05

804 Words
Chapter 5 3rd Person's POV; "Anong ginagawa mo dito?!"singhal ng dalaga ng makita ang binatang nakahiga sa sofa habang ang mga gamit nito sa pinto. "Yan ba ang gising ng matinong babae?"tanong ng binata bago bumangon at ni head to toe ang dalaga na dahilan para takpan nito ang dibdib ng maalalang wala itong suot na bra. "M-Manyak!"sigaw ng dalaga ng makitang pag ngisi ng binata. "Kasalanan ko bang bumaba ka ng ganyan ang suot mo?"tanong ng binata na dahilan para mabato ito ng unan. "Ano bang ginagawa mo sa condo ko manyak!isusumbong talaga kita kay dad--." "For your information Ms.Rivas ang daddy mo pa mismo ang nagpapunta sakin dito para bantayan ka."putol ng binata na dahilan para manlaki ang mata nito. "No way!lilipat ako ng con--. "Sorry Ms.Rivas pero nakabond kana sa hotel or condo sa buong pilipinas."nakangising putol ng binata bago iwagayway ang hawak nitong phone. "Isusumbong talaga kita kay daddy kala mo!"pagmamaktol ng dalaga bago tumakbo sa harap ng telepono. --- "What?!no way daddy!dalaga na ako tapos--." "Hindi kita type dont worry."napatingin ang dalaga sa lalaking pretenteng nakaupo sa sofa habang nakangisi. ['Iha nag aalala lang ako safe--.'] "Hindi ka nakakatulong!"bulyaw ng dalaga sa telepono bago ito padabog na ibaba. Haharap na siya sa lalaki ng--. "Isa pang ulitin mo yun ako na ang babali sa leeg mo."napasinghap ang dalaga ng hilahin siya ng binata at walang kaano anong binalya sa pader na dahilan para manginig ang dalaga sa takot lalo na ng makita nito ang nagdidilim na anyo ng binata. "Kung hindi mo kayang irespeto ang sarili mo at ang mga magulang mo sa tingin mo dapat ka din bang respetuhin ng ibang tao?"dagdag ng binata bago yumuko at ilapit ang mukha sa dalagang ngayon ay naiiyak. "Ni minsan hindi ginanyan ni kuya Isaac ang mga magulang niya...kanino ka ba nagman--." "Wag kang mangialam!dahil wala kang alam!"bulyaw ng dalaga bago tabigin ang binata at tumakbo pataas habang umiiyak. Ivolyn Rivas's POV; Wala silang alam..wala... lahat sila ganun tumingin sakin lahat sila..*sob* bakit ba lagi na lang ako ang masama?...wala na akong ginawang maganda...*sob*. Patuloy lang ako sa pagiyak hanggang sa nakatulog na lang ako. "Devil...Devil."nagising ako ng may tumapik tapik sa pisngi ko. Pagmulat ko ng mata nasa lubong ko ang magkahalong berde at abong mga mata. "Jedal."paos na sambit ko na kinabuga niya ng hangin. "Gabi na hindi ka pa naghihilamos natulog kana."ani niya pero ng maalala kong galit ako sakanya tumagilid na lang ako at pumikit. "Devil gumising ka nga diyan haist."ng maramdaman kong tumayo na siya minulat ko ang mga mata ko at umirap sa kawalan. Kunwari pa siyang concern naguguilty lang kamo siya sa ginawa niya. Matutulog na sana ako ulit ng may maramdaman akong dumadampi sa pisngi ko na malamig. "Anong ginagawa mo?"tanong ko ng pagmulat ko ng mata nakita ko si Jedal na may hawak na towel at pinupunasan ang pisngi ko. "Hindi ba halata?pinupunasan ko ang mukha mo."pambabara niya na kinaayos ko ng hihiga tatagilid ako sa kabila ng ipangko niya ako na dahilan para mapasinghap ako ng makitang sobra ng magkalapit namin na dahilan para kumabog ng sobra ang puso ko. "L-Lumay--."imbis lumayo umayos siya ng upo sa uluhan ko at sinandal niya ako sa dibdib niya habang pinupunasan ang pisngi ko. "Mahal na mahal ka ng papa mo Devil at ayaw niyang mapahamak ka dahil sa katigasan ng ulo mo."panimula niya habang dahan dahang pinupunasan ang pisngi ko. "Gusto ng papa mo maituwid ang da--." "Ang bilis niyong ijudge ako dahil sa ganito ako...bakit kayo ganyan lahat kayo tingin niyo sakin masamang tao...maliligaw ng landas dahil sa ganito ako? ang dali niyong ijudge ang isang tao dahil sa nakikita niyong ganit--." "Not me."putol niya na kinaangat ko ng tingin. "Mas gusto ko pa ang ganyang ugali dahil labas...alam ko na agad ang ugali mo sa unang tingin palang...hindi katulad ng ibang tao na nasa loob ang kulo."dagdag niya bago salubungin ang tingin ko. "Hindi ikaw yung tipong mahilig mag tago kung ayaw mo sa isang tao sinasabi mo ng harap harapan...yan din yung reason bakit nag aalala ang daddy at mommy mo sayo..dahil nakikita nila ang ugali mo at gusto nilang itama ang ginagawa mo."ani niya na kinaiwas ko ng tingin. "Matulog kana..pag nagugutom ka kumain kana lang sa baba nagluto ako."ani niya bago ako iayos ng higa at tumayo para lumabas na ng kwarto. "Jedal."tawag ko bago niya mabuksan ang pinto. "What is it?"tanong niya ng lumingon siya sa gawi ko. Ibubuka ko na ang bibig ko ng bumuntong hininga na lang ako at itikom yun. "Wala goodnyt."ani ko bago tumagilid paharap sa bintana. "Sleepwell devil."ani niya bago ko marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto. "Bakit feeling ko ang init ng pisngi ko...at bakit ang bilis ng t***k ng puso ko?"bulong ko habang hawak ang tapat ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD