Malapit ng lumubog ang araw nakikita na rin ang pagsabog ng kadiliman. Napatigil lang sa paglalakad si Jezith at tumingin sa kalangitan.
"Mukha pang uulan. Wala pa naman akong dalang payong," reklamo niya sa sarili ng maalala ang payong na kanina lang ay pinag-iisipan niyang dalahin ngunit nanaig ang kapasyahang iwan na lang ito sa bahay.
Napatawa pa siya ng sandaling pumatak na nga ang ulan. Hindi naman gaanong malakas. Pero kung magtatagal ka sa walang panangga ng ulan mababasa ka rin.
Mabilis siyang tumakbo patungo sa waiting shed na kanyang nakita.
"Aray!"
Sabay-sabay na sigaw ng tatlong babaeng iisa ang tinutungo ang nag-iisang waiting shed sa lugar na iyon.
Nagkatinginan pa sila ng mapansing lahat sila ay nakaupo sa sementadong flooring ng waiting shed at lahat ay nakahawak sa noo.
Noong una ay halos pare-pareho sila ng reaksyon. Inis sa nangyaring pagbagsak hanggang sa tumawa bigla ang isa.
"Nakakatawa lang. Pasensya na. At sorry na rin. Kanina pa akong nagdadalawang isip na magdala ng payong. Kaso mainit naman kaya iniwan ko na. Tapos ngayon ay umulan," paliwanag ng isa. "Ako nga pala si Mariel pero Yel na lang."
"Ako din, pahamak kasi ang panahon pabago-bago," isang buntong hininga naman ang pinakawalan ng isa pa. "Angeline pero pwede na ang Ange," nakangiti pang pakilala nito.
"Jezith. Just call me Jez. Saklap ng kapalaran natin ngayong hapon. Iniwan ko din payong ko. May pagdadalawang isip pa ako kanina," natatawang wika ni Jez kaya mas natawa silang tatlo.
Nagtulungan silang para makatayo. Habang Nagkukwentuhan, ay hindi na rin nila napansin ang paglimas ng oras. Lalo ng dumidilim pero hindi pa rin tumitigil ang ulan.
"Anong gagawin natin. Mukhang nagngangalit ang kalangitan. Mabait naman ako," ani Yel na sinamaan ng tingin ng dalawa.
"Baka pagtulog," sabay pang wika ng mga ito.
"Aba? Totoo naman ah. Pagtulog," sagot ni Yel na lalong nagpatawa sa kanila.
"Ganoon din ako," pag-amin ni Jez.
"Me too," pagsagot ni Ange sabay taas pa ng mga kamay.
Kahit noong oras na iyon lang sila nagkakilala. Pakiramdam nila ay matagal na silang magkakakilala at magkakaibigan.
Ilang oras pa ang itinagal ng malakas na ulan. Halos alas otso na rin iyon ng gabi.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Ange bago nagsalita. "Need ko ng makauwi, baka mamaya abutan ako ng curfew ng landlady ko."
"Bakit? Alas nuebe ang curfew mo?" sabay na tanong ni Yel at Jez na ikinatango ni Ange.
Nagkatinginan naman silang tatlo na parang iisa ang nasa isipan.
"Sa Biscuit Apartment ding kayo nakatira?" anilang tatlo na sabay-sabay pa nilang ikinatango.
"Bakit hindi ko kayo nakikita doon?" si Jezith ang unang nagtanong.
"Room 11 sa dulo sa kanan sa itaas. Ang daan ay sa harapan," sagot ni Mariel.
"Room 22 sa kabilang dulo ng room 11," sagot ni Angeline.
"Room 33 sa taas din, ang daan ay sa likod," ani Jezith na lalo nilang ikinatawa.
"Akalain mo iyon. May laman na pala ang apartment ni madam. Bago lang ba kayo?"
"Kahapon lang ako," si Mariel ang nagsalita.
"Noong isang araw ako," ani Angeline.
"Medyo matagal na ako doon. Wala naman akong ibang nakikilala lalo na at sa pagkakaalam ko, puro lalaki ang umuukupa sa baba. May nakatira na sa room 1 to 10," dagdag ni Jezith.
Alas otso y media na ngunit wala pa ring humpay ang malakas na pag-ulan. Halos nasa kalahating kilometro na lang naman ang layo ng apartment na tinitirahan nila. Kaya lang napakalakas pa rin talaga ng ulan. Nag-aalala na rin naman silang tatlo dahil malapit ng magsara ang pinakagate ng bahay.
Napatingin sila sa daan ng may humintong isang van sa harapan nila. Nakaramdam sila ng takot kaya naman naghawak-hawak sila ng kamay. Kung may gagawing masama ang mga tumigil ay lalabanan nila sa abot ng kanilang makakaya.
Nag-uusap sila sa pamamagitan ng mga mata. Ang balak nilang pagtakbo ay natigil ng may tumawag sa pangalan ni Jezith.
Napatingin silang tatlo sa lalaking kabababa lang ng van at may dalang payong.
"Jezith," ulit nito sa pangalan ng dalaga na naguguluhan kung bakit alam nito ang pangalan niya.
"P-paano mo ako n-nakilala?" nauutal pang tanong ni Jezith habang masama ang tingin sa lalaki.
Madami ng naloloko sa panahon ngayon. Mahirap ng magtiwala. Lalo na at tatlo silang babae. Napatingin pa sila na nakabukas na van at may nakita pa silang dalawang lalaki. Isa ay siyang pinakadriver at ang isa ay ang lalaking nasa passenger seat.
"Look, malakas ang ulan sumama na kayo sa amin. Sa Biscuit Apartment din ang punta namin."
Nagkatinginan pa ang tatlong dalaga na nag-aalangan kung tatanggpin ba ang offer ng lalaking hindi naman nila kilala at ngayon lang nila nakita.
"Hindi na, salamat na lang," sagot ni Angeline ng mapansin nila ang pagbukas ng bintana ng passenger seat.
"Reb, ayain mo na iyang tatlo. Tumawag na ako kay Madam Lee na kasama na natin ang tatlo niyang boarder. Ayon at nakahinga ng maluwag. Kanina pa daw siyang nag-aalala sa tatlong iyan. Dahil hindi pa nakakauwi."
Sigaw ng isang lalaki sa loob ng sasakyan. Napatingin silang muli sa lalaking tinawag ng kasamahan nito na Reb. Mukha naman itong mabait. Pero nag-aalangan pa rin silang tatlo na sumama. Kahit narinig nilang binanggit ng isa ang pangalan ni Madam Lee. Ang landlady nila.
"I'm Reb Isco Vargas. Isa sa nakatira sa apartment ni Madam Lee. Iyong nasa passenger seat si Hansell Gonzaga. Makulit yan, pero mabait naman. Iyong nagdadrive si Sky Flakes Brown. Half-Filipino and Half-American. Galing kaming trabaho at na trapped nga ng traffic. Tapos tumawag si Madam Lee na hindi pa daw nakakauwi ang tatlong boarder niya na babae. Kaya naman lalong bumagal ang takbo namin at nagpapalinga-linga na rin at baka nga makikita namin kayong tatlo. And luckily magkakasama kayo dito. Kaya tara na. Mababasa na kayo niyan. Naghihintay si Madam Lee. Hindi matahimik na hindi pa kayo nakakauwi."
Mahabang paliwanag ni Reb na kahit papaano ay ikinagaan ng kalooban nilang tatlo. Sumang-ayon sila sa pagsakay sa van ng mga ito. Pero dahil maingat pa rin sila ay hindi napansin ni Reb ang hawak nilang pepper spray incase na may gawing masama sa kanila ang tatlo.
Magkakatabi pa sila sa van ng makasakay sila. Nasa unahan lang ang tingin ni Reb, pati na rin ang nasa passenger seat na ipinakilala nitong si Hansell. Diretso tingin naman aa kalsada si Sky.
Ilang sandali pa ay ipinasok ni Sky ang van na sinasakyan nito sa compound ng apartment ni Madam Lee. Nakita nga nila ito na puno ng pag-aalala sa mukha.
"See, sabi ko naman sa inyo. Nag-aalala si madam sa inyo," ani Reb na ikinangiti ni Jezith.
Wala namang masamang matakot at tumanggi. Hindi nila kilala ang mga lalaking ito. Pero ngayon naman na napatunayan nilang tatlo na maayos na kausap ang mga ito ay pakiramdam nila ay nakahinga sila ng maluwag.
Mabilis na bumaba si Sky ng maiparada ang sasakyan sa parking na nandoon. Hawak ang isang payong ay siyang paglabas ni Yel.
"Alalayan na kita. Sukob ka na dito. Magpakita ka kay madam. Baka isipin na nagsisinungaling kami na nakita namin kayo. I'm Sky Flakes nga pala. Just call me Sky," nakangiting pakilala ng lalaki na ikinangiti ni Mariel.
"Mariel, just Yel."
"Your name suits you. Beautiful."
"Unang beses lang kitang nakita. Bolero ka na. Aba!"
"I'm not bolero. It's called admiration." Matatag na wika ni Sky na nagpangiti kay Mariel.
Palabas na rin ng sasakyan si Angeline ng biglang may humawak sa kanyang kamay.
"Para saan ang paghawak na iyan?" May pagkamataray na tanong ni Angeline sa lalaking ngayon ay nakahawak sa kanyang kamay. Pero nakilala na niya ito ng ipakilala ito sa kanila ni Reb, noong hindi pa sila sumasakay ng van.
"Ang taray naman. Aalalayan lang kita. Kita mo iyong kaibigan mo. Kung hindi dahil sa payong ng kaibigan ko. Mababasa iyon. Ihahati lang kita sa payong. Isa pa wag masyadong mataray mas matanda ako sayo. I'm Hansell Gonzaga nga pala and you?"
"Ah okay Manong Hans, I'm Angeline tawagin mo na lang akong Ange."
"Luh, manong talaga? Pwede bang Hans na lang? Para namang ang tanda ko ng sobra. Baka dalawang taon lang ang tanda ko sayo."
"Ikaw nagsabi na mas matanda ka sa akin. So manong suits you."
"Ang kulit mo Angie. Tara na nga. Mabasa ka pa ng ulan. Magkasakit ka pa."
Hindi na nakaangal si Angeline ng higitin ni Hansell ang kamay niya. Nagpatianod na lang siya dito, patungo kay Madam Lee na naghihintay sa kanila.
Nagkatinginan pa si Jezith at Reb at sabay na natawa. Nakatingin lang sila sa mga kaibigan na mukhang magkasundo na rin naman. Sabay na silang lumabas ng van. Si Reb na ang nagsara ng pintuan.
"Paano mo nga pala nalaman ang pangalan ko?" nagtatakang tanong ni Jezith na ikinangiti ni Reb.
"Itinanong ko kay madam. Matagal na kitang nakikita dito, pero wala akong lakas ng loob na makipagkilala. Mukha pa ngang blessing in disguise ang pagbuhos ng malakas na pag-ulan. Nagkalakas ako ng loob na itanong kay madam. Lalo na at ipinadala niya sa amin ang larawan ninyong tatlo. Wala namang masama na itanong ko ang pangalan mo. Kaya ayon. Natawag kita, noong akmang tatakbo kayo. Mabuti na lang. Kasi maaaring magkasakit kayo, kung nababad kayo ng ulan." Mahabang paliwanag ni Reb na ikinangiti ni Jezith.
"Sorry sa pagdududa ko sa intensyon mong tulungan kami kanina."
"Wala iyon. Mas okay pa rin ang naging reaksyon ninyong tatlo, lalo na at hindi ninyo kami kilala. Tara na kay madam ng makita ka niya."
Sabay na silang naglakad habang hawak ni Reb ang payong nito. Nang makarating sila sa harapan ni Madam Lee na nakaupo sa may sulok para hindi mabasa ng ulan ay naramdaman nila ang relief nito na makita sila. Napatingin na rin sila sa gate na kusang naglolock pag alas nuebe na. Pero pwede namang buksan in case of emergency.
"Makakatulog na ako ng maluwag at nandito na kayong tatlo." ani madam ng sabay-sabay na tumikhim ang tatlong lalaki na nasa tabi nila.
"Silang tatlo lang talaga ang inalala mo madam?" reklamo ni Hansell na napanguso pa.
"Napakaunfair noon madam," dagdag pa ni Reb.
"Hindi ka nagki-care sa amin madam?" nakanguso pang wika ni Sky ng makatanggap ng pambabatok kay Madam Lee na ikinaatras nilang tatlo.
"Sus kung hindi ko kayo kilalang tatlo. Ngayon lang kayo umuwi ng maagap. Kung hindi pa dahil sa tatlong dalagang ito na ipinahanap ko sa inyo. Siguradong mamayang alas dose pa ang uwi ninyo. Pasalamat kayong tatlo at kilala ko ang mga magulang ninyo. Kung hindi ay hindi ko ibibigay sa inyo ang access ng gate para makapasok dito ano mang oras. Tsk. Tsk. Kayong tatlong dalaga kayo, punta na kayo sa kwarto ninyo at wag kayong papabola at tatlong ugok na ito. Mababait naman ang mga iyan. Kaya lang hindi pa marunong magseryoso sa buhay." ani Madam Lee at natatawang iniwan na sila nito at pumasok na sa loob.
May daan kasi doon patungo sa pinakabahay ni Madam Lee.
"Wag kayong maniniwala sa sinabi ni Madam Lee," wika pa ni Hans na hinawakan ang kamay ni Angeline.
"Whatever, manong. Thanks and bye," ani Angeline at mabilis na hinayon ang daan pataas.
Unti-unti namang lumalayo si Jezith kay Reb ng hawakan ni Reb ang kamay niya.
"Para saan yan?"
"Naniniwala ka kay madam?" malungkot nitong tanong na ikinatawa ni Jezith.
"Maniwala man ako kay madam o hindi ano ba kita?" naiiling na tanong ni Jez na sinudan din si Madam Lee patungo sa likuran dahil doon ang hagdanan patungo sa pinaka apartment niya.
"Ikaw?" tanong bigla ni Sky kay Mariel na ikinangiti ng dalaga.
"Ikaw din," sagot ni Mariel at mabilis na tinakbo ang hagdanan tinungo ni Angeline.
Nagkatinginan na lang ang tatlong magkakaibigan na mukha pang sabay-sabay na nahulog sa tatlong babaeng kanilang nakilala ngayon.
Mula ng araw na makilala ng tatlong binata ang tatlong dalaga na nakatira sa second floor ng apartment ni Madam Lee ay palagi na lang nilang binibisita ang mga ito.
Walang araw na hindi sila umuuwi ng maagap. Hindi tulad noon na halos umabot na ng madaling araw ay nasa kung saan-saan pang lugar sila. Ngayon ay pagtungtong ng alas syete ay nasa kanya-kanyang apartment ang mga ito.
Maaga din naman kasi ang labas ng tatlong dalaga sa trabaho. Minsan lang talaga ay need ng mga ito na mag-over time kaya naman talagang inaabot pa rin ng gabi.
Malapit lang naman ang kompanya kung saan nagtatrabaho ang tatlong dalaga. Kaya ngang lakarin kung tutuusin. Kaya lang mula ng makilala ng mga ito ang tatlong binata na nahulog agad ang damdamin sa mga ito ay palagi ng may nag-aalala sa kanila, lalo na kung mas mauuna pang umuwi ang mga ito kaysa sa kanilang tatlo.
Tulad na lang sa mga sandaling iyon, mag-aalas otso na pero hindi pa rin nakakabalik ng apartment ang tatlong dalaga.
"May pasabi ba si Jez at Ange sa inyo," ani Sky na halatang nag-aalala na.
Napatango naman si Reb at Hans sa kanya bilang sagot. Napatingin namang muli si Sky sa relong suot niya. Ganoon din sa cellphone niya. Palagi kasing updated sa kanya si Yel. But this time, hindi man lang ito nagtext o tumawag sa kanya.
Hindi na mapakali si Sky dahil hindi naman niya alam ang gagawin gusto sana niyang sunduin ang dalaga, kaya lang hindi niya malaman kung nasaan ito. Kung nasa trabaho pa ba ito, o may ibang pinuntahan. Habang ang dalawa niyang kaibigan ay pa chill-chill lang. Manyapat at may mensahe sa mga ito ang babaeng nililigawan ng mga ito.
"Wag ka ngang oa. Maupo ka lang at magrelax," sita ni Reb kaya naman sinamaan ito ng tingin ni Sky.
"Paano ako hindi mag-aalala. Kanina pang umaga hindi nagrereply sa mga tawag at mensahe ko si Yel. Tapos anong oras na gabi na. Okay lang sana kung magkakasama sila sa department sa trabaho nila. They work in the same company, but in different departments. Same work time in the morning but different check out time," paliwanag ni Sky ng marinig niya ang pagtawa ng dalawang kaibigan.
"There's nothing funny at all." May inis na saad ni Sky na lalong ikinatawa ni Hans at Reb.
"But you are." Turo pa ni Reb sa kanya.
Akmang iiwan ni Sky ang dalawa ng pigilan ni Hans ang kamay niya.
"Hindi na mabiro. Nagsabi si Jez na naiwan daw ni Yel ang cellphone niya," paliwanag ni Reb.
"Kaya naman, hinintay nina Ange si Yel ngayon. At wag ka ng magdramang Sky Flakes ka. Kasi palabas na daw ang Yel mo. Isawsaw kita sa kape eh. Ayan basahin mo. Tara na sunduin na natin ang tatlo kasi palabas na si Yel mo nagtext na sa akin si Ange," ani Hans na naiiling pa rin kay Sky.
Mabilis namang pumasok sa apartment nito si Sky para kuhanin ang susi ng van na siyang gagamitin nila sa pagsundo sa tatlong dalaga.
"Sarap talagang biruin ng kano na iyon. Pikon na mabait eh," natatawang sambit ni Reb na ikinasang-ayon ni Hans.
Malapit lang naman ang company na pinagtatrabahuhan ng tatlo. Pero mas okay pa rin na sunduin nilang tatlo gamit ang sasakyan ang mga ito. Lalo na pagod ang tatlo sa trabaho. May trabaho din sila, pero iba pa rin pag isang babae. Need nilang alagaan ang babaeng nagpapatibok ng kanilang puso.
"Manong/ Reb/ Sky!" sabay-sabay na tawag ng tatlong dalaga hindi kalayuan sa kanila ng makababa sila ng van. Kaya naman mabilis silang napatingin sa mga ito.
Ang balak nila ay sa may entrance na nila hihintayin ang tatlo pero mukhang nagutom yata ang mga ito. Dahil nandito na kaagad ang tatlong dalaga sa may tindahan malapit sa may parking lot at kumakain.
"Instant noodles?" ani lang tatlo at mabilis na nilapitan ang tatlong dalaga.
"Bakit naman iyan ang kinakain mo. Dapat nagsabi ka sa akin na nagugutom ka, naibili man lang sana kita at hindi iyang noodles lang ang kinakain mo." Bungad agad ni Reb kay Jez ng hawakan nito ang kamay ni Jez na may hawak na kutsara.
"Ange naman, hindi maganda sa katawan ang cup noodles. Aba! Hindi yan maganda sa kalusugan." Sita naman dito ni Hans, na ikinataas ng kilay ng dalaga.
"Yel, dapat nagpasabi ka man lang sa dalawa, na nagugutom ka, di sana mas maagap namin kayong nasundo at naipagtake out kita ng pagkain. Kahit sa restaurant. Or much better na naipagluto kita," ani Sky na masama ang tingin sa cup noodles na kinakain ni Yel.
"Hoy Rebisco! Ano 'to araw-araw, maya't-maya. Ngayon laang ako nakakain ng cup noodles. Minsan lang. Masama na kaagad. Kung ito na buong buhay ko ang kinakain ko. Mahiya ka naman kay manang. Parang naguilty tuloy na bumili pa kami dito sa tindhan niya. Hmp," ani Jez kaya napakamot na lang sa ulo si Reb.
"Jez naman. Reb Isco. Hindi Rebisco. Galit naman agad eh."
"Aba din Manong! Anong masama sa pagkain ng cup noodles? May nabalita ka na bang namatay dahil sa pagkain ng cup noodles? Ako naman ay wala pang nababalita na sa isang beses na pagkain ng cup noodles ay namatay. Ang sarap lang kaya kasing kumain. Lalo na at minsan lang kung ayaw mo, tumalikod ka at kakain lang ako. Okay?" Mataray na sagot ni Ange kaya napailing na lang si Hans.
"At ikaw naman Sky, palipadin kita sa langit eh. Hindi ko ito inaaraw-araw. Nagkayayaan lang kaming tatlo and may naabutan kaming kumakain ng cup noodles kanina. Walang masama kung kumain ka nito minsan. Kaya naman kung ayaw mo. Tsupi muna ako. Kakain lang kami. Alis na," pagtataboy ni Yel na ikinabuntong hininga ni Sky.
Ilang sandali pa ay napatingin naman ang tatlong dalaga sa tatlong binata na naupo sa upuan sa harap ng table na inuukupa nilang tatlo.
"Anong ginagawa ninyong tatlo?" may pagkasarkastikong tanong pa nila.
"Kakain din ng cup noodles. Mukhang ang sarap ninyong tingnan habang kumakain eh," nakangiti pang wika ni Reb.
"Manang, iyong spicy po ha." sigaw ni Sky.
"Manang dagdagan mo naman ng tig-anim na order ng siomai at siopao. Tapos ay bottled water and iced tea." Pahabol ni Hans.
Napatingin naman sina Angeline, Jezith at Mariel sa mga lalaking nasa harapan nila ngayon. Napangiti pa sila ng mapansing nakatingin sa kanila ang mga ito.
Kani-kanina lang ay naiinis na makita silang kumakain ng cup noodles, kesyo masama daw iyon sa kalusugan. Pero ngayon, nandito rin ang tatlo, nakaupo sa harapan nila. Kumakain ng cup noodles may kasama pang siomai at siopao. Bagay na akala nila ay hindi kakainin ng tatlo lalo na sa reaksyon ng mga ito ng makita sila.
Naging masaya ang kwentuhan nilang iyon habang kumakain. Hindi na rin nila napansin ang oras na lampas alas nuebe na. Pero ayos lang naman na mapagsarahan sila ng gate. Lalo na at alam naman ni Madam Lee na kasama nila ang tatlong binata na may access na magbukas ng gate ng apartment ano mang oras.