THE RUNAWAY BRIDE MEETS THE RUNAWAY GROOM

4046 Words
THE RUNAWAY BRIDE MEETS THE RUNAWAY GROOM "Mom, hindi ako papayag ayaw ko pong magpakasal sa lalaking hindi ko naman po kilala. Higit sa lahat hindi ko naman po nakikita!" Inis na wika ni Gior sa ina. "Malaki ang utang na loob natin sa pamilya ni Mr. Zardari dahil siya ang nagsalba ng ating kompanya. Anak pag hindi ka nagpakasal sa anak niya. Siguradong babawiin niya ang mga naitulong niya sa atin. Baka lalo tayong malubog at hindi na makabangon pa. Hindi ka na naman menor de edad Gior twenty ka na." Pakiusap ni Lizel sa anak. "Mom!. Nakita mo na ba ang anak noong Mr. Zardari na iyon? Nakita mo na ba kung gaano katanda si Mr. Zardari? Sixty or seventy years old na iyon eh. Apo na ako noon mommy." Pagmamaktol pa ni Gior. "Hahayaan na lang ba nating, bumagsak ang ating kompanya? Noong makita ka ni Mr. Zardari. Hindi siya nagdalawang isip na tumulong. Nais na rin kasi niyang magpakasal ang kanyang nag-iisang anak. Para makita man lang daw niya ang kanyang apo bago pumanaw." Saad pa ni Lizel. "Ayaw ko pa rin! Mommy naman eh, baka mamaya kasing tanda na ninyo ang anak ni Mr. Zardari. Tapos, imagine naman ninyo nag mag-aano kami after ng kasal. Ewww kaya." Nandidiring wika ni Gior ng pumasok sa loob ng kwarto niya ang kanyang ama. "Sa ayaw at sa gusto mo Giorgia magpapakasal ka sa anak ni Mr. Zardari! Darating na mamaya ang mag-aayos sa iyo. Ikaw din Lizel magready ka na!" Mariing wika ni George na kanyang ama. Wala namang nagawa si Gior kundi umiyak ng umiyak pagkalabas ng mommy at daddy niya sa kwarto niya. Nais man niyang tumakas pero nakita niyang may dumarating ng mga tao na hindi niya kilala. Kaya sa tingin niya mga tauhan iyon ni Mr. Zardari. Alas nueve ng umaga ng dumating ang mga mag-aayos sa kanya. Nakita din niya ang magandang traje de boda na dala ng mga ito. Kung hindi ganoon ang kanyang sitwasyon. Masasabi niyang napakaperfect na sana. Ang damit pangkasal na isusuot niya ay hindi katulad ng normal na damit pangkasal. Isa iyong fitted white dress, na hapit sa kanyang katawan at hanggang itaas niyang hita. Ang mabulad na pinaka saya nito ay ini-a-attached lang para magmukha talagang damit pang kasal. Kaya pagkatapos ng kasal, pwede mong alisin kung naiinitan ka. Maliit lang siyang babae kaya naman ng masuot niya ang four inch white stiletto ay nagmukha naman siyang matangkad. Bagay na bagay sa kanya ang damit pangkasal na suot niya. Napangiti na lang ng mapait si Gior dahil sa biglaang pagpapakasal niya sa lalaking hindi man lang niya nakilala. Higit sa lahat, hindi pa niya nakikita. Samantala, sa bahay ng mga Zardari ay nakikipagtagisan ng sagot ang anak ni Mr. Zardari sa kanya. "Vanni, what's wrong with you!" May diing wika ni Mr. Zardari sa anak? "Dad! Seriously? What's wrong with me! Hell no! What's wrong with you! Kung tutulong ka, wala namang masama kung magpaka-charitable institution ka! Hindi iyong ipipilit mo akong ipakasal sa babaeng hindi ko man lang nakikita ni makilala! Baka mamaya spoiled brat pa ang bata na iyon. Sa halip na magkaroon ako ng asawa. Magkaroon ako ng bata na alagain." Singhal naman ni Vanni sa ama. "Kahit anong sabihin mo Vanni. Magbihis ka na, at magtutungo na tayo ng simbahan!" Galit na saad ni Mr. Zardari sa anak. "Kung ayaw mo. Wala kang makukuha na mana sa akin ni singkong duling. Tandaan mo Vanni. Seryoso ako aa bagay na ito. Kaya mag-isip-isip ka!" Singhal pa ng kanyang ama. Kaya naman wala na ring nagawa si Vanni kundi sumunod dito. Nagbihis ng three piece suit si Vanni, habang suot ang kanyang black leather shoes. Napangiti naman ang kanyang ama, ng makita ang gwapo nitong anak. "Siguradong matutuwa ang mommy mo. Kung nakikita ka niya ngayon. Tara na." Masayang turan ni Mr. Zardari sa anak. "I used my car dad. Kung naiisip mong tatakas ako pasundan mo na lang ako sa mga tauhan mo." Walang buhay na wika ni Vanni sa ama. "May tiwala ako sayo Vanni, kaya mauna na ako sayo. Magkita tayo sa simbahan. Alas onse ang kasal ninyo ng anak nina George." Wika ng kanyang ama bago ito lumabas ng bahay nila. Naupong muli si Vanni sa couch, at inisa-isang alisin ang suot niyang damit. Nagpalit siya ng ripped jeans, simpleng white t-shirt at rubber shoes. Kumuha din siya ng backpack at naglagay ng ilang mga damit at mga personal na gamit. Iniwan niya ang card at cellphone niya. Dinala lang niya ilang bundle ng pera, na sa tingin niya ay sasapat na gastusin sa ilang buwan na paglalayas. Twenty eight na siya ngayon. Kung tutuusin, masyado na siyang matanda para kontrolin ng ama. Sa katunayan menopause baby siya. Matanda ng sampong taon ang mommy niya sa daddy niya. Noong five years old pa lang siya ay pumanaw ito gawa ng matinding karamdaman. Tapos ngayon gusto ng daddy niya na ito ang masusunod sa lahat ng naisin nito. Kaya heto siya at para pa ding bata na need sumunod sa plano nito sa kanya. Mag-aalas onse na ng magpasya siyang umalis ng bahay. Balak niyang maghanap ng matutuluyan. Iyong tipo ng lugar na hindi maiisip ng daddy niya na titira siya. Samantala halos mapuno ng bulungan ang mga tao sa simbahan ng nasa tatlumpong minuto ng late ang groom. Init na init na rin si Gior, sa suot niyang damit, kahit sabihing bukas naman ang aircon ng kotse na sinasakyan niya. Kasama pa niya ang mommy niya ang daddy naman niya ay lumabas muna. Nang hindi pa bumabalik ang daddy niya na nagtungo sa loob ng simbahan ay sinundan ito ng mommy niya. "Ano ba yan? Sino siyang lalaki s'ya at parang ako pa talaga ang hindi niya sisiputin sa kasal na ang may gusto naman ay ang kanyang ama! Kainis. Lord, please give me a sign kung maghihintay pa ako o tatakas na ako. Kailangan kong mag-isip ng imposible." Saad pa ni Gior sa sarili, habang malalim na nag-iisip ng sign na nais niya. "Pagbiglang umulan, gayong ganitong katirik ang araw, dahil magtatanghaling tapat na. Tatakas na ako." Wika ni Gior, ng biglang walang anu-ano'y sa katirikan ng araw ay biglang umulan. Napanganga na lang si Gior kaya naman mabilis niyang inalis ang pinaka saya na suot at marahang bumaba ng kotse kahit medyo nababasa na siya. May dala naman siyang wallet, dahil naiisip na rin talaga niyang tumakas noong una pa lang. Walang nakakakita sa kanyang ginawang paglabas. Mabilis na tumakbo si Gior, hanggang sa may nakita siyang isang kotse, na paparating kaya naman bigla niya itong hinarang. Akala niya ay hindi ito titigil kaya napapikit na lang, siya ng isang dipa na lang ang layo nito, pero sa huling tatlong pulgadang layo nito sa kanyang katawan ay tumigil ito. "What the hell are you do---!" Hindi na natapos ng lalaki ang sasabihin ng biglang pumasok si Gior sa kotse nito at naupo sa passenger seat. Kitang-kita ni Gior ang inis sa mukha nito, pero wala siyang pakialam. Ang mahalaga ay makatakas siya, sa sitwasyong kinakaharap ngayon. "Please mister, help me. May humahabol sa aking mga lalaki, hindi ko naman kilala, wala akong alam na atraso sa kanila. Please naman oh ilayo mo ako dito." Pagsisinungaling pa ni Gior na walang nagawa ang lalaki kundi paandarin ang kotse. Nasa isang oras na silang nasa byahe ng biglang magtanong si Gior. "Mister, saan ba tayo pupunta?" "Ewan ko? Hindi mo naman sinabi kong saan ka bababa. Kaya naman nagmaneho lang ako. Wala naman akong pupuntahan, pero nais kong makalayo dito. Gusto kong magtungo ng probinsya. Ang toxic dito sa Maynila." Wika ng lalaki na biglang may pumasok na idea, kay Gior. "Pwede ba akong sumama sayo? Ayaw ko din dito. Baka mahanap nila ako at ipilit ang isang bagay na hindi ko naman gusto." Tanong pa ni Gior, at tiningnan naman siya ng lalaki mula ulo hanggang paa. "Ikaw, kung okay lang sayo na makasama ako, bakit hindi. Maganda ka naman. Hindi na ako lugi sayo." Wika ng lalaki at bigla namang kinabahan si Gior. "Oh bakit namumutla ka? Wala akong masamang ibig sabihin sa sinabi ko, ah. Kasi sa probinsya pag ang lalaki ay may kasamang babae, kung hindi mo ipapakilala na girlfriend ay asawa. Mga conservative ang mga tao doon. Kaya naman kung ipapakilala kitang asawa. Hindi na masama kasi maganda ka naman." Paliwanag ng lalaki at tatangu-tango lang si Gior. "Akala ko kasi kung anong gagawin mo sa akin. Pasensya na. At salamat sa pagpasama sa akin. Ako nga pala si Giorgia. Pwede mo akong tawagin na Gior." Pakilala ni Gior sa lalaki. "Ako nga pala si Giovanni, you can call me Gio." Wika ni Gio. "Ang ganda ng mga name natin ah. Parang coincidence lang. Giorgia and Giovanni? Pwede mo din pala akong tawaging Gio." Natatawang wika ni Gior habang natatawa na lang sa pagmamaneho si Gio. Nakarating sila sa isang liblib na lugar ng San Vicente. Iyon kasi ang pangalan na nakasulat sa arkong nadaanan nila. Maraming puno at palayan sa lugar. Mayroon ding iilang bahay. Nag-aalangan pa silang magtanong sa mga tao doon at magtanong kung saan sila pwedeng tumuloy lalo na at malapit na ring dumilim. Nang may isang lalaki na lumapit sa kanila. Nagtataka siguro dahil nasa isang oras na rin silang nakatigil doon sa pwesto nila. Ibinaba naman ni Gio ang bintana ng kotse niya ng kumatok ang lalaki. "Sir, may kailangan po ba kayo dito sa lugar namin? Medyo natatakot na po ang ibang tao dito. Lalo na at hindi naman po kayo kilala." Saad ng lalaki. "Pasensya na po kung nagbigay kami ng takot. Bagong kasal lang kami ng asawa ko. Mahilig kaming magtravel. Kaya naman ang gusto sana namin, maexperience namin ang buhay dito sa probinsya. Kaso wala po kaming kakilala, at wala po kaming matutuluyan." Paliwanag ni Gio. Tumango naman ang lalaki at sinabing maghintay lang saglit at may kakausapin ito. Pagkaalis ng lalaki ay nakatanggap naman ng isang suntok sa braso si Gio mula kay Gior. "Ang sakit nun ha!." Reklamo pa nito. "Talagang pinanindigan mo iyang asawa na sinasabi mo ha!" Singhal ni Gior sa kay Gio. "Ay anong sasabihin ko. May kasama po ako dito na babaeng nangharang sa kotse ko at nakikiroad trip. Kung gusto mo, baba ka na. Bahala ka na sa buhay mo." Inis na wika ni Gio. "Sorry na. Sige na kung ano nang palusot mo, okey lang basta wag mo akong iiwan dito ha." Pagpapacute pa ni Gior at napabuga na lang ng hangin si Gio. Pagbalik ng lalaki ay may kasama na itong isang lalaki. Nakausap nila ang kasama nito at mayroon daw itong isang bahay na ginawang pahingahan pag nasa bukid. Kahit papaano ay mayaman ang lalaki iyon sa lugar, kaya parang rest house daw ang bahay nito sa palayan. Total naman ay nasa ibang bansa ang pamilya nito, ay pwede nitong paupahan ang maliit na bahay na iyon sa tabihan ng palayan. Kaya tamang-tama lang daw sa bagong kasal na tulad nila. Maliit lang ag bayad na kinuha nito. Masaya lamang na may titira sa rest house nila para maalagaan. Inihatid na sila ng lalaki at nagpasalamat. Kompleto ang gamit doon at may tubig at kuryente. Dahil wala silang pagkain ay nagpresenta ang lalaking nakakita sa kanila na ibili sila ng kanilang pangangailangan. Pagbalik nito ay binigyan ni Gio ito ng maliit na halaga bilang pasasalamat na labis ding ipinagpasalamat ng lalaki. Maliit mang halaga kay Gio ang dalawang libo pero sa mga tao sa probinsya na tulad noon ay malaking tulong na iyon. Matapos maayos ang sarili ay napatingin naman si Gior sa kwarto. Noon lang nila napansin na iisa lang ang kwarto na may katamtamang laki ng kama. Kung matutulog sila ng magkatabi ay ayos lang naman. "Papayag ba akong makatabi siya sa higaan? No way!" Wika ni Gior ng biglang lumapit sa tabi niya si Gio. "Malawak ang upuang kawayan. Sa liit mo. Kasya ka naman dyan." Maangas na wika ni Gio at nagtuloy-tuloy na ito sa paghiga sa kama. "Ang ungentleman mo. Ako itong babae, tapos pahihigain mo ako sa kawayang upuan." Reklamo ni Gior. "Hoy miss. Baka nakakalimutan mong sabit ka lang sa lakad ko. Tapos ako pa nagbayad dito. May wallet ka ngang dala. May pera anong magagawa ng one thousand pesos mo at ng card mong walang silbi dito sa probinsya. Iyang pera mo magagastos iyang card mo kahit tumambling ka pa. Card lang at walang silbi." Singhal sa kanya ni Gio kaya naman bigla niyang narealize na tama nga ito. Binigyan naman siya ni Gio ng pamalit na damit. Binigyan din siya nito ng boxer short na bago pa para naman komportable siya sa pagpapahinga. Napatingin na lang siya kay Gio na mahimbing na nakahiga sa kama. After niyang magbihis ay inilagay niya sa kwarto nito ang pinagpalitan niyang damit. Mabilis siyang lumabas ng kwarto at tahimik na nagtungo sa silyang kawayan. "Kagustuhan ko ito di ba na hindi magpakasal sa matanda, kaya naman kaya ko ito. Matitiis ko itong lahat. Mahalaga may makain ako, at may matutuluyan." Wika ni Gior sa sarili at nagpilit na matulog. Nagsindi pa siya ng katol dahil medyo malamok sa lugar. Mabuti na lang at madami doong stock na katol at mayroon ding lighter na pansindi. Sa ilang araw nilang pagsasama ni Gio, ay nakakasanayan na niya ang pagsusungit nito minsan, lalo na syempre ang pagiging mabait nito. Habang si Gio ay nasasanay na rin sa pagiging maarte at masungit niya. Natuto na rin siyang magluto. Ang mga gulay na hindi niya kinakain noon ay nakakain na niya ngayon. Hindi pala masama ang tumira sa probinsya. Iyong mga nakasanayan mo noon, hindi na niya hinahanap ngayon. Sa maikling panahon nakontento siya sa bagay na kung ano lang ang mayroon. Kasama siya ngayon ng magsasaka na namimili ng mga mangga na inani para dalahin at ibenta sa bayan. Si Gio naman ay isa sa mga, nangunguha ng prutas. "Mahal, baka napapagod ka na. Pwede ka namang magpahinga." Agaw pansin sa kanya ni Gio na hindi niya napansin na nakalapit na pala sa kanya. "Ayos lang ako mahal, sagot naman niya at ipinagpatuloy ang ginagawa." Isang matamis na ngiti naman ang isinagot sa kanya ni Gio, bago muling sumama sa mga kumukuha ng mangga. Napailing na lang siya, ng marinig niya ang tuksuhan ng mga kababaihan na kasama niya. Hindi niya alam kung paano nagsimula na mahal ang naging tawagan nila ni Gio. Nagising na lang siya isang araw na tinawag siya nitong mahal. Akala niya ay binibiro lang siya ni Gio, kaya naman sinagot din niya ito ng mahal. Hanggang sa nakasanayan na nila. Natutulog na rin sila ng magkatabi sa kama, ngunit mayroong pagitan. Noong unang beses na matulog siya sa silyang kawayan, ay nagising na rin naman siya sa kama. Binuhat siya ni Gio dahil naawa daw ito sa pamamaluktot niya at kinakagat ng lamok. Pagdating ng hapon ay sabay na silang umuwi ng bahay. Nakaupo si Gio sa upuang kawayan, siya naman ay nagtuloy sa kusina para makapagluto. Nag-iisip siya ng pwedeng lutuin ng sumulpot si Gio sa kanyang tabi. "Mahal, gusto ko ng sinigang, madaming gulay na galing sa mga kasamahan kong magsasaka, tamang tama at saktong pangsinigang. Mayroon naman tayong natitira pang karne ng baboy." Malambing na wika ni Gio na biglang bumilis ang pagtibok ng puso ni Gior. "Ang lambing mo ha. Wag kang ano dyan pag ako nafall ng talaga sayo." Birong totoo ni Gior. Hindi man maitatanggi na talagang nahuhulog na siya kay Gio. Sinong hindi? Sa una lang ito masungit pero talagang mapag-alaga. Hindi siya sigurado, pero kung pagmamahal ang nararamdaman niyang ipinaparamdam nito sa kanya. Siguradong isa na siya sa pinakamasayang babae sa buong mundo. "Paano kung sabihin ko sayong, minamahal na kita? Hahayaan mo ba akong pumasok dyan sa puso mo?" Tanong ni Gio habang unti-unting kinukulong si Gior sa mga bisig nito. "Wag mo akong paglaruan Gio. Kasi sa totoo lang hindi ko na kailangang mafall sayo, kasi hulog na hulog na ako." Buntong hiningang pag-amin ni Gior, na wala namang natanggap na sagot kay Gio ng siilin na siya nito ng halik. "Mahal na kita Giorgia. Siguro masyadong mabilis, pero sa bawat araw na kasama kita. Lalong tumitindi ang pagmamahal na nararamdaman ko sayo. Pinigilan ko. Pero hindi ko na kaya." Pag-amin ni Gio. "Ganoon din ako Gio. Pinigilan ko, pero ang pasaway kong puso. Hindi mapigilan ang nararamdaman para sayo. Sayo lang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Pero may lihim akong gusto kong malaman mo." Malungkot na wika ni Gior. "Ano naman iyon mahal?" Malambing na wika ni Gio. "Wala talagang humahabol sa akin noon. Tumakas ako. Tinakasan ko ang kasal ko sa lalaking hindi ko naman mahal." Naiiyak na wika ni Gior. "Mahal mo ba ako?" Seryosong tanong ni Gio. Sunod-sunod namang tango ang isinagot ni Gior. "Oo, mahal na mahal kita Gio." Lumuluha pa ring sagot ni Gior dito. "Mahal din kita. May gusto din akong takasan noon. Ipinipilit ni daddyvna magpakasal ako sa babaeng hindi ko pa nakikita. Kaya naman umalis din ako. Siguro coincidence na magkita tayo. Gior pagbalik natin, ipapaalam ko na kay daddy na magpapakasal ako pero hindi sa babaeng gusto nila, kundi sayo." Saad ni Gio. "Ako din, ipaglalaban kita. Hindi ako papayag sa gusto nina mommy. Mahal kita Gio." Malambing na wika ni Gior, habang yakap-yakap nila ang isa't isa. Ipinagpatoy na ni Gior ang pagluluto at tinulungan naman siya ni Gio. Nanging masaya ang kanilang hapunan. Lalo na at naamin na nila sa isa't isa ang kanilang nararamdaman. Magkatabi silang natulog sa kama, kung noon may pagitan sila, ngayon naman ay nakaunan si Gior sa dibdib ni Gio. "Mahal ano kaya kong---." Hindi tinapos ni Gior ang sasabihin ng halikan niya sa labi si Gio. Noong una ay hindi ito, tumugon siguro ay nabigla sa kanyang ginawa. Pero hindi nagtagal at tumugon na rin ito sa mga halik niya. "Mahal, tumigil ka na, habang napipigilan ko pa ang sarili ko." Daing naman ni Gio sa pagitan ng halik na nagaganap sa kanilang dalawa. "Wag mong pigilan ang sarili mo mahal. Kung magdadalangtao ako. Mas hahayaan na tayo ng mga magulang natin na magsama, kay sa, ipakasal sa mga taong hindi naman natin kilala, at hindi natin mahal. Mahal mo ba talaga ako Gio?" Tanong ni Gior, ng mas lalong palalimin ni Gio ang paghalik nito sa kanya. Doon pa lang alam na ni Gior ang sagot nito. Ganoon din siya. Sobrang mahal na niya si Gio kaya handa na siyang ibigay ang sarili dito. At ng gabing iyon. Naganap ang kanilang pag-iisa. Naulit pa iyon ng naulit sa pagdaan ng mga araw. Hanggang na makaramdam si Gior ng kakaiba sa kanyang katawan. Makalipas ang isang buwan ay masayang umuwi ng bahay si Gior at Gio. Dala ang balita na nagdadalangtao ang nobya. Doon napagpasyahan na nilang umuwi sa kanila. Para aminin ang relasyon na mayroon sila ngayon. Doon muna sila nagtungo sa bahay nina Gio. Masasabi ni Gior na may karangyaang talagang taglay ang pamilya nito. Nasa may opisina sila ng bahay ng mga ito. Nakatalikod sa kanila ang ama ni Gio, at nakatingin sa labas ng glass wall. Hindi pa rin sila nito kinakausap. Malamang galit ito sa anak. Dahil sa ginawa nitong pagtakas. Nang ilang sandali pa ay nagsalita din ito. "Alam mo bang napahiya ako dahil sa hindi mo pagsipot sa kasal Vanni!?" Galit ang boses ng ama ni Gio. "Alam ko po dad. Pero hindi ko po pinagsisisihan ang pag-alis ko. Lalo na at dahil sa ginawa kong iyon nakita at nakilala ko ang babaeng nais kong makasama habang buhay." Wika ni Gio, habang sa kanya ito nakatingin hawak pa nito ang kanyang kamay ay binigyan pa siya nito ng isang halik sa noo na puno ng pagmamahal. "Paano kung sabihin kong hindi ako makakapayag na hindi matutuloy ang kasal na tinakasan mo!? Ano ang masasabi mo Vanni?" May inis sa boses nito. Bigla namang nakaramdam ng kaba at takot si Gior. Dahil una pa lang hindi na siya tanggap ng daddy ni Gio para dito. "Mahal ko po ang anak ninyo! Wala po ba siyang karapatang pumili ng mamahalin? Bakit kailangan pa ninyong diktahan si Gio!" Lakas loob na wika ni Gior sa ama nito. "Dad! Buntis si Gior at ako ang ama. Hindi ako papayag na mahiwalay ako sa babaeng mahal ko. Lalong-lalo na hindi ako papayag na mawalay sa anak ko. Wala akong pakialam kahit wala akong matanggap na mana. Ang mahalaga sa akin ay ang aking mag-ina! Kung wala po kayong sasabihin aalis na po kami. May trabaho po ako sa bukid sa lugar kung saan ako nagtungo. Alam kong mabubuhay kami ng maayos kahit mahirap ang pamumuhay doon." Mahinahong wika ni Gio ang pahuli niyang sinabi ng magsalita ang kanyang ama. "Sandali Vanni!" Pigil ng kanyang ama, kaya napatigil naman silang dalawa sa paglalakad patungong pintuan, kaya napaharap silang muli dito. "Narinig ba ninyo ang sinabi ng dalawang ito!? Pwede na kayong pumasok!" Sigaw ng ama ni Gio, na hindi nila pareho nauunawaan ang nangyayari. Sabay sa pagharap ng lalaking ama ni Gio sa kanila ay ang pagbukas ng pintuan ng opisina nito. Napaharap naman silang dalawa ni Gio sa pumasok sa pinto at napasinghap naman si Gior ng makita ang dalawang tao na iniluwa ng pintuan. "Mom? Dad?" Takang sambit ni Gior ng makita ang mga magulang. Napatigig naman si Gio kay Gior na titig na titig sa mga bisitang dumating. "Mommy? Daddy? Ano pong ginagawa ninyo dito?" Takang tanong pa ni Gior sa mga magulang. "Ipinatawag kami ng ama ng groom na tinakbuhan mo. Kaya kami nandito anak. Masaya kami sa narinig namin anak. Hindi ko akalain na magugustuhan ninyo ang isa't isa Higit sa lahat ipaglalaban pa ninyo ang pagmamahalan ninyo." Wika ni Lizel na mommy ni Gior. "Masaya akong mahal mo ang amin anak Giovanni. Hindi ko inaasahan na kahit noong una ay ayaw ninyo sa isa't isa. Ngayon naman hahamakin ninyo ang lahat wag lang kayong mapaghiwalay na dalawa. Proud ako bilang ama, na may isang lalaki na magmamahal ng tunay at tapat sa anak ko. Makulit lang si Gior. Pero napakabuti niyang anak. Mahalin sana ninyo ang isa't isa. Ang aking basbas ay panghabang-buhay." Masayang wika ng daddy ni Gior. Bago binigyan ng isang yakap si Gio. Takang-taka na si Gior at Gio sa nangyayari at sa sinasabi ng mga magulang ni Gior. Nang mapalingon namang bigla si Gior sa lalaking kanina lang ay nakatalikod sa kanila at nakaharap sa glass wall. "Mr. Zardari?" Takang tanong ni Gior ng mapagtanto niya ang lahat. "Oh my gosh!" Singhap na wika ni Gior at napatingin naman kay Gio na, parang napapagtagni-tagni na rin ang lahat. "Dad! Si Gior ba ang babaeng nais mong pakasalan ko?" Mahinahong tanong ni Gio sabay tango ng kanyang ama. "Oh my God! Hindi ko alam kung matatawa na lang ba ako o manghihinayang na hindi kita sinipot noong kasal natin mahal ko." Naluluhang wika ni Gio. "Ako din mahal. Umayaw ayaw pa ako sayo, pero tayo ding dalawa ang nagkatagpo sa pagtakas natin." Umiiyak na ring sambit ni Gior at niyakap na ito ng mahigpit ni Gio. "Pero paano po ninyo nasabi sa mga magulang ni Gior ng ganoong kabilis, na nandito po kami?" Takang tanong ni Gio sa ama. "Easy lang, may mga tauhan akong nakabantay sa inyong dalawa. Doon din sila nanirahan kong nasaan kayo naroroon. Sila ang nagbabalita sa akin ng sitwasyon ninyong dalawa. Kaya hindi mo ba, nahalata na walang naghahanap sa inyong dalawa ng sabay pa kayong nawala, sa araw ng inyong kasal?" Natatawang wika ni Mr. Zardari kaya naman napuno ng tawanan ang loob ng opisinang iyon. Nagkaroon ng pormal na pagpapakilala si Gio sa mga magulang ni Gior. Noong mga oras na iyon ay pinagplanuhan na rin nilang muli ang kasal na dapat noon pa lang ay natuloy na. Pero ngayon sigurado na silang dalawa na itutuloy at itutuloy nila ang kasal at wala ng makakapigil pa. Hindi natin masasabi kung gaano naging mapaglaro ang tadhana. Tumakas man si Gio at Gior sa kasal nila noon. Pero sa bandang huli, nakasama pa rin ng bride ang dapat niyang groom. FIN...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD