WHEN REVENGE GONE WRONG

4368 Words
WHEN REVENGE GONE WRONG Madami ng tao sa simbahan at lahat ng nandoroon ay excited sa kasal ng isa sa pinakasikat na basketball player ng bansa at sa kanyang long time model na girlfriend. Halos nasa isang oras ng nasa simbahan ang groom dahil sa sobrang excited. Maaga ng isang oras ng dumating ito sa simbahan. Na ngayon ay tinatawanan ng mga bisita. Napakamot na lang sa batok si Yuri Peterson dahil sa sobrang excited ito. Ilang sandali pa ay dumating na ang kanyang magandang bride kaya naman mabilis magtungo sa pwesto ang lahat. Lumakad na ang bestman, sunod ang groom. Kasunod ang mga ninong at ninang nila. Ganoon din ang mga abay. Mula sa nakasarang pintuan ng simbahan ay unti-unting bumubukas at nasisilayan ng lahat ang pagpasok ng napakagandang bride. Suot ang mamahaling traje de boda na parehong nagustuhan ng groom at bride. Habang papalapit kay Yuri ang kanyang mapapangasawa na si Hilary Park, ay siyang pagbilis ng pagtibok ng puso niya. Hindi niya maipaliwanag ang sayang kanyang nararamdaman para sa mapapangasawa. Sa tatlong taon nilang magkarelasyon ngayon matutupad na ni Yuri na ibigay ang kanyang pangalan kay Hilary. Nang makarating sa unahan ay ilang paalalahanan at payo pa ang natanggap ng ikakasal mula sa kanilang mga magulang, bago magkahawak ng kamay na humarap sa altar sa harap ng pari na magkakasal sa kanila. Nagmamadali naman si Irish, makahabol sa kasal ng lalaking sumira sa buhay ng kaibigan niya. Nabigo sa pag-ibig ang kaibigan niya, kaya ngayon ay nandoon ito sa ospital. Dahil sa sobrang sakit ng ginawa ng nobyo nito ay nagawang magpakamatay ng bestfriend niyang si Melanie. Mabuti na lang at hindi malala ang nangyari dito. Pero dahil sa aksidente, nabalian ito ang paa. Kaya naman hindi pa ito makakalakad. Kaya naman, bilang kaibigan gusto niyang ipaghiganti ito. Malapit na siya sa simbahan ng tumigil ang taxi nq sinasakyan niya. "Manong bakit ka po tumigil, malapit na po tayo ng simbahan ng San Agustin di po ba?" Tanong ni Irish sa driver ng taxi. "Ay maam, biglang tumirik po ang taxi ko eh. Pero malapit na maam. Kaya mo na iyong lakadin." Sagot ng driver, kaya naman walang nagawa si Irish kundi ang, bumaba. Matapos magbayad ay mabilis namang tinakbo ni Irish ang patungong simbahan. Bukas ang pintuan at napakaganda ng ayos ng simbahan. Napakadami ding mamahaling sasakyan ang nakaparada sa parking ng simbahan. "Ganoon bang kayaman ang Jiro na iyon? Sa ganda ng mga kotse na nandito, sure na mayaman iyon. Pero lintik lang ang walang ganti! Matapos niyang lokohin ang kaibigan ko. Kahit mayaman pa siyang walang hiya siya. Gaganti ako. Igaganti ko si Melanie!" Wika ni Irish sa sarili bago naglakad papasok sa simbahan. Bago nangyari ang aksidenteng kinasangkutan ni Melanie, ay tinawagan nito si Irish. Sinabi nitong lahat ang ginawa ng boyfriend nito. Bali ex-boyfriend na pala. Mahal na mahal ni Melanie ang walang hiyang lalaki na iyon. Pero pinaglaruan lang pala nito ang kaibigan. Nagpapasalamat na lang siya na hindi naibigay ng kaibigan ang sarili nito, sa walang kwentang Jiro na iyon. Ang masakit lang ay ang ginawa nitong pagpapakamatay. Mabuti na lang talaga at bali lang sa paa ang natamo niya. Kaya naman gagawin niya ang lahat, maipaghiganti lang si Melanie sa ex nito. Lalo na at iyon ang pakiusap nito sa kanya. Nasa harap na siya ng bukas na pintuan ng simbahan, nakita niya ang paglakad ng groom at bride paharap sa paring magkakasal sa mga ito. Napangisi pa siya dahil sobrang engrande talaga ng kasal na naibigay ng manlolokong iyon sa mapapangasawa nito. Habang ang bestfriend niya, hindi malaman kung kailan makakalakad. "Bago natin simulan ang kasal. Mayroon bang tumututol sa pag-iisang dibdib ng mga ikakasal?" Tanong ng pari na siyang ikinatahimik ng lahat. "Sakto lang pala ang dating ko." Saad ni Irish sa sarili ng magmadali itong magtungo sa gitna ng simbahan at sumigaw. "ITIGIL ANG KASAL! MANLOLOKO ANG LALAKING IYAN! IMAGINE, MAGPAPAKASAL SA IBA! HABANG AKO NANDITO AT BINUNTIS NIYA? ANONG KLASENG LALAKI IYANG MAGHAHARAP NG IBANG BABAE SA ALTAR KUNG MAY NABUNTIS NAMAN SIYANG IBA!" Malakas na wika ni Irish na sinabayan na nito ng pag-iyak. Napuno naman ng bulungan ang buong simbahan dahil sa pagsulpot ng estranghera na hindi naman nila nakikilala. Nakatingin naman si Yuri sa mapapangasawa na nagsisimula ng umiyak. "Babe. Listen. Hindi ko siya kilala at wala akong nabubuntis." Paliwanag ni Yuri ng ihampas ni Hilary ang bouquet na hawak nito sa kanya. "I hate you! I hate you Yuri!" Umiiyak na wika ni Hilary at bigla na lang itong tumakbo paalis sa harap ng altar. Nang madaanan ito si Irish ay sinipat muna niya ito. Lalo lang naiyak si Hilary ng mapansing napakasimpleng babae lang ng ipinagpalit sa kanya ng kasintahan. Nang makalabas ng simbahan si Hilary ay nagkagulo naman sa loob ng simbahan. Nakatanggap ng ilang suntok si Yuri, mula sa magulang at ilang kamag-anak ni Hilary. Kahit naman sinong magulang ay walang ibang nais kundi ang mapabuti ang anak. Pero dahil sa isang babaeng nanggulo sa kanilang kasal ay parang nasira ang pangarap niya na panghabang buhay sana. Nakasalampak sa harap ng atlar ang walang kamalay-malay na si Yuri habang nakatingin sa babaeng nasa gitna pa rin ng simbahan. Nakaalis na ang mga kamag-anak ni Hilary. Ng tahimik na ang paligid ay saka lang nag-angat ng ulo si Irish. Kahit papaano ay mugto din ang kanyang mata, dahil sa totohanang pag-iyak, pero fake lang naman ang acting niya. Akmang maglalakad palabas ng simbahan si Irish ng marinig niya ang pagtawag ng groom. Nakangisi pa siya ng humarap dito, dahil naging matagumpay ang pagsira niya sa kasal nito. Ngunit unti-unting nawala ang ngisi niya ng mapansing hindi si Jiro ang tumawag sa kanya. "Miss, anong kabobohan ang ginawa mo, para sirain ang kasal ko? Matagal kong girlfriend at minamahal ang pakakasalan ko. Pero dahil lang sa pagdadrama mong walang sapat na katibayan. Sinira mo ang dapat sana pinakamasayang araw ng buhay ko. Ngayon dahil sinabi mong nabuntis kita. Ituloy na natin ang kasal. Kung sinira mo ang buhay ko. Pwede ko ding idamay na masira ang buhay mo sa gagawin ko." Nakangising wika ng lalaking hindi niya kilala. Gwapo ito, pero hindi kilig ang nararamdaman niya sa mukha nito kundi takot. Napalunok na lang si Irish dahil sa klase ng titig nito. "S-sorry, h-hindi k-ko s-sinasadya." Nauutal na paghingi ng tawad ni Irish at narinig lang niya ang pag-tsk nito. Hindi naman nakagalaw mula sa pwesto niya si Irish. Naisin man niyang tumakbo pero hindi niya magawa. Hanggang sa nakalapit na ang lalaking hindi niya kilala. 'Lord sorry po. Ngayon ko napatunayang walang magandang maidudulot ang paghihiganti. Hindi naman para sa lalaking ito ang pagsira ng kasal na iyon eh. Pero bakit ganoon?' Mariing wika ni Irish sa isipan, ng tumunog ang cellphone niya. Napatingin naman si Irish sa cellphone niya. Tumatawag si Melanie sa kanya. Napahilamos naman ng mukha si Irish bago sinagot ang tawag. Nakatayo naman si Yuri sa harap ni Irish, habang nakataas ang kilay sa dalagang, ngayon ay sumasagot ng tawag. (Best alam mo bang hindi natuloy ang kasal ng walang hiya kong ex? Hindi daw kasi ito sinipot ng bride niya dahil nalamang hindi lang pala ako ang niloloko ng Jiro na iyon. Apat pala kaming girlfriend ng walang hiya na iyon. Kaya mabuti na lang karma niya iyon.) Wika ng kaibigan niyang si Melanie sa kabilang linya. "Best saang simbahan ba talaga ang kasal dapat ng walang hiyang ex mo!?" Mariin na tanong ni Irish na medyo kinakabahan. Dahil parang inip na inip ang lalaking nasa harapan niya. Pero hindi naman ito nagsasalita. Pero makikita mo ang pagkaasar sa kanya. (Sa simbahan ng San Agustin? Bakit best?) "San Agustin? Sigurado ka? Nandito ako sa simbahan ng San Agustin." Naiiyak ng wika ni Irish. Kasi paanong nangyari na San Agustin, ay wala naman doon ang walang hiyang Jiro na ex nito! "Matagal pa ba yang telebabad mo!" Inis na wika ng groom sa kasal na ginulo niya. "Oo best, sabi ng taxi na nasakyan ko kanina. Kaso tumirik sa gitna ng kalsada malamit na daw ang simbahan ng San Agustin kaya naman tinakbo ko na lang. Tapos iyong naabutan ko. Hay basta. Wala dito ang walang hiyang ex mo." Naguguluhang wika ni Irish ng mapatingin siya sa lalaki nasa harap niya. Matangkad ito na sa tingin niya ay basketball player. Bigla naman hinagip ni Yuri ang cellphone ni Irish, at pinatay ang tawag. Hinila naman ni Yuri ang babae patungong harap ng altar at siyang iniharap sa pari. "Father tuloy po natin ang kasal. Sabi po niya nabuntis ko po siya. Ayaw ko naman pong mawalan ng ama ang akin anak. Kaya po simulan na natin." Walang emosyong wika ni Yuri, na ikinagulat ni Irish at ng mga magulang ni Yuri. "Anak, anong kalokohan ito. Matapos ang gulo sa pamilya ni Hilary. Ito naman ang papasukin mo?" May inis na wika ni Mr. Peterson. "Dad, ano pang saysay ng buhay ko. Patatawarin ba ako ni Hilary dahil sa panggugulo ng babae na ito? Malamang hindi. Kaya itutuloy ko ang kasal. Pero dito sa babae na ito." Inis na wika ni Yuri. Wala namang nagawa ang mga magulang ni Yuri. Kundi hayaan ang anak sa desisyon nito. "Anong pangalan mo babae?" Walang buhay na tanong ni Yuri. "Bago ko sagutin ang tanong mo. Di ba simbahan ng San Agustin ito?" Tanong ni Irish na ikinatawa ni Yuri. "Hindi ka ba aware na sa kabilang kanto pa ang simbahan ng San Agustin. Iyong kanto na iyon kabilang bayan na. Nandito ka sa San Miguel kaya nasa simbahan ka ng San Miguel Miss." May diing wika ni Yuri, na ikinatulos ni Irish sa kinatatayuan. 'Simula pa lang talagang mali na ako ng simbahang napuntahan.' Saad pa ni Irish sa isipan. "So ano ng pangalan mo Miss." Tanong muli ni Yuri na hindi malaman ni Irish kung sasagutin ba niya ang tanong nito. O tatakbo na lang palabas ng simbahan. Kahit alam niyang hindi siya makakatakbo sa higpit ng pagkakahawak nito sa kamay niya. "Ano na!?" Sigaw nito sa kanya kaya naman dahil sa takot ay napaiyak siya habang sinasabi ang pangalan niya. "I-Irish H-Hermano." Sagot ni Irish na hindi na mapigil ang paghikbi. "Tuloy mo na ang kasal father." Saad ni Yuri na lalong ikinahikbi ni Irish. Nag-aalinlangan man ang pari, ay itinuloy nito ang kasal. Matapos ang kasal sa simbahan ay dinala ni Yuri ang asawa sa condo nito. "Hindi pa ba ako pwedeng umuwi?" Nag-aalangang tanong ni Irish na ikinangisi ni Yuri. "Di ba kasal tayo? Bakit naman kita pauuwiin?" Nakakalokong sagot nito. "Hindi ko naman sinasadya na sirain ang kasal mo. Nagsorry na rin naman ako kanina di ba?" Paliwanag pa ni Irish. "Maibabalik ba ng paliwanag mo, ang nasirang kasal ko? Hindi naman di ba? Nakaalis na ng bansa ang mahal ko. Pero dahil sayo. Nawala ang babaeng dapat sana kasama ko ngayon!" Galit na galit na saad ni Yuri. Kaya naman hindi na napigilan ni Iris ang mga luha niya. Alam niyang mali siya sa part na iyon. Guilty sya, sobra. Naisin man niyang umalis. Pero hindi niya magawa. Kinuha ni Yuri ang mga gamit niya ay ikinulong siya nito sa condo nito. Pagkatapos ay basta na lang siya nito iniwan. Umiyak lang siya ng umiyak, pero wala naman siyang magawa dahil kasalanan naman niyang talaga ang lahat. Madaling araw na ng makarinig si Irish ng pagbukas ng pintuan ng condo na iyon. Nakita niya si Yuri na pasuray-suray sa pagpasok sa loob. Halatang sobra itong lasing. Nang maisara ang pintuan ay nag-auto lock naman iyon. Nakangising lumapit sa kanya si Yuri na nagpadagdag takot sa kanya. Hinaplos ni Yuri ang mukha ni Irish. Kitang-kita ni Irish ang pagnanasa sa mukha nito na mas lalo niyang ikinatakot. "Your afraid? Tsk. Your my wife so don't be afraid." Nakangising wika ni Yuri, ng bigla siyang halikan ng lalaki. Hindi niya magawang tumanggi dahil natatakot siya dito. At ng gabing iyon. Nawala kay Irish ang kanyang pinagkakaingatan. Kinaumagahan ay maagang nagising si Irish masakit man ang katawan, pero pinilit niyang maglinis ng sarili wala siyang sariling damit kaya damit ni Yuri ang sinuot niya. Matapos makaligo ay pinilit niyang magluto. Nagising si Yuri pero nila-lampasan lang siya nito. Ni wala itong nabanggit na kahit na ano sa nangyari sa kanila sa nagdaang gabi. Wala na rin naman siyang sinabi. Nakita niyang nag-aayos ito ng gamit. Nakita niya ang tatlong pares ng jersey at dalawang pares ng sapataos na inilagay nito sa traveling bag. Kaya nasigurado niyang player talaga ito ng basketball. "Aalis ka?" Tanong ni Irish at hindi man lang siya pinansin nito. "Saan ka pupunta?" Ulit na tanong niya ng tingnan siya nito ng masama. "Anong karapatan mong magtanong? Asawa lang kita. Pero wala kang karapatan sa akin kung saan man ako pupunta. Pero wag na wag kang tatakas, o sasabihin na uuwi kung saan mang lupalop. Dahil tulad ng buhay ko. I'm willing to give you, what you deserve. A miserable life." Nakangising wika ni Yuri, bago siya tinalikuran. Bitbit ang traveling bag ay lumabas na ito ng condo at muling inilock ang pinto. Sinigurado nitong hindi makakatakas si Irish. Napatulala na lang si Irish sa harap ng pintuang nilabasan ni Yuri. Hindi niya alam kung paano matatakasan ang sitwasyong kinasadlakan. Hindi man lang niya matawagan ang kaibigan, para ipaalam kong nasaan siya. At kung ano na ang nangyari sa kanya. Ulilang lubos na si Irish. Si Melanie na lang ang natitirang kapamilya niya kahit hindi sila magkadugo. Ito lang ang nag-iisang tumanggap sa kanya at tinuring siyang kaibigan. Kaya naman ng masaktan ito at humiling na tulungan siyang maghiganti s g*gong ex nito ay hindi siya nag-atubili. Ang masakit lang maling simbahan ang kanyang napuntahan. Kaya naman mapunta siya sa sitwasyong kinasasadlakan ngayon. Maghahating gabi na ng bumalik ng bahay si Yuri. Bukas ang lahat ng ilaw sa condo niya. Kaya naman napansin niya na maayos at malinis ang loob. Nakita niya si Irish sa kusina nakasubsob sa counter island. Nakaramdam ng awa si Yuri sa ginagawa niyang pagkukulong sa babae. Pero pagnakikita niya ang mukha nito. Naiisip na naman niya ang panggugulong ginawa nito sa kasal niya. Kaya naman ang awang nararamdaman na niya para dito ng mga oras na iyon ay biglang naglaho. Hinaklit niya ito, na ikinagulat naman ni Irish. Hindi na niya ito binigyan pa ng pagkakataon at hinalikan niya ito. Naging mapaghanap ang halik na iyon. Napangisi na lang si Yuri dahil naramdaman niyang nadala na niyang muli sa kanyang sistema ang babaeng sumira sa buhay niya. Ng gabing iyon. Inangkin niya ito ng paulit-ulit. Madaling araw na ng tigilan ni Yuri ang asawa. Napansin din niya ang mga natuyong luha, sa pisngi nito. Bigla na naman siyang nakaramdam ng awa. Pero pilit niyang pinipigil ang pakiramdam na iyon. "Tsk. Tama lang naman na gampanan niya ang tungkulin niya sa akin bilang asawa n'ya." Mariing wika ni Yuri habang nakatingin sa natutulog na asawa. Na natatabunan lang ng puting kumot ang katawan. Tanghali na ng magising si Irish. Sobrang sakit ng kanyang katawan. Dahil sa marahas na pag-angkin sa kanya ng asawa. "Asawa? Tsk. Hindi naman ganoon ang turing sa isang asawa. Parausan pwede pa. Karma ko ba ito? Masama bang tulungan ko, at kunsintihin at ipaghiganti ko ang aking kaibigan? Alam kong may mali ako. Kasi ako ang nagkamali. Humingi naman ako ng tawad. Pero alam kung hindi kayang ibalik ng paghingi ko ng tawad ang sakit na naidulot ko sa lalaking iyon. Pero hindi ko naman deserve na itrato na parang basahan." Wika ni Irish sa sarili at hindi na rin, napigilan ang muling pag-iyak. Paglabas niya ng kwarto ay nakabibinging katahimikan ang bumungad sa kanya. Wala na doon si Yuri at nag-iisa na naman siyang nakakulong sa condo unit na iyon. Naglinis na lang siya ng buong unit kahit wala naman talagang lilinisin. Pagdating ng hapon ay medyo sumama ang kanyang pakiramdam. Kaya naman minabuti niyang mahiga muna sa couch. Alas otso ng gabi ng magising siya ng isang lagabong. Mabilis siyang nagtungo sa kusina at nakita niyang nakakalat ang ilang gamit. Nandoon si Yuri at nanlilisik ang mga mata. "Prinsesa ka ba dito? Ni magluto hindi mo man lang nagawa? Tsk. Walang silbi!" Inis na sabi nito sa kanya. Napalunok naman si Irish sa klase ng pagtitig nito. "Sorry. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko. Sandali lang magluluto ako." Mahinahong wika ni Irish ng talikuran siya ni Yuri. "Hindi na. Uuwi na lang ako sa bahay ng mga magulang ko. Baka doon makakakain ako ng ayos. Hindi tulad dito na walang silbi ang kasama ko!" Galit ma wika ni Yuri at tuluyan na itong lumabas ng unit na iyon. Napaiyak na lang si Irish, sa pwesto niya. "Malas siguro talaga ako sa past life ko. Hanggang ngayon dala-dala ko." Umiiyak na sambit ni Irish. Hindi na niya nagawang makatayo para makapagluto man lang ng pagkain niya. Kaya hindi na rin siya nakakain. Hanggang sa hindi na niya namalayan na nakatulog na siya sa pwesto niya. Dumaan ang pa ang mga araw at hanggang sa naging isang buwan. Isang buwan mula ng araw na ikasal sila ni Yuri. Ang lalaking estranghero sa kanya. Ang lalaking sa pagkakamali niya. Naging asawa niya. Ang lalaking dumungis sa pagkatao niya at paulit-ulit na inaangkin siya. Sa isang buwan na iyon, hindi malaman ni Irish na sa likod ng pagmamalupit nito. Parang nagugustuhan niya ang lalaki. Pwede ng sabihin ng kaibigan niya na para siyang tanga sa lagay na iyon, kung malalaman nito ang sitwasyon niya. Pero kahit na ang marahas na pag-angkin nito sa katawan niya ay nagugustuhan na niya. Nasa kusina si Irish at nagluluto habang nasa living room si Yuri. Nagtataka pa siya dahil sa maghapong iyon ay hindi ito umalis ng condo. Tatawagin na sana niya ito para kumain ng dinner ng may nagdoorbell. Hindi naman nabubuksan ni Irish ang pinto kaya ipinaubaya na lang niya kay Yuri ang pagbubukas. Dumating ang mga kasamahan ni Yuri sa team. Napansin din ni Irish na sobrang gulo ng mga ito na animo ay mga bata. Hindi naman siya lumabas ng kusina hanggat hindi siya tinatawa ni Yuri. Nagulat na lang siya ng may sumigaw sa likuran niya. "Yuri, katulong mo ba ito o asawa?" Saad ng lalaki kaya naman nagtawanan ang iba pa nitong mga kasamahan? Pumasok naman isa isa ang mga ka team ni Yuri sa kusina. "Hindi na masama." Wika ng isa. Habang napasipol naman ang isa. Hindi man lang siya pinansin ni Yuri at basta lang siya nito nilampasan. Nagtawan muli ang mga kasamahan nito, at tiningnan si Irish ng buong pagnanasa. Nakaramdam naman ng takot si Irish sa titig na ipinapakita ng mga ito. "Pwede ko ba siyang ilabas?" Nakangising tanong ng isa. Pero hindi sumagot si Yuri. Hindi nga siya hinayaan pero hindi din kumontra. Napalunok na lang ng laway si Irish ng lumapit ang isa sa kanilang kasamahan. "You're be mine tonight babe." Bulong nito sa kanya. Na nagpadagdag kilabot sa kanyang katawan. Akmang itutulak ni Irish ang lalaki ng talian nito ng panyo ang bibig niya. Tumutulo na ang luha niya dahil sa sobrang takot sa pwedeng gawin sa kanya ng mga kaibigan ni Yuri. Pero iyong asawa niya. Nakita lang niyang nakaupo sa couch ni hindi man lang siya tinitigan. Nailabas na si Irish sa condo unit ni Yuri pero wala man lang nakapansin sa kanya. Hindi tuloy siya makahingi ng tulong. Nang akmang isasakay na siya sa sasakyan ay nagawa niyang kagatin ang tainga ng lalaking may buhat sa kanya kaya naman nabitawan siya nito. Dahil sa pagkakagulo ng iba pa. Nagawa niyang makatakbo at makatakas. Napahilamos naman ng mukha si Yuri. Hindi niya malaman kung bakit sa bawat pagpikit ng mata niya ay mukha ng asawa ang nakikita niya. Galit siya dito. Iyon ang itinatak niya sa kanyang isipan. Pero ng marinig niya ang iyak nito na nagmamakaawa habang may takip ang bibig ay halo-halong emosyon ang dumaan sa kanya. Mula ng gabing ikinasal siya sa babaeng nanggulo sa dapat kasal niya ay hindi na ito nawala sa isipan niya. Ang malungkot nitong mukha tuwing iiwan niya at ikukulong sa condo niya. Ang mga luhang natuyo at hindi na nito napupunasan, dahil sa nakakatulugan na nito. Gawa ng pagod sa ginagawa niyang pag-angkin dito. Sa bawat araw na lumilipas ay palaging ang asawa na lang niya ang naiisip niya. Hindi na niya naiisip ang kasintahan niya na dapat niyang pakakasalan. Napahilamos ng palad si Yuri, dahil hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Hanggang sa narealize niya na hindi galit ang nararamdaman niya para sa asawa kundi pagmamahal. Nang maalala niya ang plano ng mga kasama niya sa team sa asawa ay doon lang siya biglang natauhan. Makakapatay siya ng kasamahan, pag may gumalaw sa pagmamay-ari niya. Mabilis na lumabas si Yuri ng unit niya, para habulin ang mga kateam niya sa parking lot ng condo. Pero nakalayo na ang kotseng sinasakyan ng mga ito. Doon niya napagtantong malayo ang parking ng sasakyan niya, naiwan pa niya ang susi sa loob ng condo niya. "D*mn it! Sh*t!" Malakas na sigaw ni Yuri na natutuliro na rin at hindi makapag-isip ng maayos. Nang lapitan siya ng isang security. "Sir, sumama po kayo sa akin." Wika ng isang security. Naguguluhan man ay sumunod na rin siya. Naabutan niya ang isa pang lady guard sa tapat ng kumpol ng basura, na wari mo ay may kinakausap. "Sir nakita po namin sa security nagwawala siya habang buhat ng isang lalaki na may ilan pang mga kasama. Nakita din namin na lumabas sila sa unit mo. Kaya inisip namin na kilala mo po ang babaeng nagtatago sa likod ng mga basura." Saad ng guard ng bigla niyang tinakbo ang kinaroroonan ng tinutukoy ng gwardiya. Magulo ang buhok nito at takot na takot. Alam ni Yuri sa kaloob-looban niya na malaki ang pagkakamali niya. Hindi din niya alam kung paano siya mapapatawad ni Irish. Pero malaki pa rin ang paniniwala niyang hindi pa huli ang lahat. "Irish." Tawag niya dito at hinawakan ang kamay. "Ayaw ko! Bitawan ninyo ako! Parang awa n'yo na. Tigilan na ninyo ako!? Maawa na kayo." Pagmamakaawa ni Irish, na hindi na tuluyan ng bumagsak ang mga luha. Sobrang naawa si Yuri dahil kasalanan naman talaga niya ang lahat kung bakit ito nagkaganoon. "Irish. Sorry. Sorry baby. Hindi ko sinasadya. Nabulag ako ng galit ko sayo. Nagkamali ako. Si Yuri ito. Please Irish. Kalma ka na. Ssshh." Pag-aalo ni Yuri kay Irish ng bigla itong mawalan ng malay. Ang security na tumawag ng taxi at ipinahatid sila sa ospital. Nagising si Irish na puno ng kaba ang nararamdaman ng puso niya. Hindi niya alam kung nasaan siya. Pero ng itaas niya ang kamay sa doon niya nakita ang iv na nakakabit sa kanya. Noon lang niya napansin na nasa loob siya ng kwarto ng ospital. Unti-unti namang itinaas ni Yuri ang ulo, ng maramdaman niya ang paggalaw ni Irish. Nagtama ang kanilang mga mata at nakita niya ang pagdaan ng takot sa mata ng asawa. "P-palayasin m-mo n-na l-lang a-ako. P-pakiusap. W-wag m-mo a-akong i-ibibigay s-sa k-kanila." Pagmamakaawa ni Irish, habang umiiyak. Kaya naman napaluha si Yuri dahil sa takot na binigay niya sa asawa. "Sshh. Sorry. Sorry baby. Nadala ako ng galit ko. Hindi ko napansin na hindi na pala galit ang nararamdaman ko. Sana bigyan mo ako ng pagkakataon na maitama lahat ng pagkakamali ko. Mahal kita Irish. Bigyan mo ako ng pagkakataong maitama ang lahat. Mahal na mahal kita." Pagsusumamo ni Yuri na lalong nagpaiyak kay Irish. "T-totoo ba ang sinasabi mo?" Nauutal na tanong ni Irish na ikinatango ni Yuri. "Hindi ko alam kung kailan pa nagsimula. Pero natakot ako sa ginawa ko sayo. Natatakot akong may ibang humawak sayo. Makakapatay talaga ako. At natakot akong hindi mo na ako mapatawad. Pero sana mapatawad mo ako. Babawi ako. Babawi ako sayo promise, asawa ko." Pag-amin ni Yuri. Nahihiya talaga siya sa kanyang ginawa sa asawa. Pero umaasa pa rin siyang mapapatawad siya nito. Nagulat naman si Irish sa tinawag sa kanya ni Yuri. Kahit masakit ang ginawa nito sa kanya, ay hindi pa rin niya magawa na hindi ito mahalin. Kahit na masama ang ginawa nitong, pagbibigay sa kanya sa mga kaibigan nito. Nakikita naman niya na labis itong nagsisisi sa ginawa. Isang patunay na ito ang kasama niya ngayon, at nasa ospital sila. "Siguro nga baliw ako. Kahit nasasaktan ako sa mga ginagawa mo at pinapakita mo sa akin, noon. Pero, hindi ko maiwasang hindi ka mahalin. Minahal kita sa kabila ng hindi magandang trato mo sa akin noon." Pag-amin ni Irish na lalo namang nahiya si Yuri sa mga ginawa niya. "Pangako hindi ka na muli pang masasaktan. Hindi ko hahayaang umiyak ka pang muli dahil sa kalungkutan. Pero magiging kasama mo na ako, kung maiiyak sa sa sobrang kasiyahan. I love you Irish. Mahal na mahal kita." Malambing na wika ni Yuri at binigyan ng isang mabilis na halik si Irish. "I love you too Yuri. Mahal din kita." Nakangiting sagot ni Irish. Ng makarinig sila ng tatlong katok at pumasok ang doktor na sumuri kay Irish, para malaman kung bakit ito hinimatay. Nakangiti naman ang doktor ng lumapit sa kanila. Kaya naman labis ang kanilang pagtataka. "Congratulations Mr. and Mrs. Peterson. Mrs. Peterson is three weeks pregnant. Medyo na stress lang siya kaya siya nawalan ng malay kanina. Pero wag kayong mag-alala the baby is safe. Bigyan ko lang si Mrs. Peterson ng ilang vitamins. Tapos refer ko kayo kay Dra. Santiago isa s'yang OB-gyne." Nakangiting wika ng doktor at nagpaalam na rin ito sa kanila matapos ang ilan pang sinabi nito. Hindi naman mapigilan ng mag-asawa ang maluha dahil sa sobrang kasiyahan. Hindi nila akalain na may isa pang anghel na darating para lalong pagtibayin ang kanilang pagmamahalan. Mali man ang naging unang pagkikita nilang dalawa. Pero masasabi nga bang, mali talaga iyon? Paano kung ang tadhana talaga ang gumawa ng paraan para magkita sila? Dahil sabi nga sa kasabihan, kung sino ang tunay na nakatadhana sayo. Kahit anong mangyari. Magkikita at magkakatuluyan kayo. Maling paghihiganti man ang kanilang naging simula. Tamang pag-ibig naman ang kanilang natagpuan. FIN...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD