-iwan muna si Musika ng sulat kay Nate.
"Sir Nate. Pakiusap kumain po kayo at uminom ng gamot. Musika."
Pagkalabas ni Nate ng banyo ay nagulat pa siya sa nakita niya. Wala na ang basag na vase at wala na ring mga kalat. Nakita din niya ang pagkain sa table. Nang lapitan niya ito ay nakita pa niya ang sulat mula kay Musika. Pero ng mabasa niya ang pangalan nito ay muli niyang binura at pinalitan ng Pusa.
Continued...