Unexpected Love
Sobrang busy ni Lara dahil malapit na ang final exam nila. Kahit sabihin na simple lang ang course na kinuha niya, ay masasabi din niyang hindi iyon madali. Being a secretarial students, dapat magaling ka din sa maraming bagay. Hindi mo dapat ni la-lang-lang ang kurso mo. Nagsimula lang siya noon sa mabagal na pagtitipa sa keyboard ng computer hanggang sa nasanay din. Akala nga niya noon, hindi na siya makakapagcollege dahil sa hirap ng buhay. Pero dahil sa offer na scholarship ng pinapasukan niyang university nakapag-aral nga siya at ngayon naman ay graduating na siya. Ulilang lubos na si Lara at nakatira lang siya sa isang maliit na apartment. Estudyante siya sa umaga at nagtatrabaho bilang waitress sa gabi. Para matustusan ang pangangailangan niya sa araw-araw, at pambaon niya pagpasok.
Nakalabas na si Lara ng school, ng maalala niya ang folder para sa final project na irereview niya. Nais niyang maging maayos ang lahat, dahil after noon, exam na. Graduation na. Madami na rin siyang naaplayan bilang sekretarya. Alam naman ng mga inaplayan niya na hindi pa siya graduate kaya lang umaasa siya na after graduation may mapapasukan na siya kaagad. Target niya talaga sa lahat ang World Gold Furniture. Isa iyon sa namamayagpag na kompanya sa Pilipinas. Isa sa pinagkakatiwalaang furniture company. Hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa labas ng bansa. Bagay din ang salitan gold sa company. Hindi dahil parang ginto ang presyo, kundi sulit ka talaga sa kalidad ng mabibili mo.
Naglalakad lang sa gitna ng hall way si Lara at wala naman siyang ibang napapansin na tao. Nang bigla siyang mapatigil dahil nakatanggap siya ng text mula sa isa sa pinakakilala at pinakasikat na kompanya sa Pilipinas. Dahil sa sobrang tuwa, napasigaw pa si Lara. "YES!!" Masayang sigaw ni Lara at napaluha pa siya dahil sa pinagrereport na agad siya ng company. Para malaman kung kailan ang graduation niya at para malaman kung kailan siya makakapagsimula. Ng biglang lumabas ang napakaraming estudyante na may dalang bulaklak at lobo na papalapit sa kanya.
Napamaang naman si Lara, dahil clueless talaga siya sa nangyari. May isang magandang babae ang lumapit sa kanya at inabutan siya ng bulaklak at lobo, sabay sabing "congratulations." Matapos ay nginitian siya nito ng ubod ng tamis. Ganoon din ang ginawa ng iba, kaya naman hindi niya maintindihan kung ano bang meron. Masaya lang naman kasi talaga si Lara, dahil natanggap siya bilang secretary sa pinakasikat na furniture company.
Kahit naguguluhan ay hinayaan na lang muna ni Lara, ang mga tao na batiin siya sa isang bagay na hindi talaga niya alam kung para saan. Hanggang sa may isang lalaki na lumapit sa kanya. Matalim ang mga titig nito. Pansin din niyang napakagwapo nito, at sa tingin niya ay hindi ito estudyante ng university na iyon. Doon lang nakita ni Lara ang malaking banner sa kabilang building, na may nakasulat na 'WILL YOU MARRY ME LARA!'
Napaawang naman ang labi ni Lara, ng mabasa ang nakasulat sa banner. Alam niyang hindi siya iyon. Kaya lang alam ng mga estudyante sa school na iyon na siya si Lara, dahil scholar siya sa university at nagtatrabaho siya bilang librarian dito.
Napatingin lang siya sa lalaking nakatingin sa kanya. Alam niyang galit ito, pero wala naman talaga siyang ginagawang masama. Mula sa pwesto niya ay nakita din niya ang isang magandang babae. Doon lang niya napagtanto na anak iyon ng may-ari ng university. Si Ms. Lara Jane Velasco. Ang tagapagmana ng Velasco University.
"Oh my gosh!" Gulat na wika ni Lara, ng kaladkarin siya ng lalaking hindi niya kilala. Wala siyang alam sa galit nito. Nais lang naman talaga niyang kunin iyong folder. Pero ngayon may isang lalaking galit na galit sa kanya. At isang babaeng naiwan na umiiyak pero wala naman talaga siyang intensyon na masama.
Masaya si Leon dahil ngayong araw ang uwi ng kanyang pinakamamahal. Mula ng makilala niya ang dalaga sa isang fashion show bilang isang modelo ay hindi na niya ito tinantanan. Araw-araw niya itong niligawan hanggang sa mapasagot niya ang dalaga. Nalaman din niya dito na ito ang nag-iisang anak ng may-ari ng Velasco University ang kanyang alma matter.
Kaya naman sa loob ng dalawang taon na relasyon nila ay naisipan na ni Leon na magpropose dito. Hiningi din niya ang kamay ng kanyang minamahal sa mga magulang nito. Kaya naman alam na ng mga ito ang kanyang balak. Ipinagawa niya ang isang malaking banner para ilagay sa isang building ng university. Nakahanda na rin ang mga bulaklak at lobo na ipinamahagi sa mga estudyante para ibigay sa kanyang minamahal pagsumagot ito sa kanyang proposal.
Kinakabahan, pero sobrang saya ng kanyang puso ng matanaw ang kanyang mahal sa kabilang building mula sa kinatatayuan niya. Napansin niyang napatingin ang kanyang mahal sa pwesto nila, kaya naman ibinagsak na nila ang malaking banner at ang mga petals ng mga bulaklak ay unti-unting isinasabog. Hanggang sa hindi nila agad napansin ang isang babae na nasa gitna ng hallway na biglang sumigaw ng 'Yes!' Napakunot naman ang noo ni Leon dahil sa sigaw na iyon ay wala ng nakapansin sa kanyang mahal. At ang mga estudyante ay nilapitan ang babaeng nakatayo sa hallway.
Napansin din niya ang kanyang mahal na bigla na lang nawala ang mga ngiti, at napalitan iyon ng mga luhang nag-uunahan mula sa mga mata nito. Matapos makalapit ang mga estudyante sa babaeng sumigaw, ay siya naman ang lumapit dito. Masama ang tinging ibinibigay niya sa babae dahil sinira nito amg marriage proposal niya sa babaeng minamahal. Nang makalapit siya dito ay walang pag-aalinlanagan niya itong kinaladkad. Wala siyang pakialam kung masaktan man ito. Ang mahalaga sa kanya ay maailabas din niya ang galit sa pagsira nito sa magandang proposal niya sana.
"Teka lang Mister. Ano bang kasalanan ko sayo? Sino ka ba? Wala naman akong ginagawang masama sa iyo ah. At isa pa. Para saan ba itong iniabot ng mga kung sino-sino? Wala naman akong alam dito!" Inis na singhal ni Lara sa lalaking hindi naman niya kilala. Binitawan naman siya ng lalaki at pabalyang itinulak kaya naman nasalampak siya sa semento. Tumama sa semento ang kanyang tuhod at siko kaya naman nagdurugo na ito ngayon. Gusto mang umiyak ni Lara, pero pinigilan niya ang sarili.
"Wala ka talagang alam? Sino ka ba para sirain ang marriage proposal ko sa babaeng minamahal ko? Sinong nagbayad sayo para guluhin kami ngayong araw na ito!" Mariing wika ng lalaki, na ikinagulat naman ni Lara. Tama ang kanyang nasa isipan. Na itong lalaki ngang ito ay magpopropose sa anak ng may-ari ng university. Pero hindi naman talaga niya sinasadya, na matuwa siya ng sobra dahil sa natanggap siya na secretary ng bagong CEO ng World Gold Furniture.
Matapos siyang pagsalitaan ng masasakit na salita ng lalaking hindi niya kilala, at iwan na lang ng basta. Muli siyang pumasok ng university para kunin ang folder na dapat kukunin niya. Nakita niya ang babaeng anak ng may-ari ng university at masama ang titig sa kanyan. Nilapitan siya nito at binigyan ng mag-asawang sampal. Wala namang nasabi si Lara kundi ang matulala na lang. Hinawakan din ng babae ang buhok niya. Masakit iyon at sobrang diin. Pero wala siyang inimik kahit isang salita.
"Hindi ko alam na may pagkamalandi pala ang isang estudyante dito! Wala akong kaalam-alam na nilalandi mo pala ang boyfriend ko. Kung alam ko lang na sayo siya magpopropose, sana hindi na lang ako umuwi ng hindi ko nasaksihan ang kataksilan ninyo. May awa ako at hindi ako ganoong kasama. Hahayaan kitang makagraduate, dahil graduating ka na pala. Pero sana hindi na tayo magkita. Sayong-sayo na ang boyfriend kong taksil! Dahil sa totoo lang mas mahal ko naman talaga iyong boyfriend kong kapwa ko modelo at mas mayaman pa kay sa kay Leon!" Mariing wika ng babae sabay tulak kay Lara. Napasalampak na naman si Lara sa semento at lalong nadagdagan mga sugat niya sa tuhod at siko. Pati ngayon ang braso niya ay mag sugat na rin.
Iniwan na rin siya ng babae, at nginisian pa siya sa kaawa-awa niyang kalagayan. Umiyak na lang ng umiyak si Lara, dahil hindi niya malaman kung anong naging kasalanan niya sa mga ito. Bakit sa kanya binunton ang galit na wala siyang kinalaman. "Masama bang maging masaya para sa sarili ko?" Naitanong na lang ni Lara sa sarili. Bago muling tumayo at hinayon ang patungo sa classroom kung saan niya naiwan ang folder.
Dumaan ang ilang araw at natuloy na nga ang final exam. Mabilis namang lumabas ang resulta at isa nga si Lara sa sure na makakatungtong ng entablado. Pero nawala ang kanyang mga ngiti ng pinatawag siya ng may-ari ng university. Oo nga at isa siya sa nakapasa at makakagraduate. Iyon nga lang ay, iniabot na nito sa kanya ang lahat ng documents na kakailanganin niya. Diploma, TOR at kung anu-ano pa. Sinabi din ng may-ari na ayaw na nitong makikita pa siya sa loob ng university dahil iyon ang kahilingan ng anak nito. Ang year book ay makukuha sa printing press ng school kaya hindi na niya kailangang pumunta pa ng university. Binigyan lang siya ng claiming form, pag pwede ng kuhanin.
Masama ang loob na nilisan ni Lara ang university. Wala naman siyang magawa dahil iyon ang kagustuhan ng mga ito. Umuwi si Lara ng apartment na tinutuluyan niya, at tinawagan ang HR ng World Gold Furniture at sinabi niyang magrereport na siya kinabukasan, at sinabi din niyang anytime soon, pwede na siyang magsimula. Hindi na naman siya tinanong sa biglaan niyang pagrereport. Nang sabihin naman niyang makakapagpasa na rin siya ng mga requirements ay hindi na lang basta report ang nasabi ng HR sa kanya. Pinapupunta na siya ng mas maagap para makapagsimula na rin siya ng trabaho kinabukasan.
Maganda ang mood ni Lara, pag pasok niya ng kompanya. Nagtungo agad siya sa HR, after ng mga pag-uusap ay inihatid na siya sa pwesto niya wala pa ang CEO, sinabi din agad sa kanya ang mga dapat niyang gawin pagkarating ng CEO.
Dumarami na rin ang empleyado sa palapag na iyon. Nakipagkilala na rin ang iba sa kanya. Tahimik lang silang sinisimulan ang trabaho ng biglang pumasok ang isang gwapong lalaki na sa tingin ni Lara ay nakita na niya hindi lang niya maalala kung saan. Pumasok ito sa CEOs office. Mabilis namang nagtungo si Lara sa pantry para ipagtimpla ito ng kape. Kumatok naman muna siya ng tatlong beses, bago walang paalam na pumasok. Nakita niyang busy agad ito at nakatingin sa laptop na sa tingin niya ay nagloloading pa.
Ibinaba niya ang kape sa tabi ng table nito, pagkatapos ay medyo puwesto siya sa gilid, ng biglang magsalita ito kaya naman napatingin siya dito.
"Lara Santos. So you're my new secretary? Gaano kakapal ang mukha mo, para sundan ako dito sa kompanya ko. Well ganoon naman talagang kakapal ang mukha mo para sumagot sa proposal na hindi naman para sayo. And don't try to resign dahil may pinirmahan kang contract ng dalawang taon, na kung aalis ka kakasuhan kita, ng breaching of contract. Okey." Nakangising wika ng boss niya, na ikinatulos naman niya sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya alam na ito ang may-ari ng World Gold Furniture. Na iyong lalaking galit na galit sa kanya ay si Leonard Montgomery.
Tinambakan si Lara ng boss niya ng napakadaming trabaho sa unang araw pa lang niya. Sa mga meetings nito nagsasama ito ng iba, sa halip na siya. Lampas alas dyis na ng gabi, pero hindi pa rin tapos si Lara sa dami ng trabaho na itinambak sa kanya ng boss niya. Sa tingin naman niya ay hindi na iyon kailangan, pero ipinakuha pa iyon sa kanya sa bodega at iaayos ayon sa date na nakasulat. Pinuntahan na rin siya ng gwardiya dahil siya na lang ang nandoon. Pero nagpaalam si Lara na tatapusin lang niya ang kanyang ginagawa. Inabot na siya ng alas dos ng madaling araw bago siya nakauwi ng bahay. Kahit gutom ay hindi na nagawang kumain pa ni Lara, kaya itinulog na lang niya ang pagkalam ng kanyang sikmura.
Alas sais pa lang ng umaga ay gising na rin si Lara, halos nasa dalawang oras lang ang tulog niya. Kailangan niyang magmadali dahil baka malate siya sa trabaho at buntunan na naman siya ng trabaho ng boss niya. Hindi pa naman siya late at maaga pa siya ng thirty minutes, sa oras ng trabaho. Pero mas nauna pa rin ang boss niya sa kanya. Kaya naman tulad ng inaasahan niya ay tinambakan na naman siya nito ng trabaho. Kung kahapon ay iayos ayon sa date na nakasulat ngayon naman pagsama-samahin ayon sa bawat department dapat. Wala naman siyang nagawa kundi sumunod dahil trabaho niya iyon. Dahil sa dami ng kahon na dapat niyang tingnan at pagsama-samahin ay hindi na niya nagawa pang kumain. Kinain na lang niya ang biscuit na binili niya sa tindahan kaninang umaga.
Mula sa loob ay pinapanood naman ni Leon si Lara sa ginagawa nito. Napakunot pa ang noo niya ng lunch break na pero hindi man lang ito umalis sa pwesto. Nakita lang niyang may kinuha ito sa bag, at iyon ang kinain nito. Wala naman pakialam si Leon, kaya binalewala lang niya ang lahat ng nakita niya. Sa araw-araw ay ganoon ang nakikita niyang ginagawa ni Lara. Napapansin din niya na medyo pumayat ito, na kung titingnan mo ay sobrang pagod na pagod. Pero dahil galit siya, binalewala lang niya ang kanyang nakikita.
Alas dyis na ng gabi, ng maisipang dumaan ni Leon sa opisina. Alam naman niyang nagroronda ang mga gwardiya sa loob ng kompanya, at may isa lang naiiwan sa labas. Binati siya ng gwardiya at bumati din naman siya pabalik.
Pagpasok niya sa palapag kung nasaan ang kanyang opisina ay napakunot ang noo niya dahil hindi gwardiya ang kanyang nadatnan kundi si Lara na busy pa rin sa kanyang pinapagawa. Hindi naman siya napansin nito kaya naman nagtuloy siya agad sa kanyang opisina. Doon niya agad binuksan ang kanyang laptop na nakaconnect sa mga cctv. Sinilip niya ang pwesto ni Lara, na sa tingin niya ay nais ng matulog, pero tuloy pa rin sa ginagawa. Binalikan niyang lahat ang oras mula ng nagsimula si Lara doon sa kompanya. Nakita niya ang masaya nitong mukha na makipag-usap sa ibang empleyado. Hanggang sa magkita na nga sila sa loob ng opisina niya at tambakan niya ng trabaho. Nakita din niya na halos wala na itong alisan sa pwesto maliban kung kukuha ng panibagong kahon ng ipinapagawa niya, pupunta ng banyo, or magrerefill ng tubig. Hindi man lang niya na nakita itong tumayo para pumunta ng canteen para kumain. Nakita din niyang inaaya ito ng ibang kasamahan pero ngiti at iling lang ang sagot nito. Hindi niya napansin ang oras. Halos alas dos na ng madaling araw ng makita niyang nakatapos na si Lara sa ginagawa. Tumayo na ito at inihanay ng maayos ang kahon na hindi naman talaga niya kailangan. Uminom lang ito ng tubig at pinatay ang ilaw, bago tuluyang lumabas. Tahimik naman niyang sinundan ito. Babatiin sana siya ng tatlong gwardiya ng senyasan niyang tumahimik ang mga ito, kaya naman tinanguan na lang siya ng mga ito.
Naglalakad lang si Lara, dahil wala na namang gaanong sasakyan sa mga oras na iyon. Hindi naman siya pwedeng mag taxi, dahil kailangan niyang magtipid. Gutom na siya at pagod na rin. Pero mas gusto niyang matulog pagkauwi ng bahay. Pagkapasok niya ng pintuan ng bahay ay hindi na niya nagawa pang maglock ng pinto, pero naisara naman niya. Tumuloy na agad siya ng kama at walang pag-aatubiling ibinagsak ang sarili, hanggang sa lamunin na siya ng antok.
Napakunot noo naman si Leon ng sundan niya si Lara, dahil sa halip na sumakay ito ng taxi, ay hinayaan lang ang sarili na maglakad, kahit sakay siya sa kotse niya ay hindi naman siya napapansin nito na nakasunod, hanggang sa isang oras na mahigit itong naglalakad ng makarating sa tinutuluyan nito. Maliit lang iyon pero kahit papaano ay maayos naman. Kakatok sana siya ng mapansing hindi nakalock ang pintuan kaya binuksan na lang niya ang pinto saka pumasok. Wala siyang nakitang bakas ni Lara sa salas kahit sa kusina, nakita niya ang nakaawang na pintuan ng isang maliit na kwarto. Dahil bukas ang ilaw nakita niya si Lara na halos mahuhulog na sa kama. Mabilis naman niyang nilapitan ito. Akmang gigisingin niya ito ng mapansin ang mga luha ni Lara sa mga mata. Nakaramdam siya ng awa at pagkahabag dito. Hindi na nito nagawa pang alisn ang sandals, at basta na lang nahiga sa kama. Matapos niyang ayusin sa pagkakahiga si Lara ng bigla na lang siyang yakapin ng dalaga. Aalisin sana niya ang pagkakayakap nito ng bigla itong magsalita na sa tingin naman niya ay nananaginip.
"Inay, wag po ninyo akong iwan. Isama na lang po ninyo kung nasaan kayo, ni itay. Ayaw ko na po dito. Hirap na hirap na po ako. Napapagod din po ang katawan ko. Pero kailangan kung lumaban sa araw-araw. Kailangan kong magtrabaho para mabuhay. Pero alam po ba ninyo na mas gusto ko pang mamatay kay sa, sa makulong sa bagay na isinisisi sa akin kahit wala naman po akong ginagawang masama. Isama mo na ako inay. Bakit ganoon po ang mundo sa akin? Masama po bang maging masaya dahil natanggap ako sa pangarap kong pasukan na kompan--." Umiiyak na wika ni Lara, dahil nananaginip ito. Pero hindi na natapos ang sinasabi ni Lara ng bigla na lang itong magising at napatingin sa mukha ni Leon. Na ikinataka niya kung ano ang ginagawa nito sa kwarto niya.
"S-sir? A-ano pong ginagawa ninyo dito? Natapos ko naman po ang trabaho ko. Hindi ko naman po iniiwan ng hindi tapos. May kailangan po ba kayo? Tanghali na po ba? Sorry po, kung na late ako." Wika ni Lara na akmang tatayo pero dahil sa hilo na kanyang nararamdaman ay bigla na lang itong nabuwal at nawalan ng malay.
Nasalo naman bigla ni Leon si Lara ng bigla itong nabuwal. Natakot talaga si Leon, dahil sa hindi tulog si Lara kundi nawalan talaga ito ng malay. Mabilis niyang binuhat ang dalaga, at dinala ng ospital. Halos ala sais na ng umaga, ng lumabas ang resulta ng mga test ni Lara. Over fatigue, kulang sa tulog, at sobrang gutom. Iyon ang resulta sa mga laboratory test na ginawa sa walang malay na si Lara. Nakaramdam naman ng konsensya si Leon. Alam niyang mali ang ginawa niya dito na pagpapahirap. Pero hindi pa rin talaga niya, makalimutan ang pagsira ni Lara sa proposal niya. Kaya ngayon hindi niya kasama ang babaeng dapat pakakasalan niya at makakasama sana habang buhay. Doon na siya nagsimulang paimbestigahan ang lahat ng pangyayari kung sino ang nasa likod ng pagsira ni Lara sa masayang araw sana nila ng kanyang minamahal.
Nasa opisina si Leon ng dumating ang private investigator na inutusan niya ng tungkol kay Lara. Nalaman niyang ulilang lubos na ang dalaga at nagtatrabaho bilang isang waitress sa gabi noong nag-aaral pa. Nagtrabaho din bilang librarian sa Velasco University, scholar din ito ng school. Nalaman din niyang bago ito makagraduate ay nag-apply na ito biglang secretary sa iba't ibang kompanya, at ang kompanya na kaisa-isang tumanggap dito ay ang kompanya niya. Ipinahack din niya ang cctv footage ng university at doon nga niya nakita si Lara na nagtataka ang itsura dahil sa pagpasok nitong muli sa university ay walang tao. Nang mapansin niyang nasa gitna na ito ng hallway ay kinuha nito ang cellphone sa bulsa at may binasa. Naka zoom ang copy kaya naman nakita niyang nagniningning ang mata ni Lara, sa sobrang kasiyahan tungkol sa nabasa. Bago niya napansin ang pagkakataon ng pagsigaw nito. Hanggang sa makita niyang muli ang pagtataka sa mukha nito dahil sa pinagkaguluhan na ito ng mga estudyante at iabot ang mga lobo at bulaklak. Nakita din niya ang paglapit niya dito at ang walang ingat niyang pagkaladkad. Ilang minuto, ng makalabas sila nakita niyang muli ang pagpasok ni Lara, doon naman niya nakita ang ginawa ng dating nobya. Tama, dating nobya dahil mula sa araw na iyon, nakipaghiwalay na ito sa kanya, at hindi man lang siya hiningan ng paliwanag. Matapos ang tagpong iyon, tumayo si Lara sa pagkakasalampak sa sahig at nagtungo sa isang room at may kinuhang folder, bago muling lumabas ng university. Napaisip naman si Leon sa oras ng pagtingin ni Lara sa cellphone nito at sa pagsigaw nito ng yes, kaya naman pinatawag niya ang HR. Doon niya nalaman na iyong oras sa cctv at sa oras ng nagtext ang HR ay halos magkasabay segundo lang ang pagitan. Bigla namang nakaramdam si Leon ng panghihina. Dahil sa bawat oras, at araw na pinahihirapan niya si Lara. Wala naman pala talaga itong ginawang masama sa kanya.
Mabilis siyang umalis ng kompanya, matapos bayaran ang imbestigador na kinuha niya. Pagdating niya ng ospital ay nakita niya si Lara Jane kasama ang isang modelo na kasamahan nito sa trabaho, ng mapansin ang maliit na umbok sa tiyan nito. Lalapitan pa sana niya ito ng marinig niya ang pag-uusap ng dalawa na buntis si Lara Jane at ang kasamang modelo ang ama. Sa halip na kausapin nawalan na siya ng gana. Mabilis na lang niyang tinungo ang kwarto kung saan naka admit si Lara. Nakita niyang gising ito at pinapakalma ng dalawang babaeng nurse.
"Pakiusap palabasin na ninyo ako, ayaw kong umabsent sa trabaho, ayaw kong makulong." Iyak na pakiusap ni Lara sa mga ito kaya naman lalo lang nakonsensya si Leon. Alam niya sa sarili niya kung ano ang dahilan ng pagkakaganoon ni Lara. Sinabihan kasi niya ito na, bawal itong mag-absent kahit pa magkasakit ito, ay wala siyang pakialam ang mahalaga sa kanya ay pumasok ito sa trabaho, at gawin ang trabaho nito, kung hindi ay ipapakulong niya ito. Alam niyang natakot si Lara sa sinabi niya dahil sa tunay na buhay, walang magagawa ang isang mahirap kung yaman lang din naman ang paiiralin.
Nilapitan niya ang dalawang nurse ay sinabing siya na ang kakausap kay Lara. Tumahimik naman si Lara pero umiiyak pa rin, habang nakatingin sa kanya. Akmang magsasalita ito ng yakapin niya si Lara. Hindi naman agad nakapagsalita ang dalaga dahil sa pagkabigla sa ginawa ni Leon.
"Sorry Lara, hindi ko sinasadya na saktan ka, hindi ko sinasadya na pahirapan ka. Pangako gagawin ko ang lahat para makabawi sayo." Malambing na wika ni Leonard kay Lara, habang wala namang nasabi pa ang dalaga. Naramdaman na lang niya ang mainit na yakap nito na biglang ikinabilis ng t***k ng puso ni Leonard. Unang beses niyang maramdaman iyon. Bagay na hindi niya maipaliwanag.
Inihiga niyang muli si Lara sa hospital bed. Alam niyang naguguluhan ito, dahil hindi man ito nagtatanong pero puro naman katanungan ang mababasa mo sa mga mata nito. "Ako na ang mag-aalaga sayo, at wag kang mag-alala hindi kita ipapakulong. Sorry kung naging magaspang ang pakikitungo ko sayo, pero wala akong ibang nais noon kundi ang paghigantihan ka dahil sa pag-aakalang pagsira mo sa proposal ko. Hanggang sa malaman ko ngayon, na naghihiganti ako sa taong wala naman pala talagang kinalaman sa nasirang proposal ko na iyon. Isa pa, dapat pa nga pala akong magpasalamat sayo, dahil hindi natuloy ang proposal ko na iyon. Dahil maaaring tumayo pa akong ama, sa batang hindi ko naman pala talaga anak. Kaya magpahinga ka lang muna. Bibili lang ako ng pagkain mo. Alam kong hindi ka pwedeng mabigla kaya naman lugaw muna ang kainin mo. Hmmm. Just wait for me. Wag ka ng magwawala muli ha. Babalik ako." Mahabang paliwanang ni Leon na ikinatango na lang ni Lara.
Nang makalabas si Lara ng ospital ay nag-iba talaga ang pakikitungo sa kanya ng boss niya. Hindi niya akalain na mabait pala ito. Hindi na rin siya nito tinatambakan ng napakadaming trabaho. Sa oras ng uwian ay palagi siya nitong dinadaanan sa pwesto niya. Ito pa ang nag-o-offer na ihatid siya nito sa apartment na tinutuluyan niya.
Hanggang sa tumagal ng tumagal at hindi na rin maiwasan ni Lara ang mahulog ang loob sa boss niya. Kaya hindi medyo mahirap itinago ni Lara ang kanyang nararamdaman para dito. Pero dumating talaga ang time, na nagseselos siya pag may kliyente ang mga ito na magaganda at sexy na mga babae, kahit wala siyang karapatan. Napapabuntong hininga na lang siya sa isang sulok pagnakikita niya ang matamis na ngiti ng boss niya sa harap ng magagandang mga babae.
Kinagabihan ng araw na iyon, ay kinausap siya ng kanyang boss na may pupuntahan sila na isang dinner sa pinakasikat na restaurant kaya need niyang magsuot ng eleganteng damit aayaw sana siya dahil wala naman siyang ganoong kasuotan, dahil puro pang opisina lang ang meron siya. Pero binigyan na siya ng boss niya ng damit at sandals na pwede niyang masuot.
Saktong alas syete na ng gabi ng dumating si Lara sa restaurant na sinabi ng kanyang boss. Nagtaka pa siya dahil halos walang namang ibang tao siyang nadatnan. Hindi pa siya umaalis sa pwesto niya dahil hindi naman niya alam kung papasok na ba siya or uuwi na lang, ng lapitan siya ng isang babae na sa tingin niya ay isang waitress. Maganda ang ngiti nito sa kanya kaya naman napangiti na rin siya dito. Isinama siya ng babae sa loob. Sobrang namangha si Lara sa nakikita niya. Dahil mas nakakamangha ang ganda ng loob ng restuarant kumpara sa ganda na nakita niya sa labas kanina.
Doon niya unti-unting nakita si Leon na may hawak na bulaklak at papalapit sa kanya. Hindi niya alam ang nangyari pero masaya siyang kinakaban, ng makarinig ng isang malamyos na musika. Iniabot ni Leon sa kanya ang bulaklak. Mabango ang bulaklak at masasabi niyang mamahalin iyon. Inilapag ni Lara ang bulaklak sa table na malapit sa pwesto nila. Kinuha naman ni Leon ang kamay ni Lara, at iginaya para sumayaw. Sumama naman si Lara dito at masayang inihawak ang mga kamay sa balikat ni Leon. Habang ang kamay ni Leon ay nasa kanyang beywang.
"You're so beautiful babe." Wika ni Leon ng magtama ang kanilang mga paningin.
"B-babe?" Nauutal na wika ni Lara ng bigyan siya ni Leon ng napakatamis na ngiti.
"Nabibilisan ka ba? Pero parang ang tagal pa nga. I don't know what happened but every hour, every minute I lay my eyes on you, hindi ko mapigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko. I'm unexpectedly na mararamdaman ko ang bagay na ito ng ganoong kabilis after ng break up. Pero magtiwala at maniwala ka. Totoo ang nararamdaman ko sayo. I love you Lara." Malambing na wika ni Leon na nagpaluha naman kay Lara.
"Maniniwala ka bang kahit pinahirapan mo ako at sinisi sa kasalanang hindi ko naman alam, ay minahal kita. Sabihin ng baliw pero minahal kita ng ganoong kabilis." Sagot ni Lara, ng biglang halikan ni Leon ang kanyang labi.
"I love you Lara Santos, today until forever."
"I love you too boss. Leonard Montgomery." Sagot ni Lara bago muling halikan ni Leon ang labi niya.
Hindi nila inaasahan na sa isang pagkakamali, matatagpuan ni Lara at Leon ang pag-ibig na wagas na hindi nila inaasahan.
FIN...