LAST HOPE

4105 Words
Last Hope Masayahin, palaging nakangiti at palagi mong makikita ang pagiging positibo sa buhay. Kahit dumadaan ang problema hindi mo pa rin makikita na panghihinaan siya ng loob. Kahit kulang sa pagmamahal at pag-aaruga ng magulang ay hindi mo siya kakikitaan ng kahinaan. Maliban na lang sa isang bagay, na ipinipilit ng yaya niya. Pero kahit kailan ayaw niyang ipaalam sa mga magulang niya. Dahil gusto niyang, kusa siyang kumustahin ng mga ito, at higit sa lahat alagaan. "Good morning Romary. Ready na ang breakfast mo. Kailangan mo ng kumain at makainom ka na ng vitamins mo." Bati ng Yaya Mel niya, na siya na niyang nakagisnan na niyang ina. Buhat kasi ng ipinagbuntis hanggang sa ipinanganak siya ng mommy niya, hindi naman siya nakuhang alagaan ng mommy niya. Busy ito sa trabaho, at sinasabayan ang pagiging busy ng daddy niya. Hindi ito nagpapatalo, dahil nakikipagkumpitensya talaga ito sa galing sa trabaho, lalo na sa yaman. "Good morning yaya. Pwede po ba akong kumain ng chips ngayon. Gusto ko lang po sanang matikman. Promise hindi ako mag skip ngayon sa vitamins. " Pakiusap ni Romary, na ikinailing naman ni Yaya Mel. "Anak, alam mo namang bawal sayo ang mga unhealthy foods. Need mong maging malakas ang katawan mo. Bawal ka ding mapagod. Makinig ka naman. Papayag ako, kung papayag ka ding magpagamot." Pakiusap ng yaya niya. Na ikinalungkot naman ni Romary. Ayaw na ayaw niyang magpagamot. Dahil sa pakiramdam niya, masasayang lang ang pera. Gayong hindi naman siya mahal ng mga magulang niya. "Sige na nga po. Hindi na ako kakain ng chips. Baka naman umiyak pa ang aking si Yaya Mel. Pero wala naman pong dahilan para magpagamot pa. Kailangan ko na lang pong hintayin ang araw kung kailan ako kukunin ng Maykapal." Malungkot na wika ni Romary na yumakap pa sa yaya niya. "Wag kang magsalita ng ganyan anak. Alam mo namang nandito pa ako para sayo. Nandito din ang LiViRi. Makinig ka naman sa amin anak." Naiiyak na wika ni Yaya Mel na mas ikinayakap ni Romary dito. "Pag-iisipan ko yaya. Pag-iisipan ko." Tugon na lang ni Romary. Nag-ayos muna si Romary ng sarili bago lumabas ng kwarto niya. Hinintay naman siya ng kanyang Yaya Mel at sabay silang nagtungo sa kusina. Nadatnan pa nila ang tatlong katulong na sina Lina, Vina, Rina. Ang LiViRi Angels. Iyon kasi ang bansag niya sa tatlo. "Good morning LiViRi Angels, anong pagkain natin?" Masayang bati pa ni Romary sa tatlong naghahagikhikan. "Good morning Ms. Romary. Meron po tayong oatmeal with fresh strawberries and banana. Tapos meron din po tayong fresh apple slice at fresh orange juice." Masayang sagot ni Lina. "Ate Vina, wala ba kayong natatagong chips, hindi ako bigyan ni Yaya Mel. Please isa lang naman. Pangako hindi ako tatakas sa pag-inom ng vitamins. Ipapakita ko pa sa inyo na lulunukin ko talaga, kahit napakasama ng lasa nun." Pakiusap pa ni Romary, habang malungkot na umiling si Vina. "Ms. Romary, hindi pwede, bawal sayo. Dapat healthy foods lang. Ganito na lang, ako na lang ang gagawa ng chips. Madami naman tayong patatas. Mas okey iyon kay sa, bibili tayo ng hindi naman pwede para sayo." Malungkot na wika ni Rina na ikinaupo na nilang lahat sa hapag. "Okey po. Kahit mas masarap iyong nabibili sa tindahan." Malungkot man, dahil wala siyang nahinging chips sa kahit na sino sa mga kasama niya sa bahay. Ay natutuwa pa rin siya, na kahit gustong-gusto ng mga ito na kumain ng kung anu-ano ay hindi ginagawa ng mga ito. Bagkus ay sinasabayan na lang siya sa pagkain na dapat sa kanya. Kaya naman saan man tingnan mahal na mahal niya ang mga ito. Kahit lihim siyang nalukungkot dahil hindi niya maramdaman ang pagmamahal ng mga magulang. Lumabas si Romary ng hindi nagpapaalam sa Yaya Mel niya. Gusto niyang magmuni-muni at makapag-isip isip. Hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang gawin. Walang alam ang mga magulang niya tungkol sa kanya. Tanging ang mga katulong lang sa bahay nila at si Yaya Mel ang nakakaalam ng lahat. Naglalakad lang si Romary, ng hindi siya napansin ng lalaking, nangangalakal ng basura. May dala iyong tulak-tulak na kariton, at doon nilalagay ang mga basurang nakukuha nito. Kaya naman biglang bumagsak sa semento si Romary, at nasugatan ang kanyang mga palad. Hindi din naman kasi napansin ni Romary ang pagbangga niya sa kariton na tulak-tulak ng lalaki kaya naman nagkabanggaan sila. Agad namang dinaluhan ng lalaki si Romary at itinayo. Napatitig naman si Romary sa mukha ng lalaki, dahil hindi naman ito mapapagkamalang mangangalakal ng basura, pero kita naman niya ang mga basura ang laman ng kariton na tulak-tulak nito. Gwapo kasi ito at makinis ang balat. Maputi din ito at masasabi mong, kakaiba ang kutis sa mga tunay na nangangalakal ng basura. "Okey ka lang ba Miss? Sorry hindi kita napansin." Itinayo siya ng lalaki, at inakay patungo sa isang bench na malapit sa puno. Nang maiupo siya ng lalaki, ay mabilis naman itong umalis at may kinuha sa kariton nito na pang first aid kit. Meron din itong malaking bote ng alcohol na siyang ipinanlinis muna nito ng kamay bago hawakan ang kamay niya. Na may sugat gawa ng napatuon siya sa semento, tapos nasugatan pa ng maliliit at matutulis na bato. Nakatingin lang si Romary sa ginagawa ng lalaki sa kamay niya. Masasabi niyang parang sanay na sanay itong maglapat ng first aid. Pero naguguluhan pa rin si Romary, dahil nangangalakal ito ng basura. Matapos malinisan at malagyan ng gasa ang kamay ni Romary ay nagpasalamat siya sa lalaki. Hindi naman agad ito umalis sa tabi niya, dahil mukhang nagpapahinga pa rin. Hindi na rin naman nakatiis si Romary kaya naman napatitig si Romary sa mukha ng lalaki. Nginitian naman siya nito. "Sorry ulit Miss ha. Hindi talaga kita napansin kanina." "Okey lang, hindi din naman kita napansin. Wag kang maiinis o magagalit sa itatanong ko. Mukha ka namang hindi mangangalakal ng basura. Lalo na sa kutis mo at sa pananamit mo. Magaling ka ding maglapat ng pangunang lunas. Pero nangangalakal ka ng basura base sa kariton na dala mo? Ang gwapo mo namang basurero." Curious na tanong ni Romary, ng bigla namang tumawa ng malakas ang lalaki. Napangiti pa si Romary, dahil mas gwapo itong lalo na pagtumatawa. Nawawala kasi ang singkit nitong mga mata, na halos papikit na. Napahawak naman si Romary sa kanyang dibdib sa tapat ng kanyang puso. Nakatingin pa rin siya sa lalaking nasa tabi niya at tumatawa. Hindi niya akalaing, for the first time sa buhay niya, nakakasalamuha siya ng gwapong lalaki na nagpabilis ng t***k ng puso niya. Tumikhim muna ito para mawala ang bikig sa lalamunan gawa ng pagtawa. "Sorry Miss, hindi ko sinasadya na matawa. Pero sabagay, sino nga namang maniniwala na mangangalakal ako. Sa totoo niyan. Kay tatay na mangangalakal ng basura ang kariton na iyan. Naabutan ko kasi siyang naglalakad papasok dito sa subdivision. Pinapayagan naman kasi si tatay na umuli dito para makakuha ng mga basura na pwede pang mapakinabangan at ibenta. Kaso, kanina, nakita ko siyang naglalakad nga malapit na sa guard house. Medyo nahihilo daw siya, lalo na at hindi pa kumakain ay tanghali na. Kaya naman matapos ko siyang ibili ng pagkain, ako na nagpresentang gawin ang trabaho niya. Iniwan ko na lang si tatay sa may guard house. Sayang din ang mga basura na pwede niyang ibenta. Hindi lang makuha, dahil sumama ang pakiramdam niya." Mahabang paliwanag ng lalaki. "Ang bait mo naman." Pabirong wika ni Romary dito. "Siguro nga. Lalo na pag natutulog ako, sabi kasi ni yaya, mabait talaga ako pag tulog." Pagsang-ayon ng lalaki sa sinabi ni Romary na ikinatawa nilang pareho. "Kanina pa tayong magkakwentuhan at masasabi kong magaan ang loob ko sayo, pero hindi ko alam ang pangalan mo. Ako nga pala si Romary Nepunan." Pakilala ni Romary na halatang nagulat ang lalaki. "Ikaw ang nag-iisang anak ng may-ari ng Nepunan Food Grand Industry? Di ba, magulang mo din ang may-ari ng isa sa pinaka sikat na boutique dito sa Pilipinas. Ang Nepunan Clothing?" Tanong ng lalaki na medyo, nahihiya si Romary dahil kilala pala ang pamilya nila, na ikinatango lang niya. "Wow mayaman ka pala. Ako nga pala si Ethan Lee. Isa akong registered nurse." Pakilala ng lalaki kay Romary. Nagtagal pa ang kwentuhan nila at inabot na ng oras ng meryenda. Natapos naman ni Ethan ang pangunguha ng basura. Dahil habang nagkukwentuhan sila ay inuuli nila ang buong subdivision. Nangmakabalik na si Ethan sa may guard house ay maayos na rin ang lagay ni tatay. Kaya naman laking pasasalamat nito kay Ethan. Inabutan pa ni Ethan si tatay ng kaunting halaga, pambili nito ng pagkain. Inaya naman ni Ethan na kumain si Romary. Noong unan ay ayaw niya, dahil nahihiya siya dito. Pero noong sinabi niyang gusto niya ng chips at softdrinks ay hindi naman nag-atubili ang binata na bigyan siya ng nais niya. Masaya silang dalawang nagmemeryenda sa may tindahan, ng may dumating na tatlong dalaga at isang medyo may edad na babae. Halata ang takot sa mukha ng mga ito, pero naging maayos din naman, ng makita ang dalaga. "Ms. Romary bakit naman umalis ka ng walang paalam. Sobra kaming nag-alala sayo. Lalo na si Yaya Mel." Hinihingal na wika ni Lina. "Oo nga Ms. Romary. Alam mo bang naikot ko ang buong bahay ninyo?" Sabat naman ni Rina. "Take note Ms. Romary, sa akin buong bakuran ninyo." Reklamo ni Vina na ikinatawa naman ni Romary ng sitahin ang tatlo ni Yaya Mel. "Tumigil na kayong tatlo. Anak bakit hindi ka nagpaalam. Pati ano iyang kinakain mo? Di ba sabi ko sayo bawal. Napakapasaway mong bata ka." Mahinahong wika ni Yaya Mel pero nandoon ang pag-aalala. "Sorry po Yaya Mel." "May problema po ba? Ako po si Ethan, kaibigan po ni Romary. Bawal po ba sa kanya ang mga pagkain na iyan?" Nag-aalalang tanong nito na si Yaya Mel ang sumagot. "May sakit kasi ang alaga ko, leukemia ayon sa resulta ng pagsusuri ng doktor. Pero ayaw magpagamot ng alaga ko. Kaya puro healthy foods lang hinahanda namin para sa kanya." Paliwanag ni Yaya Mel. Halata naman kay Ethan ang pagkagulat dahil sa narinig. "Sorry po. Simula po ngayon, ako na lang po magmomonitor sa pagkain ni Romary. Pwede po ninyo akong tawagan at tanungin. Sa ngayon, pwede po nating pagbigyan si Romary, lalo na at parang nasasabik po siya sa kinakain niya ngayon." Wika ni Ethan at wala namang nagawa si Yaya Mel dahil sa saya na nakikita niya sa kilos ng kanyang alaga. Mula ng araw na nakilala ni Romary si Ethan ay lagi na lang itong dumadalaw sa bahay nila. Open naman sa mga katulong ang pagdalaw ng binata kay Romary. Kinausap din kasi ni Yaya Mel si Ethan na pakiusapan si Romary na magpagamot. Nakwento din ni Yaya Mel kay Ethan ang dahilan kaya ayaw magpagamot ni Romary. Nalungkot naman ang si Ethan sa nalaman niya. Sa kabila ng tinatamasang yaman ng pamilya ng dalaga. Nandoon ang kakulangan ng atensyon at pagmamahal na mula sa mga magulang nito. Kaya naman kahit papaano ay natutuwa na rin si Yaya Mel dahil nakilala ni Romary si Ethan. Nakikita kasi nilang sumusunod si Romary kay Ethan. Hindi na ito pasaway, na palaging humihingi ng chips. Puro healthy foods na lang ang hinihinging pagkain at kinakain ni Romary. Isa lang naman ang ayaw pa nitong gawin ang magpagamot. Kaya naman sa abot ng makakaya ni Ethan pinapakiusapan niya ang dalaga. Pero matigas pa rin ang ulo nito. Naawa naman si Ethan lalo na at nararamdaman niya ang pagkamiss ng dalaga sa mga magulang nito. Kadarating lang ni Ethan, sa bahay nina Romary para dalawin ito, ng marinig niya ang pagkakagulo ng mga tao sa loob ng bahay ng mga ito. Humahagos na binuksan ni Vina ang pintuan, habang taas baba naman si Lina at Rina sa hagdanan. "Anong problema?" Kinakabahang tanong ni Ethan kay Vina. Napatitig naman si Vina dito dahil sa kabiglaan. "Nurse Ethan mabuti naman napadalaw ka. Nawalan ng malay si Ms. Romary hindi namin alam ang gagawin. Hindi pa rin alam ng mga magulang niya ang kalagayan niya. Gusto man naming dalahin sa ospital. Alam naming pagnagkamalay siya, hindi na naman kami iimikan ni Ms. Romary. Nurse Ethan anong gagawin namin." Lumuluhang wika ni Vina. Tinakbo naman ni Ethan ang kwarto ni Romary. Doon niya naabutan ang nag-aalalang si Yaya Mel. "E-ethan." Nauutal na wika ni Yaya Mel. Mabilis namang lumapit si Ethan sa walang malay ma si Romary. Sobrang putla na nito. "Anong hinihintay ninyo Yaya Mel. Kailangan na ni Romary na magamot agad!" "Pero Ethan. Kahit kami ng LiViRi ay nais na siyang magpagamot. Pero hinihintay pa rin ni Romary ang mga magulang niya. Ayaw kong pangunahan ang alaga ko. Ni minsan hindi iyan naalagaan ng kanyang mga magulang. Palagi niyang iniisip na hindi naman siya mahal ng mga ito kaya mas nais na lang ni Romary na mawala. Dahil baka daw pag nawala na siya. Marealize din ng mommy at daddy niya ang halaga niya. Pero hindi ko na kayang nahihirapan ang alaga ko. Ano ang gagawin ko Ethan." Umiiyak na wika ni Yaya Mel. Na walang pag-aalinlanagan na binuhat ang walang malay na si Romary. "Yaya Mel, ako ng bahala. Hindi ako papayag na nais ni Romary. Hindi ako papayag na basta na lang siya sumuko. Mahala sa akin si Romary mula pa noong nakilala ko siya ng araw na iyon. Pakiready ng mga gamit niya. Dadalhin ko siya sa ospital." Nasabi lang ni Ethan at mabilis na tinungo ang kanyang sasakyan. Mabilis namang inasikaso si Romary sa ospital na pinagdalhan ni Ethan. Wala pa ring malay si Romary ng ililipat ito ng private room. Kasama na niya ngayon si Yaya Mel at ang LiViRi Angels. Tinapat din sila ng doktor na kung hindi pa sasailalim si Romary sa chemotherapy, mas lalong lala ang sitwasyon and worst ikamatay na nito ang sakit. Nagpaalam lang si Ethan kay Yaya Mel na may pupuntahan. Una niyang pinuntahan ang Nepunan Food Grand Industry. Dahil ang alam niya ay sa pinakataas ng company nandoon ang penthouse ng pamilya Nepunan. Noong una ay hindi pa papasukin si Ethan. Pero nagpakilala si Ethan bilang Ethan Lee na isa sa tagapagmana ng Lee Hospital. Sa opisina na siya kinausap ni Recardo Nepunan. Nagtataka pa ito kung ano ang kailangan niya. Hanggang sa sabihin na nga ni Ethan ang sitwasyon ni Romary. Napaiyak naman si Recardo dahil hindi niya akalaing may sakit ang kanyang unica hija. Sinabi din kasi ni Ethan ang dahilan ni Romary kaya ayaw nitong ipaalam ang sakit niya sa mga magulang. Iyon ay ang kawalan ng mga ito ng oras. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Recardo at nagtungo sa ospital kung nasaan si Romary. Matapos makausap si Recardo Nepunan ay pinuntahan naman ni Ethan ang Nepunan Clothing. Sinabi kasi ni Recardo na nandoon ang kanyang asawa sa boutique nito. Sasama pa sana ito papunta sa boutique, pero mas kailangan ni Romary ang daddy nito kaya naman si Ethan na lang ang nagpresenta. Unang nakausap ni Ethan ang secretary ni Rosemary Nepunan. Ayaw pa sana siyang kausapin nito dahil may darating na mga new client at hindi pwedeng ipagpaliban. Pero nagpumilit si Ethan. Hanggang sa kinausap din siya ni Rosemary. Sa isang coffee shop, malapit sa boutique, pinaunlakan ni Rosemary ang pakiusap ni Ethan. Magsasalita pa sana si Rosemary ng unahan na ni Ethan ng pagsasalita amg Ginang. Naguguluhan man ito. Dahil wala naman daw sinasabi ni Yaya Mel sa kanila. Kaya ang akala nila ay maayos lang ang kanilang anak. Hanggang sa malaman nga nito ang sitwasyon ni Romary. Napaiyal naman si Rosemary dahil sa wala siyang kaalam-alam sa sitwasyon ng anak. Ipinamahala ni Rosemary ang mga bagong client sa kanyang sekretarya. Wala siyang nasa isip ngayon kundi ang makasama ang anak. Malaki ang kanyang pagsisisi. Hindi niya akalaing ganoon ang sitwasyon ng prinsesa niya. Pagdating ng ospital ay naabutan niya si Recardo sa tabi ng walang malay nilang anak. Napaiyak naman si Rosemary ng makitang ang magandang mukha ng kanyang anak, na may mapupulang pisngi ay halos nagkukulay ng suka sa putla. Hindi na tuloy napigilan ng Ginang ang mapaluha. Binigyan naman ng space ni Recardo ang asawa sa tabi ng kanilang anak. Nagkatinginan naman ang LiViRi Angels at Yaya Mel. Napatingin din sila kay Ethan. Nagkatinginan naman silang lahat bago nagpasyang lumabas. Pagsara ng pintuan, ay unti-unti namang nagmulat ng mata si Romary. Doon niya nakita ang lumuluhang mga magulang. Hindi siya makapaniwala na nakahawak ang mga ito sa kanyang mga kamay. "M-mommy. D-daddy? T-totoo po bang nandito kaya sa tabi ko? T-totoo po bang kasama ko kayo ngayon? Mommy. Daddy. Miss na miss ko na po kayo." Umiiyak na wika ni Romary na ikinahigpit ng hawak ng kanyang mga magulang sa kanyang kamay. "I'm sorry princess. Mapatawad mo sana kami ng daddy mo. Mali kami sa paraan ng pagmamahal na pinapakita namin. Akala ko basta maibigay ko ang mga gusto mo ay okey na. Pero nagkamali ako. Patawad anak, dahil hindi man lang kita naalagaan. Pakiusap anak, magpagamot ka na. Kahit maunos ang lahat ng yaman ko. Gumaling ka lang. Hayaan mong bumawi sayo ang mommy. Ha anak. Mahal na mahal kita." Umiiyak na sambit ng mommy niya. "Princess. Baby. Sana mapatawad mo si daddy. Malaki ang pagkukulang ko sa inyo ng mommy mo. Inaamin kong naging makasarili ako. Marami kaming pagkukulang sayo. Sa halip na ikaw ang most priority namin. Mas naging tutok kami sa trabaho at naging magkakumpetensya pa sa yaman. Anak patawarin mo ako. Kami ng mommy mo. Mapapagbigyan mo ba kaming makabawi sayo anak?" Malambing na wika ng Daddy Recardo niya na ikinatango naman ni Romary. "Sorry talaga baby, mula ngayon dito na lang ako at aalagaan kita. Hindi naman pwedeng pabayaan ng daddy mo ang kompanya, pero sisiguraduhin namin na nandito lang kami palagi sa tabi mo. Uuwi na rin kami ng bahay. Pero teka lang anak. Paano mo nakilala si Ethan Lee?" Tanong ng mommy niya, habang naghihintay ng sagot ang daddy niya. "Kaibigan ko po si Ethan mommy. Siya lang po ang nag-iisang kaibigan kong lalaki. Bukod po sa LiViRi Angels at kay Yaya Mel." "LiViRi Angels?" Sabay na tanong ni Rosemary at Recardo sa anak. Nang tumawa bigla si Romary. "Sina Ate Lina, Vina at Rina po. Sila po ang LiViRi Angels." Natatawang wika ni Romary. Sumabay na rin ng tawa ang mommy at daddy niya. Napag-usapan na rin nila ang pagpapagamot ni Romary. Doon lang din nalaman ni Romary na pagmamay-ari pala ng pamilya ni Ethan ang ospital kung saan siya naroroon. Noong araw ding iyon ay ipinatawag ni Ethan ang isa sa pinakamagaling na doktor na bihasa para sa sakit ni Romary. Doon nila nalaman na kailangan na talagang sumailalim ni Romary sa mga test. Bago isalang sa chemotherapy. Lumipas ang halos anim na buwan ang paggagamot ni Romary. Bago pumasok sa trabaho at pagkalabas ng trabaho ay dumadaan sa ospital ang daddy niya. Ang mommy naman niya ay ipinamahala na lang muna sa sekretarya nito ang pamamahala sa clothing line. Dumadaan pa ang pagkakataon na umiiyak na lang si Romary dahil sa sakit na nararamdaman. Pero pinipilit niyang lumaban, dahil sa mga taong umaasa na gagaling siya. May pagkakataon na malimit na siyang mawalan ng malay. Si Ethan ang naging personal nurse niya. Hindi din siya iniwan ng binata. Pag-umaalis ang mommy at daddy niya si Ethan ang nagbabantay sa kanya. Isang beses pang nawalan ng malay si Romary ng maabutan ng mag-asawa na umiiyak si Ethan. Hindi sila napansin ng binata, na nakalapit na sa pwesto ni Romary, dahil nakasubsob ang mukha ng binata sa gilid ng kama ng kanilang anak. Habang hawak-hawak nito ang kamay ni Romary. "Romary, di ba sabi mo magpapagaling ka. Wag kang susuko. Papakasalan pa kita. Wala akong pakialam kung maging nurse mo ako habang buhay. Mahalaga sa akin ay gumaling ka, para mapakasalan na kita. Hindi ko man maamin pero mahal na mahal kita. Mula ng magkita tayo, at napagkamalan mo pa akong basurerong gwapo. Please pilitin mong gumaling ha. Nandito lang ako." Umiiyak na wika ni Ethan. Habang nakangiti naman ang mag-asawa na nakikinig sa mga sinasabi nito sa kanilang anak. "Talaga pakakasalan mo ako?" Masiglang tanong ni Romary na biglang ikinatunghay ni Ethan. Kahit mugto ang mga mata at napakagwapo pa din. "O-oo kaya bilisan mo na ang magpagaling." "Narinig mo iyon mommy, daddy hindi nga ako nagkaboyfriend pero ngayon pakakasalan na ako ni Ethan." Masayang wika ni Romary na noon lang nakita ni Ethan na naroon pala ang mga magulang ng dalaga. "Seryoso ka ba sa sinasabi mo hijo?" Tanong ng daddy niya. "Kasi kung hindi, ngayon pa lang bawiin mo na kaagad ang sinabi mo sa anak namin. Ayaw kong masaktan ang prinsesa ko." Wika naman ng Mommy Rosemary niya. "Seryoso po ako sa mga sinabi ko at mahal na mahal ko po talaga ang anak ninyo. Mula po ng makilala ko s'ya hindi na po nawala si Romary sa puso at isipan ko. Hayaan po ninyong iparamdam ko ang pagmamahal ko sa inyong anak. Handa po akong alagaan siya. Pakakasalan ko po si Romary kahit ngayon din, kung ipagpapahintulot po ninyo." Pahayag ni Ethan na ikinangiti naman ng mga magulang ni Romary. Napatingin naman silang lahat ng biglang pumasok ang dalawang taong nakangiti. Makikita sa mukha nila ang sobrang saya. Nakatingin ang mga ito kay Romary ng biglang tumayo si Ethan. "Mom? Dad? Anong ginagawa po ninyo dito? Pakakasalan ko po si Romary at ayaw ko po sa babaeng nais po ninyo na pakasalan ko. Nasinasabi po ninyong mga bata pa lang kami, nakatadhana na kami. Wag po ninyong alisin ang kaligayahan ko." Pagsusumamo pa ni Ethan sa mga magulang. Habang si Romary naman ay tahimik lang na nakikinig. "Hay dala ko pa naman ang singsing na pamana ng mga Lee. Tapos ayaw pala ng anak natin Shun." Malungkot na wika ng mommy ni Lee. "Rosemary, Recardo paano ba yan ayaw daw ng anak ko sa unica hija mo. Tutuloy na kami." Saad naman ni Shun sa magulang ni Romary. "Wait. Wait. Naguguluhan po ako. Si Romary mo ba ang tinutukoy po ninyong nakatakda sa akin at dapat pakasalan ko?" Naguguluhan tanong ni Ethan. "Oo anak, matagal na naming kaibigan ang pamilya Romary. Hanggang sa naging busy sila sa kanya-kanyang negosyo. Nito ko lang din nalaman ang nangyari kay Romary. Kaya naman nalungkot din talaga kami ng daddy mo. Hanggang sa nalaman namin na, si Romary pala ang inaalagaan mo dito sa ospital. Masaya kami na naging malapit kayo sa isa't isa. Pero may takot na baka masaktan ka sa bandang huli. Hanggang sa noong isang linggo, ibinigay na ng doktor ni Romary ang resulta ng huling test niya." Wika ni Shiena, ang mommy ni Ethan. Iniabot naman ng daddy ni Shun ang resulta ng mga lab test ni Romary. Napaiyak na lang si Ethan ng makita niya ang resulta na magaling na si Romary. Bigla naman niyang niyakap ang dalaga. Napangiti na lang din si Romary dahil sa nararamdaman niyang napakasaya ni Ethan. Paano pa siya na nalampasan niya ang lahat ng pagsubok. Napabitaw naman si Ethan kay Romary ng maalala ang bigla nitong pagkahimatay kanina. "Pero bakit ka hinimatay kanina?" Naguguluhan tanong ni Ethan ng tumawa si Romary. Hindi naman maipaliwanag ni Ethan ang saya sa puso niya habang nakikita ang mga ngiti at pagtawa ng dalaga. "Drama lang iyon, sabi kasi ni Tito Shun. Pag hindi ka pa daw aamin sa nararamdaman mo. Mapipilitan na silang ipakasal ka sa babaeng nakatakda na dapat sayo. Naamin ko na rin naman kina mommy na gusto kita. Na mahal kita. Kaya ayon." Nakangiting wika ni Romary na hindi na napigilan ni Ethan na yakapij ang dalaga. "Kahit saang simbahan pa. Pakakasalan kita." Wika ni Ethan at masaya naman ang lahat sa nangyari. Dumating din si Yaya Mel, at ang LiViRi Angels. May dala ang mga itong pagkain at prutas na kasya sa kanilang lahat. Magaling na si Romary at lalabas na rin ng ospital ng araw na iyon. Nais lang talaga nila na icelebrate ang araw ng paglabas ni Romary sa ospital at ang pag-amin ni Ethan sa nararamdaman nito. Hindi man akalain ni Romary na magiging masaya pa siya at bibigyan siya ng pagkakataon na gumaling. Noong una akala niya, mawawala na lang siya, ng hindi makakasama ang mga magulang niya. Pero dahil kay Ethan. Nadugsungan pa ang buhay niya, at nakasama pa niya ang mga magulang niya. Malaki ang pagpapasalamat niya sa Maykapal. Dahil sa hindi inaasahang pagkakataon. Nakilala ni Romary ang kayang huling pag-asa. Si Ethan Lee ang kanyang Last Hope. FIN...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD