Chapter 7
3rd Person's POV;
Nakatingin ang binatang si Jedal sa isang full size mirror habang walang pangitaas at hawak ang gilid ng leeg kung saan may tattoo na number 11 sa loob ng korona.
"Anong ginagawa mo Jedal?"tanong ng binatang nakasandal sa gilid ng pinto na may kulay abong mga mata.
"Hindi pa ba sapat ang sumpang nakakabit sa pangalan natin at kailangan pa natin ng palatandaan?"tanong binata bago tanggalin ang kamay nito sa leeg at tingnan ang salamin kung saan kitang kita ang kuyahing nakasandal sa gilid ng pinto.
"Yan lang ang patunay na kahit kailan hindi tayo magkakaroon ng normal na buhay...dahil isa tayong Aragon."ani ng binata bago umayos ng tumayo at matamang tiningnan ang kapatid.
Ivolyn Rivas's POV;
Hindi umuwi ang kupal na yun?
"Teka pake ko ba?"naiinis na sambit ko bago pumasok ng kusina para magluto.
Sa edad na 15 nag aral na ako maging independent,naglalaba at nagluluto ako para sa sarili ko kahit may mga katulong kami..sa financial naman tanging condo ko lang binabayaran ni daddy at yung credit card na binigay niya ni minsan hindi ko ginamit pinaghihirapan ko ang kinakain ko araw araw...nagtatrabaho para sa mga luho ko.
"Hey Devil."napatingin ako sa pinto ng kusina ng pumasok si Jedal nakatshirt at jacket ito na hood and as usual may scarf nanaman itong suot na parang napakalamig sa pilipinas.
"Umuwi ka pa."ani ko bago tingnan ang niluluto ko na bacon.
"Anyway sama ka sakin."yaya ni Jedal na kinikibit balikat ko.
"May pasok ako...at ang isang mabuting estudyante dapat complete attend--."
"Kaya pala line of 7 ka...pumasok k--."
"Wag kang epal sinong may sabi sayong tingnan mo ang record ko ha?!"umuusok ang ilong na singhal ko kay Jedal na kinangisi niya.
"So?sasama ka?"tanong niya na kinairap ko.
"Si ate Ielle isama mo."naiinis na sagot ko bago ilagay yung niluto ko sa mesa.
"Kailangan ang ate mo sa school at sigurado akong hindi yun magugustuhan ng ate mo ang pupuntahan natin."sagot niya na kinatingin ko.
"Saan ba yan?"tanong ko pagkaupo niya sa dining table.
"Province..may pinaasikaso ang papa mo."sagot ni Jedal na kinakinang ng mata ko.
"Ohmygod!province!yes!sasama ako ngayon na ba?"tanong ko.
Jedal's POV;
"Ang tagal na din ng huli akong magbakasyon dito kyaah!"tuwang tuwa na sambit ni Devil habang halos idikit na nito ang mukha sa wind shield ng van at nakatingin sa malawak na palayan.
"Oo nga pala binilin ni kuya Isaac hindi ka pwedeng maglaro sa palayan o sumakay sa kalabaw dahil delik--."
"No way!huhuhu yun nga ang gusto ko Jedal naman eh."putol ni Devil habang nakasimangot na nakatingin sakin.
"Fine...pwede pero dapat kasama ako."ani ko na kinahaba ng nguso ni Devil.
"Hindi ko kailangan ng chaperon noh."sagot niya na kinailing ko na lang.
---
"Jedal!tingnan mo oh may cute na pusa akong nakita...may kasama kana dito pag wala ako."napaangat ako ng tingin ng pumasok si Alex na may dalang maliit na itim na pusa na may kulay gintong mga mata.
"Saan mo ito nakuha?"tanong ko bago kuhanin yun kay Alex.
"Hihi kunwari ito baby natin...baby Kira meet Daddy Jedal."napangiti ako ng makita ko ang pagkinang ng mata ni Alex habang yakap ang pusa.
--
"Naalala mo pa ba ang lugar na ito...Kira?"tanong ko kay Kira habang buhat siya at nakatingin sa loob ng attic.
*meow*
"Dito ka niya unang pinakilala sakin."bulong ko.