Ilang buwan na rin ang nakakaraan mula ng magkakilala ang anim. Masasabi nilang lahat na hindi nila akalaing magiging ganoon sila sa isa't-isa. Mukhang hindi lang yata friendship ang nabuo sa kanila. Dahil may ibang damdaming nabuo sa kanilang anim mula ng gabing nagkakilala ang tatlong dalaga. Ganoon din ng makilala nila ang tatlong binata.
"Jez!" Napatigil sa paglalakad si Jezith ng marinig niya ang pagtawag sa kanya ng isang lalaki. Napansin niya ang pag-aalala sa mukha nito na hindi niya malaman ang dahilan. Naalala niyang ito ang lalaking nagtungo doon sa apartment ni Madam Lee at nagpakilala itong Fit sa kanila.
Ipinaalam kasi ni Fit sina Sky, Reb at Hans na umuwi daw muna ng kanila. Utos iyon ng magulang ng tatlong binata. Kaya naman kaagad na nagpaalam ang mga ito sa kanila at kay Madam Lee.
Matagal na rin kasi mula ng nagstay si Reb, Hans at Sky sa apartment ni Madam Lee kung saan nga sila nagkakilalang lahat. Kaya naman natuwa din naman silang tatlo nina, Yel at Ange ng malamang halos magkakalapit lang ang bahay ng tatlo at sa iisang bayan pa ang mga ito nakatira.
"Hi," balik bati niya kay Fit. "Si Reb?" tanong niya na ikinabuntong hininga nito.
Hindi kasama ni Jezith si Yel at Ange dahil may kanya-kanyang trabaho na naka-assign sa kanila. Oo nga at magkakaiba sila ng department. Pero ngayon lang nangyari na sa magkakaibang lugar sila ini-assign ng mga boss nila. Kaya naman gabi na rin sila nakakauwi. Kung dati ay alas singko pa lang ng hapon ay nasa bahay na sila. Ngayon naman ay alas otso na sila nakakauwi ng apartment.
"Alam kong busy ka ngayon pero sana makapunta ka sa San Lorenzo sa Sabado. Kahit sa araw na iyon man lang."
Binundol naman ng kaba ang puso ni Jez. Hindi niya alam ang dahilan ng pagpapapunta nito sa San Lorenzo sa kanya. Pero ang puso niya ay nabalutan ng kaba.
"B-bakit? M-may nangyari ba?" nauutal niyang tanong kay Fit na tipid lang nitong ikinangiti. "Sabihin mo! Nasaan si Reb? Anong nangyari sa kanya?" sigaw ni Jez pero walang salitang lumabas kay Fit.
"Basta sa Sabado. Alam kong busy ka, kaya naman sa Sabado pumunta ka sa address na ito." Inabutan siya si Fit ng isang tarheta nandoon ang lugar kung saan siya nito pinapapunta.
Mabilis niyang tinawagan ang cellphone number ni Reb pero ring lang ng ring iyon at walang sumasagot. Hanggang sa napuno na lang ng umaagos na luha ang kanyang pisngi. Hindi niya malaman kung ano ang dahilan ni Reb kung bakit bigla na lang itong hindi nagparamdam. Noong una iniisip lang niyang busy ito. Hanggang sa balutin na lang siya ng kaba dahil sa kulang na impormasyong sinabi sa kanya ni Fit.
Samantala, papalabas pa lang ng restaurant si Yel ng bangga siya ng isang magandang babae na sa tingin niya ay pareho silang hindi napansin ang isa't-isa.
"Sorry," aniya sa nahihiyang tinig dahil natapunan niya ng juice ang damit nitong kulay itim. Mabuti na lang talaga at kulay itim iyon dahil hindi gaanong halata ang pagkakabasa.
Galing kasi siya sa isang meeting na dinaluhan ng nga kasama niya sa department at doon iyon ginanap sa restaurant kung saan niya nakabanggan ang babae.
"Nagkita na ba tayo?" tanong ng babae na ikinailing ni Yel. "Siguro na nagkamali lang ako."
"Sorry ulit," aniya na ikinatango lang ng babae. Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang cellphone nito.
"Yes Sky?" anito sa kausap sa cellphone kaya naman bigla na lang siyang natigilan. Pareho silang hindi nakakilos dahil sa pagsagot na rin ng babae sa tawag. Habang si Yel naman ay hindi makakilos ng marinig ang pangalan ni Sky.
"Sabagay, marami namang may pangalang Sky. Baka naman namimiss ko lang ang Sky Flakes na iyon," pagkumbinsi niya sa sarili.
"Okay baby. Ito naman oo pupunta na nga akong San Lorenzo. Bibili lang ako ng paborito kong sisig dito sa restaurant. Oo na, dadalahan kita. Oo na. I love you too Sky Flakes Brown. See kilig ka na. Bye na."
Lalo lang parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang puso ni Yel ng marinig ang buong pangalan ng lalaki. Doon niya naisip mukhang pinaglaruan lang nito ang damdamin niya.
"Nanliligaw tapos, may pa I love you naman pala sa iba," sigaw niya sa isipan ng makaramdam siya ng pagtapik sa balikat niya.
"Miss lalabas ka ba? Hindi kasi ako makadaan papasok ako sa loob," sita sa kanya ng babae kaya naman gumilid na lang siya.
Napangiti naman ng mapait si Yel. Hindi niya alam kung ani ang dahilan ni Sky para saktan siya. Pero gusto niyang malaman ang dahilan nito. Hindi man naging sila, pero nasaktan siya dahil minahal na niya ang lalaki. Iyon nga lang hindi yata sila ang para sa isa't-isa.
Kung hindi lang talaga importante ang assignment na nakalaan sa kanya ay pupuntahan na niya si Sky sa San Lorenzo. Alam naman niya ang address ng bahay ng mga ito. Dahil ibinigay ng binata sa kanya. Kaya lang busy pa talaga siya. Kaya titiisin muna niya ang sakit na nararamdaman ng kanyang puso. Bago siya magtungo kay Sky para kausapin ito. Para na rin sa ikatatahimik ng nagulo niyang damdamin.
Nakaupo naman si Ange sa isang bench sa isang park habang pinapanood ang mga batang nagtatakbuhan at naglalaro. Katatapos lang niyanh libutin ang buong park na iyon dahil ang trabaho na nakalaan sa kanya.
Kung hindi lang talaga siya nalipat ng team sana ay nasa, opisina siya ngayon at nagtatype na lang ng mga documents. Kaya lang napunta siya sa construction team na ang trabahong ibigay sa kanya ay ang paglilibot sa park na need ng renovation. Kaya naman kahit mainit sa labas. Ginagawa niya ang trabaho niya.
Napatingin naman siya sa lalaking bigla na lang naupo sa tabi niya. Hindi niya ito kilala. Pero base sa titig nito sa kanya ay nakikilala siya nito.
"Yup, I know you. Di ba ikaw si Ange? Si Angeline ni Manong mo na si Hansell Gonzaga," natatawang wika ng lalaki na ikinakunot noo niya.
"Sino ka?" inis pa niyang tanong, lalo na at hindi naman niya ito kilala. Pero kilala nito si Hansell pari siya.
"Hindi mo na kailangang malaman. But I warning you. Gusto mong malaman ang kalokohan niya? Pumunta ka sa lugar na ito sa Sabado," anito sabay abot ng isang papel na naglalaman ng address na hindi niya alam kung saan. Basta nagulat na lang siyang sa San Lorenzo iyon.
"Bakit naman ako maniniwala sayo? Sino ka ba?"
"Ikaw din nagbibigay lang ako ng babala. Kung gusto mong niloloko ka ng lalaking iyon. Di magpaloko ka na lang. Sa Sabado kasi darating sa bahay nila ang babaeng dapat niyang pakasalan. Kaya naman kung gusto mo ng closure pumunta ka sa address na iyan. Doon magpropose si Hansell. Gusto ko lang makita mismo ng mga mata mo kung ano ang ugali ng lalaking nagugustuhan mo. Kung ayaw mo naman. Bahala ka. Basta sa Sabado ka lang pumunta kasi kung ngayon. Makakapagsinungaling sa siya. Pwede niyang itanggi ang sinasabi ko sayo kasi hindi mo naman siya mahuhuli. Nasa sayo ang desisyon. O patuloy ka na lang magpaloko sa kanya." Napatingin na lang si Angeline sa likod ng lalaking ng magsimula itong tumayo at maglakad papalayo sa pwesto niya.
Halos madurog naman ang kanyang puso sa mga sinabing salita ng lalaking hindi niya kilala. Napahawak pa siya sa kanya dibdib ng maramdaman ang pagkirot ng sakit sa parteng iyon ng puso niya. Sobra talaga siyang nasasaktan. Pero nais niyang malaman ang katotohanan.
"Naging totoo ka ba sa akin? O ako lang ang naging totoo sa damdamin ko sayo?" tanong niya sa sarili.
Napatingin na lang siya sa malawak na kalangitan, at marahang pinunasan ang luhang namaybay sa kanyang pisngi.
Araw ng Sabado. Alas singko pa lang ng madaling araw ay nagkagulatan pa ang tatlong dalaga ng sabay-sabay silang bumaba ng apartment.
"May lakad kayo?" tanong nilang tatlo sa isa't-isa.
Si Jezith ang unang nagsalita. "Magtutungo akong San Lorenzo. Pinuntahan ako ni Fit. Wala siyang sinabi. Pero pakiramdam ko talaga, may masamang nangyari kay Reb. Pero hindi niya sinabi sa akin. Kayong dalawa?"
"May magandang babae akong nakabanggaan noong nakaraan. Tapos narinig kong nag I love siya kay Sky. Hindi naman sana ako magkakaganito. Kaya lang buong-buo kong narinig ang pangalan niya," ani Yel sa malungkot na tinig.
"Ako may lalaking lumapit sa akin noong isang araw. Sinabi niyang may babaeng pakakasalan si Manong. Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi pero nasaktan talaga ako. Kaya lang anong magagawa ko, hindi pa nga kami, pero nahulog na ako ng tuluyan sa kanya. Kung may babae nga siya. Closure lang sana," ani Angeline sabay hugot ng malalim na hininga.
"Ang lalim noon. Naging busy tayong tatlo kaya naman hindi na tayo nagkakasabay at nagkaka kwentuhan. Isa pa kahit tutok ako sa trabaho. Hindi ko magawang alisin si Reb sa isipan ko. Nag-aalala talaga ako sa kanya," si Jez.
"Kaya nga. Tapos lahat pala tayo may ganito ng problema. Naniwala lang naman kami na mahal ako ni Sky. Ganoon din si Ange sa manong niya. Pero bakit ganoon sila. Ayaw kong magsalita ng tapos lalo na at hindi ko pa alam ang buong katotohanan. Gusto ko pa rin siyang makausap. Para matapos na ba." ani Yel sabay buntong hininga.
"Kaya tara na. Ilang oras din ang byahe natin. Pasalamat na lanv tayo at nasa iisang compound lang ang bahay nila sa San Lorenzo. Hindi na natin kailangan maghiwa-hiwalay para hanapin kung nasaang lupalop ang tirahan ng mga magulang nila." wika naman ni Ange ng mapatingin sila kay Madam Lee na bagong gising lang.
Nagpaalam sila kay Madam Lee pero hindi naman nila sinabi kong saan sila pupunta. Basta ang sinabi lang nila ay binigyan sila ng bakasyon ng company dahil sa successful ang trabahong nakaassign sa kanila. May katotohanan naman ang bagay na iyon. Maliban sa bakasyong sinasabi nila. Dahil ang totoo, need nilang alamin kung ano na ba talagang nangyayari sa tatlong lalaki na maayos naman ang paalam sa kanila. Pero ngayon ay ganoon na lang ang mga balitang dumating sa kanila.
Alas otso na ng umaga ng makarating sila ng San Lazaro sa address na alam ni Mariel at sa address na nakasulat sa papel na bigay ng lalaking hindi man lang nakilala ni Angeline at sa tarhetang bigay ni Fit.
Mabilis silang nagbayad sa taxi na sinakyan nila at bumaba na.
Wala man lang silang nakitang tao sa paligid. Mula sa labas ng napakalawak na bakod na pader ay wala na silang ibang makikita. Mayroon doong gate na napakataas. Kasing taas iyon ng pader kaya hindi nila nakikita ang loob.
Nagkatinginan silang tatlo at pikit matang pinindot ang doorbell na nakita nila.
Halos lumabas naman ang kanilang puso sa kaba na kanilang nararamdaman.
May sumilip na lalaki mula sa loob sa maliit na siwang hindi man lang sila tinanong nito at basta na lang nito ibinaba ang takip ng siwang na iyon.
"May mali ba sa atin? Mukha ba tayong nanonolicit bakit ganoon na lang ang reaksyon sa atin?" komento ni Yel na ikinailing ni Ange at Jez.
Naiinis man pero wala naman silang magagawa kong ayaw silang pagbuksan ng gate.
"Pinapunta pa ako ni Fit. Dahil sa sobrang pag-aalala ko kay Reb. Pero bakit hindi tayo papasukin?" reklamo ni Jez.
"Kaya nga. Siguro niloloko lang ako ng lalaking nakausap ko," inis na sambit ni Ange.
Ipinagkibit balikat na lang nila ang pangyayaring iyon. Hindi naman sila pwedeng mageskandalo sa lugar. Kaya naman pinagpasyahan na lang nila na umuwi.
Nakakailang hakbang pa lang sila ng bumukas bigla ang gate kaya naman napatingin silang tatlong doon.
Napasinghap pa sila ng makita ang itsura ng loob ng gate.
Mayroon iyong malawak na wari mo ay pathway para sa mga sasakyan. Hanggang sa makarating sa bahay ng isa't-isa. Tapos ay makikita mo rin ang magandang garden. Namangha pa sila ng mapansin ang isang mahabang table na maraming nakalagay na pagkain. Sa tingin nila ay kasya sa sampung pamilya ang lawak ng table na iyon na mayroong tigtatatlong anak.
Ilang sandali pa ay napansin ni Jez si Fit. Ang babaeng nakabanggan ni Yel at ang lalaking nakausap ni Ange.
"Pumasok na kayo sa loob. Kanina pa kayo hinihintay ng pamilya ninyo," nakangiting wika ng babaeng nakabanggan ni Yel.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong pa ni Yel.
"Pumasok na kayo, para malaman ninyo," nakangisi pang wika ng lalaking nakausap ni Ange. Bigla naman nag-abresete pa ang babae dito na wari mo ay may relasyon ang dalawa.
"Pasok na kayo," pukaw sa kanila ni Fit kaya napasunod na lang sila sa mga ito.
Napatingin pa sila kay manong guard na akala nila ay suplado. Pero nakangiti naman ito ng pumasok na sila ng gate.
"Reb," sambit ni Jez ng makita ang binata na nakatayo malapit lang sa kanya na hindi niya napansin dahil okupado pa rin talaga ng pag-aalala ang isipan niya kanina.
"Yel," napatingin naman dito ang dalaga ng tawagin ni Sky ang pangalan niya.
Hindi alam ni Yel ang kanyang mararamdaman ng makita si Sky. Naalala na naman niya ang pag I love you ng babae dito. Habang magkausap ang dalawa sa cellphone.
"Ange," nakangiting wika ni Hans na makalapit ito sa tabi ni Ange.
Napatungo na lang si Angeline dahil sa lungkot at sakit na kanyang nadarama. Ngayon araw ipapakilala na ni Hans ang babaeng napupusuan nitong maging asawa. Habang siya ay nakatingin sa mga ito at dinudurog ang puso.
"Anong nangyari sayo? Bakit ganoon ang sinabi ni Fit sa akin?" nag-aalalang tanong ni Jez, na nagpangiti kay Reb.
Halos pareho namang napaiyak si Yel, at Ange ng yakapin ang mga ito ng lalaking itinatangi ng kanilang mga puso.
"Para saan ang yakap mo? Kung may ibang babae namang nag I love you na sayo?" lumuluhang sambit ni Yel kaya mas lalong hinigpitan ni Sky ang yakap sa dalaga. At hinalikan pa ito sa noo.
"Pwede bang bitawan mo na ako? Baka makita ka pa ng babaeng pakakasalan mo. Ayaw ko ng gulo Manong. Gusto ko lang ng closure. Hindi man naging tayo pero, bakit mo ginulo ang puso ko?" ani Ange na ikinangiti ni Hans.
Habang yakap ng tatlo ang babae kanilang minamahal ay siyang paglabas ng mga taong nagkukubli sa mataas na halaman sa parteng iyon. Napabitaw na lang silang lahat sa pagkakayakap ng makarinig sila ng ilang tikhim.
"My, Dy?"
"Mama. Papa?"
"Ma. Pa?"
Sabay-sabay na sambit ng tatlong dalaga ng makita doon ang mga magulang na nakangiti sa kanila.
Napatingin naman sa sa tatlong lalaki na ngayon ay nakangiti sa kanila.
"Ano bang nangyayari?" naguguluhang tanong ni Jez ng hawakan ni Reb ang kanyang mukha at halikan siya sa labi na ikinagulat niya.
"Drama lang iyong sinabi ni Fit sayo. Para magawa namin itong surpresa namin sa inyo," paliwanag ni Reb sa kanya.
Nakatingin lang naman si Yel sa mukha ni Sky, hanggang sa ilapit ng binata ang labi nito sa labi niya na ikinatuod niya.
"Wala akong ibang babae. Isa pa kung may sasabihan man ako ng mahal kita ikaw lang iyon. Iyong babaeng sinasabi mo. Tita ko iyon. Kapatid ni mommy. Masyado lang malayo edad nila. Menopausal baby kasi si tita. Sanay naman akong nag-a I love you sa akin si tita. Isa pa baby tawag noon sa akin kasi. Ako na lang ang pinakabata sa amin. Kaya wag ka ng magselos. Tita ko iyon," paliwanag ni Sky ng mapatingin siya sa babaeng sinasabi ni Sky na tita nito na ngayon ay nakangiti sa kanya at naka peace sign pa.
"Di ba, sabi noong lalaking iyon," itinuro ni Ange kay Hans ang lalaking nakausap niya sa park. "Sabi niya ipapakilala mo na ang babaeng nais mong makasama sa habang buhay. Pero bakit," hindi natuloy ni Ange ang sasabihin niya ng halikan siya ni Hans sa labi.
Napatingin naman siya sa binata sa kapangahasan nito sa kanya.
"Kaya ka nga narito kasi ipapakilala na kita sa mga magulang ko. Ikaw lang naman kasi ang nais kong makasama hanggang sa pagtanda ko," ani Hans at muli nitong niyakap si Angeline.
Nararamdaman na lang ng tatlong dalaga ang mahigpit na yakap ng lalaking minamahal nila at minamahal nila.
Ngayon alam na nila ang dahilan kung bakit bigla na lang hindi nagparamdam ang mga ito sa kanila. Pinuntahan ng mga ito ang kanilang mga magulang para pormal na magkakilakilala.
Nailing na lang din sila ng ipakilala sila ng mga ito na girlfriend sa mga magulang. Doon din naman daw ang tungo noon. Bakit pa magstay sa ligawan stage. Kung pwede naman silang magligawan kahit sila na.
Oo nga at mabilis ang nga pangyayari para sa kanila. Pero hindi naman sila nagmamadali sa pag-aasawa. Iba na rin naman daw kasi ang lebel pag masasabi mong girlfriend ka niya at boyfriend mo siya.
Naging masaya sila ng araw na iyon. Nakilala ni Jez ang mga magulang ni Reb. At sobrang saya din niya ng araw na iyon dahil nakasama niya ang kanyang mga magulang. Higit sa lahat ay ang pagiging legal ng relasyon nila ni Reb bilang magkasintahan.
Ganoon din ni Yel, na nakilala ang magulang ni Sky, pati na rin ang tita nito na umuwi lang ng bansa para makilala siya. Na girlfriend ng pamangkin nito. Hindi naman mawala ang ngiti ni Yel habang kasama ang mga magulang na komportableng kakwentuhan ang mga magulang ni Sky.
Samantala, hindi naman lubos maisip ni Ange ang kalokohan ni Hans para sa plano nito. Sinaktan pa talaga muna siya nito bago pasayahin. Pero sa totoo lang masaya siyang tanggap siya ng magulang ni Hans pati na rin ang buong pamilya nila. Masarap lang din sa pakiramdam na magkakasundo ang magulanf niya, ganoon din sa magulang ng mahal niya.
Napatingin naman siya sa lalaking kakuntyaba ni Hans para maisagawa ang plano niyo. Boyfriend ito ng tita ni Sky. Napangiti pa si Ange ng maalala si Yel. Napansin din niya si Jez na nakatingin kay Yel kaya napangiti silang pareho. Nagselos kasi ang kaibigan nila sa tita ng lalaking boyfriend na nito ngayon. Sabagay siya nga, nagselos sa sarili niya.
Napatingin lang din si Yel sa kanila at sabay-sabay na lang silang nailing. Pumunta sila ng San Lorenzo na may kung anong mabigat sa kanilang puso. Pero ngayon, masasabi nilang ilang araw man silang nakaramdam ng kaba, selos, takot at pagkadurog ng puso. Sobrang worth it naman ang nangyari sa araw na iyon sa mga oras na ito.
Ang pagkakaibigan nilang tatlo. Si Mariel, Angeline at Jezith ay nagsimula lamang ng magkabanggaan sila habang malakas ang ulan. Hanggang sa nakilala nila ang tatlong lalaki na ngayon ay kanila namang minamahal.
Ang pagkakaibigan nilang tatlo, ay lumawak ng maging anim sila. Pero lalo na ngayong nadagdagan ng magkakilakilala ang mga magulang nila.
Hindi mo talaga maiisip na darating ang panahon na darating sayo ang pagmamahal. Na makikilala mo ang lalaki o babaeng para sayo. Iyong pagkakataong ibinigay ng tadhana sayo. Lalo na ang pagkakaroon ng kaibigan.
Sa pag-iibigan man natapos ang lahat. Masaya sila kung paano sila nga simula. And it is started with a friendship.
FIN!!!