06

498 Words
Chapter 6 3rd Person's POV; "Arggh!bwisit talaga."naiinis na,sambit ng dalaga habang buhat buhat ang tambak na test papers sa isang kahon. "Ginigigil talaga ako ng alien na yun."ani ng dalaga habang papaakyat ng hagdan. "Kotang kota na talaga sakin ang impaktong yun konti na lang talaga."nanggigil na sambit ng dalaga bago malakas na sipain ang pinto. Handa na sana siyang bulyawan ang lalaki ng mabitin sa ere ang sasabihin nito ng makitang wala dun ang binata at tanging pusa lang nito na si Kira ang nasa table. "Alam ko na kung pano ako makakaganti sayo."nakangising bulong ng dalaga habang nakatingin sa pusa. --- "Jedal salamat talaga sa pagtulo--." "Tsk parehong pareho talaga kayo ng kapatid mo hindi kayo marunong tumawag ng uncle sakin."putol ng binata ng makatapat sila sa pinto ng opisina nito. Imbis sumagot ngumiti na lang ng pilit ang dalagang si Ielle. "Nagawa ko na pala yung mga record kahapon kunin ko lang sa loob."ani ng binata bago buksan ang pinto. "Jedal may gusto sana akong sabihin sayo...alam kong mali pero gus---." "Wtf!Kira anong nangyari sayo?!"naputol ang sasabihin ng dalaga ng makitang pumasok ang lalaki sa loob at nilapitan ang pink na pusa na may mga ribbon sa balahibo. "Ivolyn Rivas!"naiinis na sambit ng binata bago lumabas ulit at parang hangin na dinaanan ang dalaga na nanatiling nakatingin sa likuran ng binata. "Ivolyn..palagi na lang Ivolyn." Ivolyn Rivas's POV; "Wow bago ito gurl ah nakangiti ka anong nangyari?"komento ni Erica ng masalubong niya ako na papasok sa class room. "May nagawa kasi akong nakakatuwa."parang timang na tatawa tawa itong pumasok sa class room. "Ano naman yun kwen--." "Ivolyn Rivas!"napangiwi ang dalagang si Ivolyn ng makita ang lukot na mukha ng binatang papasok. "Tss kahit kailan napaka unfair ng mundo bakit ganun..kahit galit ang impaktong ito gwapo pa din."balewalang bulong ng dalaga habang nakatingin sa binatang papalapit sakanya. "Anong ginawa mo kay Kira?!"halos umusok ang ilong ng binata bago hablutin ang dalaga sa braso na kinangiwi ng dalaga hindi dahil sa mahigpit ang hawak ng binata...kundi dahil sa hapdi ng sugat na nakuha nito ng kalmutin ang dalaga ng pusa. "Anong nangyari dito?"tanong ng binata ng makita ang kalmot sa kamay ng dalaga. "Yung pus--."bago pa matapos ang sasabihin ng dalaga hinila na ito ng binata palabad ng classroom. "H-Hoy!anong gagawin mo sakin?!dont tell me isasalvage mo ako dahil lang s--." "Dadalhin kita sa clinic."sagot ng binata na kinatikom ng bibig ng dalaga. "Nasasaktan ka sa sarili mong kalokohan pano pag nainfection yan ha?"ani ng binata na kinatahamik ng dalaga. Ivolyn Rivas's POV; "Nasasaktan ka sa sarili mong kalokohan pano pag nainfection yan ha?"naiinis na tanong ni Jedal na kinatahimik ko. Hindi ko alam kung bakit...pero mas natutuwa pa ako sa ganito kaysa dun sa ginawa kong pag ganti sakanya at pagkulay ng pink sa pusa niyang si Kira. Concern?...ang pakiramdam na ito ngayon ko lang naramdamang may taong tunay na concern sakin... sa buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman na may taong ayaw nasasaktan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD