03

446 Words
Chapter 3 Ivolyn Rivas's POV; "Ano masakit pa ulo mo?"nakangising bungad ni Jedal habang nakatulala akong nakatingin sakanya. "A-Anong ginagawa mo dito?"tanong ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa pwesto niya. "Siya ang bagong adviser niyo...dahil nagresign ang teacher na pinahiya mo sa buong campus."sagot ni ate Ielle na kinagulantang ko ng sobra. Prof?itong asungot na ito? "No way!magiging prof namin ito?!eh mukhang kasing edar--." "For your information Ms.Rivas sa edad na 21 natapos ko na ang degree bilang isang college prof sa america lahat ng subject nakuha ko na kaya wag ka ng magtaka kung maging prof man ako."ani niya habang nakangising hinihimas ang alaga nitong pusa. "Tinatanong ko?!tinatanong ko?!sinong may sabing pwede kang maging prof dito?at aa tingin mo magtataga--." "Try me devil...pero siguraduhin mo lang na pag hinamon mo ako makakapasa ka sa subject ko dahil kahit pamangkin kita ihuhulog kita."nakangising sambit nito bago ako lampasan na kinayukom ko ng kamao. Peste peste!! --- Napatakip ako sa tenga ng halos lahat ng estudyanteng daanan ko puro si Jedal na lang ang lumalabas sa mabaho nilang bibig. Keso gwapo,matalino,malaki ang katawan,cute blahblah. Tangna asan ang gwapo dun?mukha yung mutant na may green na mata normal pa ba yun?isama mo pa ang creepy ng pusa na lagi niyang dala nakakasura. "Gurl yang nguso mo natatapakan ko nanaman..bakit ba humahaba nanaman yang nguso mo?"tanong ni Erica habang kumakain kami sa canteen. "Peste kasi yang Jedal na yan sa dami ng school na papasukan dito pa...if I know nagpapansin nanaman yun kay ate."nanggigil na sambit ko habang kumakain. "Ow yun ba yung super duper yummy mong uncl--." "Hindi ko uncle yun kinakapatid lang ni papa duhh self proclaimed siya wala kaming kalahing alien!"putol ko kay Erica na kinalaki ng mata niya. 3rd person's POV; Mula umaga hanggang sa matapos ang klase hindi mawala ang inis ng dalaga lalo na ng ipahiya ng binata ang dalaga sa klase. "Grabe ka gurl ganyan ka ba kagalit sa uncle mo...alien ka diyan ang gwapo kaya ng uncle mo green eyes pa kahit nga mga prof nating babae naglalaway sa tito mo tapos ikaw lalait---." "Kyaaah ohmygod si Prof." "Waah!kung ganyan lang kagwapo magiging asawa ko hindi na ako mag aaral magpapaanak na lang ako kahit ilang dosena pa." Napahawak ng madiin ang dalaga sa hawak nitong tinidor habang nakatingin sa kaharap nitong pader. "Wala na bang nakakabwisit sa araw na ito?"naiinis na sambit ng dalaga bago lumingon sa bintana kung saan kitang kita ang binatang kausap ang kapatid na mas lalong kinagigil ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD