02

685 Words
Chapter 2 3rd Person's POV; "Kuya Isaac andito ako para magbakasyon hindi para magbabysit ng spoildbrat mong anak."ani ng binata bago magsalin ng tubig sa isang baso. "Jedal sige nanaman nag aalala na ako...18 years old na ang anak ko at--." "Kuya hindi mo nga mapatino yun ako pa."putol ng binata bago uminom ng tubig na kinakamot sa pisngi ng lalaki. "Pag napatino mo si Ivolyn sayo ko na siya ipapakas--." "*cough*cough*."sunod sunod ang ubo ng binata habang masamang nakatingin sa nakakatandang kapatid na pangisi ngising nakatingin sakanya. "Wtf kuya anong pinagsasabi mo nababaliw kana ba?!"naiiritang tanong ng binata na kinahalakhak ng kuyahin. "Sayo lang naman kasi ako may tiwala para sa anak ko...kaya sige na Jedal tulungan mo na kami habang nagbabakasyon ka dito ikaw na muna bahala kay Ivolyn."ani ng lalaki na kinabuga ng hangin ng binata. "Ano bang gagawin ko?" Ivolyn Rivas's POV; "Ay gurl bongga lunes na lunes pang biyernes santo yang mukha mo."bungad ni Gia pagkaupo niya sa tabi ko. "Sina mama kasi wala ng ginawa kundi sermonan ako at ikumpara kay Ate Ielle...nakakainis."ani ko habang naiinis ginuray guray ang sketch pad ko. "Ikaw naman kasi kung anong pinagbabawal sayo yun ang ginagawa mo...tiyaka kahit ako nagdududa kung Rivas ka ba talaga eh...ang bait bait ng mama at ate mo malapit na nga silang maging santa tapos yung papa mo naman kilala bilang magkawang gawa..tapos ik--." "Teka nga kaibigan ba talaga kita?!"sigaw ko na kinangiwi niya. "Oo naman siyempre sinasabi ko lang noh duhh."sagot niya na kinairap ko. "Anyway nagtext si James... bar daw tayo mamaya G ka?"tanong ni Erica habang nagtataas baba ang kilay. "Sige game ako nasstress na din naman ako sa bahay lagi na lang ako ang pinagiinitan nila."sagot ko habang tinitingnan ang mga kaklase kong mga mukhang tinga at walang ginawa kundi pagchismisan ako. --- "Shot!shot!"sigaw nina James habang nagsasalin ng alak sa baso ko. Kaya natatawa ko na lang yung dinampot inistraight ang inom...nang medyo nahihilo na ako tumayo na ako para pumunta sa dance floor. "Sayaw muna ako."paalam ko habang pilit na tinutuwid ang lakad ko nakailang shot din ako kaya medyo hilo na talaga ako. Hindi pa ako nakakarating ng dance floor may humahara na sakin para makipag sayaw...sabagay sino ba namang lalaki ang hindi maakit sa alindog ng isang Ivolyn Rivas. 3rd Person's POV; "Nice."bulong ng binata ng matanaw niya mula sa kinauupuan niya ang babaeng pinoproblema ng buong angkan niya. "Tama nga si kuya."bulong ng binata habang pailing iling na ininom ang beer na hawak at pilit na iniiwasan ang mga babaeng nakapalibot sa table niya. "Excuse me."ani ng lalaki bago tumayo at pumunta sa dance floor na kinatigil ng mga babaeng nagsasayaw. "Sayaw pa!"sigaw ng dalaga sa gitna ng mga lalaking kasalukuyang nakikipagsayaw sa dalagang nagwawala sa dance floor. "Tabi."ani ng binata bago itulak ang mga lalaking nakikipagsayaw sa dalaga. "Hoy teka lang!amin na yan maghana--."napaatras ang lalaking humawak sa binata ng tingnan siya nito ng masama. "Back off."malamig na sambit ng binata bago lumuhod at walang kaano anong sinukbit ang dalaga na parang isang sakong bigas. "Hoy!bitawan mo ako!*hik."sigaw ng dalaga habang pinaghahampas ang likod ng binata na kasalukuyang nagbubuhat sakanya. "Nahihiyo ako!walang hiy--*hik*bitaw!!"ani ng dalaga bago hawakan ang bibig ng makaramdam siya ng pagsusuka. Nang maibaba siya ng binata sa parking lot agad na sumuka ang babae na kinangiwi ng binata. "Hoy pakielamerong lalaki*hik*sino ka ba?!"tanong ng dalaga habang pinupunasan ang bibig niya gamit ang likod ng palad. Dahil madilim ang parking lot at nasa madilim silang pwesto hindi gaanong maaninag ng dalaga ang lalaki dagdag pa nito ang pagkahilo niya. "Umuwi kana dev--s**t!"mura ng binata ng masuka ito sa suot niyang jacket. "Ow sorry hihi."ani ng dalaga na kinalukot ng mukha ng binata. "You will pay for this Devil."giit ng binata ng masalo niya ito ng matumba na ito dahil sa sobrang kalasingan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD