3rd Person's POV;
[Makalipas ang dalawang araw]
"Ielle iha."napatingin sina Ivolyn at Jedal sa pinto ng pumasok ang dalagang si Ielle na may dalang maleta.
"Lola!namis ko po kayo la."bungad ng dalaga bago halikan sa pisngi ang lolahin.
"Hindi ka nagsabi na darating ka sana nagpahanda pa ako ng pagka--."
"Okay lang po lola busog pa din naman ako."putol ni Ielle bago tingnan ang binatang si Jedal na kaharap ni Ivolyn na nagtatanim sa garden.
"Jedal...andito pala kayo."ani ni Ielle na kinairap sa kawalan ng dalaga.
"If I know si Jedal talaga ang pinunta nan dito."bulong ng dalaga na kinatingin ng binata sa kaharap.
Dahil sa busy ang dalagang si Ivolyn sa pagmurder sa lupa hindi nito nakita ang pagtaas ng gilid ng labi ng binata para pigilan ang ngiti nito.
"Ahh pasensya na hindi ko na sinabi kung saan ako pupunta...nagmamadali kasi ako nun."ani ni Jedal bago iangat ang tingin sa dalagang papalapit sakanila.
"Eh ikaw...napaaga yata ang bakasyon mo kapati--."
"Pake mo ba?"putol ng dalaga bago tumayo at pumasok sa kubo.
"Pasensya na Jedal basto--."
"Sanay na ako sa kapatid mo."nakangiting putol ni Jedal bago patuloy na maghukay.
"Tulungan na kita."pagpiprisinta ng dalaga na kinaangat ng tingin ng binata.
"Mahaba ang kuko mo...at naka mini skirt ka wag na lang kaya ko na ito."tanggi ng binata habang nakangiti at pinagpatuloy na ang ginagawa.
---
"Manong Lando!patry!"tili ni Ivolyn bago habulin si Mang Lando na nagsasaka.
"Eww kadiri."komento ni Ielle ng makita ang paglusong ng kapatid sa putikan... ng tingnan niya si Jedal sa tabi niya nakita niya itong matamang nakatingin sa dalaga na kinalukot ng mukha ng dalagang si Ielle.
"Naku Senyorita madudumihan ka nanaman."komento ni Manong Lando ng makitang hinihila ni Ivolyn ang tali ng kalabaw.
Ivolyn Rivas's POV;
Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng hilo habang papauwi kami.
"Okay ka lang?"napatingin ako kay Jedal ng nasa harap ko na siya at si ate...na nasa gate ng Hacienda at masamang nakatingin saamin.
"Okay lang ako...bumalik kana kay ate baka masunog tayo pag lumabas ang sungay ng santa santita kong kapatid."ani ko bago siya lampasan at pumasok sa kabilang gate kung saan papuntang garden.
Napamura ako sa isipan ko ng nagdilim ng ilang segundo ang paningin ko tutumba ako ng--.
"f**k!"rinig kong mura ni Jedal ng saluhin niya ako bago bumagsak.
"Ang init mo bakit hindi ka nagsasabi?"naiinis na tanong nito bago ako ipangko at buhatin papasok ng mansyon.
Pinikit ko ng madiin ang mga mata ko ng makaramdam ako ng sobrang pagkahilo hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili kong natutulog.
Someone's POV;
"Boss..pinatatawa--."
"May ipapatrabaho ako sayo."putol ko sa tauhan ko habang iinikot ikot ang kopitang hawak ko.
"Kunin mo ang envelop nasa loob nan ang paunang bayad at ang litrato ng mga taong ipapatrabaho ko...kailangan ko sila buhay man o...patay."ani ko habang nakangising nakatingin sa malawak kong lupain.