04

372 Words
Chapter 4 3rd Person's POV; "Ang daya talo nanaman ako."reklamo ng batang babae habang nakangusong nakatingin sa chess board. "Lunch na siguradong hahanapin kana ng mama mo."ani ng batang lalaki bago tumayo. "Isa pa Jedal please is--." "No kumain ka muna."putol ng llabatang lalaki na kinanguso ng batang babae. --- "Ano kami bata para paglaruin mo kami ng chess game?"naasar na tanong ng dalagang si Ivolyn habang nakaturo sa mga chess board na nasa table. "Bata?sinong marunong dito magchess?"tanong ng binata habang nakatingin sa mga estudyante na nanahimik hanggang sa dumako ang tingin nito sa dalagang nakatayo. "Ikaw Ms.Rivas?sa panong paraan ka nagdevelop?at sa edad na 18 hindi ka marunong magchess hindi ka ba dumaan sa pagkabata?"tanong ng binata na kinatawa ng buong klase na kinapula ng dalaga aa inis. "At sinong may sabing hindi ako marunong!"bulyaw ng dalaga na kinangisi ng binata. "So?marunong si Ms.Rivas palakpakan naman natin siya."ani mg binata na parang nangaasar na pumalakpak na mas kinainit ng bunbunan ng dalaga. "Dahil si Ms.Rivas lang ang marunong mag chess bakit hindi mo idemo kung pano maglaro para hindi ko na sila paglaruin nitong sabi mong pangbata."ani ng binata na kinalunok ng dalaga. --- "PFT HAHAHAHA!"halos mahulog katatawa ang kaibigan nitong si Erica ng makarating sila sa tambayan nila at matapos ang klase dahil sa nangyari kanina. "Haha ang epic nun girl!para kang ginisa sa sarili mong mantika!...bumaliktad yata ang nangyari kanina ikaw napahiya hahaha!"ani ng dalaga na mas kinagigil ng dalagang si Ivolyn bago pabalibag na umupo sa upuang kawayan. "Makakaganti din ako akala niya ah!" "At ano naman ang gagawin mo?"tanong ni Erica na kinangisi ng dalaga bago tumingin sa field. "Isang bagay na siguradong akong ikaiinit ng ulo niya."ani ng dalaga bago humagikhik na kinalunok ng dalagang kaharap. ---- "*sob*Jedal*sob*Jedal." Kasunod ng sunod sunod ng pagputok ng baril ang pagbalikwas ng binata mula sa kinahihigaan at pawisang tumingin sa paligid. "Panaginip...panaginip."bulong ng binata bago sabunutan ang sarili habang nakaupo sa gilid ng kama. 'Wala kang kasalanan Jedal.' 'Wala kang kasalanan Jedal." Naiyukom ng binata ang kamao habang nakasubsob ito sa pagitan ng mga tuhod. "Pano ako matatahimik kung ang mga putanginang yun buhay pa."bulong ng binata bago iangat ang tingin nito sa litaratong nasa harapan ng kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD