Ivolyn Rivas's POV;
Nang makuha ni Jedal kung ano man yung dala niya nagyaya na siyang umuwi.
Anong oras na ba?mukhang gagabihin pa kami sa daan pero okay lang mukhang safe naman dito.
Nang medyo nangangalahati na kami papauwi medyo sumasakit na hita ko.
"Devil."napaangat ako ng tingin ng tawagin ako ni Jedal na ilang hakbang lang ang layo sakin.
"Masakit na paa mo?"tanong ni Jedal na kinairap ko lang sa kawalan.
Kunwari pang concern ni kanina pa nga ako hindi kinakausap nito.
"Hindi...hindi masakit paa ko."pagsisinungaling ko na kinatango niya lang bago maglakad ulit.
Arghhh!kagigil kung pwede ko lang hubarin ang sapatos ko at ibato sa ulo ng gwapong nilalang na nasa harap ko eh.
Dahil sa mukhang hindi nanaman sang ayon ang langit sa iniisip ko sa alien na yun at dahil na din sa katangahan ko natalisod ako.
"Aww!"daing ko ng makaramdam ako ng hapdi sa palad ko dahil nakapajama ako walang galos ang tuhod ko pero yung palad ko ang hapdi huhu.
"Ang kulit naman kasi ano bang iniisip mo?"napatingin ako kay Jedal ng lumuhod siya sa harap ko at buhusan ng tubig ang kamay ko na kinangiwi ko dahil sa sobrang hapdi.
"Sumakay kana sa likod ko."ani niya bago umikot at tumakikod.
Nang hindi ako gumalaw kinuha niya ang mga kamay ko at pinatong niya sa balikat niya bago tumayo na dahilan para mapakapit ako sakanya ng mahigpit.
"Piggy back ride?seriously Jedal ano ako bata?"ani ko pero mas hinigpitan ko ang yakap ko sakanya at sumiksik sa leeg niya.
Ang bango kahit pawisan.. pati pawis niya amoy pabango?haist.
"Nasaan pala yung pusa mo at mga dala mo kanina?"tanong ko na kinabuga niya ng hangin.
"Masyado ka kasing occupied kanina kaya hindi mo nakitang sinakay ko si Kira at yung mga dala ko sa tricycle."sagot niya na kinalaki ng mata ko.
"May Tricycle?!eh bakit naglalak--."
"Tinatawag kita kanina tuloy tuloy ka sa paglabas ng bayan tss."putol niya na kinasimangot ko ganun ba ako ka lutang at hindi ko napansin yun?
"Tumingin ka sa langit Devil.'ani ni Jedal na kinatingin ko.
"Wow"react ko ng makitang ang daming stars as in parang ang lapit ko lang sa mga yun.
"A-Ang dami."tinaas ko ang kamay ko na para talagang maabot ko yun.
"Nung bata ako hilig ko nung itrace ang mukha ng mga taong naalala ko gamit ang mga bituin na yan."ani ni Jedal na kinatingin ko.
"Seriously?pano yun?"tanong ko.
---
"Gago!hahaha"tawa ako ng tawa hanggang sa makapasok kami ng Hacienda wala kasi kaming ginawa ni Jedal sa daan kundi magkwentuhan at asaran hindi ko tuloy napansing nasa Hacienda na kami.
"Mukhang nag enjoy kayo sa bayan ginabi na kayo."ani ni lola ng ibaba ako ni Jedal sa sofa.
"Anong nangyari sayo iha?"nag aalalang tanong ni lola ng itulak ni yaya ang wheel chair niya palapit sakin.
"Nadapa po kasi ako lola tiyaka sumakit na hita ko."ani ko ng kuhanin ni lola ang kamay ko.
"Ikaw talagang bata ka hindi ka marunong mag ingat."sermon ni lola na kinakamot ko sa pisngi.
--
"Ito ba si tita Alex?"tanong ko sa sarili ko ng makakita ako ng isang napakalaking portrait sa third floor ng Hacienda.
"Ang ganda niya."bulong ko ng makita yun malapitan katulad ko may pula ding itong buhok...tama nga sila kahawig ko si tita Alex.
Pero si papa mukha ng binata dito habang si tita Alex napakabata pa mukhang nasa walong taong gulang palang ito.
"Malaki pala ang tanda ni papa kay Tita Alex."
"Kanina pa kita hinahanap yung sugat mo."napalingon ako kay Jedal ng nakapamulsang lumapit ito sakin.
"Ang ganda ni Tita Alex."ani ko na kinatigil ni Jedal bago umiwas ng tingin.
"Tara na bumaba na tayo gagamutin ko na yang sugat mo."yaya ni Jedal bago tumalikod at dahan dahang naglakad palayo.