KISAPMATA

4757 Words
KISAPMATA Nakaupo lang sa tabing dagat si Mia habang nakatanaw sa papasikat na araw. Kagabi pa siya nandoon sa beach na iyon ng Santa Catalina. Nais niyang makalimot sa break-up na naranasan niya sa five years relationship nila ng boyfriend niyang cheater. Five years ago nakilala niya si Miko sa isang bar. Mabait ito at napaka-gentelman. Iniligtas siya nito sa isang lalaking nambastos sa kanya. Hanggang sa nakapalagayan ng loob. And after three months na panunuyo sinagot niya ito. Akala ni Mia, perfect na ang relasyon nila, until one day, sa hindi sinasadyang pagkakataon. Nakita niya si Miko na may kahalikan sa loob mismo ng condo nito. May susi siya sa condo ni Miko kaya nakakapasok siya doon ng malaya. Pero sa nakita niyang iyon. Forgiveness and a second chance is not her cup of tea. Kaya pinilit niyang kalimutan ang pinakamamahal na kasintahan. Hanggang sa nahihirapan na siyang iwasan ito lalo na at pagpapasok at lalabas siya sa trabaho ay pinupuntahan siya nito. Para lang magsorry at para makipagbalikan sa kanya. Sabi nga ang basura tinatapon. Kaya naman bakit pa niya babalikan si Miko, ay naitapon na niya? Not again. Never. Nakangiti pa siya dahil sa ganda ng pagsikat ng araw. Humahalo pa ang sinag nito sa tubig na nagbibigay ng kulay dilaw at orange na liwanag. "Ang ganda." Hindi niya mapigilang bulalas ng tuluyan ng sumabog ang liwanag ng araw sa kapaligiran. Mababakas sa masaya niyang mukha ang labis na kaligayahan, habang nakatingin sa araw at karagatan. Pero sa hindi inaasahang pangyayari may tumamang kung anong bagay sa ulo niya dahilan para mapahiga siya sa buhangin. "Aray naman!" Reklamo niya habang pinipilit itayo ang sarili. Pasalamat na lang si Mia at nakaupo siya, kaya hindi siya gaanong nasaktan ng mapahiga siya sa buhangin. "Miss okay ka lang?" May pag-aalala sa boses ng kung sino mang Poncio Pilato ang lumapit sa kanya at inalalayan siyang makaupo. "Mukha ba akong okay?" May pagkasarkastikong tanong ni Mia sa lalaki. "Yes! Wala ka naman kasing sugat o kung ano man. And I guess okay ka lang." Nakangiti pang wika ng lalaki kaya naman biglang naitulak ito ni Mia. "Ang harsh mo naman. Sorry na. Ibinato ko kasi iyong bola ng volleyball. Pero sa totoo lang sumigaw ako na iwasan mo. Iyon nga lang busy ka sa panonood mo sa sunrise kaya ayon, tumama sayo." "So kasalanan ko?" May pagtataray pa rin sa sagot ni Mia. Nasaktan kasi talaga siya. Sa ulo ba naman niya tumama. "Hindi naman sa ganoon. Sorry ng talaga. Hindi ko sinasadya." Masamang tingin naman ang ipinukol ni Mia sa lalaki, kaya naman medyo napaatras ito. "Okay, sinasadya ko talaga ang pagbato sa bola. Pero hindi ko intensyon na tamaan ka. Sorry talaga. Para makabawi ako sayo. Ilibre na lang kita ng breakfast. Tara." Pag-aaya pa ng lalaki. Sinipat naman ito ni Mia ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik. "Bakit naman ako sasama sayo? Malay ko ba kung masamang tao ka! Isa pa kaya ko namang bumili ng sarili kong breakfast." "Nagsosorry na nga ang tao eh. Alam mo bang walang ibang guest sa resort na ito kundi tayo lang dalawa." Ani ng lalaki at noon lang napagtanto ni Mia na wala ngang ibang tao doon maliban sa kanilang dalawa, at sa mga staff ng resorts na nakita niya kanina. "Bakit naman walang iba?" "Nirentahan ko ang buong resort ng isang buwan. Gusto ko sanang mapag-isa. Kaya lang nauna ka sa akin. Kahapon ka pa daw? Kanina lang akong madaling araw. Syempre hindi naman kita pwedeng paalisin. Isa pa, tingin ko may pinagdadaanan ka din." Sagot ng lalaki at naupo sa tabi ni Mia. "Bigla tuloy akong nahiya, nirentahan mo pala ang resort na ito. Baka abala lang ako sayo. Pwede naman akong umalis." "Hindi na. Tulad ngayong oras na ito. Masaya din pala na may nakakausap ka. Galing ako sa isang break-up. Kagabi nakita ko ang fiancee ko na may you know. Sa mismong kwarto namin sa condo ko. Kung hindi ako umalis baka may magawa akong hindi maganda sa kanila. Nagpunta ako dito. Malayo sa kanya para makapagrelax. Gusto kong makalimutan ang sakit." Malungkot na wika ng lalaki sabay buntong hininga. Tumingin din ito sa dagat na ngayon ay sobrang liwanag na. Malaki na rin ang itinaas ng araw ng mga oras na iyon. Naisip ni Mia ang sarili. Pareho sila ng sitwasyong kinasasadlakan ng lalaki. Pareho silang nabigo sa pagmamahal at pareho silang ngayon ay pilit na bumabangon para makalimutan ang sakit ng kahapon. "Naiintindihan ko ang sitwasyon mo. One week ago nahuli ko ang boyfriend kong may kahalikan sa condo niya, kaya nakipaghiwalay ako. Pero dahil sa sobrang kulit niya para sa second chance na hinihingi niya. Nagleave ako sa trabaho ng isang buwan. Hanggang sa napadpad ako dito, para magrelax." Paliwanag ni Mia. "Coincidence right? Ang galing di ba, same situation pero nauna ka palang maging luhaan. Pero akalain mong pinagtagpo tayo dito." Nakangiti pang wika ng lalaki. "Bago ang lahat I'm Micco Salcedo." Pakilala ng lalaki na hindi malaman ni Mia kung matatawa ba siya o matatawa talaga. "What a coincidence right?" Naiiling na sambit ni Mia na ipinagtataka ni Micco. "Bakit?" Clueless na tanong nito. "You know what? My ex name is Miko Salceda. Kaunting-kaunti na lang magkapareho na talaga kayo ng pangalan. Paano ko siya makakalimutan kong ang makakaharap ko ay isang Micco rin. Magpalit ka nga ng pangalan." Napakamot naman ng ulo si Micco sa narinig niya sa babaeng kaharap. "Kasalanan ko bang Micco Salcedo ang pangalan ko? Tanong mo kaya sa nanay ko kung bakit iyon ang ibinigay niya? Ano bang pangalan mo? Parang gusto ko na ngang manghula eh. Sana naman hindi Miyah Zarsuela. Tsk." Napapailing na tanong ni Micco ng makatanggap ng seryosong tingin kay Mia. "Sad to say, Mia Zarsuelo ang pangalan ko." Nakangising wika ni Mia habang nakatingin sa mukha ni Micco. "No way!" "Yes way. May I.D's ako. Pwede kong ipakita sayo." Sagot pa ni Mia kaya naman napahilot na lang ng noo si Micco. "Halos kapangalan ko ang ex mo. Pero siguro naman mas gwapo ako doon di ba? Sabi kasi ng nanay ko, ako na iyong pinakagwapo niyang anak. Pag hindi naririnig ng kapatid ko." Natatawang wika pa ni Micco. "Hindi ko maiitanggi. Lamang ka talaga ng mga sampong paligo doon. Wala ng mas papangit sa mga taong cheater." Aniya. "Tama ka. Sa katunayan, mas maganda ka sa ex-fiancee ko. Akala ko lang talaga siya na ang para sa akin. Nadala ako ng kabaitan niya sa panlabas na anyo. Habang nagtatago pala sa kalooban niya ang tunay niyang ugali." Malungkot na pahayag ni Micco. Naramdaman na naman ni Mia ang sakit ng paghihiwalay nila ng kasintahan. Ramdam din niya ang sakit na nararamdaman ni Micco dahil pareho lang sila ng naranasan sa mga dati nilang karelasyon. "Tama na ang drama. Libre mo na ako ng breakfast." Wika ni Mia. Malawak naman ang ngiti na ipinukol sa kanya ni Micco sa mga oras na iyon. "Tara na. Nagugutom na rin ako." Pag-aaya pa ni Micco at inalalayan siyang tumayo. Kinuha lang muna ni Micco ang bolang medyo malayo ang narating dahil sa pagkakabato niya. Bago sila tuluyang nagtungo sa pinaka restuarant ng hotel ng resort. Naging panatag ang kalooban nila sa isa't-isa kahit saglit lang silang nagkasama at nagkakilala sa mga oras na iyon pakiramdam nila matagal na silang magkakilala. "Ano pang gusto mo?" Tanong ni Micco ng matapos silang kumain ng umagahan. "Kape lang." "Nagkape ka na kaya, kulang pa iyon sayo?" "Ang liit ng tasa nila. Isang mug nga pag-umiinom ako ng kape. Kaya sige na, isa pa. Maliban na lang kung ayaw mo na akong ilibre." Nakangusong reklamo pa ni Mia. "Ikaw naman, hindi na mabiro. Heto na at tatawag na ako ng waiter papatimpla na rin ako ng aking kape." "Thank you." Tipid niyang sagot habang hinihintay ang pagdating ng kape nila. Ipinalagay na lang nila iyon sa disposable cup para makapaglakad sila habang nagkakape. Naglakad-lakad lang muli sila sa tabing dagat, nagkukwentuhan sa kung anu-anong mga bagay. Hindi nila akalain na sa pag-uusap nilang iyon, magiging palagay sila sa bawat isa. "Micco salamat ha. Sa totoo, hindi ko akalaing magiging ganito akong kasaya sa unang araw pa lang ng bakasyon ko." "Same here Mia. Kagagaling lang natin pareho sa break-ups pero heto at nagagawa kong ngumiti at tumawa. Naging palagay kaagad ang kalooban ko sayo." Anito. "Friends?" Alok ni Mia sabay abot ng kanyang kamay. "Best of friends." Sagot ni Micco sabay hawak sa nakalahad na kamay ni Mia para makipaghand shake. Naupo sila sa buhanginan sa tabi ng isang puno kung saan nandoon ang lilim nito. Nakatingin sila pareho sa may dulo ng dagat sa abot ng natatanaw ng kanilang paningin. Napangiti pa si Micco ng biglang may maalala. "Gusto mo bang mamasyal bukas? May karating na maliit na isla sa dulo na hindi tanaw dito. Pwede tayong gumamit ng speedboat, kung gusto mong makarating. Doon ang balak kong pasyalan bukas sasama ka?" Pahayag naman ni Micco, ng biglang maexcite si Mia. "Talaga? Isasama mo ako. Maganda yan. Adventure din ang hanap ko tapos sa kabilang isla pa." Halos mapatalon pa si Mia sa kasiyahang nararamdaman. "Maliit lang naman iyon. Pwede tayong doon matulog. Hahatiran na lang tayo ng staff ng resorts ng pagkain. Breakfast, lunch and dinner. Kaya bili na lang tayo ng snack para sa meryenda. Call?" "Oo naman." Nagtagal pa sila ng konte sa ilalim ng puno, hanggang sa nagpasya na silang bumalik ng hotel room na kanilang inuukupa. Nahiga sa kama si Mia, pagkarating niya sa hotel room. Hindi niya akalaing sa ilang oras na nakilala niya si Micco, ay biglang nawala ang sakit sa kanyang puso. Ang sakit ng paghihiwalay nila ng ex niya ay parang, uling lang na pinunasan at ngayon ay hindi na nakikita. Katulad ng sakit ng puso niya ng maupo siya kaninang umaga sa buhanginan. Lumuluha pa noon ang puso niya tapos ay bigla na lang nawala ng parang bula at napalitan ng excitement at saya ng makilala niya si Micco. Sabay na rin silang naghapunan. Ipinaalala pa sa kanya ni Micco na magdala nga siya ng damit at doon na sila matutulog sa isla. Si Micco na rin ang bahala sa meryenda nila. Kaya naman wala na siyang dapat alalahanin kundi ang sarili at gamit na kanyang dadalahin. Alas kwatro y media pa lang ng umaga ng may kumatok sa kanya sa kwarto. Sakto naman na kasasakbat lang niya sa kanyang balikat ang maliit niyang backpack na binili niya sa tindahan ng resort sa ibaba. "Tara na." Bungad sa kanya ni Micco pagkabukas niya ng pintuan. Dala nito ang may kalakihang backpack. "May dala akong juice, tubig at tinapay. Nakausap ko na rin naman ang staff na dalahan tayong dalawa ng pagkain natin sa isla. Sinabi ko ding mag-oover night tayo doon. Kaya okay na, ipinalinis na rin nila ang cottage na nasa isla. Ihahatid nila tayo sa speedboat nakausap ko na rin sila." Ani Micco at hinawakan nito ang kamay niya. Bigla namang natigilan si Mia ng maramdaman niya ang pagdaloy ng kuryente mula sa palad niyang hawak ni Micco patungo sa kanyang puso. Napatigil din naman si Micco ng maramdaman ang bagay na iyon. Pero pilit niyang binabaliwala. "Okay ka lang?" Tanong niya kay Mia. Alam niyang pareho nilang naramdaman ang kuryenteng iyon. Pero wala siyang balak sabihin sa kaharap. "Oo. Okay lang naman ako. Tara na." Ani Mia at hinila na siya ni Micco. Hanggang sa makasakay sila ng speedboat ay magkahawak kamay pa rin sila. "Hindi ka ba nauumay na hawakan ang kamay?" Tanong ni Mia na medyo na iilang na sa paghahawak kamay nila. "Baka makabitaw ka. Kaya hahawakan kita ng mahigpit at ang hindi ka na mahulog pa sa iba." Makahulugang sagot ni Micco na siyang dahilan para bumilis ang pagtibok ng puso ni Mia. "Sana nga, hindi ka katulad ng iba. Masaya din akong makasama ka. Masaya akong nakalimutan ko na siya at ikaw na ngayon ang kinikilala ng puso ko ng ganoong kabilis." Aniya sa kanyang isipan at itinuon na muli ang tingin sa malawak na dagat na kanilang binabaybay. Nasa tatlumpong minuto lang ang naging byahe nila at nakarating sila sa maliit na isla. Mayroon din doong mga cottage, pero isa lang ang pwedeng tuluyan at mag-over night. Kaya naman magkasama lang sila ni Micco sa cottage na iyon. Dalawa naman ang kwarto noon kaya ayos lang. Umalis na rin ang staff ng resorts pagkahatid sa kanila. Babalik na lang daw mamaya para dalahan sila ng pagkain. Ang breakfast naman nila ay maagang inihanda ng mga ito, kaya dala na kaagad nila patungong isla. Sabay silang kumain ng umagahan sa tabing dagat. Inabangan na nila doon ang pagbubukang liwayway. "Ang ganda. Mas maganda dito kay sa doon sa dalampasigan ng beach." Hindi mapigilang bulalas ni Mia. "Kaya naman isinama kita dito. Gusto kong makita mo rin ito." Tugon ni Micco. "Nakapunta ka na ba dito?" "Uhum. Malimit ako dito sa resort. Pero ngayon ko lang ginawa na ipaexclusive para sa akin itong resorts. I mean sa atin kasi mas nauna ka ka sa akin. Kaya naman, mag-enjoy ka lang dito. Kasi free ng lahat ng accommodation mo dito." "Hindi ba nakakahiya. Isang linggo lang ang binayad ko sa resort eh. Tapos ang pagkain ko pa. Kaya medyo nagtitipid ako ngayon." "No worries, basta mag-enjoy ka lang. Habang magkasama tayo. Libre lahat ng kakainin mo dito. Lahat ng sasakyan mo kong nais mong mamasyal. Lahat ay free para sayo." Nakangiting wika ni Micco kaya naman mas lalong nagrambulan ang mga paru-parong nagliliparan sa sikmura niya. "Salamat. Unexpected ako na makatanggap ng ganitong treatment. Salamat sa lahat." "Don't say thank you. Ako ang dapat magpasalamat sayo. Masaya akong makasama ka sa panahong ito. Hindi ko pa alam ang dahilan pero talagang iba ang saya na nararamdaman ko ngayon. Parang ngang hindi ko na nararamdaman ang sakit na dulot ni Miyah. Hindi ko na nga siya nararamdaman. Ngayon lang ng maalala ko na kaya pala ako nandito ay para makalimutan siya. Pero ng makilala kita kahapon. Parang hindi ko na siya maalala." Ani Micco at naupo mismo sa tabi niya. "Hindi ba at parang ang bilis? Kagagaling lang nating pareho sa break-up. Ako eight days ago, ikaw two days ago. Tama lang ba itong nararamdaman natin?" Tanong ni Mia na may halong pag-aalala. "Wala namang masama kung bigla nating maramdaman ito di ba? Kanina alam kong naramdaman mo din iyong kuryente. Di ba may sparks tayo. Bagay na hindi ko naramdaman sa kanya." Paglalahad pa ni Micco. Tama din naman si Micco sa sinasabi nito. Lalo na at hindi din naman niya naramdaman ang sparks na iyon sa ex niya. Kay Micco lang. Kanina lang ng magkahawak ang kamay nilang dalawa. "Alam mo ba iyong kasabihan na, 'it takes only four second to fell in love with the right person?' Sa tingin ko ito talaga ang ibig sabihin noon. Oo masyadong mabilis. Pero masama bang pagbigyan ko ang sarili kong mabilis na naramdaman ang ganito para sayo. Sayo lang naman eh." Ani Micco at hinawakan ang kamay ni Mia. "Natatakot ka ba sa akin? Sorry, baka nawiwirduhan ka na sa akin. Gusto mo, pagdating ng magdadala ng pagkain natin ipapasama na kita sa kanila pabalik. Sorry." Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Micco bago tuluyang tumayo. Akmang aalis na si Micco sa pwesto niya ng biglang hawakan ni Mia ang kamay nito. "Sorry nabigla lang naman ako. Kasi kahit ako nagtataka sa sarili ko. Okay lang bang hayaan ko rin ang sarili ko sa kung anong umuusbong na damdamin para sayo." Nahihiya man, ay nagawang titigan ni Mia ang mga mata ni Micco. Isang ngiti naman ang isinukli sa kanya ng binata. "I'm happy to hear that from you. Sa ngayon let us enjoy the moment na magkasama tayo. Eenjoy natin ang bakasyon natin dito sa resort ng magkasama. Parehong isang buwan ang bakasyon natin kaya matagal pa tayong magkakasama." Masayang wika ni Micco at hindi na niya napigilan ang paghalik sa noo ni Mia. Nabigla man ang dalaga sa ginawa nito. Pero napangiti na lang din sa isiping napaka-sweet lang nito. Nang sumikat na ng tuluyan ang araw ay nagawa nilang maglangoy sa dagat. Masarap sa katawan ang tubig, lalo na at ang init ng araw ay masarap lang sa balat. Nakakawala ng stress ang maging masaya. Lalo na kung kasama mo ang taong isa sa nagiging dahilan kung bakit ka ngumingiti ngayon. Halos araw-araw ng magkasama si Micco at Mia. Wala silang pakialam sa sasabihin ng iba kung may makakita man sa kanilang iba. Ang mahalaga lang ay sila. Kung ano ang meron sa kanilang dalawa, ang pagmamahal na nabuo ng ganoong kabilis. Ang pag-usbong ng pag-ibig na hindi nila inaasahan na kanilang matatagpuan sa piling ng isa't-isa. Sabi nga nila pagmasaya ka, hindi mo namamalayan ang oras. Parang sobrang bilis lang ng isang buwan. Ngayon nag-eempake na si Mia ng gamit niya. Kailangan na niyang umuwi sa realidad. Sa lugar kung saan, nandoon ang mga taong kakilala niya. Ang maganda lang wala na ang sakit na dulot ng ex niya. Isang katok sa pintuan ang nagpatigil kay Mia sa ginagawa. Pinuntahan muna niya ito at binuksan. Bumungad sa kanya ang mukha ni Micco. Nakangiti man ito ay mababakas ang lungkot sa mga mata. Siya din naman, malungkot ang araw ng paglalayo nila. Pero alam naman niyang magkikita ulit sila, hindi nga lang kasing dalas ng nangyari sa resorts sa loob ng isang buwan. "Bakit ka nandito? Gusto mo bang makita ang pag-alis ko?" Malambing na tanong ni Mia, ng yakapin siya ng mahigpit ni Micco. "Ihahatid na kita, para malaman ko kung saan ka nakatira. Para alam ko kung saan ka pupuntahan. Dala ko ang kotse ko. Ako ng maghahatid sayo." Ani Micco habang yakap pa rin si Mia at hinahalik-halikan ang noo ng dalaga. "Wag na. Di ba nangako naman tayo na babalik ulit tayo dito makalipas ang isang buwan. Para naman malaman natin kung talagang mahal natin ang isa't-isa o kaya naman kung attached lang tayo sa isa't-isa kasi tayo lang dalawa ang magkasama. Pangako babalik ako dito kahit anong mangyari at sasabihin ko sayo ang nararamdaman ko." "Sigurado ka? Paano kung sa two weeks mamiss mo ako bigla, paano tayo magkikita. Paano kita pupuntahan kung mamimiss kita?" Tanong ni Micco. Hinaplos ni Mia ang gwapong mukha nito. Sa unang pagkakataon mula ng magkasama sila. Ngayon lang nagkalapat ang mga labi nila. Binigyan ni Mia ng isang halik na punong-puno ng pagmamahal si Micco. Tinugon naman ni Micco ang halik na iyon ng buong puso at pagmamahal. Matapos ang makapugtong hiningang halik na iyon ay ang paglalapat ng kanilang mga noo. "Hindi ko na hihintayin ang isang buwan para sabihin na mahal kita. Ngayon pa lang sasabihin ko sayong mahal kita." Masayang wika ni Micco sa malungkot na boses. Dahil mamimiss niya sigurado si Mia sa lilipas na isang buwan. "Mahal din kita Micco. Kaya pangako babalik ako dito para sayo, at pagbalik ko. Kahit sabihin nila na sobrang bilis kong makakilala ng iba, wala akong pakialam. Ang mahalaga lang ay ikaw at ako. Tayong dalawa at hindi ang ibang tao." Umiiyak na sambit ni Mia, at niyakap ng muli si Micco. "Ipapareserve ko ulit ang resort, para sa ating dalawa sa susunod na buwan." Ani pa ni Micco kaya naman pinaningkitan siya ni Mia ng mata. "Ganyan ka ba talagang kayaman, para palaging ipareserve itong resort. Isa pa nakita ko kung gaano kamahal ang isang gabi doon sa isla tapos halos mas madaming araw ang inilagi natin doon. Umamin ka! Ano bang trabaho mo? Hindi lang ako nagtatanong pero nakakahalata na ako sayo. Baka mamaya ay ilegal pala ang trabaho mo." May pagdududa pang tanong ni Mia na tinawanan lang ni Micco. "Actually matagal ko ng gustong itanong sayo kung alam mo ba ang pangalan nitong resort na ito eh." Nakangiti pang saad ni Micco. Habang tinitingnan niya si Mia na parang nag-iisip. "I guess hindi. Ang alam mo lang is napadpad ka dito sa Santa Catalina tapos ay nakita mo itong resort, kaya naman dito ka na lang nagstay kasi gabi na. Tama?" Hula ni Micco sa isasagot ni Mia. Kaya naman natawa na lang siya ng tumango ito. "Sinasabi ko na nga ba. I'm the owner of this resorts. It's Salcedo Beach Resorts. Nasa mismong bayan ng Santa Catalina ang bahay ko. Tapos noong punta ko nga dito may nakacheck-in daw na babae na mukhang broken hearted. Ayon katulad ko din. Kaya naman iniutos ko sa staff na wag ng tumanggap ng guess. Masaya naman ang naging bakasyon ko. Kaya naman balikan mo ako dito after one month please." Ani Micco at niyakap ng mahigpit si Mia. "Kaya pala. Pero hindi kita nagustuhan dahil mayaman ka ha." "I know. Hindi mo nga alam kung nasaan ka ngayon. Hindi mo nga inalam kung sino ang may-ari nito. Kaya naman wag kang mag-alala. Basta ipangako mong babalik ka at maghihintay ako." Inihatid na lang ni Micco si Mia sa may sakayan. Ayaw man sana ni Micco na payagang magbyaheng mag-isa si Mia, pero wala naman siyang magawa dahil iyon ang kagustuhan ng dalaga. Para sa dalawang puso na magkalayo, napakabagal ng mga araw. Sa tingin nila ay halos hindi umuusad ang oras, at ang mga araw. Inabala ni Mia ang sarili sa kanyang trabaho. Pagbalik naman niya ay hindi na siya kinulit pa ng ex niya. Lalo na ng malaman nitong nagdadalangtao na ang ipinagpalit nito sa kanya. Malapit ng matapos ang isang buwan nilang pinag-usapan. Hindi nawala ang pagkamiss at pagmamahal ni Mia kay Micco. Kaya naman sigurado siyang, tunay na pagmamahal iyong nararamdaman niya para sa binata. Hinihiling din niyang sana ay ganoon din ito sa kanya. Bago matapos ang isang buwan ay nagpaalam muli si Mia na magbabakasyon siya kahit isang linggo. Hindi naman madami ang trabaho nila kaya naman pinayagan agad siya ng boss niya. Ngayon ay nasa byahe na ulit si Mia patungong Santa Catalina. Miss na miss niya si Micco. Gusto na niyang mayakap ang binata sa mga oras na iyon. Pagdating niya sa resorts ay katulad din noong unang dating niya. Iyon nga lamang ay hindi gabi kundi alas dos ng hapon. Kilala naman siya ng staff ng resorts kaya naman, inihatid na lang siya nito sa hotel room na tutuluyan nila. Nagtaka pa si Mia lalo na at alam niyang iyon ang kwartong dating inuukupa ni Micco. "Bakit po dito?" Takang tanong niya sa staff. "Iyon po ang utos ng kapatid ni sir, kaya po dito ko po kayo inihatid." Magalang na sagot nito sa kanya. Pero nandoon ang pagtataka sa sinabi nito. "Wait lang. Hindi ko naman kilala ang kapatid ni Micco. Bakit siya ang mag-uutos? Nasaan si Micco?" Sunod-sunod niyang tanong na hindi niya malaman kung ano ang kaba na bigla na lang niyang naramdaman. "Hintayin na lang po ninyo ang kapatid po ni sir. Parating na po iyon. Nainform na rin po kasi namin na nandito na po kayo." Ani ng staff at iniwanan na siya nito sa loob ng kwarto. Inikot niya ang kabuoan ng kwarto ni Micco. Parang mula ng umalis siya ay hindi na rin nagstay doon ang binata. Siguro ay gawa na rin ng pagod ay hindi niya namalayan na nakatulog siya. Malakas ang ulan ng mga oras na iyon, at halos parang bumabagyo. Sobrang dilim ng kalangitan at halos wala kang mabanaag na titila ang ulan at sisinag ang araw. Nagmamaneho si Micco pauwi ng bahay nila, galing sa kompanya na hinahawakan niya. Bukod sa sariling resort ay may sariling kompanya din ang pamilya nila. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, isang dump truck na nawalan ng preno ang sumulpot sa harapan ni Micco at binangga ang sinasakyang kotse nito. Naitakbo pa si Micco ng ospital. Nagawa pa siyang isalba ng mga doktor sa binggit ng kamatayan ng mga oras na iyon. Pero matapos ang operasyon, sa ICU dinala si Micco. Comatose ang deklarasyon ng mga doktor. Pero makalipas ang isang buong araw nagkamalay ito. Nakita iyon ng kanyang pamilya at nakausap ang anak. "Micco mommy is here. Pagaling ka anak ha. Mahal na mahal ka ni mommy." "Micco magpalakas ka na ha, si daddy na ang bahala sa kompanya, basta magpagaling ka anak ha." "Kuya is here Micco. Tutulungan kita sa resort mo. Mahalaga magpahinga ka muna at magpagaling." "Mahal na mahal kita mommy, daddy, kuya. Mahal na mahal ko po kayo. Basta po kung ano man po ang mangyari tanggapin po ninyo ha. Ang mahalaga palaging nasa puso natin ang bawat isa." Ani Micco ng magsimula ng umiyak ang mommy niya. "Don't say that anak. Gagaling ka at magiging malakas ang pangangatawan mo. Magpapalakas ka pa at bibigyan mo pa ako ng apo di ba? Kayo ng kuya mo." Wika ng mommy niya habang inaalo ng daddy niya. Inilayo muna ng daddy niya ang mommy niya sa tabi ni Micco. Naiwan ang kuya niya sa kanyang tabi. "Kuya, alagaan mo sina mommy at daddy ha." "Oo naman. Pati ikaw, kaya magpagaling ka." "Kuya basta ipangako mo sa akin. Pakiusap." Aniya habang nagbabadya naman ang mga luha sa mata ng kapatid niya. "Oo pangako." Sagot nito at tuluyan ng bumagsak ang mga luha na pinipigilan nito. "Kuya may nakilala ako sa resort. Babalik siya para sa akin. Pero kuya baka hindi ko na matupad ang pangako ko sa kanya. Siya si Mia Zarsuelo. Sounds familiar di ba? Pero magkaiba sila. Kilala siya ng staff ko. Sabihin mo kuya kung gaano ko siya kamahal. Kahit sa kabilang buhay. Siya lamang ang aking pakamamahalin. Hihintayin ko siya kuya." Umiiyak na rin si Micco habang nagsasalita. Hinawakan naman ng kuya niya ang kanyang kamay at hinalikan ng buong pagmamahal "Mommy, daddy, kuya." Tawag ni Micco sa pamilya niya. Lumapit naman ang mommy at daddy niya sa kanya. "Mahal na mahal ko po kayo. Kuya ikaw na ang bahala kay Mia, sabihin mo sa kanya na mahal na mahal ko siya. Hanggang sa muli po. Mahal ko po kayo." Huling salita ni Micco bago siya binawian ng buhay. "Micco naman, bakit ang daya mo? Akala ko ba, pagbalik ko dito magkikita tayo? Pero bakit naman iniwan mo ako kaagad? Akala ko ba mahal mo ako? Pero bakit ganito?" Umiiyak na sambit ni Mia habang nakatingin sa papalubog na araw. Nandoon siya ngayon sa isla kung saan, mas madaming alaala na mayroon sa kanila ni Micco. Nakilala niya ang kapatid ni Micco at nalaman niya ang masakit na nangyari dito. Kung masakit ang break-up niya noon. Mas masakit itong nararamdaman niya sa paglisan ni Micco ng biglaan. "Nagpunta ako dito noon ng malungkot, pero napasaya mo ako. Hinayaan kong maging masaya ang puso ko habang kasama ka. Sana hinayaan mo man lang akong makasama ka pa ng mas matagal, hindi 'yung ganito. Hindi iyong iniwan mo kaagad ako. Bakit naman ang daya mo?! Parang kahapon lang nandiyan ka pa! Pero bakit para kang isang kisapmata at hindi na kita makita!" Mapait na sigaw ni Mia sa kawalan. Habang unti-unting inilulubog ang sarili sa malamig na tubig ng dagat. Ipinikit ni Mia ang mga mata hanggang sa lamunin ang tubig ang kanyang katawan, at magpadala kung saan man siya dalahin ng alon. Iminulat ni Mia ang mga mata. Hindi niya alam ang lugar kung nasaan siya sa mga oras na iyon. Pero magaan ang kanyang pakiramdam. Hindi siya nakakaramdam ng sakit. Kahit kaunting kirot sa kanyang puso ay wala siyang nararamdaman. Pinilit niyang bumangon, pero bago pa niya nagawa ay sinalubong siya ng nakangiting mukha ni Micco. "Totoo bang nakikita kita ngayon? Ibig sabihin?" "Yes Mia. Magkasama na tayo ngayon. Sinadya mo man ang ginawa mo at alam nating pareho na mali iyon. Pero may plano ang nasa Itaas kaya ngayon magkasama tayo. Mahal na mahal kita Mia." "Ganoon din ako Micco. Mahal na mahal kita." "Tayo na Mia, hinihintay lang talaga kita. Kailangan na nating umalis. Naghihintay na rin sila." Ani Micco at nilukob na sila ng isang sinag na napakaputi at napakaliwanag. Sabi nga nila hindi natin masasabi ang ating kapalaran ganoon din ang hiwaga ng buhay. Pwedeng maging masaya, malungkot, masakit at nakakatakot. Pero kahit ano pa man iyan. Dapat pahalagahan natin ang buhay na mayroon tayo. Kung ngayon, kasama mo ang mahal mo sa buhay, pero maaaring bukas hindi na, o maaaring ikaw mismo ang hindi na nila makasama. Pero darating pa rin sa buhay natin ang maging masaya. Kung hindi man sa lupa, pwedeng sa kabilang buhay. Maaari din hanggang sa mga susunod pang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD