Lost But Found
Simple lang ang buhay na kinalakihan ni Angela. Magsasaka ang kanyang ama, at nagtitinda ng gulay ang kanyang ina. Malayo sa kabihasnan kung maiituring ang kanilang tirahan. Papasok pa iyon sa isang liblib na lugar. Naitaguyod naman ng kanyang mga magulang ang kanyang pag-aaral. Hanggang sa ngayon ay graduating na siya ng grade six.
"Inay, itay!" malakas na sigaw ni Angela habang humahagos na papasok sa kanilang munting tahanan.
"Anak! Anong nangyayari sayo? Bakit ka sumisigaw?" nag-aalala pang tanong ng kanyang inay. Ang itay naman niya ay mabilis ding pumasok sa loob ng bahay, galing sa likuran ng bahay nila.
"Inay! Itay! Nakapasa po ako sa isang private school sa bayan. Wala po akong ibang gagastusin. Ang kailangan ko lang po ay magstay sa dormitory po ng school. Pag wala po akong pasok ay tutulong lang po ako sa maintenance ng school para po maging libre ako sa lahat kahit po sa pagkain. Ito po oh. Basahin po ninyo ang nakasulat. Angela Cruz passer for the scholarship." masayang balita niya sa mga magulang.
Napayakap naman sa kanya ang kanyang inay at itay sa tuwa.
"Sobra ka naming ipinagmamalaki anak. Kami ng inay mo. Pasensya ka na at hindi ka namin kayang pag-aralin kung kami ang aasahan mo anak. Kaya naman makakapag-aral ka nga, pero magtatrabaho ka naman sa school. Higit sa lahat hindi ka namin makakasama." malungkot na wika ng kanyang itay.
"Wag po kayong malungkot, masaya po akong kayo ang naging magulang ko. Mahirap man po tayo, mahal na mahal naman po ninyo ako. Iyon po ay sapat na sa akin. Sobrang swerte ko na po na kayo ang mga magulang ko. Ang itay at ang inay talaga. Mahal na mahal ko po kayo," ani Angela at niyakap pa ang mga magulang.
Mabilis na lumipas ang mga araw at idinaos na ang pagtatapos sa ika-anim na baitang ni Angela. Sa loob ng dalawang linggong bakasyon ay kasama niya ang mga magulang. Pero sa nalalabing buwan at araw pa ng bakasyon ay sa dorm na siya mananatili.
Kailangan niyang matutunan ang pasikot-sikot ng dorm at ng paaralan, para alam niya kung saan siya maglilinis, alin lang ang dapat niyang linisan at alin ang hindi niya pwedeng puntahan. Iyon ang kapalit para makapag-aral siya ng libre sa isang eskwelahan na para lang sa mayayaman. Hindi man pera ang kabayaran sa pag-aaral niya. Pero deserve pa rin niya ang makapag-aral sa ganoong klaseng paaralan dahil sa talinong tinataglay niya.
Habang naglalakad sa hallway si Angela ng hindi niya napansin ang group ng mga kababaihan, na nakaupo sa may bench na daraanan niya. Bago pa siya nakalampas ay tinalapid na siya ng isa sa mga ito.
"Aray!" malakas niyang sigaw ng madapa siya. Napatingin na lang siya sa kanyang tuhod. Dumudugo iyon gawa ng sugat na kanyang natamo sa pagsadsad niya sa semento. Masakit at mahapdi ang sugat niya, pero hindi niya hinayaang makita ng iba na nasasaktan siya.
"Oops! May mahirap kasi na dumaan, hindi ko napansin. Tatanga-tanga pa." wika ng isang maarteng boses. Si Analyn.
Narinig pa ni Angela ang tawanan ng mga kaibigan nito. Pinantayan naman siya ni Analyn mula sa pagkakasalampak niya sa semento. Walang nakakakita sa kanila kaya malakas ang loob ng mga itong i-bully siya.
"Hindi ko alam kung paano nakapasok ang isang hampas-lupa na kagaya mo dito sa school na ito. Uunahan na kita hindi ka nababagay sa lugar na ito. Nakikita mo ba ang mga estudyante dito? Ikaw lang ang kakaiba. Kung ako sayo magkukusa na akong umalis." may diing wika ni Analyn sa kanya habang hawak ang kanyang panga.
Nasasaktan siya sa sobrang diin ng pagkakahawak nito sa mukha niya. Tinitiis lang niya iyon, ayaw niyang bigyan ng kasiyahan si Analyn na makakita ng sakit sa kanyang mga mata.
Kahit nahihirapan siya. Hindi hadlang ang pambubully nito, para isuko ang pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral. Mas matimbang pa rin ang pangarap niya. Kay sa paghihirap na pinagdaanan niya.
Bago pa siya iwan ni Analyn at ng mga kaibigan nito ay binuhusan pa siya ng orange juice na kumulay pa sa kanyang blouse. Itinulak pa siya ng isang kaibigan ni Analyn kaya naman napasubsob siya sa semento. Dahilan para ang nagkulay orange niyang damit at madagdagan pa ng dumi.
Nagtatawanan pang umalis ang grupo ni Analyn. Naririnig pa niya ang mga pang-aalipusta ng mga ito, habang papalayo sa pwesto niya. Sa labis na sama ng loob, hindi na niya napigilan ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.
Hindi siya iyakin. Pero sa puntong iyon, luha lang ang magiging karamay niya. Sa lugar na ipinagpipilitan ni Analyn at ng mga kaibigan nito na hindi siya nababagay.
Habang tumatagal ay mas lumalala pambubully ng grupo ni Analyn kay Angela. Pero pinapalampas lang iyon ng dalaga. Walang araw na hindi siya nasasaktan. Pero kahit sabihing nasasagad ang pasensya niya. Iniiiyak lang niya iyon para makayanan ang hirap at pasakit ng mga ito sa kanya. Ang mahalaga ay makapagtapos siya ng pag-aaral.
Nasa canteen si Angela at nakapila na. Nakangiti naman sa kanya ang serbidora, ng matanawan siya. Lalo na at kilala naman siya nito at alam nitong scholar siya sa school na iyon.
"Anong sayo Ange?"
Napangiti pa si Angela, dahil sa tawag nito sa kanya. Mabait naman kasi sa kanya ang serbidora sa canteen. Paglabas na kasi siya sa klase ay tumutulong din siya sa paglilinis doon.
"Ate, lumpiang shanghai na lang po at sabaw ng nilaga." wika niya na parang may pagmamadali.
"Ito lang ba? Libre naman ang lahat ng ito, pero bakit iyan lang ang kakainin mo?" nagtatakang tanong ng babae sa kanya.
"Ayos na po iyan, isa pa busog pa naman po ako." nakangiti niyang sagot dito. Hindi na naman ulit nagtanong ang babae at nilagay na sa tray niya ang pagkaing sinabi niya.
Mabilis na tinungo ni Angela ang pinaka dulong parte ng canteen. Hindi siya kumakain sa malapit sa iba. Alam niyang mayayaman ang mga estudyante doon. Ayaw niyang masabihan ng social climber.
Tahimik lang kumakain si Angela ng maramdaman niya ang unti-unting pagkabasa ng ulo niya hanggang sa damit niya. Malamig iyon pero walang amoy. Kaya sa tingin niya ay tubig lang ang ibinuhos sa kanya.
"Hindi ka ba marunong umintindi? O sadyang tanga ka lang?" sabay duro ni Analyn sa sentido niya. Halos mapasubsob pa si Angela sa lamesa dahil sa lakas noon.
"Tama na." angil niya pero bigla na lang siyang sinabunutan ni Analyn.
May ilang estudyante nakakakita sa kanila pero hindi sila pinapansin at pinapanood lang. Isa sa may-ari ng eskwelahan ang magulang ni Analyn kaya walang makapigil dito sa lahat ng pag-aalipusta na ginagawa ni Analyn sa kanya. Ang pwesto namang iyon ay hindi kita ng mga nagbibigay ng pagkain. Maingay din sa may canteen kaya naman hindi sila maririnig ng iba pa.
"At sumasagot ka na? Matapang ka na?" gigil nitong saad ng ibuhos ni Analyn sa kanya, ang isang basong grape juice na hawak ng kaibigan nito. Ang kanin at sabaw ng nilaga na pagkain ni Angela ay ibinuhos din nito sa kanya.
"A-aray!" nauutal na sigaw ni Angela ng mapaso ang kanyang balat dahil sa mainit na kanin at sabaw na ibinuhos ni Analyn sa kanya.
Naiiyak na rin siya dahil sa humahapdi na rin ang parteng napaso ng sabaw at kanin.
"Siguro naman magtatanda ka na! Napakatigas ng ulo mo! Sinabi ko sayo na ayaw kong makikita ang pagmumukha mo pagkakain o pag kumakain na ako! Sinabi ko na sayo na kakain ka lang pag wala ng tao dito sa canteen. Nang hindi mahawa sa bacteria na dala mo ang iba!" paasik na sigaw ni Analyn. Saka lang nito binitawan ang kanyang buhok na halos malagas dahil sa higpit ng pagkakahawak nito.
Umiiyak siyang nilinis ang ikinalat na pagkain ni Analyn tapos ay inilagay sa hugasan ng pinggan. Mabilis din siyang lumabas ng canteen ng walang nakakapansin sa kanya.
Habang tumatakbo patungong pinakadulong banyo ng eskwelahan ay nabangga niya ang isang matigas na pader kaya naman napaupo siya sa sahig. Akmang tatayo na sana siya ng isang kamay ang nakalahad sa kanya. Dahan-dahan niyang tiningala ang nagmamay-ari ng kamay na iyon. Isa iyong gwapong nilalang. Kulang ang salitang gwapo para ma-i-describe ang itsura ng lalaki.
Inabot niya ang kamay nito, habang nakatulala pa rin siya dito.
"Mukhang nahuli ko ang kiliti mo miss. Hindi na nawala ang titig mo sa akin eh." may panunudyo pang wika ng lalaki sa kanya. "By the way I'm Dylan. Dylan Montener." pakilala sa kanya ng lalaking kaharap.
Bigla namang napakunot ng noo si Dylan ng mapansin ang damit ng babae, tapos ang leeg nitong namumula.
"Ako nga pala si Angela Cruz. Scholar lang ako dito sa school kaya naman nakakapag-aral ako." nahihiyang pakilala ni Angela kay Dylan.
"Ano nga palang nangyari sayo at ganyan ang uniform mo? Isa pa namumula iyang leeg mo," sabay turo sa blouse niyang may mantsa ng grape juice. May mga butil pa nga iyon ng kanin.
Akmang hahawakan ni Dylan ang leeg niya, ng biglang magsalita si Angela.
"Ah. Eh. Wala sige mauna na ako."
Sabay takbo.
Mabilis namang tinungo ni Angela ang pinakamalayong banyo,para walang makakita sa kanya. Pagkapasok doon ay mabilis niyang inilock ang pintuan at hinubad ang uniform niya. May sabon naman doon kaya malalabhan niya iyon.
Nakarinig siya ng pagkatok sa labas, pero hindi niya pinansin. Patuloy lang niyang inaalis ang mantsa sa damit niya. Matapos labhan ay itinapat naman ni Angela ang kanyang damit sa electric fan na nandoon. Hihintayin niyang matuyo ang damit niya bago siya lumabas. Wala naman siyang klase sa mga oras na iyon. Dalawang oras pa ang palilipasin bago ang last subject niya sa hapon. Kaya pwede siyang magstay sa banyo.
Matapos maisampay ang damit ay hindi pa rin nawawala ang kumakatok. Ayaw niya itong pagbuksan lalo na at sando bra lang ang suot niya.
Isang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Angela ng makita ang pula sa kanyang leeg, ng makaharap siya sa salamin. Gawa iyon ng pagkakapaso doon ng mainit na sabaw. Mabuti na lang at hindi na sobrang init noon. Siguradong magsusugat iyon kung nagkataon.
Hindi pa rin tumitigil ang kumakatok. Naiinis na siya, pero hindi naman talaga niya pwedeng pagbuksan kung sino man iyon, gawa na rin ng suot niya. Kaya lang bigla siyang naalarma ng biglang magclick ang lock ng pintuan.
Sa taranta ni Angela ay hindi niya malaman kung saan siya tutungo kaya naman sa halip na makapagtago ay nagulantan na lang siya ng pumasok si Dylan sa loob ng banyo tapos ay inilock din ang pinto.
"Anong ginagawa mo dito!?" natatakot at naguguluhan niyang tanong sa binata, lalo na at napansin niyang nakatingin ito sa kanyang katawan. Naitakip naman kaagad ni Angela ang mga braso sa tapat ng dibdib.
"Relax. Hindi ako nagtungo dito para gawan ka ng masama. Nag-aalala ako sayo." paliwanag nito, pero hindi siya naniniwala.
"Ayos lang ako kaya lumabas ka na!" may diing wika ni Angela, na baliwala naman kay Dylan.
Halos panigasan pa si Angela ng katawan ng makalapit na sa pwesto niya si Dylan at hubadin ang suot nitong jacket. Gusto man niyang sumigaw, pero hindi naman siya maririnig sa labas. Malayo ang pwesto ng banyo, na pinuntahan niya. Kaya kahit sumigaw siya. Kung walang madadaan o magtutungo doon, ay wala din makakarinig ng sigaw niya.
Halos maiyak na siya, sa mga oras na iyon pero agad ding nawala ng isuot sa kanya ni Dylan ang jacket na hinubad nito.
"Malalamigan ka niyan kung ayan lang ang suot mo. Wala ka bang klase?" mahinahong tanong nito sa kanya ng maisara nito ang zipper ng jacket nitong suot na niya ngayon.
"W-wala. A-after two hours pa ulit ang klase ko. Last subject." Nauutal pa niyang sagot na ikinatango ng binata.
"Same, mamaya pa din ang klase ko." anito at may kinuha sa bulsa.
Napatingin siya sa hawak nito. Ointment iyon, para mawala ang pamumula ng paso sa kanyang leeg.
Akmang lalagyan nito ng gamot ang leeg niya ng pigilan niya ito.
"Paano mo nalaman?"
"Sorry pero naamoy ko kanina, na amoy nilaga ang damit mo. Habang namumula ang leeg mo. Alam kong paso iyon ng mainit na sabaw, kaya mabilis akong nagtungo sa clinic at humingi ng ointment, matapos kong malaman kung saan ka pumunta," paliwanag nito.
"Lalagyan na kita."
"A-ako na."
Napangiti naman si Dylan kaya naman ibinigay na lang nito kay Angela ang ointment na hawak niya.
Iniwan niya ang dalaga sa harap ng salamin at naupo muna sa sahig ng banyo malapit sa may pintuan. Malinis naman doon kaya hindi nakakailang na maupo ka sa sahig.
"Mangangalay ka dyan." wika pa ni Dylan sa kanya, matapos niyang lagyan ng gamot ang mga paso sa leeg niya. "Maupo ka kaya dito sa tabi ko. Hindi ako masamang tao at hindi ako katulad ng ibang estudyante dito na bully sa iba. Kaya wag kang matakot sa akin." anito kaya naman napilitan si Angela na maupo sa tabi nito.
Sabagay, sino bang masamang tao ang magdadala ng gamot, dahil nakita lang nito na namumula ang leeg niya. Higit sa lahat ay ipinahiram pa nito ang sariling jacket nito para lang hindi siya malamigan dahil maliit na saplot lang ang kanyang pang-itaas.
Napatingin pa siya kay Dylan na ipinikit ang mga mata ng maupo siya sa tabi nito. Medyo nagugutom pa rin siya sa mga oras na iyon. Kaya naman pinilit din niyang iidlip na lang ang gutom na nadarama.
Mula ng araw na iyon ay naging malapit sila sa isa't-isa ni Dylan. Pero lihim lang ang pagkakaibigan na mayroon sila. Ayaw niyang pati ang pagkakaibigan na iyon ay pagsimulan ng gulo.
Mabilis na lumipas ang mga araw, buwan at taon. Nasa ikaapat na taon na si Angela sa high school. Lahat ng pambubully ni Analyn ay kanyang nalampasan. Si Dylan ang kanyang naging sumbungan at sandalan tuwing hindi na niya kinakaya ang mga pagpapahirap ni Analyn sa kanya.
"Hep! Saan ka pupunta?" mataray na tanong ni Analyn ng bigla siyang harangan ng mga kaibigan nito. Wala ng gaanong tao sa school ng mga oras na iyon. Wala na ring makakakita sa kanila kung sakaling may gawin itong hindi maganda sa kanya.
"Anong bang kailangan ninyo sa akin? Hindi pa ba kayo nagsasawa na saktan ako? Hindi pa ba kayo nananawa na i-bully ako? Kasi ako sawang-sawa na! Ilang pagkain pa ang itatapon ninyo para masiyahan kayo? Ilang baso pa ng juice ang ibubuhos ninyo sa akin para makontento kayo?" umiiyak na tanong ni Angela ng tawanan lang siya ni Analyn at ng mga kaibigan nito.
"Madami pa! Madaming-madami pa!" sigaw ni Analyn ng hagipin nito ang kanyang buhok. Dahilan para mawalan siya ng balanse at matumba sa sahig.
"Napakalandi mong babae ka! Pati si Dylan inakit mong walang hiya ka!" may diing sambit ni Analyn tapos ay ilang beses siyang sinampal. "Akin lang si Dylan! Pero napakalandi mong babae ka! Si Dylan, kahit kailan ay hindi nababagay sayo! Sa katulad mong mahirap na ginagamit lang ang ganda para makapag-aral sa magandang eskwelahan! Ilan na ba ang inakit mo para lang maging libre ang pag-aaral mo! Kani-kanino ka pumapatol para masuportahan iyang kapritso mo! Ha! Sabihin mo!" galit na galit na sigaw ni Analyn ng makatanggap na naman si Angela ng sampal.
Umiiyak na sa sakit si Angela sa ginagawang pagsampal at pagsabunot sa kanya ni Analyn. Pero bingi ito sa pagmamakaawa niya. Ang mga kaibigan naman nito ay tumatawa lang habang pinapanood sila.
Hindi pa doon natatapos ang pananakit ni Analyn sa kanya. Habang hawak si Angela ng mga kaibigan ni Analyn ay dinala siya ng mga ito sa isang abandonadong silid sa likod ng paaralan. Kaya kahit anong gawin niyang pagpupumiglas ay hindi siya makatakas.
Dati iyong classroom pero napag-alamang hindi kasama ang parteng iyon sa lupa ng eskwelahan. Kaya naman pinalagyan ng bakod at inabandona ang parteng iyon. Habang nagtatawanan ang mga kaibigan ni Analyn ay may tatlong lalaking dumating na sa tingin niya ay hindi mag-aaral sa kanilang paaralan.
Malalaki ang katawan ng mga ito at hindi naman niya maisip na mga estudyante ang mga ito. Mas papasa pang mga sanggano na tambay sa kanto. Ang itsura ng tatlo.
Binundol ng kaba si Angela. Sa hilatya ng pagmumukha ng tatlong bagong dating ay hindi gagawa ng mabuti ang mga ito. Napansin pa niya ang nakakasuyang ngisi ng mga ito, na lalong nagpadagdag kaba sa kanya.
Napatingin pa si Angela kay Analyn ng magsalita ito.
"Kayo na ang bahala sa babaeng ito! Regalo ko na iyan sa inyo. Basta siguraduhin ninyong siya na ang kusang aalis sa eskwelahan na ito." nakangising wika pa ni Analyn bago siya tinalikuran nito.
"Analyn! Analyn ano ba? Wag mo akong iwan dito! Pakiusap!" malakas na sigaw ni Angela ng ibigay siya ng mga kaibigan ni Analyn sa dalawang lalaki at iwan siya sa tatlong lalaki ng mga kaibigan ni Analyn.
"Anong gagawin ninyo sa akin!?" pasigaw niyang tanong sa tatlo na ikinatawa lang ng mga ito.
"Ito ang gusto ko, matapang." nakangising wika ng isa.
Hinawakan ng lalaking kausap ni Analyn ang hita niya kaya naman nagawa niyang pumalag. Ngunit agad ding nagulat ng haklitin nito ang kanyang blouse dahilan para sumabog ang mga botones noon.
"Ang puti at ang sarap hawakan." may malisyang wika ng isa ng tumambad ang maputi niyang katawan at dibdib. Sando bra lang ang suot niya kaya kita ng mga ito pati ang hubog ng katawan niya.
"Pakiusap pakawalan ninyo ako!" pakiusap pa ni Angela, ngunit bingi ang mga ito. "Tulong! Tulong!" Malakas niyang sigaw kahit alam niyang walang ibang tao doon maliban sa kanilang apat.
Sinampal at sinuntok si Angela ng lalaking kaharap kaya naman halos mawalan siya ng malay sa sakit. Pero pilit niyang nilalabanan ang kanyang ulirat.
Hindi na mapigil ni Angela ang mga mahihinang sigaw at luha ng ihiga siya ng mga lalaki sa sahig at isa-isang hinawakan ang hantad niyang katawan. Wala siyang magawa sa lakas ng mga ito. Pero nandoon pa rin ang taimtim niyang panalangin na may makarinig sa kanya.
Lalo lang umiyak si Angela ng pati ang kanyang palda ay saplitang inalis ng mga ito. Kahit magpipiglas siya ay wala na siyang magawa. Tatlo laban sa isa. Tapos ay nanghihina na rin siya sa mga oras na iyon.
Samantala, mabilis ang takbo ng sasakyan na minamaneho ng daddy ni Dylan patungong paaralan. Galing itong ibang bansa at ilang taong doon nanirahan kasama ang butihin nitong asawa.
Nandoon ang kaba, tuwa at takot sa nalaman nitong balita. Nasa passenger seat ang mommy niya at siya naman ay nasa back seat. Malapit na sila sa eskwelahan ng mapansin niya ang malamlam na ilaw na nandoon sa abandonadong silid. Wala namang ilaw doon pero ngayon ay may ilaw, na ipinagtataka niya.
"Mommy, daddy pwede po bang ihinto ninyo sandali ang sasakyan?" ani Dylan.
Naguguluhan man ay inihinto ng daddy niya ang kotse. Pagbukas pa lang nila ng pintuan ay narinig nila ang sigaw ng isang babae na humihingi ng tulong.
Hindi naman agad nakakilos ang mommy niya, pero nagawa nitong tumawag ng pulis. Si Dylan at ang daddy nito at mabilis na tinungo ang parte kung saan nila narinig ang tinig ng babaeng nagmamakaawa at humihingi ng tulong.
Pagpasok nila ng abandonadong silid ay halos mahigit ni Dylan ang paghinga ng makita ang halos mawalan ng malay na dalaga. Narinig pa niya ang mumunting pagmamakaawa ng dalaga na itigil ang ginagawa ng tatlong lalaki, pero bingi ang mga ito.
Nakahiga ang dalaga sa sahig habang salitang hinahalikan ng tatlong lalaking nakadagan dito. Sira ang damit pang-itaas at wala na ring suot na palda. Dalawang maliliit na saplot na lamang ang kasuotan nito.
"Itigil ninyo yan!" malakas na sigaw ng daddy niya na ikinatigil ng tatlo.
Nakangisi pa ang mga ito ng humarap sa kanila. Binigyan pa ng mga ito ng isang malakas na sampal ang dalaga dahilan para tuluyan na itong mawalan ng malay.
"Ang tapang naman ninyo para istorbohin kami. Alam ba ninyong regalo sa amin ang babaeng iyan tapos dadating kayo para lang abalahin kami sa ginagawa namin! Magbabayad kayo!" sigaw ng lalaki at agad na sinugod silang mag-ama.
Nahagip ni Dylan ang isang dos por dos na kahoy na siyang ginamit niyang pandepensa. Hinampas niya sa binti ang lalaking susugod sa kanya, kaya nawalan ito ng balanse na ikinatumba nito.
Ang daddy niya ay marunong namang makipaglaban kaya naman nakikipag-one on one ito sa lalaki.
Nabitawan ni Dylan ang kahoy na hawak ng hindi niya napansin ang isang lalaki sa kanyang likuran kaya nasakal siya nito.
"Magaling ka bata tinamaan mo ako!" sigaw pa ng lalaki sa kanya, na akmang sa kanya ihahampas ang nabitawan niyang kahoy ng makarinig ang mga ito ng putok ng baril.
Isa-isang pumasok ang mga pulis at hinuli ang tatlo. Mabilis namang tinakbo ni Dylan ang nakahandusay na dalaga.
Halos panawan siya ng malay nang makita ang mukha nito at ang katawan nitong puno ng pasa.
"A-Angela?" nauutal pang tawag nito sa pangalan ng dalaga na ikinatuod din naman sa pwesto ng mommy at daddy niya.
Halos mawalan ng malay ang mommy niya ng marinig ang pangalan ng dalaga. Mabuti na lang at nasalo ito ng daddy niya.
Sa ospital, habang nakahiga ang walang malay na si Angela ay nandoon ang kanyang inay at itay. Kasama si Dylan at ang mommy at daddy nito.
Matapos ang ilang pagsusuri kay Angela. Bukod sa natamo nitong bugbog sa katawan at mga sampal ay wala namang ibang nagawa ang mga lalaking nagbalak ng masama sa dalaga. Nakakulong na nag mga ito. Hinuli din ng mga pulis sina Analyn at ang mga kaibigan nito na sangkot sa insedente. Dahil mga menor pa ang mga ito, ay nasa pangangalaga ito ng kawani ng pulisya na siyang humahawak sa mga kaso ng mga menor de edad na nakakagawa ng krimen.
Pagmulat ng mata ni Angela ay mabilis siyang napabalikwas gawa na rin ng sobrang takot. Pero agad ding nawala ng makita ang mga magulang.
"Inay, itay." tawag niya sa mga ito. Mabilis namang lumapit ang mga magulang niya sa kanya at doon na nagsimulang umiyak nang umiyak si Angela.
Tahimik namang nanonood si Dylan at ang mga magulang nito kina Angela. Matapos ang ilang minutong pag-iyak ay humupa na rin ang bigat sa dibdib na nararamdaman ng dalaga.
Nang bumitaw siya sa pagkakayakap sa mga magulang ay doon lang niya napansin si Dylan kasama ang isang ginang at ginoo sa tabi niyo.
"D-Dylan." Nauutal niyang sambit sa pangalan ng binata at nagsimula na namang umiyak.
Nilapitan siya ni Dylan at niyakap. "Tahan na Angela, wala silang nagawang masama sayo, maliban sa sinaktan ka nila physically. Hindi ka nila nagalaw," paliwanag agad ni Dylan na kahit papaano ay nakapagpagaan sa kalooban ni Angela.
Matapos ang pag-alo ni Dylan kay Angela ay napatingin naman si Angela sa babaeng nasa tabi kanina ni Dylan. Napakunot noo pa ang dalaga ng mapansing nakita na niya ang mukhang iyon, pero hindi niya maalala kung saan.
Nagpakilala ang mga ito na si Angie at Lancer. Magaan ang kaloobang niya sa mag-asawa hanggang sa muling nagsalita si Angie.
"Anak," wika nito sa kanya habang hawak ang kanyang mga kamay.
"Sandali lang po. Bakit po ninyo ako tinatawag na anak? Di po ba mga magulang kayo ni Dylan," naguguluhang tanong ni Angela sa ginang ng lapitan siya ng kanyang inay.
"Anak, sila ang tunay na mga magulang mo. Ang totoo niyan ay napulot ka lang namin sa basurahan ng iyong itay. Sa takot namin na mapagbintangan sa kung ano man ang dahilan at nasa basurahan ka ay iniuwi ka namin sa bahay at itinuring na parang tunay na anak," paliwanag ng kanyang inay kaya naman napatingin siya sa ginang na nagpakilalang tunay niyang ina.
"Bagong silang ka pa lang noon ng bigla kang mawala sa ospital. Isang linggo kaming naghahanap sa iyo, pero ang nakita namin ay ang taong dahilan ng pagkawala mo. Kalaban sa negosyo ang may dahilan. Hanggang ngayon ay nakakulong pa rin ang taong iyon. Hinanap ka namin anak. Pero hindi ka na namin nakita. Pero hanggang ngayon binabalikan pa namin ang lugar kung saan ka nawala, at kung saan ka huling nakita. Pero naging bigo talaga kami." wika ng tunay daw niyang ina.
"Paano po kayo nakakasigurado na ako ang nawawala ninyong anak?" tanong ni Angela na napatingin kay Dylan. Bigla siyang nalungkot sa kaalamang magiging anak siya ng ginang na siyang ina ni Dylan.
"DNA test anak," sagot ng nagpakilalang tunay niyang ama. "Nang makita ni Dylan ang litrato ng mommy mo noong kasing edad pa lang siya noon ay naikwento ni Dylan sa amin na kamukhang kamukha ka ni Angie. Dahil desperado kaming malaman kung tama ang hinala namin ay palihim na kumuha ng para sa DNA sample si Dylan sayo. Tapos ay ipinadala sa amin sa ibang bansa. Paternity test ang ipinagawa namin at 99.99% accuracy. Positive. Anak ka namin." paliwanag ng nagpakilalang daddy niya.
"Hindi po ako pwedeng sumama sa inyo. Kung hindi po ang inay at itay ang mga magulang ko. Hindi ko po sila pwedeng iwan ng basta na lang." malungkot na sambit ni Angela, pero napansin niya ang pag-iling ng mag-asawa.
"Hindi mo naman kailangan na malayo sa kanila. Kasi nakausap na namin ang kinalakihan mong mga magulang na sasama kayong lahat sa amin at sa bahay na kayo titira. Malaki ang bahay natin anak para sa inay at itay mo. Magkakasya tayong lahat doon." ani ng mommy niya, na ngayon ay napapansin niyang naiiyak. Pero nandoon ang kislap sa mga mata na sobra itong nagagalak na makita siya.
Napasulyap din naman siya sa kinalakihang mga magulang. Dahil bilang isang ampon, sobrang swerte niya sa inay at itay niya na hindi man lang niya naramdaman na hindi siya kadugo ng mga ito. Bilang isang anak, iyon ang tatanawin niyang malaking utang na loob sa mga ito, habang buhay.
Napatingin naman siyang muli kay Dylan. Mula ng unang beses niyang makita ang binata ay nagkagusto na agad siya dito. Pero mali pala ang kanyang nararamdaman dahil hindi naman pala sila pwede.
Malungkot siyang napatungo dahil sa kahihiyang nararamdaman. Noon hindi sila bagay dahil mahirap lang siya at mayaman ito. Ngayon hindi pa rin sila pwede dahil iisa pala ang kanilang mga magulang.
"Anak, hindi ka ba masaya na makilala kami?" malambing na tanong ng kanyang tunay na ina.
"Ma-masaya po Mrs. Montener." Hindi niya natuloy ang sasabihin ng unahan siya ng ginang.
"Just mommy and daddy Angela. Please call me mommy and daddy to your father," dagdag agad ng ginang.
"Masaya po ako momny, daddy." aniya pero mababakas ang lungkot sa boses niya.
Ilang beses pang nahuli ng mag-asawa ang pagsulyap ni Angela kay Dylan na ikinangiti din ng mag-asawa.
"Wala ka bang sasabihin. Dylan? Anak? Baka naman gusto mo ng magsalita. Pakiramdam ko, kaya naman ayaw at parang napipilitan lang ang prinsesa natin dahil may hindi siya alam, tungkol sayo." may panunudyo pa sa boses ng daddy niya kaya naman napatingin si Angela dito tapos ay kay Dylan.
"I'm Dylan Montanez. Ibabalik ko na po ang apelyedo ko. Sabi po ninyo pagnakita na po ang anak ninyo kayo na ang bahala sa nga documents ko." baling ni Dylan sa mag-asawa na ikinatango ng mga ito sabay okay sign. Naguguluhan man si Angela pero pinili niyang manahimik.
"I'm an adopted son of your biological parents. Mula ng mawala ka, natagpuan naman nila akong pakalat-kalat sa lansangan. Kung hindi mo man nahahalata. Matanda ako sayo ng limang taon. Pero same lang tayo ng school year." natatawang paliwanag ni Dylan sa kanya.
Doon lang niya napag-alaman na matanda pala ito ng limang taon sa kanya habang ang tingin niya dito ay magkasing-edad lang sila.
"Kaya ayon. Inamin ko din sa mga magulang mo na gusto kita at mahal kita. Pero hindi ako nagmamadali. Kailangan ko munang may mapatunayan sa magulang mo na karapatan dapat ako sayo. Sa mommy at daddy mo. Sa inay at itay mo." sabay baling sa dalawang matanda.
"Maghihintay mo ba ako hanggang sa kaya ko ng ibigay ang mga bagay na dapat ibigay ko sayo. Pag kaya ko na pakakasalan na kita." paliwanag ni Dylan na ikinasiya ng puso ni Angela.
"Oo naman, maghihintay ako. I-ikaw lang iyong l-lalaking nagparamdam ng ganito sa puso ko," nahihiyang sambit ni Angela kaya naman nangiti na lang si Dylan.
Nilapitan naman ni Dylan si Angela at mahigpit na niyakap ang dalaga. Ipinadama pa niya ang buong pusong pagmamahal sa dalaga sa pamamagitan ng masuyong paghalik sa noo nito.
"Mahal kita Angela. Mahal na mahal," bulong pa sa kanya ng binata na ikinangiti niya.
"Mahal din kita, Dylan," masuyo niyang sagot na ikinangiti ng mga magulang niya at ng magulang niyang kumupkop sa kanya.
Hindi man naging madali ang buhay ni Angela, pero heto siya ngayon at hindi lang pala isa ang mga magulang niya kundi dalawa pa. Ang mommy at ang daddy niya at ang inay at itay niya.
Tapos ang lalaking unang nagpatibok ng puso niya at minamahal niya ay minamahal din siya. Wala na siyang mahihiling pa sa buhay. Dahil ang makasama ang mga taong nagmamahal sa kanya at minamahal niya ay sapat na para maging masaya.
Fantasies never happened in real life. But life is full of misery and fantasy.
She is Angela Cruz, a daughter of a Montener. A Lost daughter But Found.