08

507 Words
Jedal's POV; "Dalaga na ang apo ko."naiiyak na komento ni mom bago yakapin si Devil na nakaluhod sa harap niya. "Lola kamusta po kayo?"tanong ni Devila bago sumagot ng yakap kay mom. "Ito ayos lang iha...ikaw?...nakuha mo ang buhok ng tita Alex mo napakaganda."komento ni mom na kinatigil ko. "Sinong alex lola?"tanong ni Devil na kinaiwas ko ng tingin. "Ivo lumabas ka muna mag uusap lang kami ng lola mo."utos ko kay Devil buti naman at wala itong reklamong lumabas. "Mom."ani ko bago lumapit kay mom at lumuhod sa harap nito dahil nakawheel chair ito niyakap ako ni mom sa leeg at marahang hinalikan ako sa noo katulad ng lagi niyang ginagawa ng bata pa ako. "Buti naman at naisipan mo ng bumalik dito...Jedal."ani ni mom na kinayuko ko. "Siguradong sobrang saya ngayon ni Alex dahil bumalik kan--." "Mom...kung pwede po sana wag natin ito iopen pag nandito si Ivolyn wala dapat siyang malaman tungkol kay Alex."putol ko kay mom na kinangiti nito. "Naiintindihan ko iho."nakangiting sambit ni mom bago ko siya yakapin ng mahigpit. Ivolyn Rivas's POV; "Kyaah!this is called 'life'" tili ko bago damhin ang sariwang hangin sa probinsya. Ang bango... ang tahimik... mygod. "Senyorito matagal na din mula ng magkita tayo."napatingin ako sa baba ng veranda ng makita ko si Jedal at isang lalaking mukhang kaedaran lang din ni Jedal. "Ngayon lang nagkaroon ng oras."sagot ni Jedal ng mapatingin sakin ang lalaki ngumiti lang ito at medyo yumuko na kinatingin sakin ni Jedal. "Kahawig niya si Senyorita Alex."napakunot ang noo ko ng marinig ko nanaman ang pangalan na yun. "Kamusta na pala ang alagang kabayo ni kuya Isaac?"tanong ni Jedal bago akbayan yung lalaki at naglakad palabas ng hacienda. --- "Hi lola."bati ko kay lola ng makita ko si Lola sa garden. "Ang apo ko."nakangiting bati ni lola ng lumapit ako sa pwesto niya mabilis akong umupo sa damuhan at humilig sa mga binti ni lola. "Okay ka lang apo?"tanong ni lola habang hinahaplos ng marahan ang buhok ko. "Lola...alam mo ba simula ng mawala ka...wala na akong kakampi sa mansyon lagi akong pinagagalitan nina daddy."parang batang sumbong ko kay lola na kinatawa nito ng mahina. "Pinagagalitan ka para malaman mong mali ang ginagawa mo."ani ni lola na kinanguso ko. "Lahat na lang kasi ng ginagawa ko mali sa paningin nila si ate Ielle na lang palagi ang tama sakanila."sagot ko na kinangiti ni lola "Ito tandaan mo iha mahal na mahal ka ng papa at mama mo...mahal ka namin...ayaw lang nilang lumaki ka na may baluktot na pag iisip."ani ni lola na kinakurap ko at kinaangat ng tingin. "Mahal na mahal ko din kayo lola."nakangiting sambit ko. Napatigil ako ng makita kong naluluhang tumingin si lola. "Siguradong proud na proud siya sayo."ani ni lola na kinakunot ng noo ko. "Sino po lola?"tanong ko na kinangiti ni lola bago punasan ang pisngi niya. "Wala apo...tara pasok tayo sa loob madaming bagong pitas na prutas sa kusina kainin natin."yaya ni lola na kinatango ko bago pangiti ngiting tumayo at tinulak ang wheel chair ni lola.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD