3rd Person's POV;
"Mali ito..maling mali."bulong ng binatang si Jedal habang nakaupo sa isang couch kaharap ang isang portrait at sinasabunutan ang sarili.
"Mali...maling mali!"naiinis na sambit ng binata bago magsalin ng wine sa baso at walang kaano anong inumin ito.
"Ubos na?"walang ganang sambit ng lalaki bago pagewang gewang na tumayo para bumaba ng--.
"Ohmygod Jedal!nakakagulat ka."tili ng dalagang si Ivolyn ng masalabong niya ang binata sa hagdan.
"Teka lasing ka?"tanong ng dalaga bago amuyin ang binata na kinangiwi nito.
"Lasing kana Jedal bum--."
"A-Alex...I-Im sorry patawarin nk ako."naputol ang sasabihin ng dalaga ng yakapin ito ni Jedal ng mahigpit.
"P-Patawarin mo a-ako... Alex patawarin mo ako."
Ivolyn Rivas's POV;
Napahawak ako sa tapat ng puso ko ng makaramdam ako ng kirot...lalo na ng paulit ulit na sambitin ni Jedal ang pangalan ni Tita Alex.
"Sino ba siya?"bulong ko habang nakatingin kay Jedal na ngayon ay nakahiga sa kama.
"Bakit ako nasasaktan?"bulong ko tatayo na sana ako ng--.
"Ahh!"tili ko ng hilahin ako ni Jedal na dahilan para bumagsak ako sa malapad niyang dibdib at magkalapit ang mukha namin.
Kitang kita ko ang pagmulat ng mga berdeng mata ni Jedal na dahilan para mas lumakas pa ang kabog ng dibdib ko at mabingi ako sa lakas nito.
"A-Alex."ani nito na kinatayo ko ng ayos.
Hindi ko alam kung bakit pero parang may nga malalaki at mabigat na bagay ang dumagan sa dibdib ko...masakit.
---
"Goodmorning."bati ni Jedal pero hindi ko siya pinansin at lumapit na lang kay lola at humalik.
"Goodmorning lola."bati ko kay lola bago umupo sa tabi ni lola at kumain.
Tahimik lang akong kumakain at hindi pinansin ang mga tingin ni Jedal... ng matapos ako nagpaalam na ako kay lola para tumaas.
"Devil."tawag ni Jedal pero hindi ko siya pinansin at bubuksan ko na ang pinto ng isara niya ulit yun at pumunta sa harapan ko.
Hindi ko alam kung kung bakit pero naiinis ako sa presensya niya wala naman siyang ginagawa para asarin ako.
"Devil anong nangyayari sayo may sa--."ng hahawakan niya ako mabilis ko yung tinabig... bubuksan ko na yung pinto ng--.
"Ano ba?!"sigaw ko ng pihitin niya ako at isandal sa pinto na dahilan para mag skip ang paghinga ko dahil sa sobrang lapit ng mukha niya.
"Alam mong ayaw ko ng silent treatment diba?lalo na kung galing sayo."madilim ang anyong sambit niya na kinatigil ko.
Galit ba siya dahil hindi ko siya pinapansin?Pero bakit?
"Ayaw mo nun tahimik ka?lumay--."
Napapikit ako ng madiin ng malakas niyang suntukin ang pintuan sa gilid ko.
"Maikli ang pasensya ko Ivolyn anong nagawa ko at nagkakaganyan ka?"malamig na tanong niya na kinamulat ko.
Kita ko ang inis sa mga mata niya siya pa naiinis kapal ng muk--.
Napatigil ako ng bumuntong hininga siya at kuhanin ang kamay ko bago may isuot na kung ano.
Nang tingnan ko yun hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nun.
"A-Akin ito?"tanong ko bago iangat ang kamay ko bracelate yun na gawa sa tela ang ganda... hand craft.
"Nakita ko yan sa bayan binili ko...alam ko kasing allergic ka sa kahit anong accessories kaya ganyan ang binili ko."ani ni Jedal na kinakinang ng mata ko.
"Ang gan--teka pano mo nalamang allergic ako?sina mama nga hindi alam n--."
"Nung araw na birthday mo sinuutan ka ni Kuya Isaac ng necklace napansin kong kamot ka ng kamot sa leeg mo at namumula kaya nalaman ko."putol niya na kinatigil ko.
Kung tama ako nung time na yun lagi niyang kabuntot si ate Ielle kaya iritang irita ako ibig sabihin lagi siyang--.
"Wag kang assuming hindi ako palaging nakatingin sayo nun."ani niya na dahilan para lumipad sa mukha niya ang hawak kong tuwalya na kinatawa niya.
"Gago!wala akong s-sinabi!"bulyaw ko sakanya na mas lalong kinatawa niya bwisit.
"Magbihis kana gagala tayo sa Rancho."ani ni Jedal bago natatawang tumalikod pero bago siya makababa--.
"Jedal."tawag ko na kinalingon niya.
"Salamat ah."ani ko pero hindi siya umimik at tinaas lang nito ang kaliwang kamay at balewalang winagayway yun habang nakatalikod at bumaba.